Meet the Star: Vampiriaxx

At first, I was just a reader. Naaalala ko pa na sila ate Jonaxx yung mga tinitingalang author ko no'n. Sobrang naiinspired ako sa mga stories nila na nababasa ko dahil mahilig akong mag imagine ng mga bagay. Hanggang sa I tried to write my very first story in my notebook. Pinabasa ko siya sa kaibigan ko and she told me that I should write stories on Wattpad. Susuportahan niya daw ako. Then yung notebook na 'yon, pinagpasa-pasahan ng mga kaklase ko and they told me the same thing. Hindi naman kasi ako magaling sa grammars and such pero dahil sa kanila, nagtry ako magsulat sa Wattpad. (Shout out to my former Zephaniah classmates! Nang dahil sa pagpupush nyo, nandito na ako ngayon kung nasaan ako. Salamat sa inyong lahat. I will be forever grateful to you guys.) Tho hindi naging madali yung naging journey ko. Publish-unpublish yung ginagawa ko kaya wala rin akong natapos pero natuklasan ko na pwede ka pala magsulat ng magsulat ng mga stories kapag punong-puno ka ng emotions tapos hindi mo mailabas at wala kang mapagsabihan. Since then, nagsusulat ako pag gusto ko i-express yung thoughts ko na hindi ko masabi o ma-explain sa ibang tao. 


I discovered Wattpad through my classmates and friends. That time, talk of the town talaga mga stories sa Wattpad, lalo na yung mga published Wattpad books. Team ebook lang ako noon but since my classmates and friends were talking about Wattpad, na-curious ako at nagdownload.


Of all of my stories, Dating the Jerk is the one that I'm most proud of. Tho proud ako sa lahat ng mga stories na naisulat ko, most especially yung mga completed na but Dating the Jerk has a special spot on my heart. Sinulat at natapos ko kasi 'yon noong time na matindi yung breakdowns and anxieties ko dahil sa depression. Yung story na 'yon yung naging sandalan at hingahan ko ng mga thoughts ko. Sa mga scenarios doon ko rin naikwento kung paano nabago ni God yung buhay ko.


Last year, sumali ako sa Wattys2019 writing contest sa Wattpad. Yung The Politician: Nicholas Ybarra yung isinali kong story. Pinagdasal ko na sana manalo o kahit mapasama man lang sa shortlist. Kaso hindi ako pinalad kaya akala ko wala na talaga. Pero sabi nga, God works in mysterious ways. Yung sagot ni God doon sa pinagdasal ko sa writing contest ay 'wait.' February 2020 naging officially part ng paid program yung story ni Nicholas. Oo nga't hindi nasagot ng 'yes' ni Lord yung pinagdasal ko but malaking opportunity naman ang dumating sa akin. Yung paid program din yung way para maging Wattpad Star ang isang tulad kong underrated writer. That was my favorite memory on Wattpad and I'll be forever grateful for that. :)


One thing that I want my readers to know about my stories is that each story has moral and life lessons at the end that are waiting to be unlocked. :)


Sa lahat ng aspiring writers out there, ang advice ko sa inyo ay huwag kayong matakot lumabas sa comfort zone nyo. Mag explore kayo sa pagsusulat. Huwag kayong matakot sa discriminations or tamarin dahil kaunti lang nagbabasa ng stories nyo o kaunti pa lang followers nyo. Lahat tayo nagsisimula sa umpisa. Parang sanggol lang 'yan. At first, yung baby wala pa talaga siyang muwang sa mundo pero habang lumilipas yung panahon, may mga knowledge and skills siyang na-aaquire from his/her surroundings. Same with us, authors. Every day may natututunan tayong techniques, knowledge, skills, etc. in writing so keep on going. Hindi ka matututo kung hindi ka magpapatuloy. Minsan hindi mo mamamalayan, may progress ka na pala. Kahit paunti-unting progress lang muna dahil may process namang tinatawag. Balang araw, marami ring makakabasa ng mga akda nyo. Balang araw, marami pa kayong stories na maisusulat at maibabahagi sa kapwa nyo. Makakapag-inspire kayo ng ibang tao through your works. So keep on writing. Padayon! 


For me, highly recommended ko yung More Trilogy ni FGirlWriter. (Hindi lang siya isang story tho hehe) Actually, lahat ng stories ni FGirlWriter ay highly recommended ko. Sobrang daming matututunan. Nung binasa ko lahat ng stories niya, pakiramdam ko nabusog ako spiritually. Sobrang laki ng part ng mga stories ni ate FGirlWriter sa buhay ko. Tinuruan ako ng mga akda niyang kumapit kay Lord sa mga panahong di ko na kaya ng ako lang. Her stories made my faith stronger. Dahil sa kay ate C.D. at mga akda niya, nagbalik loob ako kay Lord. Kaya kung pakiramdam nyo ay naliligaw kayo sa buhay, punta lang kayo sa profile niya. :)


The thing I like the most about being a part of the Stars Program is that we have a separate community where we could interact with each other. (Like yung mga bigating Wattpad authors na dating tinatanaw ko lang mula sa malayo ay nakakainteract ko na through Discord. Nung first time kong makausap yung ilan sa kanila sa discord, walang halong biro naiyak talaga ako. Sobrang na-touch yung inner fan girl self ko. Huhu. Parang panaginip as in.) And plus the opportunities that a star like me could get as help most especially in this time of the pandemic.


Siguro yun nga. Tulad nang nabanggit ko kanina, yung naging participant ako ng Wattys2019 then later on I've been part of the paid program. Thank you so much, Wattpad for giving me this kind of opportunity. I'll be forever grateful for this! God bless.


Checkout Vampiriaxx's stories here on Wattpad for your next favorite read!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top