thexwhys's Short Story
Wattpad Filipino Block Party 2021
QUARANFLING
thexwhys
Codename: scammer
Two hundred and fifty-six days. Hindi namalayan ni Michelle na mag-iisang taon na rin simula nang maisipan niyang huwag makipagkita sa kahit na sino. Family, friends, colleagues, everyone.
It was a personal decision not because of the fucking pandemic, but because she wanted to know more about herself.
Nakakatawa mang isipin na iyon ang dahilan, mababaw para sa ilan, pero iyon ang totoo. She'd been neglecting herself for years, not minding what she wanted, and she was always thinking about other people.
Michelle sighed while looking at the calendar. "Shit, I'm turning twenty-eight in a month. Shit, shit, shit. Tatanda na yata tayong mag-isa dahil wala tayong makausap!"
Sinuklay niya ng daliri ang sariling buhok nang ma-realize na birthday na niya sa isang buwan, pero single pa rin siya. Ni hindi siya makalandi, makaharot, at makahanap ng lalaki dahil nga pandemic. Ni hindi man lang siya makakembot para humanap ng papa!
Yumuko si Michelle at tinitigan ang short niyang may print na mga puso. "Ano na, bestie? Bukas ka pa ba? Feeling ko, malapit na tayong magsara. Feeling ko, malapit na tayong magkaroon ng sapot. Ano na?"
At dahil wala namang sasagot, tinawanan na lang ni Michelle ang sarili at nahiga sa kama. Tumitig siya sa kisame ng condo na pagmamay-ari niya. Isa ito sa mga napundar niya sa pagiging workaholic bago niya naisipang mag-resign at maghanap ng trabaho sa bahay.
Michelle was an executive secretary. Boss niya ang presidente ng isang banko, pero masyadong toxic ang trabaho. Bukod sa loaded na nga, gusto pa nito na papasok siya sa opisina kahit na naka-lockdown ang buong Maynila.
There, Michelle thought that if she contracted the virus, the company would just pay her bills, but won't mind replacing her as soon as she's dead.
Nakahanap si Mich ng freelance work na puwedeng mag-stay lang sa bahay, mas malaki pa ang sweldo kaysa sa physical job niya. She enjoyed working, she acquired new knowledge, and even worked based on her own pace.
Paulit-ulit na iniisip ni Mich kung ano ang gagawin niya sa maghapon. Wala naman siyang planong lumabas, nakita rin niya na may stock pa siya ng groceries sa shelves, at wala rin naman siyang ibang balak kung hindi ang humiga.
Inabot niya ang phone at nagsimulang mag-browse sa Facebook.
Nakikita niya ang post ng mga kaibigan niya simula college, magkakasama ang mga ito, pero as usual, hindi na siya imbitado dahil hindi naman daw siya sumasama.
Mich swiped and swiped until she saw her mother posing with her plants. Plantita na kasi ito samantalang noon, ayaw dahil malamok. Natawa siya nang makita na ang bahay nila sa probinsya, puro halaman.
Isang taon na siyang hindi umuuwi sa bahay ng mga magulang. Bukod sa nag-iingat na huwag mahawaan ang mga ito, nagdesisyon si Mich na mapag-isa.
Mich sighed and browsed even more until she saw a meme about her alma mater.
Humagalpak si Mich dahil tungkol iyon sa building ng university kung saan walang elevator, fifth floor pa, at mainit. Luma na kasi iyon noong umalis na siya noon, hindi pa rin pala nagagawa.
Nagbasa siya ng mga comment at natatawa na pare-pareho sila ng mga reklamo noon. Pawis ka na nga, mainit pa ang uniform, mataas pa ang takong, ang sakit pa ng legs dahil fifth floor nga.
One comment caught Michelle's attention. Naranasan niya rin kasi iyon noong college.
⎻
Keith Arcangel
Walang cafeteria sa Engineering building kaya bababa talaga kami noon ng fifth floor para lang makabili ng pagkain. Jan ako pumayat. Yung kinain ko sa canteen, naburn kaagad.
Like ・Reply ・1h
↪ Al Ubanan
Shet, legit ito! Hahaha!
Like ・Reply ・1h
↪ Andy Bacus
ung pagdating mo sa room gutom ka na ulit
Like ・Reply ・30m
↪ Jane Lopez
tapos hingal ka ulit pagakyat, kaso nasa 3rd floor ung water fountain
Like ・Reply ・5m
↪ Michelle Florendo
nangangatog na yung tuhod ko jan. kaya minsan, imbes na bumaba para sa cafeteria, tiis na lang hanggang uwian 😩
Like ・Reply ・1m
⎻
Humikab si Mich nang makaramdam ng antok. Bago pa man niya maipikit ang mga mata, nakatanggap siya ng notification na ni-like ng commenter ang comment din niya, bukod pa roon, the person also added her.
Notifications
Keith Arcangel and 35 other people reacted on your comment: nangangatog...
Friend Request
Keith Arcangel sent you a friend request
Confirm ・Delete
Mich frowned and stalked the guy. Naka-lock ang profile nito, pero halata namang iisang university sila dahil duh, alam nito ang kasumpa-sumpang building.
Without second thought, Mich accepted the friend request and turned off her Wi-Fi to sleep. Wala pa rin naman siyang matinong tulog dahil panggabi ang trabaho niya. Aside from being alone, Mich has been single for three years already after a very toxic relationship. Since then, she decided to just stay single.
**
Mich slowly opened her eyes and it was dark. She stood up, went straight to the bathroom, and took a pee. Nakapikit pa siya dahil sa antok at nakaramdam din ng gutom.
