HEARTMINION'S Short Story
Cold Snap
Written by: HEARTMINION
Kumunot ang aking noo nang hindi sinasadyang narinig ang usapan ng dalawang tao sa aking tabi.
"Sana naman hindi bagyo 'yan."
"Nako, ang lakas pa naman! Parang kahit anong oras ay hindi titigil ang ulan."
"Traffic na nga maulan pa. Malas naman ng araw na 'to."
I silently agreed to what the person said. Ang malas naman ng araw na 'to kung hindi agad huhupa ang ulan. Ala sais na ng gabi at kadarating ko lang sa mall para bumili ng susuoting formal clothes sa papalapit kong interview.
Wala naman kasi akong oras tuwing umaga para sa sarili ko. May bata akong kailangang alagaan dahil wala ang nanay o mga lolo't lola niya. Wala rin sa bahay nila si Aling Corina na pwede sanang magbantay muna kay Nemo habang wala ako kaya 'di talaga ako nakaalis.
Mabuti na lang maagang natapos sa trabaho si tatay kaya nakaalis na rin ako bandang ala singko ng hapon. Siyempre pinagluto ko na sila ng gabihan dahil baka masermunan na naman ako. Wala raw akong ginagawa sa buhay kaya ang pagiging utusan, tagalinis at tagaluto na lang daw ang maitutulong ko.
Ewan ko ba. Tuwing pagdating sa akin, para silang nagiging bulag. Hindi nila nakikita 'yong paghihirap kong magtrabaho sa iba't ibang sidelines. Hindi nila nakikitang ako ang may pinakamaraming sinasakripisyo. Hindi nila nakikitang napapagod din ako.
Palihim akong natawa sa naisip. Hindi naman na bago sa aking ang mga insulto at pangmamaliit nila. Bata pa lang ako, suki na ako ng mga 'yan kahit 'di ko naman hinihiling. Noon pa lang, iba na talaga ang kilos at pananalita ko. Hindi raw ayon sa kasarian ko ang pagiging malambot, mahinhin at pagkahilig sa mga pambabaeng gamit.
Hindi raw ako normal at kahihiyan iyon sa kanila. Di raw ako tunay na lalaki kaya nasabihan akong salot ng sarili kong magulang. Wala raw akong magagawang tama sa buhay dahil una pa lang, pagkakamali na raw ako.
Makulimlim na kanina pero hindi ko inakalang bubuhos agad. Disyembre na kaya expected na ang malamig na panahon. Papalapit na rin ang Pasko kaya sana nga walang nakapasok na bagyo ngayong buwan.
Gusto kong magmadali mamili pero tuwing may nagugustuhan ako at nakita ko ang presyo, umaatras ang sikmura ko. Hindi ko naman pera ang pambili dahil may anghel na hulog ng langit ang nag-sponsor ng mga damit ko pero... ewan! Parang 'di ko kering gastusin kasi, alam mo 'yon? Nakakapanghinayang!
Bibili ako ng long sleeves polo worth five thousand? Ng neck tie na worth two thousand? Ng formal coat na worth ten thousand? Ng black shoes worth twenty thousand? Putangina, pakiramdam ko lalabas na anytime mga mata ko sa sobrang gulat sa mga nakikitang presyo.
Bakit ba kasi ang aarte ng mga magi-interview sa akin? Halata namang mahirap ako base sa pinasa kong documents tapos gusto nila akong pasuotin ng mga mamahaling gamit. Ayaw ba nila ng mga damit galing ukay? May mga branded din namang nabibili doon at mas afford ko pa.
Oo nga pala, dapat talaga sa ukay ako bibili kaso narinig ako ni Danica kaya pinilit niya akong bigyan ng pambili ng mamahalin at magagandang damit. Ang batang 'yon! Di naman porke't galing ukay, 'di na maganda!
Nakumbinsi na lang ako ni Danica na tanggapin ang pera niya dahil nasabi niyang strict daw talaga ang big companies sa dresscode. Dapat appearance pa lang daw, may maiwan na akong magandang impression. Saka bukal naman sa loob ni Danica ang bigyan ako dahil sinusuportahan niya raw ako. Mabait naman talaga si Danica basta 'di tinotoyo.
Saka sa ipon ko kasi kukunin ang dapat sanang pambili ng mga damit ko. Naging mabuti na rin ito dahil 'di ko iyon nagalaw... kaso iniisip ko pa lang ang total ng mga mabibili ko ay nanghihina na ako.
