Rayne - pilosopotasya
1. You are a Wattpad story. What genre are you and why?
[Ikaw ay isang kuwento sa Wattpad. Ano ang iyong dyanra at bakit?]
-Horror dahil ang buhay ay nakakatakot. Chz. I think pinakasimple ang Slice of Life, tulad ng karamihan ng kwento na sinusulat ko. Dahil tulad ng genre na ito, ang buhay ko ay tahimik, magulo, makulit, may onting romance, at punong-puno ng lessons learned na bitbit ng iba't ibang ganap at iba't ibang tao sa paligid ko. Minsan may ibang genre din tulad ng mystery / thriller, may action pa nga. xD
2. Imagine yourself being written by a Wattpad Author, describe your love interest.
[ Isipin mong ikaw ay sinusulatan ng kuwento ng isang Wattpad Author. Ilarawan mo ang iyong love interest.]
-Ang love interest ko ay dapat confident, but not egotistic. He should be creative, passionate, mahal ang ginagawa sa buhay. I usually meet people na "ayaw ko na mag-work o sa work ko" at hindi ako relate doon, kaya mas gusto ko siguro makakilala ng lalaking bet niya ang ginagawa niya, tulad ko ng gusto ko rin ang ginagawa ko :D
Gusto ko ng matinong kausap at truthful. Pwedeng malandi kahit onti kasi wala akong kalandian sa katawan xD, but sana calming din siya, mas calm kaysa sa 'kin pls. Haha! Bet ko rin yong mapagbahagi siya ng pagmamahal niya sa passion niya sa iba. Like, people who teach, educate, and basta nagpa-pass it forward.
Magtatapos ang sagot ko rito sa — dapat pogi. at mayaman. at mafia lord. xD
3. What fictional world or place would you like to visit? Why?
[Anong fictional world o lugar ang gusto mong bisitahin? Bakit?]
-Somewhere magical, basta hindi horror o zombie apocalypse o survival thingy para di ako mamatay agad. Gusto ko happy-happy lang xD
4. What's something new you've learned about yourself in the last three months?
[Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang bago mong natutunan tungkol sa iyong sarili?]
-Alam kong iba ang hatak sa akin kapag may related sa mga anak na nasasaktan pero na-realize ko na sobrang laki talaga ng soft spot ko for it. Nanonood kasi kami koreanovela tapos nag iyakan na sila't lahat, lampake ako. Pero nung may point na pinagtanggol ng bidang babae yung bidang lalaki at sinabing "bakit hindi nyo siya inintindi noon? Bata pa siya nun! Bakit nyo jinudge agad?" grabe luha ko don. :<
Matanda na kasi yong bidang guy tapos na-judge siya nang malala. Yung girl, parang pinagtanggol yong "child inside him" na nakaranasan ning judgment.
Huhu.
5. If you could have a fictional Wattpad sidekick, what would it be? Why? (Someone you read from Wattpad or from a book)
[Kung bibigyan ka ng pagkakataong magkaroon ng isang Wattpad sidekick, ano o sino ito? Bakit? (Maaaring galing ito sa nabasa mo sa Wattpad o sa ibang libro)]
-Hmmm. Kung hindi ko magiging jowa yong mafia lord, gusto ko alagad ko siya. xD
6. Anong kasiyahan ang naidudulot sa iyo ng pagiging ambassador?
-Nakakatulong ako maka-discover ng mga manunulat ng romance.
Naaalala ko dati, kinilig ako nung nag-message sa akin ang RomancePH at chinika na kasama raw ang LS4N1 sa reading list nila for Rainbow Romance. Ngayon, kasama na ako sa naghahanap ng mailalagay sa RL, at marami na akong nakitang authors na masaya noong makakuha ang storirs nila ng romanceph badge (tapos ako nag-reco sa kanila. Hihi.)
7. Mayroon ka bang paboritong WattpadRomancePH activity/contest
-Hindi naman sa self support pero Mahalima Hanggang sa Huli contest. Pwera sa andaming sumali, siguro kasi parang "baby contest" ko siya? Mehe. Kilig lang siguro na na-pull off siya. :D
8. Kung mayroon kang gusto pang makita na aktibidad sa WattpadRomancePH ano iyon at bakit?
-How to Write Romance articles from Romance Authors.
What is Love and Romance articles from Non-Romance authors.
Pwera sa fiction, mahilig akong magbasa ng articles, kaya ganito rin siguro suggestion ko. I learn a lot from articles din kasi, so hopeful akong matuto rin ang iba sa Wattpad authors.
9. May payo ka ba sa mga manunulat na Pilipino na gusto ring subukang magsulat ng romance?
-Maniwala sa pagmamahal. Ano ang pag ibig para sa 'yo at ito ang isulat mo. Pero hindi ka dapat makulong sa isang definition dahil may kanya kanyang mukha ang pagmamahal at romansa, at mayroon tayong lifetime para i-discover ito.
10. Ikaw ay isang opisyal na tagapaghatid ng kilig. Ang tanong: kailan ka huling kinilig?
-When this guy whispered, "promise, hindi ako maa-attach sa 'yo" while half-asleep ang babae at hinihimas pisngi nito. Parang binulong para sa babae, pero parang pinapaalalahanan din ang sarili.
Oks lang naman sana, kung hindi ma-attach, dapat lang naman talaga. Pero iba siguro yong dating sa akin kapag may sinasabi yong tao, tapos pinipigilan niya sarili, pero nag-overflow yong feels niya kaya hindi niya mapigilan ang sarili na mas lumalim pa ang pagkagusto.
Ayun nga lang, pang kilig lang to. Hindi pang matagalan. Kasi delikado ang attachment issues. Mag-heal muna para hindi sobra ang attachment xD
Pero kung real life experience, NUNG KUMANTA SI BANG CHAN NG "IKAW" NI YENG CONSTANTINO. WINDANG AKO NUN. KILIG AKO. Worth it ang concert TT ^ TT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top