Vampiriaxx's Short Story

Wattpad Filipino Block Party 2021


No Experience No Problem

by Vampiriaxx

***

Pasado ala-sais na ng gabi, wala na ang araw at ang bilog na buwan ay nagsimula nang magbigay ng liwanag sa madilim na kalangitan. Kitang-kita ang ningning nito mula sa nakabukas na pintuan ng veranda na tila kumakaway sa akin. I can't help but to smile before I advert my gaze back to my room--which is now a mess.

Isang araw na naman ang mabilis ngunit nakaka-stress ang lumipas!

Napabuntonghininga ako bago sinimulang pulutin isa-isa ang mga kalat na nasa kulay pink na carpet. Kapag nakita ni mommy na magulo ang kuwarto ko ay siguradong pagagalitan niya na naman ako. Madugong sermon ang aabutin ko kaya bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na ng paglilinis.

Imbes na magmukhang malinis ang malawak na kuwarto ko dahil sa mala gatas nitong pintura ay mas nagmukha itong playground ng mga bata dahil sa mga nakakalat na kung ano-ano. Hindi ko na naharap kanina dahil maghapon ang online class ko.

Malikot ako sa totoo lang kaya nagkaganiyan ang paligid. Maiksi ang attention span ko kaya kapag hindi naman kailangan ang presensya ko sa harap ng computer ay pagala-gala lang ako sa loob ng kuwarto at kung ano-ano ang binubutingting. Hahayaan ko lang na naka-on ang speaker ng computer para naririnig ko pa rin ang lecture.

I'll just turn the camera and the mic off when I do that. So far ay mas may naa-absorb ako kapag gan'on kaysa 'pag nakaupo ako sa harap ng study table ko. Mas nakakaantok. Seryosong nakakatulog ako kung minsan.

Huli kong pinagtuonan ng pansin ang study table ko na mas magulo pa sa buhay ko. May mga balat ng chichirya at biskuwit, nakakalat na tasa at basong wala nang laman, ballpens, papel, libro, at kung ano-ano pa. Mas makalat kaysa sa lagay ng kuwarto ko kanina.

The distance learning is killing me but I can't do anything but to suck the new normal up. Matindi-tinding adjustments ang ginawa ko at ng mga estudyanteng gaya ko para lang mairaos ang school year nang hindi humihinto sa pag-aaral.

Sayang kasi ang oras kung sakaling hihinto pero nakaka-drain naman. Activities after activities and after activities. Wala nang katapusang activities. Dinaig pa namin ang nagtatrabaho kaso walang suweldo. Walang baon at walang gala... In short, walang tamang motivation.

Para na kaming mga robot, walang pahinga dahil sa dami ng school works pero wala rin namang learnings. Tipong kapag nag-insert ako ng IV sa patient, pakiramdam ko pati buto niya ay matutusok ko ng karayom.

Hirap mag-nursing nang online class. Yung skills lab, virtual. Keri lang naman ang panonood ng Youtube tutorials dahil kahit noong may face-to-face classes pa, 'pag hindi ko masyadong na-gets ang pagkaka-demo ng prof sa procedures, niyu-Youtube ko lang, nagagawa ko naman nang tama 'pag turn ko nang mag-demo pero ewan ko lang ngayon.

Wala kasing practice sa mannequin o sa totoong tao. Pupuwede namang pagpraktisan ang mga tao rito sa bahay kaso wala namang clinical instructor o upper class man na puwedeng magbantay o mag-guide kung tama o mali ba ang ginagawa ko.

Medyo hindi ako confident humawak ng pasyente kung sakali mang ga-graduate kami nang ganito. Pero bahala na. We'll cross the bridge when we get there. Experiment pa ang lahat sa ngayon, tulad na lang ng pinag-eksperimentuhan ang batch namin sa K to 12, wala namang pinagkaiba.

Gan'on din. Nagdagdag lang ng taon at gastos sa pag-aaral. Kita mo, naabutan tuloy ng pandemic. Imbes na makakapag-work na sa ospital at maging dagdag puwersa sa hanay ng mga frontliners, na-online class pa nga.

At sa mga panahong ito, malaking bagay ang suporta ng friends para manatiling matino ang pag-iisip. Yung mga kaibigang makakausap ko kapag gusto ko nang mag-breakdown dahil sa hirap ng studies. Because some people in the house won't understand what us, students feel.

