PrincessThirteen00's Short Story


Bittersweet Memories in Singapore
(A Bittersweet Kiss in Batangas Side Story)
By PrincessThirteen00

"KUNG ang Tagalog ng pineapple ay pinya, bakit ang ganda ko?" tanong ni Mirasol sa kaniyang Ate Maria habang inaayos ang suot na gown. She had her white pumps and beige off-shoulder gown with Swarovski diamonds hugging her waist. Her long wavy hair had curls in the end.

"Alam mo, Mimi, nababaliw ka na naman!" asik ni Maria habang naglalagay ng kolorete sa mukha. Nakasuot naman siya ng mas makinang na beige dress. "Bilisan mo na riyan at tayo na lang ang hinihintay nila sa baba!"

"Hindi 'yan, 'Te! Tsaka kung ma-late man tayo, at least bongga ang entrance, 'di ba? Like pak!" masaya pa nitong dagdag at nilipat-lipat ang buhok mula sa kanang balikat patungo sa kaliwa. Muling binalik ang atensiyon sa munting tupi-tupi ng kaniyang gown.

"Umayos ka nga, Mimi. Tatawagan pa tayo ng Inay mamaya 'pag nakauwi na sina bunso."

Kasalukuyan na nasa Singapore ang magkapatid na Flores upang dumalo sa kasal ng kamag-anak. Gusto man sumama ng kanilang Ina ay hindi na nila nagawa pa dahil hindi umabot ang passport niya.

Mas pinili na lamang ni Aling Marites na manatili sa Pilipinas. May kaunting pagkadismaya na hindi sa Batangas ginanap ag baysanan pero sa ibang bansa pa. Ngunit hindi rin naman sila masisisi ng matanda. Una, hindi naman sila ang nag-aayos ng kasal. Ikalawa, hindi naman sila ang gumastos para roon.

Ang bunsong kapatid nila na si Crisostomo at ang asawa nito na si Katherine ang pansamantalang kasama ng ina dahil nagbabakasyon ang bagong kasal sa Pilipinas. Hindi rin sila maaaring magtagal dahil sa pagbalik nina Mirasol at Maria ay magtutungo naman sa Australia ang mag-asa kung saan sila magsisimula bilang mag-asawa. Lalo pa at nagkaroon na ng offer si Crisostomo upang magturo roon.

Nagbabakasyon naman si Maria na nakabase sa U.S. nang maimbitahan ang pamilya nila. Sa halip na kasal lamang ng kapatid ang kaniyang dinaluhan, maging kasal ng pamangkin sa Singapore ay hindi siya nakatanggi.

At dahil sabik na sabik si Mirasol magbakasyon, sina Maria at Mirasol na lamang ang naging representative ng kanilang pamilya sa pagtitipon.

"Ikaw na lang kasi, Ate!"

"Hay naku, Mirasol! Umayos-ayos ka nga! Kung tayo ay nasa atin, baka hinayaan pa kita. E, 'pag ganire na nasa ibang bansa tayo, naku! Magagarute kita!"

"Ate, ga naman!"

"Hala! Magmadali ka na r'yan! Mamaya ay susunduin na tayo ng mga Tita. Baka nga 'yon ay nandiyan na!"

"Susunod talaga ako, Ate, pramis! Magpapaganda lang talaga ako. Baka dine ko pa pala makikilala ang poreber ko! Ikaw naman. Ang supportive mo!"

Maria rolled her eyes. Ayaw man niyang suportahan ang plano ng kapatid, may bahagi rin sa kaniya na nais nang mag-asawa si Mirasol. Bukod sa naunahan na siya ni Crisostomo na ikasal, matagal na rin mula nang magkanobyo ito.

Batay sa kuwento ng kanilang ina sa kaniya noon, umalis ang nakarelasyon ni Mirasol dahil sa trabaho at pamilya. Noong una ay may komunikasyon pa raw ang dalawa hanggang sa biglang naglaho na lang.

Mirasol was ghosted.

Ayaw pa sana nitong mag-move on ngunit taon na rin ang naging bilang nang huli silang mag-usap. Taon din ang inabot bago nakapag-move on ang dilag.

"Susunod ako, Ate. Malay mo, ako pa pala ang makasasalo n'ong pabulaklak nila, 'di ba? O, basbas na 'yon na magkakajowa na 'ko!"

