Espesyal na Kabanata ni kathipuneraaa
Furtive glances. Secrets gossiped. Beauty criticized. There are times in her life na gusto niya na lang biglang maglaho. Not to die but — she 's hoping that one day magigising na lang siya at nasa ibang lugar na. Away from there. Away from those people she doesn't like.
Sometimes Elise find it hard to breathe. Pakiramdam niya kada galaw niya may nakatingin. Palagi na lang may nakasunod. At kapag magkakamali siya may nakaabang agad na masasakit na salita na ipupukol sa kanya.
Though she never experienced it, anyway. But then alam niyang sa likod ng pag ngiti nila sa kanya ay may mga ka plastikan silang tinatago. Interesado sila sa kanya hindi dahil sa gusto ng mga ito ang personality niya but because she's pretty and some rich bastard's daughter.
Welcome to the upper class society. Where money can buy anything.
"Abangan mo ang announcement ng daddy mo, Elise. Mamaya maya lang aakyat na yun ng stage" her mom said and gently massaged her arm. Payak lang siyang ngumiti at tumango. As much as she wanted to run away from there, hindi naman niya magawa dahil bukod sa birthday ito ng daddy niya, ibinilin din nito kanina na yung announcement na gagawin niya ay dapat niyang mapakinggan. And yeah, she doesn't have any idea about it.
"Greetings ladies and gents" napaayos ng upo ang mommy niya. Even her, sit straight up and have her eyes attentive sa kung ano man ang sasabihin ng daddy niya who's seems giddy about it. Napansin niya rin na may kasama itong dalawang tao doon sa stage. If she remember it correctly, they are Mr. and Mrs. Lusterio. Mga kaibigan at kasama sa negosyo ng daddy niya. And lately nga napapansin niya na palaging magkakasama ang mga ito.
"I know you've been waiting for this announcement simula pa kanina so ngayon hindi ko na papatagalin pa. I just want everyone to know how proud I am that soon, my daughter Elise and Mr. and Mrs. Lusterio's son, will be engaged" dad said with all smiles and even proposed a toast.
For a while she can feel the silence. Pakiramdam niya there is an invisible force that's choking her. Avoiding her to breathe. It seems like she's being placed inside a box.
Before she realized it, nakatayo na pala siya and she's aware na nakabukas ang bibig niya at nanlalaki ang mga mata sa gulat.
Gusto niya sana isipin na nananaginip lang siya. Pero yung palakpakan ng mga bisita nila ang nagpaalala sa kanya na totoo yun. No, this can't be happening! How come na magpapakasal na siya when she's just seventeen! For Pete's sakes, wala rin siyang planong magpakasal kahit na kanino! At mas lalong sa ganitong edad!
"Elise, daughter come here" her dad motioned her to come forward pero nakatingin lang siya dito na para bang hindi niya ito kilala. Nakakunot na nga ang noo cause probably nagtataka kung bakit hindi siya gumagalaw.
"Anak, tinatawag ka ng daddy mo" susog pa ng mommy niya na hindi naman nakatulong. No! This is so much to bear! She knows that money can buy anything pero hindi siya kasali doon! She can't just marry a man na hindi niya naman kilala! Kung sino man yung anak ng Mr. and Mrs. Lusterio na yun, hindi niya kilala! For all she know, he's a psychopath o ubod ng pangit!
But she was left with no choice. Ayaw naman niya gumawa ng eksena. Ayaw naman niyang ipahiya ang daddy niya kahit na nga ba sa mga oras na to she badly want to give him a good straight on the face.
But she can't do this. Don't want to do this..
So she put her brave face on at hinawakan yung laylayan ng dress niya at tumakbo palabas. All her life she's been a good girl. She did everything para hindi sila ma-disappoint. When her mom told her na mag-model, sinunod niya ito in a heartbeat. When her dad said why don't she try acting - though suggestion yun alam niyang utos pa rin yun, so sinunod niya.
Pero hindi na ngayon. Pagod na pagod na siya. Anyway, she's not a puppet na pwedeng kontrolin — even her parents for that matter.
***
"Bakit ba hindi ka mapalagay dyan, anak?" Patricia asked his son because he notice that he seemes agitated.
Akala niya pa nga hindi siya narinig nito but eventually, Nico stopped pacing and he looked up at her."What seems to be the problem, anak? Girl problem?" she jokingly said though hoping na yun nga yun. As a mother hindi naman lingid sa kaalaman niya na may pagka-playboy ang anak niya. She witnessed how he broke girls' hearts na para bang laruan ang mga babae dito. So now she's hoping na may magpa seryoso rito.
Nico let out a heavy sigh and shook his head "It's a boy problem, actually" he answered which widened her mother's eyes.
"You're a gay, anak?" the words almost didn't come out of her mouth
Natawa naman si Nico and gave her his famous are-you-serious na tingin "Sa gwapo kong ito, mom? No way. When I said boy problem, I am referring to Derick. Didn't the witch tell you anything? My bestfriend is engaged to someone"
"What?!" gulat na sabi ni Patricia but it didn't bother his son.
"Yes mom, he is. Di ba nabanggit ko sa'yo na ilang araw ng hindi pumapasok si Derick? Thank heavens, kanina pumasok na siya together with a big news na ikakasal na siya sa babaeng lumalamon ata nang maraming chocolates dahil pagkataas ng energy" he answered anxiously.
Hindi naman itatanggi ni Nico that he's agitated sa balitang magpapakasal ang bestfriend niya. It's not that he's jealous or what but he just felt betrayed na hindi man lang nito sinabi sa kanya ang tungkol dito. Derick is more than a bestfriend to him. They are brothers by heart.
And si Erica. Paano naman ito? Though damn he's a hundred and one percent sure na ito talaga ang nag trigger kung bakit bigla na lang ipapakasal si Derick.
"But he's too young.." his mother said cutting his train of thoughts. Napangisi siya sa sinabi nitong yun
"Para naman hindi mo kilala ang mga Lusterio, mommy. Same thing happened to Derick's older cousins, right?" he asked with dry humor.
Hindi naman na sumagot si Patricia. Hindi naman lingid sa kanya ang tradisyon na yun ng mga Lusterio but she didn't expect na kahit kay Derick gagawin din yun considering na hindi naman ito binibigyan gaano ng atensyon ng kaibigan niya at ng asawa nito.
"Sino ang mapapangasawa ni Derick?" she asked at medyo nagulat pa siya na pagkatingin niya sa anak niya ay may hawak na itong baso na may lamang brandy.
"Elise Fontillejo. She's beautiful and seems nice. Sosyal pero halatang walang arte sa katawan" he said at inisang lagok ang alak.
Later that night, Nico and Derick decided to meet up. But instead of going to a bar they just stayed sa bahay ni Nico so they can maintain privacy na alam nilang wala kung magba bar sila dahil siguradong maraming lalapit sa kanilang babae.
"I can't just marry that girl, Nic. Damn it" gigil na sabi ni Derick at dire diretsong uminom sa bote ng beer na hawak niya. Napailing na lang si Nico at sinabayan ito ng inom.
"But what will you do? Desisyon ng mga elders yun"
Marahas na humingi si Derick at umiling "Yayayain ko na lang na magtanan si Erica" he said.
Sukat sa sinabing yun ng kaibigan niya naidura niya ang iniinom. Derick looked at him with his brows raised
"Yayayain mong? Magtanan? You're joking, aren't you?" tanong niya dito sa hindi makapaniwalang tono though he's very sure na hindi ito nagbibiro. Joking is not just his bestfriend's style. They grew up together at kung iisipin niya mabuti, once in a blue moon lang kung magbiro ang kaibigan niya at hindi kasama ang ngayon.
Derick seems lost dahil nakatulala ito "I don't know, man. See, I just can't marry off someone. Isa pa, you've seen that girl, right? Gods, I don't think I can bear her mouth" sabi nito in a helpless tone.
"But she's pretty" he said on a personal note dahil totoo naman yun
With that, his bestfriend winced "Oh yeah, sure she really is pero hindi siya ang gusto kong makasama habambuhay. Si Erica nga na mahal ko hindi ko nai imagine na asawa ko na siya pa kaya? Ugh!"