And speaking of... Napatingin ako sa phone kong nasa kama dahil sunod-sunod ang tunog ng notifications sa Messenger ko dahil sa mga chat ng iba't ibang group chat at may ibang private message din.

Saglit ko lang sinilip ang lockscreen at nang walang nakitang matinong chat notification ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa.

"Anak, Aerielle, kakain na!" Saktong katatapos ko lang nang marinig ko ang sigaw ni Mommy mula sa labas ng pintuan ng kuwarto ko.

Napailing at napangiwi ako dahil ang pangit ng pagkaka-pronounce ni Mommy sa pangalan ko. It is pronounced as Eyriyel not Eryel! Nakakaloka sometimes ang filipino accent ng nanay ko. Nakakawala ng pagkasusyal at poise.

"Five seconds!" I replied.

Tinignan ko muna ang sarili mula sa salamin sa dressing table. Kumuha ako ng iilang facial tissue mula sa tissue box at pinahid iyon sa medyo oily kong mukha. Hagardo Verzosa na ang lolabels. Hindi na ako naghilamos dahil maghapong babad sa screen ng computer at phone ang mga mata ko.

Para akong naglalakad na zombie paglabas ko ng kuwarto. Pinipilit ko na lang maglakad. Pagod na pagod na ang katawang lupa ko. Naubos na ang lakas pagkatapos kong magligpit at maglinis ng kuwarto.

"Para ka nang zombie. Matulog ka mamaya nang maaga," my mother stated the obvious the moment I landed my heel on the dining.

Nadali mo, Mom! Zombie mode talaga!

Puyat ako last night dahil may tinapos akong case study tapos hindi pa ako nakapag-nap today dahil sa maghapong klase.

"Ate, kaya pa?" Buknoy asked with a smirk on his face.

Napailing na lang ako dahil wala akong lakas makipag-asaran sa kapatid kong mas bata sa akin ng tatlong taon ngunit mas mukha pang Kuya ko sa tangkad.

Edi sana all, matangkad!

I'm just standing five feet flat with fats distributed into right places. Hindi ako mapayat ngunit hindi rin naman gan'on kataba, slightly malaman lang dahil naka-quarantine. Stress eating to the max, less exercise, more on higa.

LOL!

Itong quarantine na 'to, nakakasira ng momentum. Imagine, nakakulong lang sa bahay tapos hindi makalabas. Minsan lang makalabas 'pag may bibilhin dahil nagli-limit ng tao sa labas, saka nag-iingat na rin para hindi makapag-uwi ng virus.

Mabuti na nga lang, nagbaba na sa GCQ ang lugar sa amin dito sa Cavite kaya nakakapagsalitan na kaming lumabas nila Mommy and Daddy. Medyo hindi na mahigpit pero sometimes, aym iskerd pa rin lumabas. Bihira lang. 'Pag kailangan lang bumili ng necessities sa school or ng pang-self care. Hirap i-asa sa magulang ang pagwa-Watsons.

"Kumain ka nang maraming gulay."

Napasimangot na lang ako nang ipaglagay ako ni Mommy ng maraming gulay sa plato. Ayoko nga ng gulay na inilalagay niya. Ayoko ng pechay sa nilaga. Nasusuka ako sa lasa. Mas matatanggap ko pa yung nasa ginisa.

"Oks na yan, Mom," pinigil ko ang pagdaragdag niya pa.

"Ayaw mo pa rin ng pechay, 'nak? Kaya ka hindi natangkad e!"

Mas lalo akong napasimangot sa remark na iyon ni Daddy.

Ano'ng kinalaman ng height ko sa pagkain ng pechay? Sadyang nagmana ako sa height ni Mommy e! Si Mommy naman, nakain ng pechay, e bakit gan'on din ang height? Duh!

Narinig kong tumawa ang walanghiya kong kapatid na tuwang-tuwa sa sinabi ng magaling naming ama.

Kumain na lang ako nang tahimik. Wala ako sa mood para sumagot. Low battery na talaga ang katawang lupa ko.

Umakyat din ako pagkatapos naming kumain. Saka ko lang nahawakan muli ang phone ko nang matapos akong gawin ang mga ritwal ko sa gabi na umabot ng isang oras. Hirap maging babae, sa totoo lang!

