Maikling Kuwento ni KwinDimown

"Kumusta ka na?" tanong ni Seven sa akin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Ngumiti ako. "Oo, kaya ko na ngang makipagsuntukan sa 'yo ulit, e."

Natawa si Seven bago maupo sa kama ko. Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi. "Kapag gumaling ka, pupuntahan natin ang mga lugar na gusto mo."

"Kaya mo akong dalhin sa Sydney, Australia?" pagbibiro ko. "Wag kang mag-alala, ready na nga raw ang donor ko."

May sakit ako sa kidney at malala na ang kondisyon ko. Nakahanap na naman ng donor sina mama pero hindi pa rin sure kung mabubuhay pa ako dahil posibleng mawalan ako ng pulso sa gitna ng operasyon.

"Mahal na mahal kita, Dara." Sumikip ang dibdib ko nang magsimulang lumuha ang kasintahan ko. "Wag mo akong iiwan, ah? K-kapag nawala ka, mag-isa na naman ako. Ayokong mawala ka sa piling ko."

"Seven, sino ba kasi may sabing mawawala ako?" Naupo ako sa kama at niyakap siya. "Mahal na mahal kita at magpapakasal pa tayo kaya hinding-hindi kita iiwanan, mahal ko."

"Ang drama natin." Natawa si Seven at nagpunas ng luha. "Tara, sa rooftop tayo."

Inalalayan ako nitong makatayo. Sumakay kami ng elevator at nagtungo sa rooftop. Nagkatinginan na lang kami nang makitang malakas ang ulan.

"Bawal ka sa ulan," sabi nito. "Bumaba na lang tay– Dara!"

Sumuong ako sa ulan at tumatawang nilingon siya. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha at tila hindi alam ang gagawin.

"Isayaw mo nga ako." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Isayaw mo ang magandang girlfriend mo."

Hinawakan naman ni Seven ang aking kamay. Nakakapit ako sa kaniyang leeg habang siya naman ay nakakapit sa beywang ko. Pareho naming iginagalaw ang katawan namin habang nasa gitna ng ulan.

"Nakaplano na ang kasal natin, Dara." Hinalikan ako nito sa noo. "Kapag natapos ang operasyon mo ay kaagad tayong magpapakasal."

"Grabe ka, hindi mo man lang ako pagpapahingahin?" biro ko.

Ngumisi lang ito bago pagtagpuin ang labi naming dalawa. Napapikit na lang ako at sinabayan ang ritmo ng kaniyang labi.

Natigilan lang kaming dalawa nang biglang sumakit ang bandang puson ko. Natatarantang mukha na lang ni Seven ang huli kong nakita bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

*************

MASAYA akong nakatingin sa dalawang taong nagmamahalan. Napangiti na lamang ako nang mapait. Pagkatapos ng aking operasyon ay may dagok namang dumating sa 'min ni Seven. Naaksidente siya at na-comatose, nagkaroon siya ng amnesia at hindi na niya ako naalala pa.

Ang daya ng tadhana. Lumaban ako para sa aming dalawa kahit sukong-suko na ako pero ngayong nabuhay ako, ganito naman ang ipinalit sa 'kin. Hindi ko alam ano bang kasalanan ko at pinarurusahan ako ng ganito.

"Dara!" nakangiting bati sa 'kin ni Seven nang makita ako. "Kanina ka pa ba?"

Umiling ako at tumikhim. "Kadarating ko lang. Nagdala ako ng mansanas para sa inyo ni Darlene."

"Napakabait mo namang kapitbahay," nakangiting sabi nito at kinuha ang dala ko. "Nagluto si Darlene ng meryenda, gusto mo rin ba?"

Tumango ako. "Oo, gutom na rin ako, e. Galing kasi akong duty at alam mo na, ang dami na namang pasyente."

Natawa ito. "Sige, maupo ka lang diyan at makipag-usap sa asawa ko."

Nagtungo ito sa kusina kaya kaming dalawa ni Darlene ang naiwan sa salas. Napangiti ako at napatingin sa tiyan niyang malaki.

"K-kaunti na lang, lalabas na ang baby niyo," nakangiting sabi ko. "Congratulations sa best friend ko na 'yan."