Pwede na ako makabili ng bagong cellphone o 'di kaya ng laptop sa perang 'to. Marami na rin akong mabibiling bigas, pagkain, gatas at ibang mga kailangan ni Nemo. Taena, pwede ko na nga 'tong ipang-tuition sa isang sem! Grabe talaga, nakaka-stress ang mga mayayaman na 'to!
"Kurt!"
Nabalik ako sa reyalidad nang narinig ang pamilyar na tawag ni Danica. Pa-slow motion pa akong lumingon kasi bakit siya nandito! Sabi ko ako na lang bibili at 'di na niya ako kailangang samahan!
"Batang 'to, bakit ka nandito!"
Humalakhak siya. Sabay ang pagngiti ng mga mata at labi niya. "Galit na galit? I'm here to help you buy clothes. Knowing you, matatagalan kang mamili dahil manghihinayang ka sa sobrang mahal!"
Napabuntonghininga na lang ako. Gusto ko man siyang paalisin, 'di ko na magagawa dahil 'di naman 'to sumusunod sa akin.
"Don't worry, I know men's clothes too. May naisip na nga ako para sa 'yo habang on the way ako rito," nae-excite niyang sabi.
Wala pang isang buwan mula noong nakilala ko si Danica pero sobrang casual na niya sa akin. Gano'n din naman ako sa kanya pero minsan 'di ko masyadong masabayan dahil sobrang taas ng energy. Akala ko ako na ang pinakamadaldal na tao sa balat ng lupa, hindi pala.
"Pano ka naman nakapunta rito? Malakas daw ang ulan sa labas," sabi ko.
"Sabi ko may bibilhin lang ako sa mall pero ayaw akong paliisin ng parents ko nang 'di kasama si Verge," naiirita niyang sabi.
Nanlaki ang aking mga mata. "K-Kasama mo si Verge?"
Bago pa siya makasagot, may lumapit na sa aming matangkad at mabangong lalaki. Tangina, shet, wait! Di ako prepared! Bakit naman nandito ang bebe ko! Kay Danica siya lumapit at padabog na inabot ni Danica ang dalang handbag kay Verge.
"Hawakan mo 'yan at lumayo ka sa amin ni Kurt habang namimili!"
"Bakit ko naman 'to hahawakan?" iritadong tanong ni crushie.
Imbis na sumagot, pinulupot ni Danica ang braso niya sa akin. Saglit akong natigilan. Hindi naman na bago ang ganito sa akin dahil gawain ko rin ito sa iba kong mga kaibigan mapa-babae man o lalaki. Ewan ko kung bakit parang... iba pagdating kay Danica.
Sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin, 'di niya napansing humaplos ang bisig ko sa dibdib niya. Gagang 'to! Konting respeto naman sa aking walang boobs! Gusto kong lumayo dahil ang awkward talagang yakap niya ang braso ko sa paglakad! Hindi naman ako makareklamo dahil nagsasabi na siya ng kung ano-ano tungkol sa mga brand na dadaanan namin!
"Danica-"
Biglang pumagitna si Verge sa amin at walang hirap niya kaming pinaglayo. Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko at ang kanang balikat ni Danica sa kabila. Para akong nakuryente sa hawak niya. Tangina ng dalawang 'to! Wala akong hika pero 'di na ako makahinga!
"What? Don't touch me nga!" maarteng sabi ni Danica.
"You're too close to him," mariing sabi ni Verge.
"So? We're friends! And he's gay! He won't take advantage of-"
"Still! People who don't know Kurt might misunderstand. Baka may mga kakilala pa parents mo rito at magsumbong-"
"Fine! Just don't get near me too!" Danica said dismissively.
"Ah, wait lang. May napili na kasi akong mga damit kaya 'di na natin kailangang maglibot pa ulit," singit ko sa usapan ng dalawa.
Pareho nila akong nilingon. Napalitan ngayon ng concern ang nag-aapoy na mga mata ni Danica kanina. Samantalang nanatiling madilim at iritado ang mga mata ni Verge. Di ko talaga ma-gets 'tong dalawang 'to.
Nabanggit sa akin ni Danica na ex-crush niya si Verge sa sobrang daldal niya. Naka-move on na raw siya sa kanya kaya 'di na siya affected pero halata namang nagsisinungaling lang siya. Tapos itong si Verge, wala raw gusto kay Danica pero siya 'tong dikit nang dikit.
"A-Ah, really? Let me see, then!" Bumalik na ang masiglang tono ni Danica.