I'm bored. Tapos ko naman na ang mga dapat kong gawin para sa araw na 'to pero hindi pa ako pupuwedeng matulog dahil basa pa ang buhok ko. Tumambay na lang sa group chat naming magkakaibigan tutal ay kanina pa 'yon maingay. Panay ang notif sa 'kin.

Nang buksan ko ay 314 unread messages agad ang bumungad sa akin. Ang pinaka-recent ay ang chat ni Mirtel.

aLinG Marites:

Ay ayan na! Buhay na si Rapunzel!

Finally Ariel happened to me!

Chang Army:

Hoy @Ariel siben-pipty

Kanina ka pa wanted dito

magpaliwanag ka kay
@Tweety Bangs Garcia

AHAHAHAHAHAHA!

Tweety Bangs Garcia:

mga sira ulo kayo! >__<

Arielle siben-pipty:

Sandaleeee!

Anong kaguluhan 'to?

asan ang sunog? eme hahaha

weyt imma backread vye.

Knorra Honor:

HAHAHA backread well. :D

Hindi ko alam kung bakit nila ako hinahanap pero para masagot ang katanunga sa isipan ko ay minabuti kong backread na lang para masaya. I clicked the 314 unread messages icon para bumalik ako sa umpisa ng conversation nila.

Noong una ay kung ano-anong random things lang ang pinag-uusapan ng mga bakla. Well, babae talaga silang apat pero bakla lang ang tawag ko sa kanila. Lima kaming magkakaibigan since first year college. Magkakaklase kami noong hindi pa nasasala ang batch namin gamit ang battery test.

Nag-alphabetical ang arragement per section ng mga pumasa sa napakahirap na batterry test sa 'min kaya naman nagkahiwa-hiwalay kami ng section. Pero kahit gan'on ay hindi pa rin nawala ang closeness naming lahat. We still remained as best friends.

aLinG Marites:

@Ariel siben-pipti ay pak!

may nanalo na!

ang haba ng buhok o!

aLinG Marites sent a photo to TeaniGang

It is a screenshot of my public post with a comment from someone who named Esse Henrick Zhang Clave.

Aerielle San Andres 17 hrs ago

The virus is still out there, waiting for its victim.

Esse Henrick Zhang Clave commented on Aerielle's post

I'm not the virus but I'm waiting for you. : )

1 hr ago.

Esse Henrick Zhang Clave replied on his comment

I'm waiting for your reply rather.

56 mins ago.

Napakunot ang noo ko bago sandaling iniwan ang Messenger upang magbukas ng Facebook. Sabog din pala ang notification ko sa Facebook, wala akong kamalay-malay. Naiiling kong pinuntahan ang post kong nasa screenshot na sinend ni Mirtel.

Doon ko nga nakitang legit na nag-comment yung Esse na hindi ko alam kung taga saang lupalop ng Pilipinas. Hindi ko siya knows. Sino ba 'tong pampam na 'to?

When I clicked his name and I was redirected to his profile. Napaangat ang kilay ko. Medyo pamilyar kasi sa 'kin ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan ko ba nakita.

He even sent me a friend request. Hindi ko pa makikita na nag-send pala siya ng friend request kung hindi ko pa tsinek ang profile niya. Well, wala rin naman kasi akong pakiaalam sa friend request list ko o sa kahit anong notification ko.

Puro lang ako post pero hindi masyadong nakikipag-interact sa mga Facebook friends. Laging ubos ang social battery ko sa mga taong hindi ko naman kilala sa personal. May pagka-introvert ako sometimes at nadadala ko iyon hanggang sa social media. Para lang akong may sarili bubble tapos mga kakilala ko lang yung nakakapasok.

I'm quite "famous" as they say dahil marami akong followers sa Facebook at halos mapuno na ang friends' list at friend request list ko. Hindi naman mangyayari 'yon kung hindi ako parte ng dance troupe ng university namin.

Going back, mas lalong napaangat ang kilay ko dahil sa friend request niya na hindi ko alam kung kailang niya isi-nend.

Okay? Ano'ng meron?

