Espesyal na Kabanata ni gwynchanha

Exclusively Dating The Idol by gwynchanha

Special Chapter: MI-BF ("My BF") Season

"OH, MY GOD!" Napabangon kaagad ako mula sa pagkakahiga dahil sa nabasang post na dumaan sa newsfeed ko. "MIBF season na nga pala!"

Dahil sa pagsigaw ko, napabaling na ng tingin sa akin si Jennie. Nasa bahay niya kami ngayon dahil Sabado, at wala naman kaming gagawin. Since mas malapit ang bahay niya, dito na naman kaming magbabarkada nakatambay. Pwede rin akong maging patay gutom dito sa bahay nila kasi ang daming pagkain at wala siyang pake kahit ubusin pa namin laman ng double door nilang refrigerator!

"Pupunta ka?" tanong niya sa akin.

Napaungol bilang protesta kaagad si Lisa. "Ayaw ko sumama. Last year no'ng sinamahan kita, halos mamatay ako sa sobrang sikip at init do'n!"

Napangiwi kaagad ako sa sinabi niya. "Eh sino ba kasing tangang sinabihan ko na ngang 'wag lumayo sa 'kin, nay nakita lang na pogi umalis kaagad?!"

"Kailan nga ulit 'yan?" tanong ni Jisoo. Ibinaba niya na ang hawak niyang bowl na puno ng fries. "Weekdays ba?"

"Hindi ako sasama," singit naman ni Rose na nakaupo sa bean bag sa tabi ng kama, may pipino sa mga mata niya at may facial mask na nakadikit sa mukha. "Ayaw kong maging amoy araw. Sayang Victoria's Secret kong perfume."

Napairap na lang ako. "Bwiset! Edi 'wag n'yo 'ko samahan! 'Di naman kayo pinipilit!"

Binalik ko na lang ang paningin ko sa screen ng cellphone ko at saka ako humiga ulit sa kama. Pinindot ko na lang ang post at binasa ang iba pang detalye tungkol sa nalalapit na MIBF.

Gosh! Kailangan ko talagang pumunta! May book signing daw sa MIBF ang favorite kong authors! Last year, wala sila kaya malungkot akong pumunta. Ngayon, kailangan ko talagang pumunta! Hindi pwedeng hindi kahit pa may pasok ang araw na 'yon!

Pero habang iniisip kong kailangan ko pang pumila nang matagal at mangalay ang mga paa, parang gusto ko na sumuko. Kahit pa maaga akong pupunta ro'n, sure ako may mas maaga pa sa aking pumunta!

And then... a thought came into my mind.

"Huh? Bakit naman kita sasamahan do'n?" Nakaangat ang isang kilay na tanong ni Jah.

Nasa isang café kami ngayon malapit sa bahay nila. Day off niya ngayon, kaya sinabihan ko siyang gusto ko siyang makausap. Humindi pa ang loko noong una, kasi wala naman sa napag-usapan namin ang magkita kapag day off niya.

Nakasuot siya ngayon ng putting loose na long sleeve, at gray na sweatpants. Magulo ang buhok, pero bumagay naman sa kaniya. May putting mask siyang suot noong lumabas ng bahay nila, pero ibinaba niya nang bahagya ngayon dahil nagkakape kami.

Napanguso ako. "Sige na kasi! Ngayon lang naman ito. At saka, sasakto 'yong date sa napag-usapan nating schedule ng dates natin!"

"Busy akong tao, Naji, babe."

Mas lalong humaba nguso ko. "Edi okay! Itigil na lang natin ang deal natin—"

"Ibalik mo rin sa akin ang 100K ko kung titigil ka na," aniya sabay ngisi. "Breach of contract. Need ibalik lahat ng binigay ko sa 'yo."

Napairap na lang ako. "Sige na kasi!" maktol ko. "Ganito na lang. Kapag sasamahan mo ako sa MIBF, sa next date natin, ikaw na masusunod! Kahit anong gawin mo sa akin, okay lang! Kahit anong gusto mong ipagawa sa akin, okay lang!"

Napatitig siya sa akin. Kahit hindi gumagalaw ang labi niya, alam kong ngumiti siya pati mata niya, sinyales na may naiisip na naman siyang kalokohan!

"Talaga? Kahit ano?" parang may masamang balak na tanong niya.

"Oo nga!" sagot ko na lang kahit duda ako at kinakabahan.

I just need his artista privilege, okay! Kaya kailangan niya akong samahan!

Ilang segundo siyang nakatitig sa akin, na ginagantihan ko rin naman ng titig.

He shrugged. "Okay."

"Yes!" Napatayo na ako sa upuan ko sa sobrang tuwa. "Day one tayo pupunta, ah. Ime-message kita kung saan mo ako dapat sunduin."

Napakurap siya. "Hala siya, bakit ako susundo sa 'yo?"

"Duh? Dahil boyfriend kita?"

Sumilay kaagad ang mapang-asar na ngisi sa mukha niya. "Uy, aminin mo, crush mo na ako, 'no? 'Wag ka na mahiyang umaming crush mo na ako."

