Maikling Kuwento ni snoophye123
Napatingin ako sa labas, rinig na rinig ang malakas na buhos ng ulan mula sa malaking bintana. Mga sasakyan na nagkalat sa daan at mga taong may kanya-kanyang pinupuntahan. Bumuntong hininga ako at kinuha ang baso ng kape para pagmasdan ang ulan sa aking bintana. Napangiti ako nang maalala ang mga pangyayaring nakalimutan ko na noon pa. Mga bagay na hindi na kailan pa magkakaroon ng pag-asa at mananatiling nakabaon sa mga alala.
"Hello?"
"Malapit na ang birthday niya. Hindi ka ba pupunta?"
"Hindi ko pa alam. Maybe? Bibili na lang ako ng cake sa kanya. Masyadong malayo ang bilihan dito at baka ilang oras pa ang hihintayin ko para sa bus."
Bumuntong hininga ang kausap ko. "Sige, hihintayin ka na lang namin dito. Ingat ka, Avery!"
Ngumiti ako at agad na binaba ang tawag. Binaba ko rin ang baso ng kape at pinagmasdan muli ang nangyayari sa ibaba bago ako naglakad papunta sa pinto. Kinuha ko ang coat ko at ang susi ng condo unit ko bago ako lumabas. Sumakay ako ng elevator at napangiti sa mga kasabay kong tao sa loob. Kumpleto silang pamilya at napangiti ako nang makita ko ang batang babaeng kasama nila.
Lumabas ako ng elevator at mabilis na naglakad papunta sa labas. Malakas ang hangin kaya napaatras ako dahil papunta sa direksyon ko ang ulan. Dala ang malaking payong, binuksan ko ito, at agad na naglakad palabas ng condo. Nakaka-enjoy maglakad sa kalsada habang umuulan kaya napangiti ako at marahan na naglakad habang nakalagay ang kamay sa bulsa ng aking makapal na coat.
"Ang lakas ng ulan!" natatawang bulong ko sa sarili habang nakaupo sa waiting shed at inaayos ang payong ko. Umupo ako sa gilid at tinignan ang orasan ko dahil wala pang masyadong bus papunta sa mall.
Sa kalagitnaan ng aking paghihintay ay hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
"Kunin niyo!"
"Ambulance!"
"Gising na ba s'ya?"
"Anong nangyari? Avery!"
Samu't saring tinig ang naririnig ko habang nakapikit ang mga mata ko. Mabagal ang paghinga ko dahil sa impact ng aksidente. Dahan-dahan ay minulat ko ang mga mata ko at napatingin sa puting kisame. Napalunok ako at ginalaw ang mga daliri ko bago ako tumingin sa paligid.
"Ma?"
Napatingin sa akin si mama at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. "Anak! Jusko! Mabuti naman at gising ka na. Okay ka lang ba? May kailangan ka ba?"
"Si...Jared po? Nasaan s'ya?"
"Nasa kabilang kwarto at ginagamot ng mga doctor."
"Gusto ko po s'yang puntahan, mama. Gusto ko pong makita ang kalagayan niya." Nanginig ang boses ko at sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ko. "Mama...gusto ko s'yang puntahan!"
Nagsimula akong mag-panic at mabilis na tumayo ngunit napasigaw sa sakit ng ulo ko. Hinawakan ni mama ang dalawa kong braso at kitang-kita sa kanya ang pag-aalala na tumawag na agad s'ya ng doctor.
"Ma! Pupuntahan ko si Jared..." nanghihina ako at napahiga. "Kasalanan ko 'to mama! Kasalanan ko!"
"Hindi...hindi ka pwedeng pumunta doon."
"Bakit?" Humagulgol ako. "Si Jared, ma! Ako ang may dahilan kung ba't s'ya nandito."
Umiling si mama at mabilis na dumating ang mga doctor. Ginamot nila ako at pinalitan ang bandage sa noo ko. Napasinghap ako at nangingilid pa rin ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa monitor.
"Ingatan niya ang ulo niya. Hindi pwedeng magalaw o mabangga ang ulo niya. Mabuti ay hindi critical ang lagay mo kumpara sa isa naming pasyente."
"Doc, si Jared? Kilala niyo ba?"