"Hindi rin naman kasi kita maintindihan, bro. Mahal mo si Erica di ba? Like what you said to me she's your first love kahit na nga ba hindi siya aware sa existence mo. Ngayon na magkasama na kayo bakit hindi mo pa aminin sa kanya?" tanong niya
Derick remained silent na akala niya hindi ito sasagot until finally he answered "I'm afraid"
Nico tsked soundly at hindi makapaniwalang tumingin sa bestfriend niya "God, you slayed bullies and bad boys tapos takot ka sa babae?!"
"You've never been inlove kaya hindi mo alam ang pakiramdam, Valdez" Derick snapped "Ayokong sirain ang pagkakaibigan namin dalawa"
He shrugged his shoulders "If that's what you said. Sana lang hindi pa mahuli ang lahat bago mo masabi sa kanya na mahal mo siya."
Hindi na sumagot si Derick which is an indication na ayaw na nitong pag usapan pa ang tungkol doon. So his thoughts landed back sa sinabi nitong he's never been inlove before. Those words stung to his mind.
Siguro nga tama ang kaibigan niya. Hindi niya alam ang pakiramdam because he's never been inlove before.
***
"Quit acting like this, Elise. Anak matanda ka na" saway ng mommy niya sa kanya that brought back the anger na nararamdaman niya kagabi. Ayaw sana niya umiyak pero tinraydor siya ng katawan niya.
Of course, her dad saw it coming na tatakas siya kaya't napigilan siya kaagad ng mga guards nila hindi pa man siya nakakalabas ng gate nila. She was then locked sa isang kwarto pero ngayon nasa kwarto niya na siya at nakabihis na ng pantulog and her face bare. Na para bang walang nangyari kagabi.
"Kayo pa talaga ang may ganang mainis, mom. After what dad did last night how do you expect me to react?!" sigaw niya that shocked her mom. There are tears on her face na nag uunahan sa pagbagsak.
Napahawak ang mommy niya sa dibdib that for a while nag alala siya na baka inaatake ito pero umayos naman ang mukha nito kaagad. "Ginagawa lang namin ang makakabuti sa'yo, anak. It's not what you think"
She tsked "I've been a good daughter sa inyo ni daddy but this time not anymore. If you think you can just set me up on a marriage with some douchebag that I didn't know, then think again, mother!"
"Pwede ba pakinggan mo muna ako?" pakiusap ng mommy niya who even tried to reach her hand but she jerked away
"I don't want to hear anything from you. Ayoko makinig sa kasinungalingan na yan. I am so disappointed, mom! You promised me na hindi ako magagaya sa'yo, that one day kung ikakasal man ako, sa taong mahal ko. Hindi sa kung sino ang ipagkakasundo sa'kin!"
Her mom cried that almost break her heart. Almost. Kung naaawa man siya dito ngayon hindi niya maramdaman dahil mas inuunahan siya ng galit. She promised her that!
"God knows, Elise. God, knows I don't want you to marry off someone pero hindi ko mapakiusapan ang daddy mo. You're our only hope. Nalulugi na ang kumpanya. At ang solusyon lang na naisip ng daddy mo ay ang ipakasal ka"
Shock is an understatement. Kahit kailan hindi sumagi sa isip niya na malulugi ang kumpanya. Hindi siya nangangailam sa negosyo ng pamilya nila pero sa pagkakaalam niya hindi naman ito pabagsak. At kung bumagsak man, okay lang. May naipon naman siyang pera at pwede silang magsimula ulit.
"You're kidding. Sinasabi mo lang yan para makumbinsi ako" matigas pa rin na sabi niya dahil posible naman yun.
Umiling ang mommy niya at umupo sa kama niya. Hindi naman siya lumayo. Nung hawakan nito ang kamay niya hindi naman siya bumitaw. "Elise anak, please. Para sa'kin gawin mo ang bagay na to. This will be the last favor na hihingin ko sa'yo. I promise you that"
Kapag hawak hawak siyang ganito ng mommy niya pakiramdam niya siya pa rin yung five years old na batang umiiyak mahiwalay lang siya ng kaunti rito. How she miss those old times na sa mommy niya lang umiikot ang mundo niya. Nung panahong hindi pa siya pinre pressure ng daddy niya to do anything that can make her famous and their family.
Indeed that was the last time na pakikiusapan siya ng mommy niya because three days after that, she died. Hindi niya alam kung paano at bakit, basta ang alam niya natagpuan na lang ito ng maid nila na nakahandusay sa CR. The doctor said na malala na ang sakit nito sa puso but she refused to take any meds.
Matagal na pala niya yun iniinda then the hell all this time she's so oblivious to it.
For two weeks hindi siya kumain though umiinom naman ng tubig. Sa loob ng panahon na yun wala siyang ibang ginawa kung di ang magkulong sa kwarto ko at umiyak nang umiyak. She know it was stupid. Pointless even — na umiyak lang siya nang umiyak dahil hindi naman na nun maibabalik ang mommy niya but it's all she can do.
She thought of all the uninfairness in this world. Her mother is all she have in this world pero maging ito kinuha pa sa kanya. Never siyang nagkaroon ng bestfriend. No one ever attempt to befriend her dahil ang tingin ng mga tao sa kanya masyadong mataas. Isa pa, hindi sila nags stay sa isang lugar na mag anak kaya hindi talaga siya nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng mga kaibigan.
"Anak, kumain ka na" her dad chidded na kinaiinisan niya lang. Ano bang akala nito sa kanya? Bata na pwede niya lang utuin?
"Hindi ako nagugutom"
"Wag nang matigas ang ulo mo, anak"
"Kung ayaw kong kumain, wala ka ng pakialam!" sigaw niya and walked away pabalik sa kwarto niya and let herself drown into wishing na sana siya na lang ang namatay para hindi niya na maramdaman ang sakit.
Call her crazy pero inasahan niya na babawiin na ng daddy niya ang sinabi nito na ipakakasal siya dahil sa pagkamatay ng mommy niya but it seems like he's more eager to do that. Pagod na pagod na siyang makipagtalo dito kaya hinayaan niya na lang ang gusto nito. Kanina maaga siya nitong ginising para makapagpaayos. Today, is the day na makikilala niya ang fiance niya.
Hanggang sa pagpili ng damit control freak ang daddy niya. Itim na dress sana ang susuotin niya pero hindi ito pumayag. He grabbed a dark blue dress instead, at yun ang pinasuot sa kanya.
So now they're here in a restaurant and any moment now darating na ang mga Lusterio. Tahimik lang na nagyoyosi ang daddy niya habang siya naman nakatingin lang nang diretso doon sa couple na kumakain sa sulok.
"I'm expecting a good behavior, hija. Do not disappoint me" she almost roll her eyes. As if it happened already.
Hindi nagtagal natatanaw na niya na pumapasok si Mr and Mrs. Lusterio kasama ang isang matandang lalaki. Napatayo agad siya automatic para magbigay galang. As much as she hate this freaking talking, she can't afford to disrespect ang kagalang galang na si Mr. Manuel Lusterio.
"My.. My.. My.. What a pretty girl" nakangiting sabi nito habang nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya pabalik. Nakatayo na pala ang daddy niya at nakipagkamayan. Umupo naman yung tatlong bisita sa harapan nila.
"Sorry to keep you waiting. Hi, Elise. We didn't have an oppurtunity to talk last time" bati sa kanya ni Mrs. Lusterio. Payak niya lang itong nginitian. Nakangiti lang rin sa kanya si Mr. Lusterio and didn't say anything.
Nag uumpisa na siyang makaramdam ng awkwardness dahil puro ngitian lang ang ginagawa nila.
"If you don't mind me asking, where's your son?" tanong ng daddy niya. With that, she smirked. Mukhang hindi darating ang fiance niya!
Nagkatinginan si Mr. and Mrs. Lusterio as if may pinagkakaintindihan silang dalawa. "He'll be here any minute"
And suddenly they were startled nang may narinig silang sumisigaw na papasok sa restaurant. A guy in white tux escorted by three huge men. Hawak ito sa magkabilang braso nung dalawa at nasa likuran naman yung isa
"I fucking said, let me go!" singhal nito doon sa mga nakahawak sa kanya pero parang walang narinig ang mga yun dahil walang nangyari. They walked towards them. At ngayon na mas nakikita niya yung mukha nung lalaki, well he's gorgeous than what she expected..