Napairap na lang ako. Kung may nararamdaman man ako sa kaniya, inis lang 'yon! Wala nang iba pa. "Ewan ko sa 'yo! Bye na nga! May gagawin pa ako!"

Lumabas na kaagad ako ng café at diretsong umuwi. May reservation online para sa tickets ng book signing ng favorite author ko, at kailangan kong magmadali kung gusto kong makapunta at mayakap ang matagal ko nang iniidolo!

Hindi ko ma-contain ang excitement ko sa mga sumunod na araw, pakiramdam ko nga masyadong mabagal ang oras at naiinip na ako kahihintay. Kahit malayo pa nga, 'yong books na dadalhin ko para papapirmahan, nakabalot na agad at nasa yellow na tote bag ko na!

And finally, the D-Day came...

Nakasuot ako ng yellow sundress, at naka-half ponytail lang ang mahaba kong buhok. Naka flat sandals lang din ako. May bitbit akong sunglasses at mamaya ko pa ito susuotin, kapag nakaalis na kami.

"Saan ka na naman gagala?" usyuso ni Kuya, kagigising niya pa lang at kagagaling niya lang sa taas. Tanging ang itim niyang pajama pants lang suot niya.

"Wala kang pake," sagot ko habang nakatitig sa repleksyon ko sa screen ng cellphone ko, at inaayos ang buhok.

May sasabihin pa sana siya pero napatayo na ako nang may narinig akong tunog ng kotseng papalapit. Baka si Jah na 'yon, kaya mabilis kong dinampot ang tote bag kong puno ng libro, at malalaki ang hakbang na lumabas ng bahay!

Sakto namang pagkalabas ko ng gate ng bahay, nakalabas na rin siya ng kotse. He was wearing a white polo shirt na nakabukad ang unang butones, at naka-tuck in 'yon sa itim na slacks. May suot din siyang itim na bullcap at facemask.

Napaangat kaagad ang kilay ko. "Mukha ka na namang may sakit."

"Ikaw, mukha ka na namang tae," ganti niya.

Napairap na lang ako. "Tara na nga lang! Kailangan nating dumating doon nang maaga!"

Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto, ako na mismo nagbukas at pumasok. Hindi ko naman daw siya totoong boyfriend at hindi naman ako imbalido, kaya kaya ko na raw!

Pero pagkarating namin sa mall, bumagsak ang mga balikat ko. Kahit pa kasi maaga na kami, may mas maaga pa sa amin, at ang dami na agad nila!

"Hala, ang daming tao!" bulong ni Jah. "Hindi naman siguro nila ako makikilala?"

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ba opportunity na natin ito? Maraming tao. Maraming camera. Maraming makakakita." Napangisi ako bago hinawakan ang kamay niya. "Kaya do your best, okay, babe?"

Naglibot-libot na muna kami sa mall, at naghahanap ng libro na magugustuhan ko. Mamaya pa naman 'yong book signing na pinunta ko rito, may mga isa't kalahating oras pa.

Si Jah ang pinabitbit ko sa mga pinamili kong libro, pati na 'yong tote bag kong puro lang din libro. Nagutom daw siya, nagutom na rin ako, kaya umalis kami saglit para kumain at bumili na rin ng kape(para sa akin) pagkatapos.

Nakasandal ako ngayon sa isang shelf, sumisimsim sa kape ko. Suot ko na ang sunglasses ko, habang tinitingnan si Jah na nakapila sa isang booth. Inuusisa na siya ngayon ng ibang nakapila ro'n, tinatanong kung para sa girlfriend niya ba ang mga librong papapirmahan niya. I told him na tumango kapag may magtatanong ng ganito, kaya napangiti ako nang makitang tumango siya, dahilan para magsitilian sa inggit ang mga nagtanong.

'Yan, tama 'yan, mainggit kayo!

He looked cute in my eyes habang yakap ang mga libro, at mukha siyang out of place dahil siya lang ang tanging lalaki na nakapila ro'n, at matangkad pa. Natuwa sa kaniya ang author, kaya nagpa-picture na ito bago pirmahan ang mga librong bitbit niya.

"Boyfriend ba talaga ang gusto mong kasama dito, o alalay?" tanong niya kaagad pagkalapit niya sa akin.

"Both." I smiled at him. "Tara na. Malapit na magsimula ang book signing na pinunta ko rito!"

I bought two tickets for us. At noong magkatabi kami sa pila, nakatitig sa amin ang ibang nakapila. Siguro dahil bitbit niya nga lahat ng libro ko, o dahil nakikilala nila si Jah kahit naka-mask at bullcap ito.

"Naji, babe," bulong niya. "Nauuhaw ako."

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. "Gusto mo?" Inangat ko ang hawak kong water bottle, at tumango lang siya.

Binuksan ko na ang bote at nilapit na kaagad sa kaniya ang tubig at uminom na siya, dahilan para magbulungan at maghagikgikan ang mga nasa likuran namin.

