Panayam sa Karakter ni JosevfTheGreat

The Del Monfrio's: Evan (Panayam)

"Maraming salamat po sa pagdalo sa aming imbitasyon... hindi po kasi namin alam na pupunta po kayo ritong pamilya," sabi ng babaeng mag-iinterview.

Nasa isang TV show ang pamilyang Del Monfrio. Maraming dumalo dahil kilala ang mag-asawang Sydney Del Monfrio at Xarius Del Monfrio sa pagmomodelo, maging sa business industry. Kasama nila ang anak nilang sina Seig Del Monfrio, Syri Del Monfrio, at ang kambal na babaeng sina Rave at Vera Del Monfrio.

"Ikinagagalak naming makita na kasama niyo rin si Mrs. Reganne Del Monfrio..." ani pa nito.

Ngumiti si Rius. "Maraming salamat din po sa pag-imbita sa amin... nakakahiya nga po, e. Hindi naman po kasi ako sikat tapos sabi nila sikat daw ako..."

Hinampas nga siya ni Sydney at naging dahilan naman 'yon para maging katatawanan ng mga tao maging ng host at nina Seig.

"Pasensya na po kayo. Ngayon alam niyo na po 'yung dinadanas kong hirap. Kayo ba naman ikasal sa gantong lalaki... ewan ko na lang..." sabi ni Sydney.

Naging maingay ang audience dahil sa sinabi ng magandang babae. Inulan ng samu't saring komento at tawa ang buong studio. Pero maagap din silang nagpatuloy sa panayam matapos humupa ng tawanan.

"So, how's your married life? Any struggles ba in parenting?" sabi ng babae.

Sumagot si Sydney. "Yes po. Nahihirapan po ako noon no'ng pinapalaki ko po si Seig mag-isa. Pero eventually, naging mas madali po siya no'ng nakauwi na po ako ng Pilipinas para makasama na rin po ni Seig si Rius."

"Opo, I agree po. Mahirap nga po talaga. Pero dumadali kung after ng nakaka-stress na araw at pag-aalaga... may lambing naman ng asawa pag gabi..." humalakhak si Rius.

Pinagmulan na naman 'yon ng tawa ng madla. Hindi matigil kakatawa ang host dahil sa pilyong sagot ni Rius. Sa gwapo ba naman nito at kung paano niya 'yon sabihin ay nakaka-antig nga naman talaga.

"Puro talaga kalokohan si Papa..." sabi ni Seig kaya sumang-ayon naman agad si Sydney.

"Para naman sa ating mga kids. Kumusta naman ang mga magulang niyo bilang isang mga magulang? Kahit hindi naman detailed. Kung ano lang 'yung nararamdaman niyo..."

"Masaya po..." sagot ni Seig. "Masaya po at thankful na sila po 'yung mga magulang ko. Kasi sinuportahan po nila ako sa paraan na hindi ako nasasakal at nakokontrol. Kasi along the way nakikita ko naman po na para sa akin 'yung ginawa nila at 'yung desisyon na pinagpasya nila."

Napangiti naman sina Sydney at Rius. Nakatanggap ng palakpak si Seig sa madla matapos sumagot. Binigay naman niya ang mikropono sa kapatid na lalaking si Syri.

"Para sa akin naman po... maganda rin po na dito po dinala ng mundo. Kasi kahit magulo po kami minsan ni Kuya, nakikisali pa si Papa tapos si Mommy naman po 'yung magsasaway sa amin. Pati po si Tita Maxine. Kahit gano'n po, parang ang saya po. Masaya po ako na sila po 'yung family ko kasi palagi ko pong nararamdaman 'yung safe po ako at 'yung care po nila sa akin kahit hindi po ako gano'n nagsasabi ng nararamdaman ko po..."

Napa-ahh ang madla dahil hinipo sila ng sagot ni Syri. Lalo na ang mag-asawang Del Monfrio. Hinipo pa nila si Syri sa balikat bilang pasasalamat.

Sumunod na nagsalita si Vera.

"I'll speak for the both of us. We're thankful for our parents and for our brothers. Lalo na po si Kuya Seig na palagi po kaming binabantayan noon at inaalagaan sa tuwing may business flight po sina Mommy. Buti na lang po dito rin po ako nadala ng mundo dahil katulad po ni Kuya Syri, nakakatuwa pong maging parte ng family na 'to. Punong-puno ng pagmamahalan."

Napuno ng mas nakaka-antig na reaction ang madla dahil sa sinabi ni Vera. Pero kaagad itong nawala nang biglang may napansin ang host.

"That was a great answer. Nakaka-touch. Pero... matanong ko lang po... kung bakit po wala po si Mister Evan Del Monfrio?"

Natahimik silang lahat. Hindi nila alam ang sasabihin nila.

"Ahm... it's best that we don't answer that," sabi ni Rius.

"No, it's fine. I can answer it..." sabi ni Reganne.

Napuno ng dilim ang studio. Ang maliwanag na mga mukha ng mga tao ay naging nalukot at nagtago.

"Evan is not here with us anymore... he's long gone." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top