As their eyes met, nakaramdam siya nang pangingilabot. She even clasped her hand dahil para siyang biglang nilamig sa tingin nito.
"Daniel, this is my son, Derick" pagpapakilala ni Mr. Lusterio sa anak niya. Noon lang din pinakawalan si Derick nung mga humahawak sa kanya at umupo ito sa tabi niya
"What is this all about, mom, dad, gran?" he snapped without battling an eyelash
"Apo, siya yung sinasabi namin sa'yo na mapapangasawa mo" nginuso siya ni Mr. Manuel. Derick looked at her pointedly as if disgusted.
"Oh you gotta be kidding! No one's going to marry someone!" nanggagalaiti nitong sabi na hindi niya alam kung para ba sa magulang niya o sa lolo niya. Either way, masasabi niyang galit ito
"Napag usapan na natin to, Derick di ba?" mahina pero may pagbabanta ang boses ni Mrs. Lusterio. Natahimik naman si Derick. She can feel na gusto nito magmura pero hindi niya lang magawa
"So, what's the plan?" sabad ng daddy niya para hindi na ma sentro kay Derick ang usapan. Hindi niya ito tinitignan pero alam niya nakatingin ito sa kanya. Tahimik siyang napamura dahil naisip niyang baka psychopath ito.
"Let's be specific muna sa dates — why don't we do it.." hindi niya na alam kung ano ang pinag uusapan dahil hindi naman siya interesado. One thing more, nawawala siya sa huwisyo dahil sa lalaking nasa tabi niya na nakatingin pa rin sa kanya. Naalala niya tuloy yung isang scene sa Twilight kung saan tinitigan ni Edward si Bella na para ba itong tupa na kakainin.
Well as for her, mas gugustuhin na niyang tignan siya ng bampira kaysa ng lalaking nasa tabi niya.
God, hindi lang naman siya ang gwapong lalaki na kilala niya pero ito lang ang kayang kunin ang katinuan niya. Or maybe she's just too uptight dahil nakatingin ito sa kanya na para bang specimen sa ilalim ng microscope.
"Hindi mo sana ako tinitignan ng ganyan" finally she have the courage to say that. Hindi naman malakas o mahina ang boses niya. Just enough na marinig nito.
"Tinitignan ko lang kung anong nakitang special sa'yo nang napakagaling kong magulang that they want me to marry you. You're not my type"
Tinignan niya ito nang masama. Suddenly, there's an idea na naglalaro sa isip niya. She doesn't want this marriage. At kailangan niyang gumawa ng paraan ngayon pa lang.
She composed herself sa gagawin niya "Kung hindi ka interesado na pakasalan ako well the feeling is mutual! Pero sana wag mo akong bastusin!" kinuha niya yung baso sa harapan niya na may lamang tubig at tinapon yun sa mukha ni Derick.
I'm so sorry Derick. But I have to do this.
"Fuck, ano bang ginawa ko sa'yo?!" tumayo si Derick at pumangalumbaba sa kanya. Well, he's inches taller than her.
"Bastos ka!" she shouted once more and slapped him. Sa pagkakataong yun napatayo ang lahat ng nasa mesa and all eyes around are on them.
"What the hell is happening?" Mrs. Lusterio asked with horror on her tone. Hindi magawang makasagot ni Derick dahil maging ito nagulat sa ginawa niya.
"Binastos ako ng anak niyo and I don't think I can manage to marry a beast like him!" she said then walked away. Dahan dahan niyang pinakawalan yung hininga niya na pinipigilan niya pala kanina pa.
"You — wait up!" sinundan pala siya nito. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad bahala na kung saan pumunta. Tumawid siya para hindi ito makahabol pero huli na nang ma realize niya na hindi nga pala siya marunong tumawid!
Bigla siyang nag panic. May sasakyan na paparating. Alam niyang dapat siyang tumakbo pero napako na yung mga paa niya sa kalsada so napapikit na lang siya.
May naramdaman siyang matigas na yumakap sa kanya. And when she snapped her eyes open, brown eyes met her at sunod sunod na tunog ng busina ang narinig niya.
"Magpapakamatay ba kayo?! Tabi!" sigaw nung driver na galit na galit. Mabilis ang tibok ng puso niya pero hindi niya alam kung dahil ba sa sobrang kaba o sa ayos nila ni Derick ngayon na nakayakap sa kanya.
"Oo tatabi na!" hinatak siya nito sa gilid at kung basta na lang binitawan
"Baliw ka ba?!" sigaw nito sa kanya
"Baka ikaw! Bakit mo ako sinundan?!" she shot back
He just gritted his teeth. Halatang nagpipigil ng galit. "Una, binuhusan mo ako ng tubig, saying na binastos kita kahit hindi, now ikaw pa ang may gana magalit? I just save your damn life, you poor little bit-" napahinto ito sa pagsasalita at natutop na lang ang mukha. "Ano bang problema mo?!"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ayoko magpakasal sa'yo!" buong buhay niya ito na ata ang pinaka nakakahiyang nangyari sa kanya. Never in her life na tumayo siya sa gilid ng kalsada at makipagsigawan kahit kanino.
"Well dear, guess what the feeling is mutual!" Derick said na ginaya pa yung tono na ginamit niya kanina. Inirapan niya lang ito.
"Anong gagawin natin? Utang na loob can you just tell your parents na ayaw mo sa'kin?" pakiusap niya that nearly brought her to tears.
"I can tell that pero sa tingin mo makikinig sila? And fuck, I have to pretend that I like you!" "Bakit naman?"
He tsked "Let's just say na may tao akong pino protektahan. Sa tingin mo ba gusto ko rin to? I just have no choice at all!"
Kung ano man sinasabi niya hindi na siya interesado pa dun. But as she can see now, pareho silang naiipit sa sitwasyon.
"Kailangan natin gumawa ng paraan" pakiusap niya frustratingly. Tinignan siya nito na parang may malalim na iniisip
"Okay. But for now let's play the pretend game or else I'm dead. Pagbigyan mo muna ako. Then after this, iisip tayo ng paraan"
***
Nico has no any plans of joining Derick, Elise and Erica sa pagpunta ng mga ito sa coffee shop yet pinilit siya ni Elise, insisting na kaibigan siya nito dahil kaibigan siya ng mapapangasawa niya. Ayaw naman niya itong hiyain so pinagbigyan niya na lang. Isa pa, hindi kakayanin ng konsensya niya na iwan si Erica ng ganun na lang.
Yet at some point gusto niya pagsisihan na sumama siya dahil masyado siyang naiingayan kay Elise. Her mouth is like a machine gun. Binulungan niya pa nga si Erica na wag masyadong magbigay ng impormasyon dito tungkol kay Derick. Until..
"Eh ikaw, Nico? Di ba bestfriend ka ni burger since nung mga bata pa kayo? Anong masasabi mo tungkol sa kanya?" she asked him. Ngumisi naman siya dahil sa naisip na kalokohan na isasagot but before that humiwa muna siya ng isang slice ng cake at naglagay sa plato niya.
"Well.. Derick is the evilest person I know" he said seriously. Bahagyang napangiti naman si Derick who obviously guessed that he's just fooling around.
"Ahuuh. That's impressive. Type naming mga babae ang bad boy" Elise shot back. Oblivious na pinaglalaruan lang siya. Hindi mapigilan ni Nico na kahit paano mainis. Damn, siya ang nangtrip but it backfired on him.
"He's not bad. He's evil. Superlative. Nananakit yan ng babae" he said. He doesn't know pero may naramdaman siya sa sinabing yun ni Elise. And now he seems desperate na ayawan nito ang kaibigan niya.
"Lahat naman ng lalaki marunong manakit. Kailangan mo lang talagang piliin kung sino yung worth it para sa sakit na yun" they all stopped talking. Even Derick seems taken aback by that. Actually nabitawan pa nga ni Erica yung hawak niyang tinidor.
"Come on, this world is not fairy tale. Well, even in fairy tales nga may mga villains, what more sa totoong buhay?" Elise added which pissed him more.