Pinangunahan ko na ang daan. Ngayon ko lang napansing naka-Chanel pa siyang sky blue crop top shirt at itim na leggings. Simple lang ng porma pero sobrang bumagay sa kanya.
Hanggang dibdib ko lang ang height ni Danica kaya lagi siyang nakatingala kapag kausap ako o si Verge. Sakto lang din ang katawan, 'di gaanong skinny at 'di rin gaanong malaman. Hindi naman malaki boobs niya pero may maipagmamalaki na rin kaysa na naman sa akin.
Napairap ako nang may napagtanto. Sagit akong nagtapon ng tingin kay Verge na nakakunot pa rin ang noo habang pinapanood si Danica. Huwag niya lang talagang sabihing tama ang hinala ko. Ang hinala kong nagselos siya kanina sa paghawak ni Danica sa akin!
Diyos ko! Kahit mabuhay pa muli ang mga dinasour, 'di ko papatulan si Danica, uy! Siya nga 'tong gusto ko tapos pag-iisipan ako ng masama? Bobo ampota!
Tinuro ko kay Danica 'yong mga nagustuhan ko kahit pa sobrang mamahal. Bilib na bilib naman ang gaga dahil maganda raw taste ko sa fashion. Mahirap lang ako pero marunong akong pumorma kahit mamahalin o mumurahin lang ang damit.
"Oh, this coat suits you so well! Why don't you buy another one for backup?"
"Dalawa na nga binili ko, e," sabi ko.
"Make it three na!"
"Mahal ng hawak mo, uy! Yan na nga yata pinakamahal na coat dito."
Danica chuckled. "So? Kasya pa naman sa binigay ko sa 'yo."
Sa huli ay umo-o na lang ako. Tahimik kami pareho ni Verge buong oras at nagsasalita lang tuwing kinakausap ni Danica. Sa wakas natapos na rin ang aming pamimili! Malamig sa loob ng mall pero dama ko ang pawis ko sa likod kaninang magkakasama kami. Hindi napakali ang sistema ko dahil hawak nang hawak sa akin si Danica tapos ako naman 'tong kinabahan dahil literal na nakatitig si Verge sa amin!
I didn't want to give him the wrong idea. Si Verge ang nagbukas ng magandang oportunidad para sa akin. Pamilya ni Verge ang tutulong sa akin para muling makapag-aral at may mapasukang matinong trabaho. Malaking tulong na ang nagawa ni Verge sa akin kaya ayaw kong gumawa ng ikasasama ng imahe ko sa kanya.
Aminado naman akong gusto ko talaga si Verge. Bukod sa gwapo, matangkad at mabango, sobrang bait din at maalagain... pero hanggang doon na lang talaga siguro. Obvious namang straight si Verge na kahit kami na lang ang huling tao sa mundo, 'di ako papatulan niyan. May lihim pa ngang pagtingin kay Danica kaya ekis na. Sasaktan ko lang sarili ko 'pag umasa pa ako.
"Kurt, uuwi ka na ba?" Danica asked as we left the store.
"Oo kasi kailangan ako sa amin."
"Kailangan mo na ring umuwi," sabi ni Verge.
Inirapan siya ni Danica. "You don't have to remind me that. CR lang ako. Hintayin mo kami, Kurt. Hatid ka na namin sa inyo-"
"No, we can't. Ma-traffic at malakas ang ulan. Baka nga baha na sa labas ngayon. We can't take Kurt home because your parents will get suspicious."
Bago pa makasagot si Danica kay Verge ay nagsalita na ako. Aba, 'di ko na kayang maipit pa sa kanilang dalawa! Wala na nga akong jowa para walang problema, sila naman 'tong pinapasakit ulo ko!
"Tama si Verge saka isang sakay lang naman ako. Kaya ko na mag-isa."
"Fine, just text me if you're home na. Send me pictures once you try the clothes on!"
Ah? Puta, bakit naman?
"Hindi naman na 'yon kailangan," naiiritang sabi ni Verge na lumapit pa sa kanya.
"What? I wanna see Kurt in his formal attire because I am rooting for him! I won't be there for the interview. Huwag ka ngang epal, 'di ka naman kasali. CR na nga ako!"
Pinanood namin siyang maglakad palayo. Wala naman na akong gagawin dito kaya naisipan ko ng magpaalam kay Verge para makaalis na.
"Kurt," tawag ni Verge.
"O-Oh?" Mabilis ko siyang nilingon at naabutan ang naniningkit niyang mga mata.
