Whroxie's Special Chapter
4 Years Later...
"OH MY god!" tili ni Lavender nang sa paglabas niya ng bahay ay makitang nagsu-swimming si Frankus, Creed at Hector. Nag- uunahan na marating ang kabilang dulo ng pool at ang nakapagpabahala sa kanya ay nang makitang hawak ng mga ito ang tatlong bata sa iisang kamay habang nakataas iyon. Ang mga bata ay tumitili naman. Tuwang-tuwa at hindi alam ang panganib sa pinaggagawa ng sariling ama at mga uncle nito.
"Oh my god!" Katulad niya ay bumulalas din si Sasahh na kasunod niya. Nagmadaling naglakad ang dalawa patungo sa picnic table at inilapag doon ang tray na naglalaman ng pagkain. Nagmadali ang dalawa na lumapit sa gilid ng pool, hinintay ang pagdating ng tatlo sa dulo. Si Creed ang unang nakarating na pumalatak sa katuwaan dahil ito ang nanalo. Itinaas nito ang bata, ibinaba sa tubig at muling itinaas sa ere. Humagikhik naman angbata.
"Kayong mga bata kayo! Ano ba ang ginagawa n'yo sa mgaapo ko?" pagalit na saway ni Sasahh sa tatlo. Kinuha nito ang bata mula kay Creed. Si Lavender ay kinuha naman ang anak mula kay Frankus at inilapag saka kinuha naman ang isa pa kay Hector. Inabot ni Lavender ang kamay ni Lake at naglakad patungo sa mesa habang karga si Forest. Pinatayo niya si Forest sa upuan. Kinuha mula sa sandalan ng silya ang tuwalya at pinunasan ang bata. Tinanggal niya ang swimming trunks nito at isinuot ang puting roba. Inupo niya ito sa baby high chair. Kinarga naman niya si Lake at pinatayo sa silya.
"Swimming!" Lake wanted to go back to the pool. He pointed to the pool.
"Enough, baby. Mommy prepared snacks for you." Inayos niya ito at pinaupo naman sa upuan nito. Si Sasahh naman ang nag-ayos kay Rustic. Magkakatabi ang high-chair ng tatlo. Ibinigay niya rito ang mga snacks.
"Hmmm.... delicious." Napatawa si Lavender nang mamilog pa ang mata ni Forest nang kumagat ito ng homemade corndog.
"Delicious," sabay naman na sabi ni Rustic at Lake. Nanggigil na hinalikan ni Lavender ang tatlong anak. Ang ku-cute talaga ng mga babies niya. Sinulyapan niya ang bakanteng ikaapat na baby high-chair at tumingin sa pinto ng bahay.
"Wala pa sila," usal niya. Si Frankus ay lumapit sa likuran ni Lavender at hinalikan siya sa pisngi na malapad naman niyang ikinangiti. Pagharap niya rito ay muli siyang nakatanggap ng haliksa labi.
Pinaningkitan niya ng mata si Frankus. "Stop toying with the kids."
"They are safe. Kami pa ba?"Napailing na lang si Lavender. Naupo si Lavender sa malapit sa mga anak. Sina Creed, Hector at Frankus ay naupo naman sa kabilang bahagi ng picnic table.
"Hello, everyone!"
Sabay-sabay na bumaling ang lahat kay Soft habang karga si River. Agad na tumayo si Lavender at sinalubong ang dalawa. Kinuha niya mula kay Soft ang isang taong gulang na anak na si River na ubod ng ganda. Nakasunod naman si Wilson at Eliseo kay Soft. Tulak ng isang nurse ang wheelchair na kinauupuan ni Eliseo.
Inilagay ni Lavender sa isa pang highchair si River at muling naupo. Si Soft ay tumabi sa tatlong lalaki na ngayon ay umiinom ng beer. Naupo naman si Wilson sa tabi ni Sasahh habang si Eliseo ay ipinuwesto ng nurse sa tabi ng mag-asawa.
"How's your check up, Lolo?" tanong ni Frankus kay Eliseo.
"Maayos, apo. Simpleng pananakit lang ng tiyan. Mukhang hinaharang pa rin talaga ni Robert ang pagsunod ko. Gusto talagang masolo ang Lola Nadia mo."
Napatawa sila sa tinuran nito. "Hayaan mo na muna sila, 'Lo. Matagal mo namang nakasama si Lola Nadia," si Soft na inabutan si Forest ng chocolate drink.
"Ano pa nga ba?"
They just hit their four-year Baltimore milestone.They never anticipated settling here this long. Moving to a distant nation, like she did previously, was a significant sacrifice. It actually altered the direction of their lives. Her choice to give up her career as a lawyer was the most difficult one she had ever made. But she's pleased with how things have turned out. It worked out because they had each other's core support. Ang pamilya niyang naiwan sa Pilipinas ay hindi niya maramdamang malayo dahil constant ang communication nila. Kasama niya ang pamilya niya. Naayos ang pamilya ni Frankus at natulungan si Hector. Pros outweighed the cons.
