Maikling Kuwento ni Lena0209
Title: Rain of Nostalgia
Lena0209
Parang hindi believable na masaya ang unexpected meeting natin after so many years na hindi tayo nagkikita o nagkakausap, Eugene. Kaya mo nang tumingin sa akin ngayon nang hindi ka na naiiyak o hindi ka na nasasaktan.
Naaalala mo noong huling nood natin ng movie? Sobrang lungkot ng mga mata mo roon. Every year, lumalabas sa memories ng photo app ko ang mga huling kuha nating dalawa na magkasama. I tried to cheer you up kahit na break-up day natin 'yon. But I failed.
Sabi nga sa movie na pinanood natin, di ba? "Nang sabihin mo sa akin na nagising ka na hindi mo na ako mahal, hindi ko 'yon naintindihan." Because, really, even I didn't understand what that meant. Na gigising ka na lang one day, biglang hindi mo na mahal ang mahal mo lang kahapon.
But you know? It wasn't about waking up one day na hindi na kita mahal. Kasi hindi 'yon nawala kahit noong naghiwalay tayo. Mahal pa rin kita, at hindi mawawala sa akin na minahal kita sa halos kalahati ng buhay ko.
Yet, I just woke up one day na pagod na akong pagurin ang sarili ko para lang mag-meet tayo halfway kasi hindi mo naman sinusubukang mag-adjust. Nagising ako one day na . . . mas magaan pala sa pakiramdam na hindi kita hinahabol. Na hindi na kita hinihintay mag-chat sa akin o tumawag o sabihin kung ano ang ginagawa mo. Na hindi na ako nagluluto ng pagkain mo kasi hindi mo rin naman nakakain. Na hindi na ako naghahanda ng damit mo kasi laging ayaw mo ng napipili kong kulay. Na hindi ko na tinatanong ang sarili ko kung may magagawa pa ba akong tama kasi parang lahat ng result ng effort ko, laging mali.
Busy ka kasi lagi, and I understood that. Growing kasi ang company ng daddy at ninong mo. I knew that kasi lagi mong kinukuwento.
Sobrang busy mo. Sa sobrang busy mo nga, hindi mo man lang nalaman na nawalan ako ng work sa loob ng tatlong buwan. Hindi mo alam na lumipat ako ng company. Ang dami mong hindi alam.
Kinukuwento ko pa nga sa iyo si Sir Pete. Siya ang manager namin na madalas kaming ilibre. Sobrang bait ni Sir Pete kaya nga lagi ko siyang kinukuwento sa 'yo. I even asked you na dumalaw sa amin para makilala mo siya pero tumanggi ka. Sabi mo pa, busy ka.
Parang third father ko na si Sir Pete. Alam mo namang ulila ako at inampon ng best friend ng daddy ko. May soft spot talaga ako sa mga gaya ni Sir Pete na parang anak din ang turing sa akin. Ka-age ko lang din ang bunso niyang babae na kasama namin lagi sa lunch. Kung puwede nga lang din daw niya akong ampunin para may kasama lagi si Shella sa kanila, aampunin niya ako. Gusto ko talaga siyang ma-meet mo pero ayaw mo naman. Sabi mo pa, "I'm good. Enjoy your lunch dates na lang."
Parang masama pa ang loob mo noong inalok kita kaya hindi na ulit ako nag-attempt.
Naging busy ako sa work na hindi ko naman din talaga gusto, pero dahil nga may obligation ka, ginusto ko para sa 'yo. Pinipilit mo pa akong mag-work sa inyo, pero kaya nga ako nag-apply sa ibang company, di ba? Kasi bawal ang employees na magkarelasyon sa workplace. I wasn't sure if you understood that or what, pero nagalit ka pa sa akin noong humiwalay ako. Company policy naman 'yon, hindi naman talaga desisyon ko lang.
I remembered noong summer before tayo mag-college. Gusto ko talagang mag-take ng animation or any program na may animation course. Worried ka kasi gusto mo talagang mag-take ng elementary education, pero gaya nga ng sabi ng daddy mo, mas matutuwa siya kung related sa financial management ang kukunin mo. Willing ka na ngang magpalit ng course kasi sabi mo pa, after graduation mo, puwede ka ulit mag-take ng second degree.
Without a second thought, I gave up my dreams para lang masamahan ka. Nauna pa nga akong mag-enroll sa FinMan para i-surprise ka. Kasi alam ko namang mas matimbang pa rin ang happiness ng parents mo para sa 'yo. Akala ko pa, masaya ka dahil sa ginawa ko. Madi-disappoint ka pala.
"Chamee, bakit ito ang course mo? Akala ko ba, media? Akala ko ba, animation?"
I just wanted to be with you . . . pero sobrang na-down ako sa mga sinabi mo. Of course, mas heavy pa 'yon kasi enrolled na ako para lang makasama sa course na ayaw mo rin naman.
Ganoon ba 'yon? Hindi ka na pala puwedeng samahan sa mga struggle mo?