"You don't like Danica that way... right?"
Gusto kong matawa. Gusto kong itawa 'yong sakit na tumagos sa dibdib ko dahil sa tanong niyang iyon.
"Nababaliw ka na ba? Syempre, hindi!" I faked a smile. "Kaibigan lang tingin ko sa kanya pero di same level tulad ng friendship namin ni Ian. I-Ikaw ba, gusto mo siya?"
"I do."
Wala akong nasabi agad at kahit pa pinilit kong itago alam kong nahalata niyang nalungkot ako sa sagot niya.
"A-Ah, sabi ko na, e! Ang obvious niyo kaya. Ba't 'di ka na lang kasi umamin. Bagay naman kayo!"
Kinagat ko ang aking dila matapos sabihin iyon. Tangina, sa puntong 'to 'di ko na matukoy ang dahilan kung bakit ba ako nasasaktan. Dahil ba napatunayan kong wala akong pag-asa kay Verge? O dahil ba sa sinabi kong... 'di ko gusto si Danica?
"It's not that easy," tipid niyang sabi.
"Ah, okay, buhay niyo naman 'yan kaya wala akong karapatang mangialam. I mean, 'di naman talaga ako mangingialam. M-Mauna na ako. Pasabi na lang kay Danica salamat. Gagalingan ko sa interview para naman 'di masayang 'to."
Tinawag pa ako muli ni Verge pero 'di na ako huminto sa paglalakad. Bahala kayo diyan. Tangina niyong lahat ginugulo niyo isip ko. Para lang sa scholarship at trabaho ang dahilan kung bakit ako sumubok dito. Para lang makaalis na ako sa amin at mabigyan ko ng magandang buhay si Nemo kaya ako pumasok sa mundo niyo. Ang hirap naman maging outsider, wala akong mapaglugaran kahit saan ako magpunta.
Medyo malayo ang nilakad ko dahil galing pa ako sa gitna ng mall. Sa dulo pa ang exit at ang terminal ng mga shuttle. Sa jeep sana ako sasakay kung 'di lang maulan at wala akong dalang mamahaling mga gamit. Kailangan kong alagaan ang mga damit na 'to hindi dahil sa presyo, kung hindi dahil binigay 'to sa akin ni Danica.
Marahan akong napangiti at kahit pa sumugod ako sa ulan ay 'di nawala. Mabuti na lang nagdala ako ng payong sa pag-alis at maganda ang lalagyan ng mga damit. Sumakto pang may kadarating lang na shuttle na sasakyan ko. Mabilis akong naglakad sa dulo ng pila at napagtantong makakasama na ako sa biyahe.
Naghihintay na lang ako sa go signal ng konduktor nang may babaeng nakasagi sa balikat ko. Mabilis ko siyang nilingon dahil nabasa ang damit ko. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita.
"Janella?"
Iritado niya akong binalingan at mas nadagdagan pa ang galit nang napagtanto niyang ako pa ang nakakita sa kanya. Di ko napigilan ang pagsilay ng aking ngisi.
Pinsan siya ni Danica na kasing-edad namin. Pareho kami ng kurso noon kaya kilalang kilala ko. Sino ba ang mag-aakalang ang prinsesa ng mga Tolentino ay narito ngayon sa bahaing terminal ng mga karaniwang tao. Basang basa siya at nanginginig sa lamig dahil naka-skirt at spaghetti strap lang. Pati ang pinagmamayabang niyang designer bag ay nabalot na sa putik.
"What are you smirking at, you piece of shit!"
Ah, ayan na ang matapobreng ugali niya. Naging kaklase ko siya noong first year at 'di ko natagalan. Di ko matiis ang ugali, e! Sa sobrang dami ng insultong narinig ko, mga galing lang sa kanya ang 'di ko kayang i-tolerate. Masiyadong self-centered at bilib na bilib sa sarili.
"Pakialam mo ba? Gusto kong ngumiti, e. Gusto mo bang bilhin mo rin ako para makontrol mo kung kailan ngingiti at hindi?"
Kahit pa mukha na siyang basang sisiw, may lakas pa rin ng loob sumagot, "No thanks. I don't need a worthless thing like you!"
Oh, kita mo? Minsan ko na kayang inisip na budburan ng asin 'yang bibig ng babaeng 'yan!
"Bakit ka ba nandito, mahal na prinsesa?"
Umirap siya, iyong irap na pangkontrabida talaga. "None of your business. Just tell me where I can get a taxi! I've been walking nonstop and still couldn't find one!"