"You should be a princess. Kahit kailan, ano pa man ang dahilan, walang karapatan ang kahit sinong lalaki na manakit ng babae!" he said almost snapping. And damn him for acting like this dahil hindi niya maintindihan kung bakit ba siya ganyan. Or maybe because of the fact na may nanay siya at babaeng kapatid at kung ganito rin mag isip katulad ni Elise — na jinujustify ang pananakit ng lalaki, siguradong magagalit siya.
"But you guys aren't perfect" Elise said quietly. Hindi naman na siya sumagot because he's afraid na mauwi lang sa pagtatalo ang lahat.
Then a moment of silence followed hanggang sa magsabi si Erica na pupunta ng banyo. Hindi naman nagtagal nagpaalam din si Derick to do the same.
That moment walang pakialam si Nico sa bestfriend niya. Kay Elise siya nakatingin. And then he saw it. That look.. That look in her eyes habang tinitignan si Derick na papalayo.
"Tss" he said na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Elise. Tinignan siya nito na nakataas ang kilay
"For a moment, naisip kong nagpapasikat ka lang kanina when you said those things last time but as I looked at you just a few seconds ago, I know you're not" he added which confused Elise more
"Ano bang ibig mong sabihin, huh?" she demanded
He stopped eating and looked at her. Eye to eye. No one's blinking between them at para bang sila na lang ang tao.
"Do not deny it. Alam kong alam mo sa sarili mo na mahal ni Derick si Erica" he said straighforward dahil alam naman niyang alam nito yun. She can't deny the look in her eyes kanina. At bulag lang naman ang hindi makakahalata nun.
Pero kahit paano gusto niya makonsensya. Alam naman niyang nasasaktan na yung tao pero mas sinaktan pa niya by slapping the reality on her face
"That's not true" she said bluntly
He looked at her in a challenging way "Not true? You can't deny that, sweetheart. I've seen the look on your face as you watched Derick leave. Elise please, stop hurting yourself. Mukha kang tanga" he said harshly
With that napatayo si Elise at akmang sasampalin siya. But he's smart enough na saluhin ang kamay nito and when he did, hinawakan niya yun nang mahigpit and inched her closer to him hanggang sa halos kalahating dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa
"Ano? Gagawin mo rin sa'kin yung ginawa mo kay Derick? Bubuhusan mo rin ba ako ng tubig at sasampalin? Guess what, I have seen it coming" he said sarcastically and even smirked
Namumula si Elise which is an indication na galit ito. Pinipilit nito na makawala sa pagkakahawak niya but it's not working.
"Asshole" she gritted between her teeth instead. Ang nakangising si Nico ay mas lalong napangisi dahil doon.
"Asshole? Atleast ako alam ko kung saan ako lulugar sa isang tao. Eh ikaw ba? Malay mo nga habang ganito tayo dito ngayon, yung dalawa magkasama na sa CR. The chances na sinundan ni Derick si Erica sa CR is very high. I assure you that"
Tumigil naman sa pagpalag si Elise kaya niluwagan niya ang paghawak dito. Which is definitely a wrong move dahil dahil kumawala ito at umalis papunta ng CR.
Umupo na lang si Nico and waited. Kahit paano there's a pang of guilt siyang nararamdaman but his mouth can't just stop talking like that dahil naiinis siya kay Elise for acting like that.
Hindi naman nagtagal when the three came back but to his surprise, magkahawak ng kamay si Derick at Elise and smiling to each other. Habang si Erica naman nasa likuran ng mga ito na tila ba binagsakan ng langit at lupa.
Nagtama ang mga mata nila ni Elise and she smirked at her na tila ba sinasabi nito na mali ang sinabi niya kanina. But of course he isn't stupid. Alam niyang nagpapanggap lang si Derick sa inaakto nito ngayon cause probably may nangyari nung silang tatlo lang.
"Uhm, Elise. Uuwi na ako. Biglang sumama pakiramdam ko eh. Tsaka baka hinihintay na ako samin. Hindi pa naman ako nakapagsabi na may pupuntahan ako after class" biglang sabi ni Erica that broke the silence nang nakaupo na silang lahat ulit
"Ganun ba? Oo nga eh. Namumutla ka" Elise answered kung kaya't napatingin siya kay Erica who's indeed namumutla and her lips slightly trembling. And that's the cue para nga umalis na sila which is he's thankful.
"I think I have to go too. Kailangan kong ihatid si Erica since we're going the same way" sabi niya at tumayo na para alalayan si Erica. But before going out of the cafe, nilingon niya ulit muna si Elise para ngisian ito.
***
Kapag naiisip ni Elise ang nangyari sa kanila ni Nico kanina, hindi niya maiwasan na kilabutan. The hairs on the back of her neck stood up na para bang nakakita siya ng multo.
Or maybe mas higit pa sa multo ang nakita niya cause Nico last time was a monster. Kung paano siya tignan nito, yung pagtaas baba ng adam's apple nito at yung mahigpit na paghawak nito sa kanya na hanggang ngayon nararamdaman niya pa rin.
Though she has to admit that he's irresistable. Kupal nga lang talaga.
Magkasama sila ni Derick ngayon sa condo nito (because they were told to by the higher ups) though tulog na ito dahil sa kalasingan. While siya on the other hand kanina pa pagulong gulong sa kama dahil naglalaro sa isip niya ang pag uusap nila ni Nico. His words still echoing in her mind.
And he hate him for it. She hate him for telling the truth.
"Jerk!" sabi niya out of nowhere sabay tingin kay Derick na thankfully tulog pa rin sa kabila nung pagsigaw niya nang malakas.
Bigla naman tumunog ang phone niya at kinuha yun sa side table kung saan nakapatong. Kumunot ang noo niya dahil unregistered number ang tumatawag.
"Hello?" alanganing tanong niya
Walang ingay na maririnig sa kabilang linya so inisip niyang ibaba na. But before she could press the end button, nagsalita ang caller
"Hello beautiful" sabi nito
Napakunot ang noo niya. Sa palagay niya ay kilala niya ito pero hindi niya lang mabosesan kung sino "Who's this?"
Tumawa ang nasa kabilang linya "Ang bilis mo naman ata makalimot"
Her eyes widened when he realized something "Nico Valdez?!" she almost shouted at napaupo pa siya Mas lalong lumakas ang tawa nito at nang aasar na sabing "Jackpot"
"What made you call at this hour? At saan mo nakuha pala ang number ko?" she asked horrified "Indeed, ang bilis makalimot"
"Can you just answer the damn question?!" naiinis niyang sabi dahil nayayamot na siya sa inaasta nito
"Bestfriend ko ang fiance mo, miss. In case you're forgetting" sagot naman nito na ipinagpapasalamat niyang matino
For a while, hindi muna siya nagsalita. When the silence became awkward saka siya nagsalita "May sasabihin ka ba?"
"I just want you to know na si Erica yung special someone ni Derick. She's the reason why she can't marry you" seryosong sabi nito.
She has no say to that. Alam naman niyang totoo yun. There's no way to deny it. Lalo na yung naabutan niyang sitwasyon kahapon sa loob ng CR.
"Natahimik ka na. Don't tell me inlove ka na kay Derick?" Nico asked that broke the silence
"My feelings is none of your business" she snapped "if you don't mind matutulog na ako" hindi niya na ito hinintay na sumagot. Dali dali niyang pinatay ang tawag at humiga na ulit.
Hindi niya alam kung paano at anong oras na siya nakatulog but one thing for sure is, nakatulog siya na may luha sa mga mata.
***
"Ihatid mo nga to kay Derick, anak" Patricia said to her son pero mukhang hindi narinig nito ang sinabi niya dahil masyado itong engrossed sa pinapanood na movie
"Nico Christopher Valdez!" she shouted sa tainga nito and that made Nico looked at her na pikon na pikon "Why do you have to shout, mom?!" naiinis niyang sabi sa mommy niya and paused the movie first.
"Kanina pa kita kinakausap. Inuutusan kita na dalhin to sa condo ni Derick" she told him at inilapag sa harap niya ang isang box that he assume na carrot cake ang laman. Paborito kasi ni Derick yun na ginagawa ng mommy niya.
Napakamot siya ng ulo. In other times, susundin niya right away ang mommy niya but as of now gusto niya tumanggi dahil ayaw niyang makita si Elise.