Hindi rin naman siya totally tumigil sa pag-practice. Involved pa rin siya sa pagpapatakbo ng law firm. Dito naman sa Baltimore ay nagagamit ni Lavender ang pagiging abogado. She's helping the Filipino community. She's giving legal advice sa mga nangangailangan, although she missed being in court. Si Frankus at Hector ay dito na tinapos ang kurso sa pagnenegosyo. Si Soft ay dumadalaw-dalaw dito paminsan-minsan.
"Hector, son," tawag ni Sasahh kay Hector na tahimik habang nakatuon ang mata sa phone. Hindi rin nito pinansin si Sasahh. Mukhang hindi narinig. Frankus nudged Hector with his elbow to get his attention. He tore his gaze away from the phone screen.
"Tawag ka ni mom. Tulala ka?"
"Mom?"
"You okay? Parang ang lalim ng iniisip mo?" malambing na tanong ni Sasahh.
"I was just amazed with this new Moto3 world champion. Husay, eh. Tinalo ang unbeatable world champion na Spanish rider. She's a Filipina." Ibinalik ni Hector ang tingin sa phone.
"Alexandrite de Ortouste."Natigilan ang lahat sa sinabi ni Hector. Lahat ng mata ay natuon kay Hector.
"She's beautiful."Iniharap ni Hector ang phone sa kanila. Larawan ni Andrite habang hawak nito sa kabilang kamay ang trophy at sa kabilang kamay ay ang batang babae. Ang batang ampon nito. Si Porcelain.
"Her daughter has the same surname as me. Porcelaine de Ortouste Swift."
Walang umimik sa lahat. Nagpalitan lang ng mga tingin. Hector grabbed the can of Duckpin Pale Ale, bringing it to his lips, and took a gulp of beer while his eyes still fixated on the screen. He was drawn to it. Maybe his mind forgot them, but his heart still knew them.
Hector had systematized amnesia for some time. He had forgotten some of his prior recollections. His illness worsened after relocating to Baltimore. His ailment was exacerbated by his new surroundings. He tried many forms of psychotherapies, but none of them helped, nor did particular medicine prescriptions to treat the problem. Sa University na pinapasukan nito at ni Frankus ay inatake ito at muntik mapatay ang professor. Every time he saw a man who was romantically and physically attracted to persons ofthe same sex, as well as males who exhibit care for young boys even if in a non-malicious manner, his condition was triggered.
Ang naging professor nito ay nagpakita ng attraction kay Hector at muntik nito itong mapatay. Humingi ng tulong si Sasahh at Wilson sa mag-asawang Gabbie at Aaron. Aaron was a scientist who helped Peri recover from a long-term coma. He and his colleagues devised a method to erase painful memories, which they applied to Hector. They were successful in deleting the entire chunk of his child abuse experience. Ang problema ay may mga memoryang nawala kay Hector kasama si Andrite at Porcelain, pati na rin ang ginawa nitong gulo na naging dahilan ng pagkakakulong ni Frankus. Minsan ay sinubukang ipaalala rito ang ilang bagay pero hindi maganda ang naging epekto kay Hector. Matinding pananakit ng ulo at naapektuhan ang behavior nito sa tuwing ipipilit na maalala nito ang ilang bagay. Kaya hinayaan na lang. Walang kasiguraduhan kung maalala pa nga ito ni Hector.
"Hi!"
Bumaling ang lahat sa babaeng bagong dating. Si Xiela, ang girlfriend ni Hector. Patakbo nitong nilapitan si Hector at hinalikan sa labi. Umusog si Creed para bigyan ng puwesto si Xiela. Xiela was a Filipina, she's working here as a nurse.
"What's wrong, guys? Tahimik kayo?" tanong ni Xiela nang mapansin ang katahimikan sa mesa.
"Xiela, paano kung isang araw malaman mong may mag-ina na pala itong si Hector tapos kailangan ka na niyang i-break dahil na-realize niyang mahal niya ang naiwan niyang mag-ina?" Natigilan si Xiela. Napansin naman ni Lavender ang pag-iba ng ekspresyon nito. Takot. Iyon ang nasa mukha nito.
"Imposible naman. Ako lang naman ang naging girlfriend ni Hector noon sa Pilipinas at ako pa rin ang binalikan niya." Xiela was Hector's ex-girlfriend. Hindi sinasadyang magkita ulit ang dalawa at nagkabalikan.
"Right, babe?"
Ngumiti si Hector sa babae at hinalikan naman ito ng babaesa labi.
HE WAS drawn to her beauty. She had a stunningappearance. She had very beautiful eyes. They came in a variety of hues. Brown, gray, and green. They were quite telling. His eyes were feasting on this picture for quite some time now. Siguro dahil masyado siyang humahanga sa babae. She's making history as the first female rider to win a World Championship in Moto3.
"Hector."
He lifted his gaze to Xiela who was standing a few feet away from him wearing a nude lingerie. He placed the phone face down on the couch next to him as she started walking towards him. Umupo ito sa tabi niya at yumakap.