Guwapo yung Esse. Maputi, matangkad, at yummy. Mapapasana all ang kahit sino dahil walang visible na pores. Mukhang hindi yata dumaan ng puberty dahil hindi pa yata naka-experience magkaroon ng tigyawat at blackheads sa sobrang pagka-clear skin. Maputi ang balat, para siyang boy version ni Snow White. Red lips, black hair, thick eyelashes, and bushy eyebrows.

He's really handsome actually. Sakto lang ang built ng physique niya. Hindi bulky, hindi rin nnaman payat. He got muscles in the right places. Mukhang may abs at mukhang mabango kahit sa litrato lang tignan. well, may mga gan'ong tao naman. Mukhang mabango kahit hindi makita sa personal.

Mukhang May lahing Chinese dahil chinito ang mga mata at ang kinis ng balat. Parang walang pores. Well, obvious naman sa pangalan niya. Nang mag-scroll ako sa profile niya ay napag-alaman kong nag-aaral din siya sa university kung saan kami nag-aaral ng mga kaibigan ko.

I see! Kaya pala medyo familiar.

He's also part of the student council based on his posts. May biglang pumitik sa medyo may amnesia kong utak. Four giga bytes lang kasi ang capacity tapos nag-o-auto delete pa ng mga irrelevant na bagay.

Siya yung student model na nasa tarpaulin ng proper male school uniform ng university namin. Naka-display 'yon malapit sa main entrance e. Hindi na rin naman nakakapagtaka pa kasi model type ang physique niya.

Muli akong bumalik sa group chat naming magkakaibigan at itinuloy ang pagbabasa ng mga conversation na naiwan ko kanina.

aLinG Marites:

@Tweety Bangs Garcia payag ka non?

mukhang crush ng crush mo

si Ariel siben-pipty?

Tweety Bangs Garcia replied to aLinG Marites:

Gaga! Di ko na crush yang si Esse.

aLinG Marites:

Weeeeehhhhh?

Wala man lang bang

iT r3aLLy hUrTzxc jan?

Muli na namang may pumitik sa nangangalawang kong memorya. Yung Esse na nag-comment sa sa post ko ay yung Esse rin na crush noon ni Tine. Yes, Tine is Tweety Bangs Garcia kasi yung bangs niya ngayon, sobrang nipis. Parang barcode lang. Mas makapal nang kaunti sa bangs ni Tweety Bird. Ewan ko ba naman kasi sa bruha. Bored yata kaya nag-bangs.

Knorra Honor:

Ay ayan na!

FO! FO! HAHAHAHA

Chang Army:

oh my, my, myyyy ~

oh my, my, my ~

XD LOL HAHAHAHA

Napailing na lang ako. Puro pang-aasar pa kay Tine at sa 'kin ang mga sumunod na chat. Naniniwala naman ako kay Tine na hindi na niya Crush si Esse dahil may jowa siya ngayon. At obviously, it isn't Esse.

Matagal ding naging crush ni Tine si Esse pero medyo snob din kasi si guy so, sumuko na lang din si Tine at humanap ng ibang crush. Hindi naman totally snob si Esse pero makikita sa aura niya na seryoso siyang tao. Pormal, gan'on dahil nga parte siya ng council. Mukhang "study first" ang tipo niya.

Well, hindi rin namang malabong gan'on nga siya dahil bukambibig noon ni Tine na matalino nga raw itong si Esse at laging nasa Dean's List.

Nang matapos akong mag-back read ay napabuntong hininga na lang ako. Akmang isasara ko na sana ang Messenger app ko dahil naisipan kong biglang mag-Twitter nang makita ko ang message request ni Esse na medyo late nang nag-appear kahit pa may isang oras na ang nakalilipas mula anang mag-chat siya.

I clicked his chat.

Esse Henrick Zhang Clave sent you a message request:

Hi Aerielle!

sent 8:09 PM

Okay? Dapat pa ba akong mag-reply?

Matagal kong pinagkatitigan ang chat niya. Iniisip ko kung may relevance ba iyon sa buhay ko pero sa huli ay nag-reply na rin ako. Interview-hin ko siya later kung bakit may pa-chat siyang nalalaman.

LOL!

Aerielle San Andres:

Hello po!

sent 9:51 PM

You can now message and call each other

and see info like Active Status and

when you've read messages.