"Mom. I would love to, but — "
"No buts. Ano bang problema mo ha? Magkaaway ba kayo ni Derick? Magkausap kami kanina at wala naman siyang nabanggit tungkol doon. Sige naman na. Minsan ka lang mautusan sa bahay na to ha"
At kapag nagsalita na ng ganun ang mommy niya, hindi na siya dapat pang makipagtalo pa.
"Whoa, about time!" salubong sa kanya ni Derick pagpasok niya sa condo nito. Hindi pa man siya nakakapasok nang tuluyan sa pintuan, nakuha na nito ang box
"Kamusta ang Tita Gayle, Nic? Nakalabas na ba ng hospital?" Derick asked with concern at inilapag sa mesa yung box ng cake
"She's fine. And about Erica, well she's fine too" he answered bluntly. At sa totoo lang medyo naiinis siya sa kaibigan ngayon dahil hindi man lang ito dumadalaw sa mama ni Erica na kasalukuyang nasa ospital. Though at one point naiintindihan din naman niya na magulo pa ang sitwasyon ngayon.
"Hmm, himala tahimik. Where's your fiancee?" tanong niya dahil nagtataka siya na hindi niya ata naririnig ang napaka ingay na bibig ni Elise
"Nasa kwarto. Umiiyak" Derick answered at nagkibit balikat
Kumunot ang noo ni Nico "Umiiyak? Hindi mo man lang ba pinapatahan?"
"Anong akala mo sa'kin ganun kasama? Of course I did pero wala eh umiiyak pa rin siya. Ayaw naman niyang sabihin kung bakit so hinayaan ko na lang muna"
Hindi na siya sumagot. Instead, pumunta siya ng kusina and looked for something sa fridge. And when he found it, he hurriedly prepare it.
Nung matapos na, naglakad siya papunta sa kwarto ni Derick kung nasaan si Elise. Nag alangan siya nung una kung papasok but he did anyway. Pinihit niya ang doorknob and he found her lying on the bed. Even in his view, hindi maitatanggi na umiiyak pa rin ito dahil sa pagtaas baba ng balikat nito.
"You're ugly when you cry" he started at nagtuloy na sa pagpasok. Ipinatong niya sa side table yung dala niya at umupo sa kama ni Derick na nasa tabi nito so they're facing each other.
Kita sa mga mata ni Elise that she wanted to scream at him pero marahil masyado na itong pagod para gawin yun kaya tinignan na lang siya nito nang masama
"Here, drink this. It will make you feel better" he offered the cup of hot chocolate na ginawa niya na akala niya nga nung una hindi nito yun tatanggapin.
Walang nagsalita sa kanila. Nico also remained silent at tinignan lang si Elise na umiinom na. Napansin niyang namamaga ang mga mata nito which is an indication na kanina pa ito umiiyak.
When she's done, inilapag niya na ulit yung tasa kung nasaan ito kanina.
"Thank you" she said in broken voice at humiga na ulit
"I'm maybe an ass when we met the last time but I just want to tell you that I am willing to listen" Tinignan siya niyo as if looking for the truthness sa sinabi niya. She then let out a heavy sigh "My dad is being held somewhere" she started
Kumunot ang noo niya dahil hindi niya naintindihan yun "What do you mean?"
"Hawak ang daddy ko ng mga taong pinagkakautangan niya. And I am scared na baka may gawin sa kanya" with that she broke down to tears again.
Before Nico realized it, wala na pala siya sa kama ni Derick. Nasa tabi na siya ni Elise and she's already in wrapped in his arms.
He badly need to say something para kahit paano mapagaan ang loob nito but no words came out. Natatakot din kasi siya na magkamali nang sasabihin.
But as he's seeing it now, he realized that sometimes it's okay if there are no words needed to be spoken. Sometimes you just need someone to hold you to this life.
***
Months passed in a blur at sa loob ng mahabang panahon na yun marami na ang nangyari.
It may seem absurd pero mahal na niya si Derick. She just found herself falling for him helplessly. Hindi niya alam kung paano nagsimula yun but probably dahil sa katotohanan na lagi silang magkasama at binabalewala pa ito ni Erica.
Kaya kung dati ayaw na ayaw niya na maikasal dito, now there's no stopping it.
"Hey, hindi ka pupunta sa christmas party?" tanong sa kanya ni Nico na hindi niya napansin na nandyan pala
Umiling siya "Aasikasuhin ko kasi yung sa wedding gown ko today and I am afraid it will take me a lot of time"
Nico has no answer to that o kung meron man hindi na lang niya sinabi. Since he comforted her that night, kahit paano naging magkaibigan naman na sila.
"Malas naman nung nabunot mo. Walang matatanggap na regalo" he said jokingly instead Natawa naman siya "Ipapadala ko na lang kay Derick" she answered
"Nah. Sa'kin mo na lang ibigay dahil makakalimutin ang taong yun" Nico offered instead
"O sige wait lang" Elise turned her back at pumunta sa kwarto para kunin yung paperbag na may laman na pang regalo niya
"Thank you pala ha?" she said pagka abot kay Nico nung paperbag
Ngumiti lang si Nico at nagkibit balikat "No problem"
"Bakit ka nga pala pumunta dito?" tanong niya nung ma realize niya na bakit nga ba nandun si Nico eh wala naman si Derick sa condo ngayon dahil nasa mall ito at may binibili.
"Uhm.. I thought Derick is here. Anyway, aalis na ako" nagmamadali nitong sabi at mabilis nang lumakad palabas leaving her dumbfounded.
Nakaka ilang sukat na siya ng wedding gown yet she still cannot choose which one suits her. Napapailing na nga lang sa kanya yung fashion designer niya dahil maging ito mukhang nas stress na sa kanya.
Nung mapagod na siya she just called it a day at nagsabing sa susunod na lang ulit. At ngayon nga naiinis siya sa sarili niya dahil tinanggihan niya yung offer ni Mrs. Lusterio na ipag drive siya nang isa sa mga
driver sa mansyon. Gusto niya kasi na mapag isa siya dahil alam niyang matatagalan siya which is right dahil alas syete na ng gabi.
Though the good thing is marami namang restaurants na malapit sa wedding shop kaya hindi na siya nagdalawang isip na kumain. She ate to her heart's content regardless kung tumaba man siya o hindi.
Gusto na niya sana umuwi pero alam niyang wala pa doon si Derick so she decided na maglibot libot muna. Nung may makita siyang bookstore agad siyang pumasok doon since she's a fan of books.
She stayed there and browse for titles na wala pa siya but sadly lahat ng yun meron na siya. But since ayaw niya pa umuwi, kumuha na lang siya ng isang book at umupo sa tabi para magbasa.
Hindi niya napapansin na unti unti na siyang nalilibang but when she did, napatayo siya sa gulat when she saw at her wrist watch na maga alas dyes na pala ng gabi. Noon niya lang din napansin na magsasara na pala ang bookstore.
Quickly, she get up para ibalik yung libro at lumabas na. While walking she dialed Derick's number habang naglalakad para magpasundo dito but unfortunately, nakapatay ang telepono nito.
She anxiously looked around. Since it's almost christmas marami ang tao sa paligid. Tumayo siya sa gilid ng kalsada para mag abang ng taxi pero yung mga dumadaan nilalagpasan lang siya dahil may mga pasahero. So she walked around oblivious kung saan siya makakarating.
And then she saw them.
"Mukhang naliligaw ka ata, bebe girl" sabi nung isang lalaki na tinawanan nung kasama nito
Pakiramdam niya she can't breathe. When she was in LA, pinaturuan siya ng daddy niya ng martial arts and exceled there yet ngayon wala siyang magawa kung di tumayo lang.
Malagkit ang tingin ng mga ito sa kanya and in her mind paulit ulit niyang minumura ang sarili for this irresponsibleness. Kung bakit ba naman kasi nakarating siya dito eh.
Running is not in her options too dahil alam niyang hindi pa man siya nakaka limang hakbang ay mahahabol na siya ng mga ito.
"Oh anong problema, bebe girl? Naliligaw ka ba? Gusto mo bang sumama sa amin?" sabi nung isang lalaki at nagsimula na humakbang papalapit sa kanya. With that, she started stepping back with her knees trembling at ang malakas na kabog ng puso niya.