"Aren't you going to sleep yet?" Hinaplos nito ang dibdib niya. Ang bibig ay inilapit sa kanyang tainga at marahang inipit ng mga labi ang dulo ng kanyang tainga as her hand started rubbing his chest and stomach. "Wanna get naked with me?" she purred in his ear before kissing and biting his ear playfully. She invariably ran her hand down his private part, discovering his lack of response, making her stop from initiating.
"I'm sorry, Xiela, I'm not in the mood."
Disappointed itong tumitig sa kanya. Hindi makapaniwala.
Tumayo ito at pagalit na naglakad palayo. "Uuwi na lang ako." "Take care."
She stopped abruptly, glancing back at him over her shoulder, stunned. Hector winced after realizing what he said. Such a jerk. Xiela shook her head in dismay and left him with a flounce. He watched her retreating figure. Nakasalubong pa nito si Frankus.
"Ano ang problema n'yon?" tanong ni Frankus na umupo sa kabilang sofa sa kanyang harapan.
"I told her I'm not in the mood for sex."
"Hmm. You rejected her. Ganyan din si Lavender kapag hindi napag-bigyan... mas malala kasi papalabasin talaga ako ng kuwarto."
Tumawa si Hector. Minsan nga ay nakikitulog ito sa kwarto niya. Galit daw si Lavender. Iyon pala 'yon.
Niyuko ni Hector ang phone at kinuha iyon. Muli niyang tiningnan ang larawan ni Andrite ng ilang sandali bago muling nag-angat ng tingin kay Frankus.
"Si Alexandrite de Ortouste. Pamangkin siya ni Lavender, tama?" Nabasa niya ang article tungkol sa babae at ang nanay nito ay si Lilac na kapatid ni Lavender.
"Hmm." Tumango si Frankus na matiim na nakatitig sa kanya. Tumango lang si Hector. Hindi na siya nagtanong pa ulit nang makita si Xiela na nakabihis na.
"Aalis ka, Xie?" tanong ni Frankus.
"Yeah," anito na diretsong tinungo ang pinto.
"Are you sure?" tanong ni Hector sa katipan.
Hindi siya nito pinansin. Isinandal niya ang ulo at ipinikit angmata. Si Xiela ay nilinga si Hector at nagmura nang makitang wala itong balak pigilin ito. Wala siya sa mood para manuyo.
Isang malakas na bagsak ng pinto ang kanyang narinig.
Napatawa naman si Frankus. "Grabe ang mga babae kapag hindi napagbibig-yan 'no? Samantalang tayo, kapag hindi napagbigyan iniintindi sila."
Habang nakapikit ay biglang may imahe na pumasok sa isipan ni Hector. Mga labi ng isang babae, masuyo niyang hinahaplos iyon ng mga daliri.
"Alam mo bang nagugustuhan ko kapag ginagawa mo 'to?" tukoy niya dahil sa pagkagat sa ibabang labi ng babae. Ipinilig ni Hector ang ulo at umungol.
"Gusto kitang halikan."
Sino ang babaeng ito? Sino ang nagmamay-ari ng mga labing ito? Sinubukan niyang palawakin ang alaala para mabigyan ng mukha ang babae, pero matinding sakit ng ulo ang naging resulta. Nagmulat siya ng mata at sinapo ang ulo ng dalawang kamay. Dumaing sa sakit.
"Hector, what's wrong? What's going on?" nag-aalalang tanong ni Frankus.
"I don't know. An image of a woman's lips suddenly flashed across my mind—oh damn!" He squeezed his skull with his hands as the throbbing headache doubled the intensity.
"Stop thinking. Get some rest now."
Isinandal ni Hector ang ulo at mariing ipinikit ang mata. Saglit siyang nasa ganoong posisyon hanggang sa unti-unting maging maayos ang pakiramdam.Nagmulat siya ng mga mata. Nag-aalalang nakatitig sa kanya si Frankus.
"Ayos ka na?"
Tumango siya. "Akyat na ako." Tumayo siya at umakyat sa ikalawang palapag. Sa halip na pumunta ng sariling silid ay kinatok niya ang silid ng magulang.
"Come in." Boses iyon ni Sasahh.
Binuksan ni Hector ang pinto at sumilip sa siwang.
"Yes, son?" nakangiting tanong ni Sasahh.
"Can I sleep here?"
Marahang natawa ang mag-asawa na agad naman umusogpara bigyan siya ng espasyo sa gitna. Pumalatak si Hector ng "yes" at mabilis na pumasok at isinara ang pinto. He dashed to his parents' bed and snuggled in between them. Agad na yumakap ang mga magulang kay Hector.
Being crammed in between his parents in bed gave him serenity. Kapag malungkot siya, kapag nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na takot at pangungulila ay pumapasok siya sa silid ng magulang at dito natutulog. Sasahh wasn't his biological mother but he loved this woman so much. Alam niyang ganoon din ito sa kanya. She always gave him warmth, care and positive attention. She always made him feel loved that he'd neverfelt with his biological mother.
"I love you, mom, dad."
"I love you, son," sabay na sabi ng dalawa na mas lalongikinagaan ng kanyang dibdib.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top