Nang hindi siya mag-reply agad ay muli ko na namang binalikan ang group chat naming magkakaibigan. Nawala na ang plano kong sumilip sa Twitter.

9:52 PM

Ariel siben-pipti:

Done backreading.

Nag-chat sakin yung Esse

Chang Army replied to you:

O? anong sabi?

You replied to Chang Army:

naghi lang tapos

hello lang nireply ko

Tweety Bangs Garcia:

anong sagot? sumagot?

Ariel siben-pipti:

Hindi pa. hahaha.

pero anong meron?

bakit may pagchat?

aLinG Marites:

Eh kasi nga gorl,

he's waiting nga for u daw!

naks! sana all hinihintay!

aLinG Marites replied to Tweety Bangs Garcia:

Kunwari ka pang hindi mo

na crush eh kung todo tanong

naman kung sumagot si Esse.

AHAHAHHA SUMBONG KITA

KAY KARL!

Tweety Bangs Garcia replied to aLinG Marites:

Ay bawal makichismis?

bawal? bawaaaal????!!!

4 people reacted haha

Knorra Honor replied to you:

pag nagreply chikahin mo

tanong mo anes ang hanap niya

kamo walang yeloooo! hahaha lol

4 people reacted haha

You replied to Knorra Honor:

k.

4 people reacted haha

Knorra Honor replied to you:

Potassium ka rin po!

4 people reacted haha

aLinG Marites:

Girl! This is your time to shine!

Lumandi ka nang magkajowa ka

na! Aba maeexpired na matres mo

wala ka pang jowa!

3 people reacted haha, 1 reacted angry

You replied to aLinG Marites:

Ang pagjojowa ay gawa-gawa

lang ng mga illuminati. lol

aLinG Marites:

Bitter mo! Pag naging jowa

mo si Esse sinasabi ko sayo

wasak ka gurl! Mukhang daks

pa naman yon! Rawr!

Bakit ko naman jojowain si Esse? Nanliligaw ba?

Anyways, ako na lang ang hindi pa nagkaka-boyfriend sa aming magkakaibigan kaya ganiyan ako asarin ni Mirtel.

And speaking of Esse, kaka-notif lang ng chat niya.

10:01 PM

Esse:

Kamusta?

Napakunot ang noo ko kasi hindi naman kami close pero kahit pa gan'on, hindi ko maiwasang kiligin.

Aerielle:

Okay lang naman po

ikaw po?

Esse:

Okay lang din! I saw your

winning dance piece.

I'm a fan. Ang galing mo

palang sumayaw.

Nanlaki ang mga mata ko. Well, medyo affected ako na mapuri ng isang guwapong lalaki pero hindi sapat para kiligin ako. More on nagulat ako kasi napanood niya pala 'yon. Well, bakit ko nga ba nalimutan na talagang mapapanood niya dahil kasama siya sa council. Project ng council yung contest na iyon.

Last month ay mayroong pa-contest ang council. It was called "Indak-Galaw". Naglalayon iyong himukin ang mga estudyanteng maging healthy pa rin sa pamamagitan ng pag-sayaw. Hindi 'yon yung tipikal na zumba. May ibang programa para doon at hindi contest tulad nito.

I won as this year's Indak-Galaw champion. Hindi ko rin naman inasahan dahil maraming magagaling. May mga taga-dance tropue din na gaya ko ang sumali. Mas magagaling sila sa akin, sa totoo lang. Sadyang malinis at may story line lang talaga ang sa akin kaya siguro nanalo.

When people dance, they tell a story but telling a story inside a story while dancing is different. At gan'on ang ginawa ko. Natutunan ko iyon sa sa dati kong dance group sa labas. Bago ako nagkolehiyo ay may grupo ako sa labas. Iba ang atake at layunin namin doon. Hindi bastang bato, hindi bastang sayaw na puro lakas lang. Paliging may kuwento sa loob ng kuwento.

Palaging may pulso at pinag-iisipan. No offense sa dance troupe namin ngayon sa university. Napapansin ko kasi na isa sila sa mga grupo na puro ratrat lang e. Puro bato. May story pero medyo malabo. Nagpo-focus lang kasi sa lakas.

Couldn't blame them though. Hindi naman kasi contemporary urban ang style ng lahat at hindi naman lahat kapareho ko ng nakasanayang disiplina na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa. Hindi rin solid at pantay-pantay ang learnings dahil kadalasan sa members namin ay nagpapataasan.

