MaxielindaSumagang's Special Chapter


THE CROWN PRINCESS AND THE MAFIA
by MaxielindaSumagang

EXTRA CHAPTER 13.5:
The Princess and Jollibee

Spinning his handgun out, Yelisei aimed it at the car following them side by side. He blankly stared at the driver as he aimed his gun and shot the latter's head. Touching his earpiece, he spoke. "Check if there are still cars tagging along. Patayin n'yo lahat. Siguraduhin ninyong walang matitira."

"Yes, boss."

Muling napatingin si Yelisei sa kotse bago n'ya binaril ang mga gulong nito hanggang sa tuluyan itong mabangga sa isa sa mga punong naroon. Pinasibad n'ya palayo ang kanyang kotse no'ng tuluyan nang sumabog ang kotseng sumusunod sa kanila.

Napansin n'ya agad na nagigising na si Cecilia habang nakaupo ito sa shotgun seat kaya agad n'yang tinago ang kanyang baril at nilingon ito.

"What's happening?" tanong ng prinsesa. Halata sa boses n'ya na naalimpungatan s'ya.

"Oh, we just passed into a terrible car accident," tugon ni Yelisei.

"An accident?"

Tumango s'ya. "Yeah."

"The driver, the passengers, are they okay? Are the paramedics, emergency team, and the police there?" muling tanong ng prinsesa at kitang-kita ni Yelisei kung gaano ito nag-aalala.

Muli naman s'yang tumango. "They'll be fine. Don't worry too much, Your Highness."

Nakita naman n'yang bumuntong-hininga si Cecilia at tumango. "I hope they're safe."

For someone who's in the middle of a life and death situation and basically gets threatened by people who want to kill you, you still care for other people's well-being and safety.

Ilang segundong napatitig si Yelisei kay Cecilia bago s'ya nag-iwas ng tingin para ituon ang kanyang atensyon sa daan. Nasa sentro na sila ng Cebu at kitang-kita na nila ang mga establishimento sa paligid. "Are you hungry, Your Highness?"

"I'm fine, Yelisei. I am not that hungry."

"Are you sure? We still need to travel for two hours. We could just stop by a restaurant, Your Highness." aniya sabay hinto no'ng makita n'yang pumula ang traffic light.

"No, Yelisei. Don't bother. We can-" Agad napunta ang buong atensyon ni Cecilia sa isang pulang gusali at wala sa sariling naitukod n'ya ang kanyang mga kamay sa bintana ng kotse no'ng maalala n'ya ang mukhang malaking pulang bubuyog na nakatayo sa labas. "Jollibee."

Bahagyang kumunot ang noo ni Yelisei no'ng sabihin iyon ng prinsesa. "Jollibee?"

"I thought it's just a rumor but it really is here!"

Muling nilingon ni Yelisei si Cecilia at agad dumako ang kanyang mga mata sa nasabing gusali bago muling tumingin sa prinsesa. Nilingon naman s'ya ng prinsesa at isang malapad na ngiti ang iginawad nito sa kanya. "Yelisei! It's Jollibee!"

How does she know about this place? "Jollibee is a fast food chain, it's not the same as a five-star restaurant. Do you really want to eat there?"

"I want to eat there! I've been dying to eat there since I was a kid. My lady-in-waiting in the past is a Filipina and she told me everything about this country, including Jollibee. I really wanted to try eating here for so long. It's even on my bucket list! I wanted to eat there!" Hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi ni Cecilia.

"If that's what you really want, Your Highness," ani Yelisei at kasabay ng pag-berde ng ilaw ng traffic light ay ang paglihis n'ya ng kanyang dinadaanan.

"Hello, ma'am and sir, welcome to Jollibee."

"Wow..." usal ni Cecilia habang nililibot ang kanyang paningin sa kabuuhan ng Jollibee. Kitang-kita n'ya ang mga customer na nakapila, mga staff na inaasikaso ang mga customer maging ang mga nasa counter area. Bahagya s'yang napakapit sa tali ng kanyang itim na hoodie jacket na pagmamay-ari ni Yelisei. "So many people..."

"It's peak hour," tugon ni Yelisei at agad naman s'yang napatingin dito.

"Peak hour?"