"Nasa kabilang kwarto s'ya, hija. Sabay kayong dinala dito ng mga doctor."
Lumipas ang ilang minuto pagkatapos umalis ng mga doctor ay dahan-dahan akong tumayo. Maingay pa rin sa labas at sa tingin ko ay nandito ang pamilya ni Jared. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto at lumabas. Hinanap ko ang kwarto ni Jared at nang makita ang katawan niya ay sunod-sunod ang luha sa mga mata ko.
"Jared..." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ko habang nakatingin sa salamin sa pagitan naming dalawa.
Nandoon ang buo niyang pamilya at si Stacey na umiiyak. Napalunok ako at mabilis na naglakad papunta sa pinto. Hindi na ako nagdalawang isip pang kumatok at binuksan ang pinto. Lahat sila ay napatingin sa akin ngunit mabilis ang naging takbo ko papunta kay Jared.
"Jared!" Umiyak ako. "Jared...please wake up! Jared, I'm so sorry. Jared—"
"Walang hiya ka!" Natumba ako sa sahig mula sa pagkakahila ng kung sino man. "Kasalanan mo kung bakit wala ng maalala ang anak ko! Kasalanan mo ang lahat ng 'to at kasalanan mo dahil muntik ng mawala sa akin ang anak ko!"
"Tita..."
"Don't call me that endearment! Ikinakahiya kita! Wala kang karapatan na pumunta dito at wala kang karapatan na hawakan ni daliri ng anak ko!"
Hindi ko na halos makita ang mga taong nasa loob dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyari kay Jared.
"From now on, hindi mo na makikita si Jared."
"Please po, girlfriend ako ni Jared at aakuin ko ang lahat ng kasalanan basta 'wag niyo lang ilalayo sa akin si Jared! Hindi ko po kaya! Please po." Lumuhod ako sa harap nilang lahat at nagmakaawa. "Wag niyo po s'yang ilalayo sa akin...nakikiusap ako sa inyo 'wag po..."
"Layuan mo ang anak ko kung ganon."
Humagulgol ako at umiling. Napatingin kay Stacey na nakayakap kay Jared. May biglang kumikirot sa puso ko habang nakatingin sa kanya na umiiyak at nakayakap kay Jared. Napatingin s'ya sa akin at nanatili akong nakaluhod at umiiyak sa kanilang lahat.
"This is all your fault!" sigaw niya. "Ayaw kong makita ang pagmumukha mo! Umalis ka dito, Avery. Kasalanan mo kung bakit may posibilidad na hindi na kami maalala ni Jared!"
"H-hindi maalala?"
"He has amnesia! Dahil sa aksidente na ginawa mo hindi niya na kami maalala! Lahat ng 'to ay kasalanan mo!"
Umiling s'ya at sinubukan na tumayo ngunit tinulak s'ya ni Stacey. Napaatras s'ya at humagulgol sa harapan nila.
"Umalis ka na." Jared's dad is full of authority. "Bago pa ako tumawag ng security."
Ilang linggo ang dumaan at binisita ko ulit si Jared. Nagbabakasali akong maalala niya ako sa pangalawang pagkakataon. Pumasok ako sa hospital at agad na pumunta sa room ni Jared. Napangiti ako nang makitang gising na s'ya at nakangiti. Kumatok ako at binuksan ang pinto, napatingin s'ya sa akin at napangiti. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa ngiti niyang 'yon kaya naman walang pagdadalawang isip ay niyakap ko s'ya at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.
"Jared!" mahinang bulong ko. "I miss you so much..."
Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik habang nakayakap kay Jared. Niyakap ko s'ya ng mahigpit ngunit napawi ang ngiti ko nang bigla niya akong itulak.
"Sino ka?" Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Sino ka? Hindi kita kilala!"
Napalunok ako. "Si Avery...girlfriend mo ako, Jared. Ilang taon na tayong magkasama 'di ba? Ikakasal na nga tayo e."
Pinakita ko ang singsing ko sa kanya at mas lalong kumunot ang noo niya.
"Wala akong kilalang Avery. Ang tanging babaeng papakasalan ko lang ay si Stacey, s'ya ang fiancé ko."