Aerielle:

Halaa! Thank you po!

Esse:

Haha! You're too formal.

I believe magka-age lang tayo.

Wag ka nang mag-po.

I feel old.

Aerielle:

hahaha sige.

Esse:

Nice nice.

Kumain ka na?

Tipikal na starter ng usapan para may mapag-usapan. Napailing ako bago nagtipa ng reply.

Aerielle:

Done na kanina pa.

Bakit ka nga pala nag-chat

aside from congratulating me?

Hindi ko na napigilang itanong kasi nakakapagtaka lang.

Esse:

Naghahanap ng kausap

hehe.

Mukha ba akong Tinder? Lol. Anyways, hindi lang naman usap ang hanap ng mga tao roon.

Aerielle:

iPhone user?

Esse:

hmm yes?

why?

Aerielle:

u talk to Sciri.

Esse:

u r funny hahahaha

Paaccept naman ng fr lods.

Napataas ang kilay ko.

Tangina? Seryoso ba 'to? Hindi naman ako nag-joke. Ano'ng funny d'on?

I sighed before I went to his profile and accepted his friend request.

Esse:

Thanks!

Anyways, magpapa-vaccine ka?

Survey lang.

Aerielle:

Yes. Ikaw?

Naipaliwanag sa aming maigi ng mga professor namin ang kahalagahan at kainaman ng pagpapa-vaccine kaya naman talagang magpapa-vaccine ako kontra covid. Kahit wala namang covid, importante talaga ang pagpapabakuna. May mga sakit na hindi na nag-e-exist ngayon dahil sa mga bakuna.

Hindi ko naman masisi ang mga tao ngayon na matakot sa pagpapabakuna ngayon kontra covid dahil sa mga adverse side effects. Well, karamihan naman ng bakuna ay may side effects. Hindi naman maiiwasan 'yon. Kaya nga mahalagang komunsulta muna sa doktor bago magpabakuna laban sa covid.

Esse:

Not yet sure.

kung ikaw ang magbabakuna

sakin y not?

Halos pandilatan ko ang screen ng phone ko sa nabasang reply niya.

Ay maharot! Bakunahan kita hanggang sa buto, makita mo!

Aerielle:

Magpabakuna ka na

para safe ka.

Esse:

I'll think about it.

thank you

taga saan ka nga ulit?

Aerielle:

Cavite

Esse:

Ah. Pero dito sa Metro,

saan ka nag-stay?

Aerielle:

Sa Moon Towers lang.

Esse:

I see. Same pala

tayo ng condo.

anong floor ka?

Aerielle:

9th floor

Esse:

Sa 11th ako.

sayang di tayo nagkita

noon. magkalapit lang pala tayo

Aerielle:

Ah hindi kasi ako masyadong

palalabas.

Esse:

Aahhh. That's why bihira kitang

makita sa poolside. madalas kaming

tumambay doon

Aerielle:

either nasa coffee shop ako o nasa unit

pag wala ako sa school

Esse:

thats nice. aral na aral.

labas tayo minsan. treat ko.

Bakit lalabas? Ano'ng meron?

Aerielle:

Why?

Esse:

Wala lang. Para makita kita tapos

makakita ka ng gwapo.

Napairap ako pero at some odd reasons bigla akong napangiti. Mahangin naman ang pagkakasabi niya pero bakit ako napangiti?

Sus! Nasabihan ka lang ng maganda e! Ito namang epal na subconscious ko, nakikisali.

Aerielle:

Sige. Pag kebs kong lumabas

May malaking warning sign ang pumitik sa isip ko pero hinayaan ko na lang. Oo now, hindi later na lang tapos gagamit ng 'hindi pinayagan ng parents' card.

Esse:

Nice! May auto naman ako

kung sakali.

tsaka safe ako magmaneho

hindi kaskasero

Hindi ko alam kung sadyang green minded lang ako pero bakit iba ang dating sa 'kin ng chat niya?

Aerielle:

Ah sige

may tanong ako

Esse:

ano yon?

Aerielle:

bakit ka madaldal?

Esse:

hahahaha nadadaldalan ka sakin?