"Lunch time. Basically, it's a busy hour for restaurants. Mas maraming tao 'pag lunch time at hapunan marahil dahil galing sa trabaho o eskwelahan ang mga kumakain dito," wika ni Yelisei habang nakapila na rin sila. Nakita ni Cecilia ang isa sa mga staff na nagtatanong sa mga customer na nakapila habang may sinusulat ito sa hawak na notepad. Tahimik lang n'yang pinagmamasdan ang staff hanggang sa nasa tapat na nila ito.

"Hello, sir, welcome to Jollibee. Ano pong order ninyo sir?" tanong ng lalaking Jollibee staff sa kanila.

"I'll take two Jolly Super Meal the one with lumpia, then two Champ Jr. solo, one chocolate, one large fries, one peach mango pie, and one ube cheese pie."

Inulit ng staff ang order ni Yelisei para alamin kung tama ba ang lahat ng nasulat n'ya. No'ng masiguro na n'ya na tama ay binigay n'ya sa binata ang listahan. "Ibigay n'yo lang po iyan sa counter para po ma-process ang order ninyo."

Tumango naman si Yelisei bilang tugon. "Thank you."

"I thought we're going to order on the counter," hindi mapigilang maikomento ni Cecilia.

"It's peak hour so it'll take much longer if we'll order at the counter verbally so the other waiter will take the customers' order while lining up. It's much better if we'll give them this list for faster process but if you want something to add to our order, just let me know."

Tumango naman si Cecilia at hindi n'ya mapigilang mapahawak sa braso ni Yelisei dala na rin ng excitement n 'ya habang sila'y nakapila. Tipid namang napangiti niyon si Yelisei habang pumipila sila palapit sa counter.

Maingat na hinahawakan ni Cecilia ang kanyang tray habang naglalakad na sila ni Yelisei palapit sa bakanteng mesa malapit sa may glass wall ng Jollibee. Inantay muna nilang dalawa na matapos sa paglilinis ng mesa ang waiter bago nila nilagay ang kani-kanilang mga tray at umupo.

"I told you, I could just ask one of the waiters to bring your tray," sabi ni Yelisei habang nagsisimula na nilang ilapag ang kani-kanilang mga pagkain sa mesa at itabi ang tray.

"It's peak hour."

Napatingin naman si Yelisei sa kanya. "What?"

"You told me earlier that it's peak hour so expected that the waiters have their plates full since there are so many people coming in and out of Jollibee to eat. It's no big deal for me to bring my own tray to our table though I will admit, it's my first time getting my own food than the people serving me," sabi naman ni Cecilia. "I may be the crown princess of Encland, Eshasea but I wanted to do what commoners do. That's one of the reasons why I came to this country."

"To experience self-service?"

Natatawang nagsalita si Cecilia. "To experience self-service."

Hindi na naiwasan ni Yelisei ang matawa sa naging tugon ni Cecilia. "Baka lumamig na ang pagkain. Kumain na tayo."

Napatingin si Cecilia sa kubyertos na hawak ni Yelisei bago dumako ang kanyang tingin sa kanyang mga kubyertos. "We don't have a knife?"

"We only have spoon and fork here," sagot ni Yelisei.

"How am I supposed to cut this fried chicken?"

Tinanggal ni Yelisei ang kanyang itim na gwantes at tahimik n'yang pinunasan ang kanyang mga kamay ng wet wipes at tissue para masiguro n'yang malinis ang kanyang mga kamay pagkatapos ay pinunit n'ya ang fried chicken skin at laman ng fried chicken bago sinawsaw sa gravy at inilapit ito sa mukha ni Cecilia. "Kamayin mo."

Napatingin muna si Cecilia sa mukha ni Yelisei bago n'ya isubo ang fried chicken na nasa mga daliri ni Yelisei. Agad kumislap ang kanyang mga mata no'ng malasahan n'ya ang pritong manok at gravy. "Oh my gosh, this is so good! This is so delicious!"

"Subukan mo ang lumpia. May sauce rin iyang kasama," ani Yelisei nilalasahan ang gravy na nasa kanyang hinlalaki bago s'ya muling nagpunas ng kamay.

Hindi na nag-abala si Cecilia na gamitin ang tinidor at agad n'yang kinuha ang lumpia at sinawsaw ito sa orange sauce sa tabi ng gravy. Agad n'ya itong kinain at muling nagningning ang kanyang mga mata. "This is so good too, oh my gosh!" Dumako naman ang tingin n'ya sa spaghetti at isang ngiting malapad ang sumilay sa kanyang mga labi no'ng makita n'ya ang naroon. "Yelisei, it's Jolly Spaghetti! This is Jovi's kids' favorite!"