"Siguraduhin mo lang. Mamaya ay may pamangkin ka na kina Crisostomo at Katherine."

"Hindi pa 'yan! 'Di ga sabi ni bunso ay wala pa sa plano?"

"Kita mo ga kung paano maglambingan 'yong dalawa? Kulang na lang ay magkapalit ang mukha, e! Iba ang tama sa isa't isa," ani Maria habang naaalala kung paano laging magkadikit ang mag-asawa at walang pinipiling araw o oras na maglambingan.

"E, mag-asawa na rin naman sila."

"Exactly my point! Baka ikaw ay matulad sa Kaka Aning," naiiling na usal ni Maria.

"'Yong soltera na umpi mo? Hay naku, Ate! Ka-supportive mo ga! H'wag gay'on!"

"Ewan ko sa 'yo, Mirasol. Bilisan mo na lang. Bisita tayo, hindi ang kinasal." Parang bata siyang pinagsasabihan ng kapatid.

Mukhang kahit ilang taon pa ang lumipas, may mga bagay na hindi magbabago.

Hindi naglaon ay nilisan na ni Maria ang silid at binalot ng katahimikan ang paligid.

Nag-retouch si Mirasol ng lipstick.At habang inaayos niya ang sarili, hindi niya mapigilan na malungkot. Alam naman niya na nasa edad na rin siya upang mag-asawa. Sa katunayan, matagal na niyang naisip na maikasal. Pero paano siya ikakasal kung wala naman siyang kasintahan?

Kahit ano'ng ganda at kulit niya, kung wala naman magkakagusto o manliligaw sa kaniya, wala rin. Kahit na lagi niyang sinasabi ang 'self-love', kinukubli niya ang inggit.

Halos lahat na yata ng kakilala niya ay may asawa o mag-aasawa na. Ang iba ay mga pamilyado na at nagpapadami na ng lahi, samantala siya . . . wala.

Umiling-iling si Mirasol at ilang beses kumurap. "Today will be the day na makikilala mo ang poreber mo, Mirasol Miranda. You're pretty and you know it! Tu-tu-tu-tu! You know it!" awit pa niya.

Nang maging masaya na sa kolorete sa kaniyang mukha ay saka niya napagdesisyonan na lumabas na ng hotel room. Ilang beses na rin siyang kinukulit ng nakatatandang kapatid na bilisan na dahil nagsimula na ang programa sa reception.

Hindi naman siya malapit sa bagong kasal pero pumayag siya agad na magtungo sa Singapore dahil bukod sa makapapasyal sa ibang bansa, libre pa ni Maria ang ticket.

At sa kaniyang pagtahak sa reception hall, kapansin-pansin agad kung gaano karaming tao ang imbitado sa kasal. Everyone was in a shade of beige, celebrating and having the time of their lives.

Pero sa kaniyang pagrampa mag-isa sa red carpet malapit sa entrada ng reception hall, nangunot ang noo niya nang mapansin ang isang pamilyar na bulto. Mula sa matikas nitong pangangatawan, patungo sa pantalon niyang hapit sa baywang kaya mas naging matambok pa ang hitsura ng pang-upo nito.

Sa bawat paghakbang ni Mirasol ay hindi lamang ang tunog ng kaniyang takong ang maririnig kung 'di maging ang dagundong ng kaniyang puso.

He was familiar. That was a fact.
At nang marahan na itong lumingon, parang bumagal din ang oras. Sobrang bagal.

Hindi mapigilan ni Mirasol na mapatitig sa lalaki na katapat na niya ngayon. He was taller and slimmer. He was more handsome from when she last saw him. He looked more mature.

Five years have already passed.

Tumalikod si Mirasol at tinaas nang bahagya ang suot na gown upang mas madaling makapaglakad palayo.

The faster, the better.

Mukhang dapat sumabay siya kay Maria para walang ganoong pagkakataon. Hindi man niya alam kung ano'ng dahilan kung bakit nakikita niya ang ugat ng sakit niya noon, ayaw niyang balikan pa ang nakaraan.

'Lord, hindi siya 'yan. Ibang tao 'yan, 'di ba? Hindi siya-'

"Mirasol!" pagtawag ng pamilyar na boses.