"Pagbigyan mo naman kami tutal magpa pasko naman na. Mag isa lang kami sa buhay. Malungkot kami.." Gusto niya sana na pilosopohin ito. Mag-isa lang daw pero dalawa sila. But she just fold her sassy toungue.
Until she felt na nakasandal siya sa matigas na bagay. That's when she realized na wala na siyang pupuntahan pa. Fuckity, fuck. Na corner na siya ng mga ito.
"Wala ka nang pupuntahan, bebe girl" nang aasar na sabi nung isa at nung akmang hahawakan siya nito she spitted on his face
"Don't call me that!" she hissed bravely but deep inside gusto niya na pumalahaw ng iyak
Hinawakan siya nang mahigpit sa siko nung dinuraan niya and she can see on her eyes how mad he is. But before anything else can happen, nakaaninag sila ng liwanag at malakas na busina.
The car just stopped inches from bumping the two bad guys. Kahit paano nakahinga na siya nang maluwag for a sign of help. Then the driver came out. Halos malaglag ang mga mata ni Elise sa gulat
"Having a wonderful night, gentlemen?" Nico asked cockily but in his voice she can sense danger
Marahil sa kabiglaan nung lalaki kaya lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Inabuso niya naman ang pagkakataon na yun para tumakbo papunta kay Nico. Nang malapitan niya ito niyakap niya ito nang mahigpit
"Get inside, Elise" he whispered to her na walang pag-aatubli naman niyang sinunod.
Hindi niya marinig kung ano ang sinasabi ni Nico dahil nakasara ang mga bintana. Pero kampante naman siyang hindi ito sasaktan nung mga lalaki dahil naka distansya ang mga ito rito.
Napataas ang kilay niya when she saw na bumunot ng wallet si Nico at naglabas ng pera na binigay doon sa dalawang lalaki. After nun, umalis na ang mga yun.
"What was that?" she asked him nung makapasok na ito sa sasakyan
"It's nothing. Ako dapat ang magtanong sa'yo, baby. Anong ginagawa mo pa sa kalsada gayong gabi na. Ganun ba katagal ang pagsusukat ng gown?" he asked her almost snapping
"Kanina pa ako tapos sa gown. Kumain pa kasi ako and went to the bookstore tapos nalibang ako doon sa pagbabasa" she answered dahil sa moment na yun she felt obliged na sagutin ang tanong na yun considering how he saved her butt last time.
He just shook his head at huminga nang malalim
"Si Derick pala nasaan?" she asked after a few moment of silence
"Nasa bahay pa ata ni Ms. Velasco. Nauna akong umalis eh" he answered without looking at her
Itatanong niya sana kung saan sila pupunta but it's not necessary anymore dahil nagiging pamilyar na siya sa lugar. If she's not mistaken papunta sila sa condo ni Derick.
"Ihahatid na kita so you can rest"
Hindi naman na siya tumutol doon dahil yun din naman ang gusto niya. Wala na silang imikan hanggang sa makarating sa condo.
"You can stay if you like" sabi niya nung nasa pintuan na sila
"Fine. Magkakape lang ako then aalis na"
Pagkapasok humiga agad sa couch si Elise and closed her eyes while Nico made himself comfortable sa kitchen kung saan ito nagtimpla ng kape.
Hindi pa naman siya malalim na nakakatulog kaya napadilat siya nang maramdaman niyang lumubog ang sa paanan niya. Umupo pala si Nico.
Awkward naman ang posisyon nila kung nakahiga siya umupo siya.
"Thank you pala kanina ha? she started dahil naalala niyang hindi pa niya nga pala ito napapasalamatan
Nico just nodded "Mag ingat ka sa susunod. Wag ka masyadong nagpapagabi sa kalsada unless may kasama ka" he said
Then silence followed though Elise doesn't feel awkwardness about it. Nang matapos na si Nico sa pag inom ng kape inilapag nito ang tasa sa center table.
And something happened.. She doesn't know how to respond. As much as she want to stop hindi niya magawa. Her knees felt like jelly. She can feel herself incinerating..
"Fuck. I'm sorry.." Nico said afterwards at naihilamos pa nito ang mga palad sa mukha "Elise.. I.. God, hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa. But.. Fuck, it feels so right" dagdag pa nito "Get out, Nico" she said tonelessly
"I'm sorry" akma siyang hahawakan nito but she flinched
"Umalis ka na lang. Please" pakiusap niya. Hindi naman na nagpumilit si Nico. After saying sorry again, tumayo na ito.
Sakto naman na bumukas pinto at pumasok si Derick with all smiles. "Sup, guys?" tanong pa nito sa kanila but neither of them said a word.
Nico started walking at huminto sa tabi ni Derick. What he did next made her brow raised "Ave master" Nico said and kissed Derick on the cheek. Pinunasan naman yun agad ni Derick. "Yuck!" he shouted to her bestfriend na tuluyan na lumabas
Nang wala na ito at siya na lang ang nasa sala, saka niya pinakawalan ang mga luha. Fuck, what was that? Bakit ito ginawa ni Nico? Hindi dapat nangyari yun di ba? God, fiancee siya ng bestfriend nito!
Hawak hawak niya ang mga labi niya and ask herself constantly: Why did she let that happen?
***
His eyes never left her. Kahit saan siya pumunta nakasunod ang mga mata niya. Though she's not looking at his direction kahit pa nung nagbigay siya ng message kanina, alam niyang aware ito na nakatingin siya sa kanya.
Sa totoo lang, hindi rin niya maintindihan kung bakit niya hinalikan si Elise. Everytime na maaalala niya yun, gusto niyang ihampas ang ulo niya nang malakas sa pader. She's out of bounds. Kahit na nga ba hindi ito mahal ng kaibigan niya, kailangan niya pa rin respetuhin ang katotohanan na fiancee nito yun.
But then.. That night, hindi niya talaga maintindihan. It's as if something has commanded him na gawin yun that he cannot object.
Nakakahiya man aminin, asshole na kung asshole but he liked it.. He liked kissing her.
After the commotion na ginawa nung isang bisita na humipo kay Erica, everything went normal again. The lights dimmed at nag umpisa na ang sayawan. Inabuso ni Nico ang pagkakataon na yun para lapitan si Elise
"Can I have this dance, sweetheart?"
This time tumingin na ito sa kanya because she was left with no choice. Ayaw nito marahil na magtaka ang daddy nito na kausap niya.
"Oh, Mr. Valdez. Of course, you can" sabi ni Mr. Fontillejo kung kaya't wala na talagang choice si Elise kung di tanggapin ang kamay ni Nico na nakalahad then together they went on the dance floor.
"It's obvious na iniiwasan mo ako" he started as they swayed their bodies together "Wala tayong dapat pag usapan" she answered tonelessly without looking at him
"About that night, I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya yun" he said seriously and apologetic. She shook her head and rolled her eyes at that
"But there's something playing on my mind, Elise. That night, bakit mo ako hinayaan na halikan ka?" He felt her stiffened
"Elise, answer me. Bakit mo ako hinayaan na halikan ka nun? You could've had stopped me"
"Wag mo akong tanungin ng bagay na hindi ko alam ang sagot, Valdez" she snapped at masamang tumingin sa kanya
"Tell me you felt that too. That night when we kissed"
"Wala akong naramdaman nun kung di ang mainis sa'yo. Wala rin naman sa'kin ang bagay na yun, anyway."
"That's not true. Alam mo sa sarili mong hindi lang yun wala sa'yo. Dahil kung wala lang talaga sa'yo yun, hindi ka ilag sa akin gaya nang inaakto mo ngayon"
"Just shut up. It was my first time to be kissed!" she hissed at bago pa man siya makasagot bumitaw na ito and walked away from him.
Gusto niya sana habulin pa ito but he stopped himself dahil baka may makahalata na sa kanila. So he just let her walk away papunta kay Derick na kasalukuyan na isinasayaw si Erica.
Huminga na lang siya nang malalim at bumalik na sa mesa kung nasaan ang mommy niya.
***
Kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niya na mag bagong taon sa Pilipinas kasama si Derick yet there she is.
It was always been her mom's dream na makapag spend sila ng New Year sa Paris so gusto niya na matupad naman ang pangarap nitong yun even though she's not there already. She just wished na nakikita nito ngayon siya and happy for her.