Gustong-gusto ko na ngang mag-shift kasi hindi ako makapag-focus sa pag-aaral ko. Hindi ko na nga gusto ang course, nagalit ka pa kasi ito ang course nating dalawa.
Buong grade school at high school days natin, valedictorian ako, tapos pagdating sa college, ni hindi man lang ako makakuha ng grade na tataas sa 2. Sa iyo, hindi mahirap, kasi alam ko namang love mo ang math. I love math din naman, pero draining ang mag-stay sa course na hindi mo naman talaga gustong i-take mula pa sa umpisa.
Every year, I asked myself, lilipat na ba ako sa multimedia arts at iiwan na lang kita sa FinMan? Four years kong tinatanong 'yon sa sarili ko, pero sinasagot ko rin na three years na lang . . . two years na lang . . . one year na lang . . . tapos after graduation, puwede na tayong mag-take ng course na gusto talaga natin. Kasi 'yan ang plan mo, e. Pero plan mo lang pala 'yan for yourself. Hindi pala ako kasama diyan. Kaya siguro nagalit ka.
Nagtapos ako ng college sa course na masama ang loob ko. Sabi nga ni Sir Pete, "It's not too late para sundin ang passion mo. Bata ka pa. There's more room to grow."
Hindi ako naglihim sa 'yo, and you know that. Maybe you only heard what you wanted to hear, and you ignored the rest. Kasi madalas, kahit kaharap kita tuwing nagdi-dinner tayo, parang pili lang ang naririnig mo. Alam mo 'yon? Yung kaharap lang kita pero nasa malayo ang isip mo. Parang wala rin akong kasama. Kada tatanungin kita, magso-sorry ka kasi hindi mo ako narinig—kahit magkaharap lang tayo. Tapos sasabihin mo agad na busy ka kasi sa work, marami kayong ginagawa, may hinahabol kayong deadline.
Inunawa ko 'yon . . . araw-araw sa loob ng apat na taon. Hanggang sa . . . nagising na lang ako isang araw . . . hindi ko na hinayaan ang sarili kong mapagod.
Inalok ako ni Sir Pete sa Canada. May magbubukas daw na animation course doon sa isang university na supported ng Warner Bros. at puwede akong makakuha ng internship kapag natapos ko na kahit associate program lang. Pinsan niya ang isa sa mga facilitator at tutulungan niya raw akong lakarin ang application ko. May bahay na rin daw sina Sir Pete doon kung wala pa akong matitirhan. Matagal na rin namang approved ang visa ko dahil may mga kamag-anak din ang Mima ko roon kaya marami akong pagpipiliang bahay.
Pero ayaw mo akong umalis. Ayaw mo ring umalis dahil nandito ang pamilya mo. Pinipilit mo lagi na mas gusto ko pang sumama sa manager ko kaysa sa 'yo. Hindi ko maintindihan ang dahilan ng galit mo kay Sir Pete samantalang ikaw naman ang naunang tumanggi para makilala siya.
Paano naman ako? Hanggang dito ba, dapat habulin pa rin kita kahit nakakapagod na?
Tinanong mo ako minsan kung nakakapagod ka bang mahalin.
Hindi ka nakakapagod mahalin, Eugene. Hindi ako kahit kailan napagod mahalin ka.
Ang nakakapagod ay laging mag-adjust at laging i-compromise ang convenience ko dahil nga mahal kita. Na kahit ang peace of mind ko, naisasakripisyo ko na para lang sa 'yo.
Ayoko na lang maging dependent sa takbo ng buhay mo kasi hindi ko na alam ang path ko kahahabol sa path mo. Gusto ko na lang i-take ang daan na gusto ko, sa pace na kaya ko, na hindi naka-rely sa 'yo—kahit pa ibig sabihin n'on ay iwan kita. Kasi kung talagang mahal mo rin ako, dapat mas naiintindihan mo ako, di ba?
Pero . . .
Tapos na akong mapagod.
Tapos ka na ring umiyak.
Tapos na tayong magsisi sa mga bagay na sana mas inintindi pa natin noon habang kaya pa.
Hindi ako gumising isang araw na hindi na kita mahal. Kasi araw-araw kitang minamahal sa loob ng labinlimang taon. Pero nagising ako isang araw na dapat kong palayain ang sarili ko sa mundong hindi ko gusto. Nagising ako isang araw na dapat mabuhay naman ako para sa sarili ko kasi ikaw, kaya mong mabuhay nang sarili mo kahit wala ako.
Hindi na kita kailangang ipagluto na hindi mo naman kinakain. Hindi na kita kailangang ipaghanda ng damit na hindi mo naman susuutin. Hindi ko na kailangang maghintay ng update mo hanggang mapuyat ako. Mabubuhay ka nang ikaw, mabubuhay ako nang ako.
Masaya ako na makita ka ulit na masaya, gaya noong unang kita natin noong unang summer kasama kong magbakasyon ka. Wala naman akong ibang hinahangad para sa iyo kundi maging okay ka na . . . kahit pa wala na tayong dalawa.
• • •
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top