Meet the Star: MsKindGirl
Siguro sa hilig ko sa pagbabasa, lumawak na rin ang imahinasyon ko. Hindi mapakali ang utak ko kapag hindi ko naisusulat ang mga tumatakbong pangyayari sa isipan ko. Naalala ko pa noon, nagsusulat lang ako sa notebook tapos ipapabasa ko sa mga kaklase ko pero ngayon sa wattpad na, kung saan marami na ang pwedeng makabasa ng mga story ko.
Nakilala ko ang wattpad dahil sa Ate ko. Sobrang hilig niya kasing magbasa sa watty samantalang sa ebook lang ako. Minsan putol pa ang binabasa ko kasi nasa wattpad pala ang kasunod kaya pinasok ko na rin ang mundo ng wattpad.
Siguro po iyong "Accidentally Kissed the PLAYBOY" kasi marami ang naka-appreciate lalo na sa characters ko. Hindi ko rin po akalain na may darating na opportunity para roon sa story ko. Nasa drafts ko lang po siya noon, kasi nawalan ako ng ganang isulat kasi hindi ko feel. 2020 na po noong ibalik ko sa wattpad, akala ko po walang makakapansin ng story na iyon pero ngayon, marami-rami na po ang nagbabasa at isa na rin sa paborito nila.
Sa tuwing nakakatanggap po ako ng mga message sa readers ko. Na gusto nila ang story ko at meron silang natutunan. Kinikilig po talaga ako kaya mas lalo akong ginaganahan sa pagsusulat.
Ano nga ba? Hmm. Asahan nila na matatawa sila sa story ko, lalo na sa scene na nakakaiyak na kasi nagbabago bigla ang mood ko habang nagsusulat haha. Iyong tipong iyak na iyak na ang bida pero bigla akong magsisingit ng nakakatawa. Isa pa, pabitin din ako sa bawat chapter. Iiwan ko kayong naguguluhan haha.
Sulat lang nang sulat. Mas i-goal na makatapos ng story kaysa ang sumikat kasi ang laking achievement na iyon para sa isang writer. Saka, tiwala lang sa sarili. Yes, mahirap ang magsulat pero iba ang dalang saya kapag may nakaka-appreciate sa akda mo. Hangga't may tinta, magpatuloy lang sa pagsusulat.
My Boyfriend is a Hired Killer by DanaDelanie
Marami po akong matutunan at makikilalang ibang writers. Ang laking tulong po na maging parte ng Stars Program kasi handa talaga silang tumulong sa isang manunulat na katulad ko. Dream ko po talaga na maging parte nito pero ngayon natupad na huhu.
Stars Program.
Checkout MsKindGirl's stories here on Wattpad for your next favorite read!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top