The streets are packed with people because the lights of Eiffel tower is in different shades of color na every thirty minutes nagbabago ang design. Inaabangan na ng mga tao kung ano ang finale kasabay ng mga fireworks.
But since Elise has all the means in life, hindi niya na kinailangan pang makisiksik sa mga tao. She quarantined herself sa loob ng hotel room niya which the wall is made of glass kung kaya't perpekto ang view niya ng tower. Wala ang daddy niya dahil hawak pa rin ito ng mga kumidnap dito though she was assured that he's okay.
Ni hindi siya nag abala mag bihis. She's just wearing her favorite pajamas and in her hand holding a glass of champagne. Nung saktong twelve na, the Eiffel Tower bursted into a bright golden color then fireworks followed. Even though there's an infinite loneliness inside her, hindi pa rin niya mapigilan mamangha sa nakita niya.
Her phone ring so she hastily put down the glass of champagne para kunin yun sa table. Kumunot ang noo niya nang makita niyang si Nico ang tumatawag. Hindi niya sana sasagutin but curiousity got the best of her
"Happy New Year, baby girl" salubong nito sa kanya without even acknowledging her. Napataas ang kilay niya when she realized something
"Anong oras na ba dyan at bakit mukha kang lasing?" tanong niya dito. He just laughed at that
"Manila is six hours ahead of France. So alas dose dyan dito alas sais na. Nagpuputukan pa lang dyan dito nagtutulugan na. Hahaha"
She tsked "Oh bakit ka tumawag? Is there anything — "
"Kung may sasabihin ako? Oh yes meron kaya makinig kang mabuti. Your fiance? Ayun magkasama sila ni Erica. Alam mo bang nung Christmas pa nandun sa probinsya nila Erica si Derick? And guess what, doon din siya nag new year"
It's like everything became dull. Kung kanina sobrang namamangha siya sa Eiffel Tower ngayon tingin niya ay wala ng kwenta yun. It seems like everything fell into silence.
"You're lying. Ang sabi sa'kin ni Tita Angela magkasama kayo" she gritted between her teeth yet her tears just won't stop falling
"Psh. Magkasama? Eh ni anino niya hindi ko nakita dito. Hindi mo ba naisip na kinasabwat niya kami para makapunta siya doon? And do you think tatawagan kita kung magkasama kami?"
She has no answer to that. Aminin niya man o hindi tama naman talaga si Nico. And it hurts. It freaking hurts. Gusto niyang sumigaw, magbasag ng mga gamit, but she held herself. She can't afford just to break down.
So she just did what's her only choice. Ang umiyak.
"When will you learn? When will you accept the fact na hindi ka talaga mamahalin ni Derick, Elise? Bakit mo pinagsisiksikan ang sarili mo sa kanya eh may space naman dito sa tabi ko. Akin ka na lang"
"Shut up" she snapped at pinatay na yung tawag. Letting herself drown in her misery.
***
Nico is unsure of many things in life pero sigurado siya sa isang bagay: He want Elise for himself.
Sa totoo lang nagi guilty siya. He just betrayed his friend and bestfriend. Pero wala na talaga siyang ibang maisip na paraan para ayawan ni Elise si Derick. He's desperate to think of anything to stop her foolishness. She even suggested then to Erica na sabihin na ang lahat lahat kay Elise though he knows she's already aware of it. He thought na isang malakas na sampal lang ng katotohanan ang makakapagpagising kay Elise.
Hindi pa naman sila nagkikita at hindi niya alam kung kailan ito babalik from Paris. Their classes resumed today at hindi naman ito pumasok so he's guessing na hindi pa ito nakakabalik.
Pero alam niyang mali siya because at that very moment, bumukas ang pintuan at pumasok si Elise. A different Elise. Not the usual happy and energetic type.
"Nasaan si Derick?" she asked with ice in her tone. Hindi sumagot si Nico
"Nasaan si Derick?!" she shouted na ikinagulat niya. Pero hindi naman na niya kailangan sumagot dahil bumukas muli ang pintuan at pumasok si Derick na nagtataka sa kanilang dalawa.
He can see the fury in Elise's eyes. Naglakad ito papunta kay Derick at isang malakas na sampal ang pinadapo sa mukha nito.
"What was that for?!" Derick demanded
"Shut up! Ikaw na manloloko!" she shouted on his face habang sapo pa rin ni Derick ang mukha niya
"Ano bang ginawa ko sa'yo?" Derick asked quietly. Obvious na nagtitimpi lang.Sinampal ito ulit ni Elise "Wag ka magpanggap na wala kang alam!"
Natahimik naman na si Derick marahil ay alam na nito kung ano ang tinutukoy ni Elise. "Oh ano kamusta naman ang new year niyo together? Masaya ka naman siguro noh?" she asked "Elise, can you stop?" Derick said almost snapping
"Do not tell me to stop!" Elise shouted.
Pakiramdam ni Nico hindi siya kailangan sa pag uusap na yun so he walked towards the door. Pagbukas niya nakita niya si Erica at Annabeth. Their faces white as a paper
"Nico" Erica acknowledged him
"It all ends here, Erica. Harapin mo na si Elise tutal alam naman niya ang lahat" he said at hinatak si Erica papasok.
Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Elise kay Erica "I trusted you" gigil na sabi nito which taken him aback
"Elise please.."
"Shut up!" she shouted when he tried to hush her
"Elise.." umiiyak na sabi ni Erica. But what broke his heart more was when he saw her started crying too.
"I thought you were a friend. Erica, maiintindihan ko naman eh. Ayoko lang na tinitira ako patalikod" she said "all along alam ko ang tungkol sa inyo but then pinabayaan ko lang kayo dahil buong akala ko hindi ka maiinlove sa kanya"
"Elise please let me explain.."
"Alam mo ba kung bakit ako nagagalit, Erica? Kasi dahil sa'yo nasasaktan ako ngayon! We all know na pinagkasundo lang kami ni Derick. At first yes hindi ko siya mahal pero dahil sa pambabalewala mo sa kanya, natutunan ko siyang mahalin!"
Pakiramdam ni Nico ang sakit sakit when she said that. Pero hindi siya natinag. He forced himself to look at her and listen.
"What's the point of this, anyway? Hindi ko naman mahal si Derick. Ikaw na rin ang nagsabi" Erica said tonelessly.
Elise winced "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Erica? You can tell lies to your head nang paulit ulit and maybe believe them, but you can't lie to your heart!" she shouted at nilapitan si Erica. Akala niya pa nga ay sasaktan nito yun pero hinawakan lang nito ang magkabilang balikat ni Erica.
"Now, tell me face to face na hindi mo mahal ang fiance ko!" she shouted. Erica shook her head wordlessly
"See? Ni hindi mo nga masabi" itinulak ni Elise si Erica na kung hindi lang niya nasalo malamang nasa sahig na ngayon.
"I just want you to know that I will not give him up. No matter what happens, matutuloy ang kasal namin on May 15. And that will be your birthday at the same time death day" Elise said then walked out.
Gusto niya sana sundan ito right then pero hindi naman niya maiwan si Erica who's in a vulnerable state. "Sundan mo siya" Erica said na akala niya nung una siya ang kausap pero si Derick pala "Manilla.."
"Please, Derick. Kung mahal mo ako, please.." pakiusap ni Erica na nag atubli man si Derick na sundin pero hindi nagtagal umalis na rin.
"I warned you before, didn't I?" Nico whispered to Erica.
Nang masiguro niyang okay na si Erica, nagtatatakbo siya palabas to look for Elise. He almost gave up until may mapadaan siya sa room 101 at marinig na may umiiyak sa loob. Alanganin niyang binuksan ang pinto and there he found her
"Get out" she said in a broken voice pero hindi siya gumalaw
"I said get out!" sigaw nito pero hindi pa rin talaga siya gumalaw. He just remained standing hanggang sa mapatingin ito sa kanya. Kahit na kaunting liwanag lang mula sa uwang ng pintuan ang naaaninag sa room, he still saw her glossy eyes because of tears.
"Hindi ka pa ba pagod ha, Elise?" marahang tanong niya
"Pagod na pagod na ako, Nico! But there is nothing I can do! May malaking utang ang daddy ko na kailangan namin bayaran at isa pa, mahal ko na si Derick! I just can't give up that easily!"