Ang parehong boses na gustong-gusto niyang naririnig. Ang boses na kinahuhumalingan niya noon.

'Shuta! Siya nga!'

"Mirasol! It's you! Long time no see!" Napapikit sa inis si Mirasol nang marinig ang napakapamilyar na boses. Malalim ang boses ng lalaki, parang nang-aakit.

Gusto niya sana na sagutin ang lalaki sa sinabi niyo na 'long time no see.' Niliteral kasi niya ang paglaho.

"Sino ka ga naman?" mapang-asar niyang tanong at nagkrus ang mga braso.

"Ay? Hindi mo na 'ko tanda? Weh? Tunay na 'yan?" aniya habang niluluwagan ang pagkabubutones ng pang-ilalim na damit dahil sa pawisan na siya. "Ang init talaga."

Napalunok ang dalaga sa nasasaksihan. Parang nang-aakit si Stephen. Parang pagkain na hinahain sa kaniyang harapan. Parang isang modelo na pinagpapantasiyahan ng lahat.

Pinagmasdan muli ni Mirasol ang hitsura ng lalaki ngayon na nasa malapitan na at kung guwapo na ito noon, mas naging prominente ang hitsura nito - mas matangkad at mas nakalalaglag panty ang hitsura. Kahit na nasa ganoong sitwasyon, hindi niya mapigilan ang mapaglarong isipan niya na isipin na umiigting ang panga nito.

Kung hindi siguro siya na-ghost ng lalaki, baka hindi rin sila nagtagal pa dahil sa angkin na kaguwapuhan. Kahit saan ito magpunta ay talagang nakakukuha ng atensiyon sa publiko - partikular sa mga kababaihan. Kung hindi siya na-ghost, siguradong may third party.

"Ano naman ang ginagawa mo rito?" naiinis na tanong ni Mirasol kay Kenneth, ang dati niyang nobyo ng isang taon at tatlong buwan. Pinamaywangan pa niya ang lalaki.

"Kaibigan ko ang groom. Ikaw?" sumandal si Kenneth sa haligi ng balkonahe at saka may kinuha sa ilalim ng suit - sigarilyo at lighter.

Nagtagpo ang mga kilay ni Mirasol habang nakamasid sa dating nobyo. Kahit gaano kaguwapo ni Kenneth, mukhang hindi pa rin nagbabago ang paninigarilyo nito. Nang masindihan ang sigarilyo ay binalik ni Kenneth ang lighter sa bulsa ng suit.

Bago pa man lumapat sa labi ni Kenneth ang sigarilyo, nagmamadaling kinuha iyon ni Mirasol at tinapon sa konkretong sahig. Nagmamadali niyang tinapak-tapakan ang munting sindi.

Naiinis siya sa mga naninigarilyo at alam ni Kenneth iyon dahil nIkuwento niya na rin noon na nagkaroon ng kanser sa baga ang ama na siyang dahilan ng pagpanaw nito.

Ayaw niya sa mga ganoong adiksyon. At para kay Mirasol, sapat na ang adiksyon niya sa pagiging maganda.

"Mirasol!"

Hinawakan ni Kenneth ang braso ni Mirasol at hinatak palapit sa kaniya.

"Anak ng-!"

Natisod pa si Mirasol dahil sa suot na gown. Napapikit siya dahil sa takot na baka matumba siya at tumama ang ulo sa sahig. Mariin ang naging pagkakahawak niya sa binata.

Ilang segundo rin ang nakalipas at hinihintay pa rin ni Mirasol ang pagbagsak niya sa sahig. But as she opened one eye, mukha ni Kenneth ang kaniyang nakikita nang malapitan. Sobrang lapit na halos magdikit na ang tungki ng kanilang mga ilong.

Doon pa lamang nagmulat ng mga mata si Mirasol. Nagmamadali niyang sinuri ang puwesto nila.

Kenneth's arms and hands were supporting her back and wait, while her arms were embracing his neck. Medyo nakayuko ang katawan ni Kenneth. Nakataas pa ang isang hita ni Mirasom sa ere na parang nagsasayaw sila.

"Ang pakialamera mo pa rin," bulong ni Kenneth.

Saka pa lamang umakyat ang pamumula ng kaniyang mga pisngi at kahihiyan sa nangyayari.

"B-bitiwan mo nga ako!"