"Nagtatanong ka na sa lagay na 'yan, ah," tukso ko.
"Just answer me! My god! I don't even want to talk with you, peasant!"
Nakakapikon talagang kausap 'to kaya 'di ko 'to pinapansin noon, e! Imbis na patulan pa siya, tiningnan ko ang konduktor na ngayon ay nagpapasakay na sa shuttle. Ngayon ko lang din napansin na may mga iba na palang nilagpasan ako. Wala na rin pala kasi ako sa pila.
Bumuntonghininga ako at walang pagdadalawang isip na kumuha ng isa sa mga biniling coat. Iyong pinakamahal pa ang nadukot ko. Kumuha na rin ako ng polo. Saglit ko siyang tinitigan at mukhang naguguluhan siya sa ginagawa ko. Walang sabi ko siyang hinila palapit sa akin.
Nanginig ang kanyang mga mata. "What are you doing!"
Wala na siyang sapat na lakas para itulak ako palayo. Sinuot ko sa leeg niya 'yong polo tapos tinali ko sa baywang niya 'yong coat dahil ang iksi ng puting skirt niya. Malaki ang coat ko kaya umabot iyon hanggang sa tuhod niya. Paniguradong natuwa ang mga manyak diyan sa gilid-gilid noong nakita si Janella sa ganitong kalagayan.
Di agad siya nakapagsalita kaya inunahan ko na. "Kakabili ko lang ng mga 'yan. Branded 'yan at galing sa stocks. Hindi ko pa nasusuot kaya 'di ka mahahawa ng bacteria naming mahihirap. Suotin mo na ang polo para madala kita sa terminal ng mga taxi."
Kahit pa mukhang labag sa loob niyang sundin ako, ginawa na niya. Nang nasuot na niya ang polo, nauna na akong maglakad. Binuksan ko ulit ang payong at siya ang pinahawak.
Natagalan pa kami sa pagtawid dahil tumataas na ang baha. Sumakto namang may taxi na agad noong nakarating kami. Hindi pa rin siya nagsalita kaya ako na ang kumausap sa driver.
"Kuya, hatid mo naman 'to."
"Saan ba siya?"
"Saan ka raw?" tanong ko kay Janella.
May sinabi si Janella na condo sa Quezon City. Hindi sana tatanggapin ng driver kasi ang layo, matrapik at bumabagyo pa pero wala namang pakialam sa pera 'tong si Janella kaya kahit siningil siya ng malaking halaga, pumayag na siya.
"Oh, gamitin mo na rin 'tong payong. Pakilabhan na lang 'yong mga damit ko para masoli mo bago mag-Pasko. Pm mo na lang ako o di kaya magpasabi ka kay Danica kung labag sa pride mong kausapin ako."
Sinara ko na ang pinto at mabilisang pinicture-an ang plate number ng taxi. Hinintay kong makalayo ang sinasakyan ni Janella bago tumakbo pabalik sa shuttle terminal.
"Kuya, ilang oras pa ang susunod?" tanong ko sa konduktor nang nakalapit.
"Thirty minutes pa ang susunod!"
Tumango ako at umupo na lang sa waiting area. Tanginang ulan 'to, ba't kasi 'di na lang mag-snow sa Pilipinas? I was in a deep thought why snow didn't exist in this country when a beep distracted me.
May pumaradang taxi sa harap ng waiting area na kinagulat ng lahat. Tumayo ako kasabay ng pagbaba ng bintana ni Janella.
"Hop in before I change my mind, peasant!"
Tarantado talaga! Rinig na rinig ng lahat ang pagtawag niya sa akin!
"Di ko afford taxi, mahal na prinsesa!"
Kahit pa 'di ko gusto ang nangyayari, 'di ko napigilang ngumisi.
"Duh, I know because you're poor! I'll pay for your fare, so just be grateful and get in!"
Napailing ako at natawa. Ayos na rin palang ulan ang mayroon tuwing taglamig sa bansang 'to... dahil sa mga bihirang pagkakataon na ganito ko lang makikita kung may pag-asa pa bang matunaw ang pusong yelo ng prinsesang 'to.
Author's Note:
I want to thank Ambassadors PH for inviting me to this year's Wattpad Block Party. If the characters catch your interest, feel free to read "Lover of Mine," where they belong as side characters. May sariling story din si Kurt but soon ko pa isusulat. That's all. Enjoy the rest of the Block Party!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top