This one's actually isn't intentional, pero ayos na rin, dahil ang purpose lang din naman ng pagiging girlfriend ko sa kaniya ay para magpapansin sa madla.

Our seats were at the second row, kaya kitang-kita ang stage. When the event started, tahimik lang ako. Pero noong lumabas na ang favorite author ko, daig ko pa ang nakapunta sa concert dahil tumayo talaga ako at nagsisigaw! Syempre! This is my first time seeing her in person! Gosh!

May mini program pa bago mag-start ang book signing, kaya chikahan muna saglit. Tahimik lang si Jah sa tabi ko, nakatitig sa cellphone niya, nang biglang lumapit sa amin ang host.

"Oh! What do we have here!" anang host habang naglalakad papalapit. "We rarely see male readers! Or are you attending here for yout girlfriend?"

And, of course, he's a natural actor. Kaya kahit gulat siya noong una, mabilis siyang naka-recover. Ngumiti kaagad siya at saka tumayo para sumagot. "Yup."

Nagtiliian kaagad ang audience. Ako naman, hindi ko alam kung ang kiliti na naramdaman ko sa tiyan ko ay dahil ba sa hiya, o sa ibang bagay na ayaw kong alamin.

"Oh, really?" Bumaba na sa akin ang mata ng host. "Then, is she your girlfriend?"

"The one and only," sagot niya na mas ikinalakas ng tili ng lahat.

"Iyan ang sana all!"

"Maghihiwalay din kayo!"

"Ano ba 'yan, pati sa book signing, by partner na rin!"

"May libro na rin ako, jowa na lang kulang!"

"Hindi ka ba naiinitan? Can you remove your mask?" tanong na naman ng host, kaya napahawak na ako sa binti ni Jah.

Kaso ang loko, tumango lang. "Sure." At tinanggal nga ang mask at cap niya!

Mas lalong lumakas ang tilian ng lahat nang makilala siya.

"Sabi na, eh! Kaya pala pamilyar!"

"OMG!? Nakita ko si Justin my loves for free!? Pwede na ako humimlay!"

"Totoo pala talaga ang chismis na may girlfriend siya? Grabe! Ang swerte ni girl!"

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Ano ba 'yan, ako lang 'to!

The main event finally started. Kasama ko ulit si Jah sa pagpila para magpapirma, siya ang nagbitbit ng mga libro ko. And surprisingly, ang favorite kong author, ay fan pala niya kaya medyo natagalan kami bago umusad ang pila.

We were so exhausted when the event ended. Hapon na, at madilim ang kalangitan. Mukhang uulan pa nga.

"Ah!" I exhaled. "Ang saya ko ngayong araw!"

Sarkastikong tumawa si Jah. "Ang saya nga."

Napabaling ako ng tingin sa kaniya. "Good job, babe." Tinapik ko ang balikat niya. "Iuwi mo na ako."

"About that..." Napakamot siya sa sentido niya. "'Yong kotse... kinuha na."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Huh? Anong kinuha na?"

"Ninakaw ko lang 'yon sa parking lot ng studio," aniya. "May trabaho ako kanina, pero tumakas ako kasi sabi mo sasamahan kita ngayon."

Nalaglag na ang panga ko. "Gagi ka! Bakit hindi mo sinabi! Edi lagot ka ngayon sa manager n'yo?!"

Tumawa siya. "Ayos lang. Ang importante, nasamahan kita at nag-enjoy ka kahit ginawa mo akong alalay."

Hindi ako nakapagsalita agad, at nanatili akong nakatitig sa kaniya. Parang sumikip ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

He was willing to get punished... for me.

"Alam mo bang may kapatid si libro?" biglang hirit niya, kaya nagtaka ako.

"Ano?"

Malawak siyang ngumiti, naningkit ang mga mata, at exposed na exposed ang gums at ang mapuputing ngipin. "Si Lisis."

Ilang segundo akong nag-loading dahil sa sinabi niya. At noong na-gets ko na nga, napabuga na lang ako ng hangin.

May sasabihin pa sana ako, kasi biglang bumuhos ang ulan, kaya napatingin na ako sa harap. "Kita mo, pati ang langit naiyak sa ka-corny-han mo." Napanguso ako. "Paano na tayo makakauwi nito ngayon? Tatawag ba tayo ng—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang hiawakan ang kamay ko, at napasinghap ako nang lumusong kami sa ulan!

"Hoy! Gagi ka! 'Yong mga libro mababasa!" nagpapanic na sigaw ko.

"Edi bilhan kita nang bago!" natatawa niyang sabi habang tumatakbo pa rin kami.

Ilang segundo akong napatitig sa kaniya, at natawa na lang din ako kalaunan habang naiiling.

Taon-taon akong pumupunta sa book fair, walang palya. Pero ngayong taon, ito ang pinaka-memorable para sa akin.

Maybe, for now, it's okay for me to be honesy with myself, and just surrender to what my heart has been telling me, and stop denying that it's already happening, and I won't be able to stop this from growing the more I spend time with him. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top