Natigilan ako at napaawang ang labi. Nagsimulang manginig ang katawan ko at nangilid ang luha sa mga mata ko.
"You're joking!" Tumawa ako para hindi halatang nasasaktan ako. "Ako...ako ang papakasalan mo, Jared. Nangako tayo sa isa't isa e. Alam ko wala kang naalala—"
"Hindi kita kilala, miss. Umalis ka na at baka maabutan ka pa ng asawa ko!" sigaw niya na nakapag patalon sa akin. "Wala akong kilala na Avery! Kung sino man s'ya ay hindi ko s'ya kailangan!"
Humikbi ako sa harapan niya habang galit s'yang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Stacey na dire-diretso ang lakad patungo kay Jared na napatingin sa kanya.
"Hi, honey." She kissed Jared's lips while I was watching. She deeper the kiss and Jared puts his hands on her neck.
Napatakip ako ng bibig at mabilis na tumakbo papunta sa labas. Napahagulgol ako sa sakit habang tumatakbo, hindi alam kung saan pupunta. Habang tumatakbo ay napatingin s'ya sa gilid nang may makitang isang truck na mabilis ang pagpapatakbo patungo sa kanya. Napapikit s'ya at nagsimulang hayaan ang katawan niyang mabangga ng truck.
"Miss!"
Napatalon ako sa gulat at dinilat ang mga mata. Napatingin ako sa unahan at nakita ang driver ng bus. Napatingin s'ya sa paligid at napa buntong hininga dahil ramdam niyang umiiyak na naman s'ya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at inayos ang payong na nasa kamay ko.
"Bakit po?"
"Sasakay ka pa ba? Kung hindi na ay aalis na kami!"
Napatingin ako sa bus at nakitang puno na ito at wala na ring tao sa tabi ko.
"Hindi na po..."
"Jusko! Kanina pa sana kami nakaalis. Kanina pa kita ginigising!"
"Pasensya na po. Pasensya na!" Yumukl ako at napapikit. Narinig ko ang paalis na bus kaya napabuntong hininga ako.
Napailing ako at kinuha ang cellphone ko. Namilog ang mga mata ko nang makitang ilang minuto na pala akong tulog. Napailing ako at napatingin sa unahan at nakitang malakas pa rin ang ulan.
"Stacey, mamaya pa ako uuwi! Come on, binili ko na rin ang mga gamit nila."
Natigilan ako at napatingin sa gilid ko nang marinig ang pamilyar na boses. Napalunok ako nang makita si Jared na basang-basa ng ulan habang may hawak na plastic bag.
"Yes, honey. Pauwi na rin ako. Say hi to me for our baby."
Nanatili ang tingin ko sa kanya na ginugulo ang buhok dahil sa ulan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ngayon ko lang ulit s'ya nakita. Ang mga alaala na lang namin ang palagi kong binabalikan sa tuwing nalulungkot ako. He's married? Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit s'ya sa matagal na panahon.
"Oh, you're Avery, right?"
Nagulat ako sa biglaang pagsasalita niya. He's smiling at me. Hindi niya pa rin pala ako naalala.
"Uh, yes. Hi?" I chuckled awkwardly. "Malakas ang ulan ano?"
"Yeah." He chuckled. "Hindi na ako nakaabot ng bus, are you also waiting?"
Oo. Hinihintay pa rin kita. Napatitig ako sa kanya at hindi ko maiwasan na pangilidan ng luha sa mga mata. Tanging alaala na lang ba ang bubuhay sa puso kong malungkot?
"I'm waiting," I smiled a bit. Kumunot ang noo niya tumawa ako at tumayo. Tinapat ko ang kamay ko sa labas at nakitang hindi na malakas ang ulan. "Hindi na ata malakas ang ulan. Dito ka ba mags-stay?"
"Yes, I'm waiting for the bus to arrive. Mauuna ka na?"
I smiled. "I need to move on."
Mabilis ako naglakad palayo sa kanya. Bumuntong hininga ako at napatingin sa singsing ko. I smiled.
Mga alaala na patuloy kong babaunin hanggang mamamatay ako.
Mga alaala na paborito kong balik-balikan.
Mga alaala na sa puso at utak ko na lang mabubuhay.
Ang ating mga alaala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top