Josh - ZenRoxen_Boy
1. You are a Wattpad story. What genre are you and why?
[Ikaw ay isang kuwento sa Wattpad. Ano ang iyong dyanra at bakit?]
-Random? Not sure dito, hahaha! But Random kasi I am an uncertain person living in uncertainties. I don't have any things in particular, o depende na lang talaga sa mga nakakasalamuha ko. Puwede akong tahimik at awkward, then at the same time, makulit at hyper sa mga taong ka-close or ka-vibe ko.
2. Imagine yourself being written by a Wattpad Author, describe your love interest.
[ Isipin mong ikaw ay sinusulatan ng kuwento ng isang Wattpad Author. Ilarawan mo ang iyong love interest.]
-Ang love interest ko ay 'yong tao na polar opposite kami in terms sa ugali. Ako 'yong tipo na hindi showy sa nararamdaman kaya magandang love interest ko 'yong nagsha-shower ng love sa akin, hahahahaha! Inaamin kong medyo tsundere ako na nagmamasungit, pero deep inside, gusto magpalambing. Tapos 'yong laging go pa sa mga lakaran at anumang trip ko sa buhay. Gusto ko ring magkaroon ng love interest na supportive sa lahat ng ginagawa ko at saka laging mino-motivate ako.
3. What fictional world or place would you like to visit? Why?
[Anong fictional world o lugar ang gusto mong bisitahin? Bakit?]
-I don't have a specific answer, though. Pero gusto kong maging katulad ni Sora from Kingdom Hearts game na nakapupunta sa iba't ibang Disney worlds. Tapos kasangga ko ibang Disney characters tulad nina Donald, Goofy, Aladdin, Ariel, Beast, and Peter Pan para kalabanin at talunin ang mga kalaban na nakakalat sa mga mundong iyon. Gusto ko 'yong crossover between multiple worlds.
4. What's something new you've learned about yourself in the last three months?
[Sa nakalipas na tatlong buwan, ano ang bago mong natutunan tungkol sa iyong sarili?]
-Sa mga nakalipas na buwan, I learned to do things one step at the time. May mga bagay na hindi dapat tine-take for granted kung hindi naman pala kaya. Dahil kung may task ka pang ginagawa at nag-commit ka pa sa isa, may possibility na ma-burnout ka at sumabog na lang basta-basta. Learn to enjoy the process bago mag-jump sa isa pang commitment.
5. If you could have a fictional Wattpad sidekick, what would it be? Why? (Someone you read from Wattpad or from a book)
[Kung bibigyan ka ng pagkakataong magkaroon ng isang Wattpad sidekick, ano o sino ito? Bakit? (Maaaring galing ito sa nabasa mo sa Wattpad o sa ibang libro)
-All of the QED 4 from Project LOKI by AkoSiIbarra. I want their friendship dynamic at gusto kong maging parte ng ganoong circle of friends dahil malakas ang friendship dynamic nila, tapos baka mahawa rin ako sa talino at deduction skills nila kapag sila laging kasa-kasama ko, hahaha!
6. Anong kasiyahan ang naidudulot sa iyo ng pagiging ambassador?
-Being an ambassador, especially under ako ng engagement means finding new stories na puwedeng mabigyan ng opportunity na mag-shine at makilala ng mga tao. Masarap sa feeling na makahanap ng mga magagandang kuwento sa maladagat na content sa app. Masaya rin 'yong nakadidiskubre kami ng iba pang writers na nakikitaan ng potential sa pagsusulat sa pamamagitan ng mga contest.
7. Mayroon ka bang paboritong WattpadRomancePH activity/contest
-'Yong 'Di Ba Ito Ang Iyong Ghosto writing contest noong Halloween 2022. Buhat-bangko moment dahil ako nag-isip ng titles para sa prompts.
8. Kung mayroon kang gusto pang makita na aktibidad sa WattpadRomancePH ano iyon at bakit?
-Blind date with a story. 'Yong mga sasali, bibigyan sila ng isang random Wattpad romance story na isinulat ng iba pang kasali para basahin at bigyan ng critique. Exchange story ang peg niya, pero hindi mo alam kung ano ang mapupunta sa iyo. Maganda ito para sa mga reader na undecided at gustong makahanap ng bago or fresh na story sa Wattpad.
9. May payo ka ba sa mga manunulat na Pilipino na gusto ring subukang magsulat ng romance?
-Huwag matakot sumulat ng cliché na tropes and concepts. Cliché will remain until the end of time, especially sa romance genre. Invest in giving your story a unique twist or something na makapagbabasag sa cliché tropes para mahalin ng readers ang kuwento mo. At the same time, huwag matakot sumugal sa mga unconventional na ideas na naiisip at gumawa ng sariling landas sa pagsusulat. Malay mo, ang ideas mo na ang sunod na mapansin at makilala ng maraming tao. Subok lang nang subok dahil ang pagsusulat ay isa talagang malaking sugal.
10. Ikaw ay isang opisyal na tagapaghatid ng kilig. Ang tanong: kailan ka huling kinilig?
-Noong isang araw lang—noong may isang eksena sa isinulat kong Wattpad story ang na-witness ko sa totoong buhay. May pageant kasi noon sa pinuntahan kong mall, tapos may ganoon din akong naisulat na eksena sa story ko sa same ding mall at same ding season na summer. Super kilig ko na kahit sa mundane na paraan, nagiging totoo 'yong sa mga naisulat ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top