Qveen - iamQVEEN
1. You are a Wattpad story. What genre are you and why?
[Ikaw ay isang kuwento sa Wattpad. Ano ang iyong dyanra at bakit?]
Horror/ Suspense/ Thriller
-I've been writing Romance - Heavy drama for eternity and it has been a default genre whenever I am jotting down my feelings. It has been a frustration composing an effective chapter for a horror genre tho. Isa akong big fan ng kategoryang horror mapa-movies man o libro. Naniniwala ako na hindi lahat ng manunulat ay kayang maging isang efficient na story teller sa genre na ito. It takes an innate skill to be able to bring the terror in each of the person's imaginative faculty. Hindi lahat kayang isulat ang Horror at magawang manakot ng mambabasa. And perhaps Stephen King is going to write me.
2. Imagine yourself being written by a Wattpad Author, describe your love interest.
[ Isipin mong ikaw ay sinusulatan ng kuwento ng isang Wattpad Author. Ilarawan mo ang iyong love interest.]
-Kung ako ay isusulat ng isang Wattpad Author at ang aking love interest, I can imagine him becoming someone being loved by the readers too. If I can set specifics, siguro ang love interest ko ay simple lamang. Hindi mayaman, pero me pera. Pwede namang gwapo, me abs, nag-iigting ang panga, pero bonus na lang yan. Kind-hearted. Me takot ke God. Mahal ako. End of story.
However, isinusulat ko man ang mga following na characters na ito, hindi ko gugustuhin na ma-involved sa mga love interest na:
-Fck boi
-CEO na masungit
-Mafia God
-Lalaking feeling nagpapakilig 'pag manipulative
These are few toxic traits na sa reyalidad ay sakit sa ulo na tipo ng lalaki. Spare me.
3. What fictional world or place would you like to visit? Why?
[Anong fictional world o lugar ang gusto mong bisitahin? Bakit?]
-Asgard - Crush ko kase si Loki. Yiee. Sana i-crush back niya ako.
Rainbow Bridge - Gusto kong magkaroon ng free access para bisitahin ko yung mga fur babies ko na tumawid na dito kahit few hours lang, once a month.
4. What's something new you've learned about yourself in the last three months?
[Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang bago mong natutunan tungkol sa iyong sarili?]
-It wasn't something new, however, it became evident to me that I am not getting any younger anymore and I need more cash. LOL. Seriously, sa gitna ng pandemia, na-realize ko na mahalaga ang ipon, mahalaga ang more than enough na sweldo, na hindi dapat mag-settle sa minimum.
5. If you could have a fictional Wattpad sidekick, what would it be? Why? (Someone you read from Wattpad or from a book)
[Kung bibigyan ka ng pagkakataong magkaroon ng isang Wattpad sidekick, ano o sino ito? Bakit? (Maaaring galing ito sa nabasa mo sa Wattpad o sa ibang libro)]
-Rafa Armand. I wrote him. Utang niya sa akin ang maayos niyang love life at isa siyang CEO na may stout bank account. Ire-require ko siyang bayaran ako sa bawat successful na buhay pag-ibig ng mga kamag-anak niya tapos protected pa ako ng Mob Lord niyang kapatid.
6. Anong kasiyahan ang naidudulot sa iyo ng pagiging ambassador?
-Interaction. A place away from the corporate world. People. Discovering various stories.
7. Mayroon ka bang paboritong WattpadRomancePH activity/contest
-Probably yung mga prompts. Nagsisilabasan kase yung mga undiscovered Authors na magtataka ka na lang bakit hindi pa-publish ang mga gawa nila at kaunti ang followers.
8. Kung mayroon kang gusto pang makita na aktibidad sa WattpadRomancePH ano iyon at bakit?
-Team building. LOL. Nakaka-miss yung dati na able pa ang team na magkaroon ng gathering overnight.
9. May payo ka ba sa mga manunulat na Pilipino na gusto ring subukang magsulat ng romance?
-Read various books. Watch movies.
More importantly, 'wag ibase sa followers o comments ang success ng iyong akda. Be patient. Dadating din ang time na mare-recognize din ang iyong libro. Be consistent. Avoid hybernating. Isang araw makikita mo na lang na may mga regular readers ka na na sobrang demanding kase ang tagal mo ng hindi nag-a-update.
10. Ikaw ay isang opisyal na tagapaghatid ng kilig. Ang tanong: kailan ka huling kinilig?
-Now lang. I've realized may time na akong magsulat for a few, stolen days.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top