Tinanggal ni Mirasol ang mga braso sa pagkakawit sa leeg ng binata at tinulak ito. Hindi sinasadyang nabitawan ni Kenneth ang dalaga kaya tuluyan itong napaupo sa konkreto. Hindi niya inaasahan na magkulrus ang kanilang mga landas sa ganoong paraan.

"Aray! Bakit mo ga naman ako ibinagsak? Gago ka ba?!" reklamo ni Mirasol habang hinahaplos ang balakang at patungo sa pang-upo. Hindi niya maitago ang sakit.

"Ikaw 'tong nagsabi na bitiwan ka at nanunulak tapos ako ang tatanungin mo kung gago ba 'ko? Nababaliw ka na ba?" nayayamot niyang singhal.

"Pakshet ka talaga, Ken! Buwisit!"

"O, sabi ko na nga ba tanda mo pa 'ko, e!" Inabot ni Kenneth ang kamay upang tulungan na tumayo si Mirasol.

"Ewan ko sa 'yo!"

Naiinis man, tinanggap na ni Mirasol ang tulong ng lalaki dahil alam niyang hindi rin siya makatatayo nang maayos dahil sa suot na gown.

"Ang init ng ulo mo. Sign of-"

"Huwag mo 'kong sisimulan, Kenneth. Uupakan talaga kita," pagputol ng dalaga at pinanlakihan pa ng mata ang kausap.

Tumalikod si Mirasol at naglakad palayo. Naiinis siya at pulang-pula na ang mukha. Mukhang walang kuwenta ang blush on at kolorete na nilagay niya sa mukha.

"Mag-usap naman tayo, Mirasol!" Hinawakan ni Kenneth ang braso ng dalaga ngunit agad din iyong binawi ni Mirasol. "Huy!"

"Don't touch me!"

"Ay wow! English 'yon."

"Malamang. Ano'ng akala mo sa 'kin? Shuta ka to the highest level! Tantanan mo 'kong unggoy ka!"

Popostura pa sana si Mirasol na bibigyan niya ng suntok si Kenneth sa mukha nang walang babala na naghiyawan ang mga tao sa reception. At sa kanilang paglingon, hindi inaasahan ni Mirasol na siya ang makasasalo sa bungkos ng mga bulaklak na hinagis ng bride.

"Uy, ang galing. Wala ka r'on pero ikaw ang nakasalo." Tumatango-tango si Kenneth at binigyan pa siya ng ilang palakpak. "Wow, magic!"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mirasol sa hawak na bulaklak, kay Kenneth, sa bagong kasal, sa mga bisita, at saka muling bumalik kay Kenneth at sa bulaklak. Maraming nagpapalakpakan at nagsisipulan. Tinatawag na rin siya ng M.C. upang lumapit sa entablado upang makuhanan ng retrato.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maproseso ang mga nangyayari. Siya ang nakasalo ng bulaklak ng bride!

"Anak ng-!"

"Oy, bunganga mo, Mirasol! Gusto mo yatang halikan kita r'yan, e!" biro ni Kenneth, tumataas-baba pa ang kilay nito.

Tumaas ang kilay ni Mirasol sa sinabi ni Kenneth. Parang bumalik sa isipan niya ang ilang alaala mula sa nakaraan. Sa tuwing magmumura siya, hahalikan siya ni Kenneth kahit saan at kahit kailan. At dahil walang kontrol si Mirasol sa bibig niya, madalas siyang nananakawan ng halik ng nobyo - dating nobyo.

It was a nostalgic joke that she preferred to forget. Kung puwede lang . . . Kung ganoon lang sana kadali ang lahat . . .

"Baliw kang unggoy ka!"

Hindi napigilan ni Mirasol ang sarili. Isang beses niyang hinampas ng bulaklak si Kenneth. Ngunit nang may mapansin na may ilang petals na nahulog sa sahig, pinili niyang ang braso ang gamitin sa pag-atake kay Kenneth.

"Hoy! Kumalma ka nga, Mirasol!" natatawang saway ni Kenneth.

"Nakakainis ka ga! Litsi!"

Sa 'di kalayuan, hindi nakatakas kay Mirasol kung paano magsigawan at magpalakpakan ang mga bisita. Kasali na rin doon kung paano umiling ang ulo ni Maria sa kaniyang direksiyon. Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top