"I'm sorry, Dara," emosyonal na sabi nito. "D-dapat ikaw ang kasama niya ngayon, e. Sorry kung inagaw ko siya sa 'yo."

"Hindi mo siya inagaw," nakangiting sabi ko. "Talagang mahal ka lang niya. Siguro pinagtagpo lang kami ng pagkakataon pero hindi ng panahon. Pinaramdam lang siguro sa 'kin kung paano siya magmahal."

"Dara..."

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko na kaagad kong pinahid. "Masakit pa rin sa 'kin kasi lumaban ako para sa 'min, e. Pero ano'ng magagawa ko? Tuluyan na siyang inilayo sa 'kin ng tadhana.."

"Ito na ang pagkain mo– Teka, bakit kayo nag-iiyakan?" tanong ng kadadating lang na si Seven. "Nag-aaway ba kayo?"

Umiling ako at tumayo. "Masaya lang ako sa inyong dalawa. Ingatan mo ang best friend ko, ah?"

"Oo naman," nakangiting sabi ng binata. "Ito na yung pagkain mo–"

"–May biglaang duty ako. Congratulations ulit sa inyong dalawa." Bago pa sila makapagsalita ay kaagad na akong lumabas ng bahay nila.

Napatawa na lang ako nang bumuhos ang malakas na ulan. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at napahawak na lang sa aking dibdib na kumikirot. Kaya gusto kong laging nasa ulan e, walang nakakakita ng mga luha ko.

"Dara! Dara!" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa 'kin.

Nakita ko si Seven. May hawak itong payong at bitbit ang bag ko.

"Baka magkasakit ka," alalang sabi nito nang makalapit siya sa 'kin.

"Kahit magkasakit ako, wala pa ring tatalo sa sakit na nararamdaman ko," lumuluhang sabi ko. "Seven, ang sakit sakit! Sobrang sakit kahit na matagal na!"

"Dara..."

"Mahal na mahal kita..." halos walang boses kong sabi. "Sobrang mahal kita, Seven..."

Napahawak ito sa ulo niya at naibagsak niya ang hawak na payong dahil doon. Nataranta naman ako at kaagad siyang nilapitan.

"Dara?" Hinawakan nito ang pisngi ko. "Mahal ko! Sorry kung ngayon lang. Dara, mahal na mahal kita."

Niyakap ko siya. "Masaya akong naalala mo na ako pero huli na, eh. Mahal kita, Seven..." Humiwalay ako sa yakap at tumayo. "P-pwede bang isayaw mo ako sa huling pagkakataon?"

Tinanggap nito ang kamay ko. Sumayaw ulit kami sa ulan na puno ng pagmamahalan pero ang pagkakaiba lang, pagmamay-ari na siya ng iba.

"Ang daya mo," puno ng hinanakit kong sabi. "Nangako ka ng kasal pero sa iba mo tinupad, nangako ka ng kumpletong pamilya pero sa iba mo rin tutuparin.."

"Dara, patawarin mo ako." Kahit umuulan ay alam kong lumuluha rin siya. "Pwede pa naman nating ipagpatuloy 'yon, 'di ba? Pwede pa naman, 'di ba?"

"Huli na..." Ngumiti ako nang mapait. "May pamilya ka nang binubuo, Seven, at masaya na ako para sa 'yo." Humiwalay ako sa kaniya. "Hindi siguro talaga tayo ang para sa isa't isa. Pinagtagpo lang tayo pero hindi tayo ang itinadhana. At ang pagmamahalan natin noon na walang kasing-saya ay mananatili na lang sa ating mga alaala. Ang ulan ang saksi natin kung paano tayo nagsimula at kung paano tayo natapos. Masaya akong naging parte ng buhay mo, Seven. Tuparin mo sana ang mga ipinangako mo sa 'kin sa piling ni Darlene. Ingatan mo ang kaibigan ko."

"Dara..."

"Mahal na mahal kita, Seven." Nginitian ko siya nang matamis. "At masaya akong pinapalaya ka sa ulan.."

Tinalikuran ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Sa ulan kami nagsimula at sa ulan din kami natapos...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top