"Know your worth. Know when you have had enough. Pick your battle, Elise. We both know na ang ipaglaban ang taong hindi ka naman mahal ay isang laban na hindi pa man nag-uumpisa, talo ka na"
She didn't answer at senyales na yun na kumalma na siya mula sa nangyari kanina. With that, he inched closer to her at ikinulong ito sa mga bisig niya.
"Kung ang utang ng daddy mo ang pinoproblema mo, I could help you with that. Elise, please. Just be with me. I promise not to hurt you. Oo, hindi mo ako mahal. Pero napapag aralan naman ang pagmamahal, di ba? Ikaw na rin ang nagsabi nun kay Erica kanina. That you just learned to love Derick dahil binabalewala niya yun" he said almost begging
She shook her head violently "You don't know what you're saying, Nico. Please, wag mo muna paguluhin ang utak ko. What I said last time is true. Pakakasalan ko si Derick whatever happens."
Pakiramdam niya nabasag siya sa sinabing yun ni Elise. Her words are like daggers piercing him.
"Nothing will change my mind, Nico. Kaya kung ano man ang nararamdaman mo na yan para sa'kin, ibaon mo na lang sa limot. O hindi naman kaya you're just mistaking pity for love"
Umalis ito sa pagkakayakap niya and faced him. He sighed deeply and cupped her cheeks
"Yes, I've never been inlove before. Wala pa akong naging girlfriend. All I had were just flings. Pero alam ko naman ang senyales kapag inlove ka na sa isang tao. They make your heart beat faster, your cheeks flush, they give you sleepless nights and you just can't stop thinking about them. Lahat ng yun pinaramdam mo sa'kin Elise" he said with all his heart dahil yun naman ang totoo. He kissed her deeply. Desperately. He let her feel the sincerity on his lips.
When they parted, she's silent for seems like a forever then she shook her head. "I'm sorry, Nico. Though I appreciate the gesture, sorry hindi ko talaga kaya" she said at tumayo na. Leaving him with nothing but the scent of her hair and the memory of her sweet lips.
***
She felt heartless. Literally heartless. Supposedely, this should be the best day of her life pero ang pakiramdam niya isasalang siya sa firing squad. Months passed hanggang sa dumating na ang araw na hinihintay niya — nila. Ang wedding nila ni Derick.
She should be happy right? Wala nang makakapigil sa kanila. Erica left the picture. Walang nakaabang na tututol sa kasal nila. Yet she can't even smile. Parang gusto niya na umayaw.
"Alam kong magiging mabuti kang asawa sa anak ko, Elise. She's temperamental sometimes but I assure you that he's a good person"
She just smiled weakly. Kasalukuyan siyang inaayusan and in just a few touches she'll be ready. When everything's done, Mrs. Lusterio looked at her satisfied. Then may narinig silang kumatok sa pintuan.
"Ako na ang magbubukas" pag ako ni Mrs. Lusterio at pumunta sa pintuan para buksan yun. It was Nico in his tux. Ito kasi ang best man ni Derick.
The moment their eyes met, umiwas siya kaagad ng tingin.
"Oh hi, Nico" bati sa kanya ni Mrs. Lusterio and even kissed him on the cheek.
"Hello, Tita Anj. Pwede ko po bang makausap ang future wife ng bestfriend ko?" he asked with a sly grin "Of course, pumasok ka" pag sang ayon ni Mrs. Lusterio
"Hindi po tita. Lalabas na lang po ako" tutol ni Elise at tumayo na. Hindi naman na tumutol yung nag aayos sa kanya dahil tapos naman na siya.
Lumabas siya at isinarado yung pintuan. Now they're facing each other. Nakatingin sa kanya si Nico though smiling, his eyes are hurting
"You're really doing this?" he asked
She nodded
He smiled to himself at umiling "Well, what should I say? Congratulations. Hope you will not regret this" he said at tumalikod na.
Medyo nakakalayo na siya nang lumingon ito ulit sa kanya "The thing I said noon sa classroom. It's still true. Though para mas maging malinaw pa sa'yo, I am going to say this for the first and last time. I love you"
***
Pakiramdam ni Nico wala siya sa sarili. It's like he's physically present but mentally absent. Salamat na nga lang at hindi sila nag uusap ni Derick as they watched the flower girls, ring bearer, mga abay at mga kamag anak na naglakad sa aisle.
Until it's the bride's turn to walk down the aisle. For Nico it's a heartbreaking sight pero wala naman siyang magawa. Deep in his heart he knows that there's no amount of money that can stop this wedding now.
Then the ceremony started. Throughout the time nakatingin lang siya kay Elise. As soon as possible taking in everything about her. It seems like all around him doesn't matter. Para sa kanya sa mga panahon na yun, si Elise lang ang nakikita niya.
"Elise, do you take Derick as your husband?" that when he's snapped back to his senses.
Hindi kasi nagsasalita si Elise. She's just looking at Derick na nagtataka. Habang ang mga bisita naman ay nag uumpisa na mag bulungan.
At mas lalong lumakas yun when Elise turned to them at magsimulang magtatakbo palabas. "What the hell is happening?" tanong ng mommy niya which of course, hindi niya rin alam ang isasagot.
Days passed at marami na ang nangyari. Maingay pa rin sa balita ang ginawang pag atras ni Elise sa kasal though she's nowhere to be seen.
Nabalitaan niya rin na si Derick at Erica na officially. Despite of everything, totoong naging masaya naman siya para sa mga ito.
"Just going to sleep!" he told himself at humiga na. As much as gusto niyang makita si Elise hindi naman niya alam kung saan ito hahanapin.
Nakapikit na siya nang makarinig siya na may tumatapik sa bintana niya. Akala niya nga nung una guni guni niya lang yun pero habang tumatagal mas lumalakas kaya tumayo siya at hinawi ang bintana.
His eyes widened nang makita niya kung sino ang nasa baba. It was Elise. Agad naman niyang binuksan yung bintana
"Hintayin mo ako at lalabas ako!" he called out
"Wag na! Aakyat na lang ako!" she shouted back and true to herself umakyat ito sa malaking puno na nasa tabi ng bintana niya. Nang malapit na siya, inilahad niya ang mga kamay para alalayan siya papasok
"Monkey girl" he teased
She smiled "My monkey man" she said and pulled him for a long deep kiss.
And Nico did nothing to stop her even she removed his shirt at bumaon ang mga kuko nito sa likod niya because of the intensity of their kiss. He pulled her by the waist tightly to ensure na hindi sila hihiwalay sa isa't isa.
"As much as I want to give us a chance, I cannot promise you anything" she said after their long kiss. Hinihingal pa silang dalawa so Nico pulled her at nagpatihulog sila sa kama. Elise on top of her
"Bakit ka umatras sa kasal?" he asked smiling dahil hindi niya mapigil ang saya na nararamdaman
"I have two reasons pero hindi ko na sasabihin sa'yo yung isa. My reason for backing out is dahil sa'yo. When you told me na mahal mo ako I can't stop thinking about it"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. He cupped her face and kissed her face.
"Bakit sinabi mo na wala kang maipapangako sa'kin na kahit ano?" he asked.
Huminga nang malalim si Elise at tumingin sa ibang direksyon. She just let her hanggang sa tumingin na ito ulit sa kanya.
"Aalis na kami ni daddy. We're residing in US for good" she said
Natigilan siya pero nakabawi rin naman agad "Ano naman ngayon? Pwede naman kita puntahan doon ah?" She looked at him like what he said is crazy "Anong akala mo sa Amerika? Probinsya?"
Natawa siya "Alam kong hindi. Pero pwede naman kita puntahan doon di ba? Hindi rin naman kita pini pressure sa kahit ano. But please don't stop me from going to you.
"Okay"
"I love you" he whispered. Elise has no answer to that but it's more than enough for him. "Pwede ba akong humiling?" she asked afterwards
"Ano yun?"
"Wag muna natin ipaalam sa kanila to. I mean hangga't hindi pa tayo. Pwede ba yun?" she looked at him seriously.
He smiled and nodded "Oo naman, if that's what you like" he said then kissed her "but for now, please let me make you feel that I love you."
Announcement: The Wicked Liar 2: The Lying Game is now published by Pop Fiction.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top