"I presumed that Jovi is the lady-in-waiting that you're talking about," ani Yelisei sabay subo n'ya ng kanin at lumpia.

Tumango naman si Cecilia at mangiti-ngiti n'yang pinaghalo ang spaghetti sa sauce nito. Matapos n'yang maihalo ay agad s'yang kumain. A sigh of satisfaction escaped her lips. "Gosh, this is so good. I must be in heaven now."

"For a girl who's basically a member of a royalty-not just a member but an actual crown princess, I didn't expect you to enjoy fast food," hindi mapigilang mai-komento ni Yelisei.

"Whether it's an expensive dish or a fast food kind of dish, it's still food. It gives us energy when we consume it, it fills us up, and it makes us happy," wika ni Cecilia at hindi pa rin naglalaho ang masayang ngiti sa kanyang mga labi.

Inabot ni Yelisei ang kanyang pisngi at gamit ang kanyang hintuturo ay pinunasan n'ya ang spaghetti sauce sa gilid ng labi ni Cecilia. "Such a simple girl."

Napatingin si Cecilia sa glass wall ng restaurant at nakita n'yang nag-aantay sa labas ang mga bodyguard ni Yelisei at nakatuon ang mga atensyon nila sa seguridad ng buong paligid.

"Yelisei..."

"Yes, Your Highness?"

Muling dumako ang tingin ni Cecilia kay Yelisei. "You told me I could add an order, right?"

Tumango naman niyon ang binata. "Yes, Your Highness. You wanted to eat something? What is it?"

"Can I order as much as I want?" muling tanong n'ya.

Muli namang tumango si Yelisei. "As much as you want. I'll buy everything and anything for you."

Isang matamis na ngiti ang iginawad ng prinsesa sa kanya.

"This is for you!"

Maang na napatingin ang mga bodyguard kay Cecilia no'ng bigyan n'ya ang mga ito ng mga pagkain sa Jollibee. Kalakip ng mga paper bag na binigay nila sa bawat isang bodyguard ay may laman ang mga ito ng parehong order na kinain nila ni Yelisei. Nagkatinginan pa ang mga gwardya sa isa't isa bago muling napatingin kay Cecilia na panay pa rin ang pagngiti sa kanila habang si Yelisei naman ay tahimik lang na binibigyan rin ang iba pang mga gwardya na kasama nila.

"Ma-Marami pong salamat dito, mahal na prinsesa," wika ng isa sa mga bodyguard at naging sunod-sunod na rin ang pasasalamat ng iba.

"Enjoy your lunch!" magiliw na sabi ni Cecilia at agad na rin s'yang lumapit kay Yelisei. "We should buy for the others too! Oh, we should buy for Ryan, Khalil, Achilles, and Mari!"

"Sure, we'll order for them, Your Highness."

Humakbang pa si Cecilia kay Yelisei at agad itong niyakap at agad namang nagsitalikuran ang mga bodyguard para hindi nila makita at marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

His eyes immediately widened. Yelisei didn't expect that and he was caught off guard. He's not used to physical contact or more like he dislikes physical contact, especially hugging. He dislikes it... or more like, loathes the idea of people touching him.

"Thank you, Yelisei..." Cecilia whispered as she tightened her embrace around him.

But strangely, he couldn't brush Cecilia away. Instead, he finds her hug rather warm and comforting that he couldn't help but hug her back, tightly, savoring her warmth.

Mukhang naalala ni Cecilia ang sinabi nina Mari at Achilles na hindi gusto ni Yelisei ang kaswal na paghawak at pagyakap kaya agad n'yang itinulak ang sarili palayo sa binata. "Oh my gosh, I am so sorry for doing that, Yelisei. It's not my intention to make you uncomfortable-"

"Your Highness..."

"Y-Yes?"

Muling tinanggal ni Yelisei ang kanyang mga gwantes at tumingin kay Cecilia na panay ang paghagod ng batok nito dahil sa hiya. Bahagya n'yang binuksan ang kanyang mga braso. "Hug me again, Your Highness."

Kasabay ng kanyang pagngiti ay tumango si Cecilia at muling lumapit kay Yelisei para ito'y yakapin nang mahigpit. "Better?"

Pumikit naman si Yelisei at ibinaon ang kanyang mukha sa buhok ni Cecilia habang niyayakap ito pabalik. "Yes, Your Highness."

Hugs aren't that bad after all...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top