Tula ni Inkofdorothea
'Di Bale
Napagod na sa kakaisip
kung bakit lumisan.
Na para bang wala lang sa'yo
ating pinagsamahan.
May mali ba akong nagawa?
Nasabi?
Kulang pa ba lahat ng pag-ibig
Na ipinaramdam
At ibinigay ko?
Hindi ba sapat?
O sadyang Hindi lang nakuntento?
Nalaman ko ang 'yong lihim
Ngunit pilit kong ipinagsawalang bahala ang lahat ng 'yon.
Dahil mahal kita.
Lecheng mahal na 'yan.
Kahit na masakit malaman
Na 'yong taong nagmamahal sa 'yo
Ay may itinatago pala...
Mahal kita.
Ganoon naman, 'di ba?
Kapag nagmamahal ka,
natural lang na masaktan.
Dahil kalakip ng pagmamahal
Na iyon ang sakit,
Ang kiligin,
Ang lumigaya,
At ang magpakatanga.
Hinayaan kong magsinungaling
Kahit na alam kong mali,
Maling-mali.
Handa akong magpatawad
Kung sakaling sabihin mo man sa huli,
Aminin mo man sa huli.
'Di bale nang sabihan na 'tanga'.
Wala rin namang makakasisi
Dahil mas nangingibabaw ang salitang
'Mahal Kita'.
Sandali lang.
Noong mga panahon na sinabi mong
Pagod ka na,
Doon pa lang ay napagtantuan ko na.
Kung hanggang kailan
At kung hanggang saan
Ang patutunguhan
Ng ating biyahe.
Kahit na sabihin mong
Nasabi mo lang ang katagang iyon
At hinding-hindi mo na uulitin
At gagawin.
Na walang ibig sabihin
Ang mga salitang binitawan.
Nadala lang ng inis?
Ng galit?
O, pero teka lang.
Nung sinabi mong ayaw mo na
Na tama
Na tapos na
At huli na.
Biglang naglaho at gumuho
Lahat ng kung ano man.
Ang mga binuo mo sa akin
At sa atin.
Para bang nawala ang kulay ng aking mundo.
Kumbaga colored ang pinapa-print ko
Kay Ale pero ang kinalabasan
ay black and white.
Unexpected!
Gano'n naman, 'di ba?
Hindi tayo sigurado
Kung may ink pa ba ang printer
Kaya't panay pa rin ang print natin.
Kahit na alam nating
Malabo na.
Tulad ng pag-ibig.
Hindi naman tayo sigurado
Kung hanggang kailan tayo
mamahalin ng taong
sinisinta natin.
Pero patuloy pa rin tayong nagmamahalan
Kahit walang kasiguraduhan.
Pinatunayan mo lang
Na tama lahat ng
Aking duda't naisip
Patungkol sa daloy ng ating relasyon.
Alam ko na.
Pinaghandaan ko na ito.
Pinaghandaan ko na nang ilang beses
Ang pangyayaring ito.
Ang maiwan,
Ang iwanan,
At ang mapag-iwanan.
Natatawa na lamang ako
Dahil palagi na lang,
Palagi na lang,
Palagi na lang ganito.
Nakakasawa,
Nakakamanhid.
Nakakawalang gana...
Laging itinatanong sa sarili
sa tuwing nangyayari 'to.
Mga katagang laging nasa isip,
'Kaiwan-iwan ba ako?'
Pero bakit gano'n?
Kahit na pinaghandaan naman.
Sakit ay sariwa pa rin?
Para bang mas lalo mo pang dinurog
Ang nadudurog ko ng puso.
Alam mo bang nasaktan ako?
Alam mo ba kung gaano
ako nanlumo?
Kung paano muling gumuho
Ang pusong unti-unting binubuo?
Kung gaano kasakit?
Kung gaano
kahirap tanggapin?
Kung gaano kahirap ang gumising
Nang hindi na magawa ang
mga nakasanayan?
Pero heto ako ngayon.
Hinayaan kita.
Hinayaan kitang umalis
Na para bang wala lang sa 'yo
Ang mga panahon
na ating kinagisnan.
Hinayaan kitang umalis
Kahit na
Heto ako
Nasa harap mo
Handang lumuhod
Handang magpatawad
Handang tanggapin ang lahat
sa kabila ng sakit na idinulot mo
sa aking damdamin.
Pinakawalan kita
Dahil mahal kita.
Kahit na nangako tayo
Sa isa't isa
Na pareho at sabay
Na lalaban hanggang dulo.
Lalaban tayo...
Pero kung saan ka ngayon sasaya,
Kung saan ka liligaya,
Kung saan ko makikita,
Ang matamis mong ngiti.
'Di bale na
Ako'y liligaya
Dahil maligaya ka na
sa iba...
Kung iiwan mo ako
nang tuluyan,
Sige.
Dito lang ako sa sulok
Kung saan mo 'ko iniwan.
Baka lang naman
'Baka' lang magbago pa ang isip mo
At may balak kang balikan ako
Dito sa sulok
Kung saan mo ako iniwan.
Mahal kita, 'e.
Kahit na alam kong sakit
Din ang kapalit.
'Di bale na
Huhupa rin ito.
Gagaling din ito
Magiging okay rin ako.
Hindi lang ngayon.
Siguro paglipas
Nang ilang gabing hikbi.
Siguro pag napuno na
Ang dalawang balde
ng mga luha.
Siguro ilang araw pang pagkatuliro.
Ilang beses pang pagsi-sentimyento
sa aking kwarto.
Bago tuluyang maglaho
Ang sakit na naidulot ng pag-ibig.
Sa kwentong ating nilikha
Ay nakasaad na sa ating balangkas
Na ang bayani at heroina
ay lalaban hanggang dulo.
Pero tila ba nabali
Ang mga planong iyon...
Sumuko ang bayani
Ngunit ang heroina
ang natirang lumalaban.
Subalit luhaan
At puno ng galos
Ganoon ba talaga?
Kung sino pa ang lumaban
Ay s'ya ring maiiwang luhaan?
Ang daming tanong
na sumasagi
Sa aking isipan
Na gusto kong sagutin mo
Mismo sa aking harapan.
Kahit na masakit.
Kahit na mas lalo pang
ikakadurog ng aking damdamin.
Okay lang.
Handa kong tanggapin
Ang lahat ng 'yan
Kahit na ikamatay ko pa.
Basta't malaman ko lang lahat.
Lahat-lahat.
Pero sa ating estado ay mananatili
Na lamang itong tanong
Na walang kasagutan.
Tanong na napalitan
Ng tatlong tuldok...
'Di bale na
Baka bukas o sa makalawa ay matatapos din ito.
O baka naman pagkatapos ng makalawa
O sa susunod ulit na mga araw,
buwan
Kahit umabot pa ng taon.
Ako...
Nasaktan ako ng taong mahal ko.
Dahil hindi basta-basta
maglalaho ang pag-ibig
na parang bula,
Na para bang nagbura ka lang
ng tinta ng lapis sa papel
gamit ang pambura.
O marker sa whiteboard.
Sana nga ganoon kadali.
Tulad ng paglisan mo
na para bang wala lang
sa 'yo ang lahat.
Na para bang madali lang sa 'yo
ang mag-move on.
Pero 'di bale na nga,
'Di bale na.
Kung saan ka masaya,
O, 'di bale na.Kung saan ka sasaya,
Ako'y liligaya
Balang araw...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top