VR_Athena's Author Interview

The Wattpad Filipino Block Party

QUESTIONS / MGA TANONG

1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?

Well . . . unfortunately yes. Since I'm a graduating student, I find it hard to write regularly. Noon kasi, I update daily or minsan every two to three days. Basta 'di talaga lumalagpas ng one week. Ngayon ay mas tight ang schedule ko and that makes writing updates very hard. Kaya naman ngayon ay inayos ko yung writing scheds ko around 10 PM to 1 AM. Yung tipong tapos ko ng gawin ang lahat bago ko pagtuuan ng pansin ang mga stories ko. Real dedication to write an update kahit inaantok na ako.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?

Definitely series. I like connecting each characters and also leaving out clues in every story that I have. Lagi ko kasing tinitingnan if mayroon bang makakatanda o makakapansin ng maliit na bagay na iyon na na-mention ko sa 1st book tapos biglang lumabas sa 3rd book. Just so fascinating to see eagle-eyed readers, in my own opinion lang naman.

3.How do you motivate yourself to keep writing?

Through recounting my struggles before and then letting myself see how far I've come. Nakaka-proud lang kasi talagang isipin kapag natandaan mo na noon ay walang-wala kang supporters tapos ngayon ay halos di na makatulog mga readers mo dahil lamang sa mga nangyayari sa story mo. From being a writer with no reader for 4 years to becoming someone who can easily pull readers to stories that she make. That's a big difference and it is something to be proud of.

4.Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?

Oh gosh! Ang rami! Just a quick warning lang sa mga hindi pa nakakabasa ng mga stories ko ay may lamang spoilers itong answer ko sa question na ito. Okay . . . with that being said, tuloy ko na ang pagsagot. XD Ang pinakamahirap talaga ay yung rape scene sa isa kong character. It was like one of the main conflict sa Book 1. Just writing that scene alone was already hard for me emotionally. Iyak lang ako ng iyak sa nangyari sa kaniya. Tapos yung eksaktong nararamdaman ng isang rape victim after that events ang isa pang challenge para sa akin. Some of my readers actually bashed that certain character because she didn't told anyone about what happened to her. They didn't really take into account that being raped would damage your self-confidence severely. Basta marami-marami rin akong nabasang comments shaming that girl for staying quiet.

5.Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?

Definitely first chapter! Ang hirap simulan ng isang story. Mas mabilis nga ang mga updates ko basta malapit ng matapos dahil ang mga events ay patuloy lamang na dumadaloy sa utak ko.

6.If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?

Ang Datu Anwar ko! Siya talaga yung character ko na closest sa ideal man ko. Sadly, kahit ako ang writer ay tinapon ako ng mga readers ko sa pinakalikod ng linya. T_T

7.Among your characters, who's the closest to you? Why?

I think si Beatrice Isabel Ramirez ng My Love In Her Past. We both have this kind of aura that intimidates people around us. Tipong naiisipan kaming maldita kaagad sa first impression pa lamang.

8.If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?

If local then both Ate thisgirlsummer and Ate pilosopotasya. Ate thisgirlsummer has been there for me even before I started gaining followers and Ate pilosopotasya is such a sweet person. I actually assumed that she was mataray but hell no! Ang bait-bait niya!

Kung international naman then definitely Mary Balogh. Siya talaga ang reason bakit ako na-inlove sa HisFic na genre.

9.Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?

Slightly series ni Mary Balogh. Definitely a must read! Kakainggit ang mga characters at ang overall series niya.

10.What are your future plans in your writing career?

Still unsure what I would do in the future but right now, I'm just writing and writing to provide good content to my readers.

BONUS: Please leave a message for your readers.

Hello everyone! Thank you so much for supporting me and my stories. Pati na rin ang mga heartwarming messages na sinesend niyo sa akin. Ang rami sa inyo na natatakot na bigla na lang akong mawala at hindi matapos ang mga stories ng iba kong mga characters so I just wanted to say na don't worry, I would finish them all before I stop writing.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top