Aerielle:

uhm yeah?

slight

Esse:

Ako may tanong ako

Aerielle:

shoot.

Esse:

bakit ang ganda mo?

Akala ko naman, itatanong niya kung bakit ako masungit o cold.

Aerielle:

How do u pronounce your

name? Just curious.

Esse:

/Es-seh/

how bout u?

Aerielle:

oooohhh i see!

cool. akala ko /es/ lang

mine's /ey-ri-yel/

Humaba pa ang chat naming dalawa hanggang sa hindi ko namalayang pasado alas-dose na ng hatinggabi. Nalaman na namin ang ilan sa family background ng isa't isa.

Esse:

Good night, Eril!

I had fun chatting with you!

Thank you sa time!

Dream of me ;)

He gave me a nickname and I gave him too. Nagkapalagayan kami ng loob sa two hours naming pag-uusap.

He was really funny. Malayong-malayo sa unang impression ko sa kaniya. Hindi nasayang ang oras ko kasi napatawa niya ako.

Aerielle:

Night! Thank you rin

sa time!

wag ka sanang bangungutin!

Nag-haha react siya sa reply ko.

Bago pa man ako mag-offline ay nakita kong pinalitan niya ang nickname naming dalawa.

Esse set your nickname as Eril B. Click here to change.

Esse set his own nickname as Esh B.

Aerielle:

What's with letter b?

Esse:

Babe yan. B pa lang sa ngayon.

Natawa ako nang malakas sa chat niya.

Aerielle:

Speed mo naman!

lodi!

Itulog mo na lang yan

hahaha

Napailing ako bago pinatay ang Wi-Fi setting ng phone ko. Inaantok na ako kaya agad akong natulog nang ngiti sa mga labi.

Lumipas ang ilang linggo na constant ang naging mga pag-uusap namin ni Esse. He's always there. Literal na one chat away. Mabilis mag-reply. Hindi ko alam kung ano bang plano niya pero sure akong nanghaharot siya. Halatang-halata pero okay lang naman kasi nakahanap ako ng bagong kaibigan sa kaniya.

Kahit madalas siyang mangharot, kapag seryoso naman ang usapan ay matino siyang kausap. Matured kapag serious mode. And that attitude of him got me a little. Well, a little.

Busy kaming parehas sa school pero naisisingit naman namin ang pag-uusap. I didn't know this would work, actually. Minsan pa nga, nagpe-Facetime kami at isa lang ang napatunayan ko. Hindi siya poser at guwapo nga talaga siyang tunay.

Nito ko lang na-appreciate ang hitsura niya. Hindi na rin nakakapagtaka na nagustuhan siya ni Tine noon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat sa papel ng draft version ko ng pathology and physiology ng isang case nang mag-appear sa screen ng computer ko ang chat box namin ni Esse kasabay ng pagtunog n'on. Naka-open kasi ang Facebook ko sa Chrome. Wala kaming klase ngayon dahil Sabado pero tambak naman ang mga homework.

11:33 AM

Esh B:

Babe!

Eril B:

babe ur face!

problem?

Esh B:

gwapo ba ako?

Napairap ako. Magcha-chat lang para magtanong kung guwapo raw ba siya. May mga ganitong instances talaga na magcha-chat lang siya para itanong 'yan. Ganiyan siya mangulit. Sarap kutongan.

Parang tanga naman 'to! Pag sinabi kong oo, magyayabang 'to, pramis!

Eril B:

Lam mo, tulog mo

lang yan

puyat ka na naman

Esh B:

Sungit mo naman, babe :(

pero ano nga?

gwapo ba ako?

Eril B:

kulit mo. oo na

gwapo ka na

happy?

Esh B:

bakit parang galit ka?

Eril B:

kulit mo kasi

Esh B:

gwapo naman hahaha

anyways wala nang bawian ha?

gwapo ako tapos maganda ka

wala lang. naisip ko lang na

bagay tayong dalawa. hahaha

talino ko diba?

Tuluyan na akong napatigil sa ginagawa dahil sa huling chat niya. Lumi-level up talaga ang kakulitan at panghaharot niya, pansin ko lang.

I-ghost ko kaya 'to?

Eril B:

busy pa ako

mamaya ka na mangulit

Esh B:

ay sorry. pero

bago ka sana bumalik sa

ginagawa mo may gusto lang

akong itanong serious mode

na ako.

Eril B:

ano na naman?

Esh B:

I just want to say that you

are so beautiful

inside and out

medyo snob ka lang at cold

pero funny ka rin kausap.

tinaanong mo ako noon kung

bakit kita chinat. I lied na naghahanap

lang ako ng kausap.

the truth is, crush kita noon

pero tinamaan na ako nang

husto ngayon. and I'm really

thankful na pinansin mo ako.

Nag ipon pa ako ng lakas ng

loob para umamin. Okay lang naman

if hindi mutual ang feelings but

I just want to try my luck now.

Gusto ko lang itanong kung pwede

ba kitang ligawan?

Nanlaki ang mga mata ko nang matapos kong basahin lahat ng chat niya. Seryoso ba siya?

Mga ilang beses kong inulit-ulit basahin ang chat niya hanggang sa gumalaw na naman ang tatlong bilog, indikasyon na nagtitipa ulit siya ng chat.

Esh B:

Liligawan kita sa personal

kung sakali. Ayokong sa

chat lang. Deserve mo ng

totoong mga bulaklak

hindi ng mga mabubulaklak

na salita.

Eril B:

teka seryoso ka ba?

crush mo ako?

tinamaan ka sakin?

gusto mong tamaan kita?

lol. just wow

Esh B:

seryoso nga.

Sa totoo lang ay hindi ko alam ang dapat kong i-react. Pero may mga paruparo sa tiyan ko ang nagre-react para sa 'kin. A part of me, ayaw maniwala na magkakagusto ang isang tulad niya sa akin.

Hindi ako gan'on ka-ganda pero maputi naman ang balat ko, mas maputi nga lang ang sa kaniya. Nadadaan ko lang sa appeal ang lahat, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko. Iyon din ang sabi ng mga kaibigan kong pasmado ang bibig. Malayo ako sa tipo ng babaeng magugustuhan niya dahil hindi nga ako masyadong outgoing at namimili lang ng kinakausap.

Esh B:

Bago ka mag-over think,

gusto ko lang ulitin na

I like you so much.

Can I court you?

Eril B:

Sure ka talaga?

hindi ako chinese.

diba may rule keme

sa inyo?

Esh B:

Mom and Dad ko, hindi

naman parehas chinese

I don't care. I like you.

period.

Kinikilabutan talaga ako pag may conviction na siyang mag-chat. Nasanay akong nagbibiro lang siya nang madalas.

Esh B:

pero kung ayaw mo,

hindi naman ako mamimilit

gusto ko lang malaman mo

Eril B:

okay. punta ka rito

sa bahay after mong magpa-swab.

be ready for a hot seat.

nambubuga ng apoy si mommy.

At sino ako para tanggihan siya? I mean, he's really a good catch. At kung itatanong naman kung may feelings ba ako sa kaniya, slight ang sagot ko. Napapangiti niya ako at napapaganda niya ang pangit kong araw. Hindi ko alam kung sapat na bang basehan 'yon pero hindi naman masama kung papayagan ko siyang manligaw.

Mabuti nga at may tapang siyang manligaw sa personal. Plus points 'yon. Yung iba kasi hanggang chat lang. Ayoko rin namang maging purely virtual ang magiging unang relationship ko kung sakali.

Esh B:

THANK YOU SO

MUCH, ERIL BABE!

Sure. Handa akong harapin

si mommy.

ano bang favorite niyang food?

may kapatid ka diba?

mahilig ba siya sa sapatos?

si daddy? anong hilig ni daddy?

Natawa ako sa sunod-sunod niyang mga tanong. Mukhang seryoso nga siyang ligawan ang buong pamilya ko.

Well, hindi rin naman pala masamang makahanap ng ganitong tao online. Sobrang unexpected lang. Sa ngayon ay dito ko muna tatapusin ang medyo online love story namin nitong si Esse.

Hindi pa naman totally tapos, bagong simula ito actually pero hindi na harutan. Hopefully sana ay may patunguhan. This is Aerielle San Andres and thank you for reading my not-so-boring quarantine life!

***

A/N: Thank you so much for reading this. I hope you enjoyed it! Thank you for all the love and support sa mga stories ko. Paid man o hindi. Stay safe! xoxo

- Ria

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top