Humarap si Mich sa salamin. May marka pa ng kama ang mukha niya, magulo ang buhok, at sabog na sabog pa dahil sa antok.
"Pangit mo, gago," bulong niya sa sarili bago lumabas ng banyo.
Humikab si Mich at hinilamos ang mukha habang nakatitig sa laptop na bumubukas. Login na naman, trabaho ulit, at napag-isipang mag-o-order na lang siya ng pagkain.
She scratched her left eye, yawned again, and fully opened her eyes only to see a message notification. Minsan kabado talaga siya sa ganoon dahil baka may mangungumusta para lang mangutang, pero hindi. It was Keith.
⎻
Keith Arcangel
02:19 PM
👋🏻
08:32 PM
👋🏻
hi, good evening
🙂
hello?
good evening, too.
anong year ka nakagraduate?
ako 2012, you?
2013 po
oh okay
so how's everything going?
pandemic sucks 'no
okay naman
surviving
ikaw?
okay lang din naman
just staying at home.
work from home ako since last year
ikaw?
wfh din.
since last year din.
nakakatakot pa lumabas eh.
true. stay safe ha
nice meeting you
wait, kumain ka na ba?
pa-fall?
char
magluluto pa lang. ikaw
haha no was just asking
same. kagigising ko lang
haha same.
u prefer working nightshift?
yup, ikaw?
i'm more productive at night
mas active ang utak
sa true lang
what's with nightshift kaya no
I think cos it's quieter and dark?
haha i don't know.
siguro, personally din naman
mas gusto kong magtrabaho sa gabi.
kahit wala namang maingay, dark was more peaceful
yeah, i guess getting older
means loving peace
I couldn't agree more
anyway, what was your course?
civil engineering but i work now
as a multimedia personnel
im into graphics
ikaw? nice meeting you pala
Business Management
im into sales
likewise
Am i disturbing you rn?
sorry for adding you
it's just fun knowing someone
from the same school, with the same struggles
Haha what made you think we're having the same struggles?
Wala naman, hunch?
If you haven't been out for almost a year
then i know we share the same struggles
Seriously?
wala kang kinikita kahit sino?
friends? Family?
Nope.
i want peace lol
anyway, gotta go
i have work
g'nyt.
Good night, Michelle.
⎻
Mich immediately stopped the conversation since she's not really fond of talking to a stranger. Oo nga at iisang school sila, hindi naman sila personally na magkakilala. She's not good with conversation and no plans on meeting new people as of the moment.
Plus, duh, trust issues. Sex lang habol nito. Kahit na gusto niya rin, iwas muna. Mas mahirap magka-COVID kaya kaunting tiis, bestie.
Hinahalo ni Mich ang cup noodles na spicy seafood habang nakataas ang paa at nakatingin sa pinapanood na mukbang sa YouTube. She'd been craving for some ramen, kaso cup noodles na lang muna dahil nakatatamad lumabas at wala siya sa mood makipag-usap sa delivery boy.
Michelle's social battery was still zero percent at wala pa siyang balak mag-charge. She was loving the alone time, especially that she didn't have to deal with people. Nagka-trauma na rin kasi siya sa trabaho dahil ang daming plastic.
Mga kampon ni Orocan—reyna ng mga plastic.
Ang usual routine, habang nagtatrabaho, nakabukas ang Netflix para naman hindi siya tamarin magtrabaho. Dahil na rin sa quarantine, Mich gained weight, but she wasn't bothered at all. Kung noon, gutom siya dahil nagda-diet, Mich decided to just eat whatever the heck she wanted.
It was two in the morning and she was listening to Spotify when she received a Facebook notification. It was a message from Keith.
⎻
Keith Arcangel
02:23 AM
Good morning 😊
G'morning. :)
Just wanna ask
anong playlist mo kapag working?
sorry, ang random.
I make my own playlist
why?
Wala naman, naghahanap ako ng bagong kanta
may alam ka?
Hindi ako masyado sa mga bagong kanta.
i still prefer old songs
michael learns to rock
john mayer
sumthin like that
Sabagay, they're still the best
paint my love
ganoon
Yup haha currently listening to that song
y, are you into new songs? I don't like their lyrics
Masarap sa ears ung mga bago
listen to Paraluman by Adie
it was good
Yeah, I know him.
nakikinig ka ba kay Zack?
The one who sang Binibini?
Yeah?
I don't
I don't like the lyrics
sad boy lyrics haha
Haha omg
yes, manipulative sad boy
lalo the line
"Kung 'di pa aminin ang gusto
Baka kasi mawala na ako"
like, the fvck?
Hahaha yes
also the line "Nagulat ka, nagulat ka no'ng
May kasama na 'kong iba"
i mean, aren't you courting her
bakit may reserba?
bullshit, e.
Same thoughts.
so, kukunsensyahin mo ung girl
just cos di ka pa sinasagot
tatakutin mo siya na may iba ka na
heck no
Hahahaha
maganda tono
but the lyrics are just off
That paraluman by adie was nice
Sana all dinadala sa paraiso
⎻
Mahinang natawa si Keith nang mabasa ang huling message ni Mich. The woman doesn't know that he knew her from college. Palagi niya itong nakasasabay sa hagdan dahil iisang building lang sila and he couldn't forget the day he first saw her.
Pareho silang galing ng canteen. Bukod sa nakikita niya ito kapag dumadaan sa laboratory, madalas niya itong nakasasabay na bumibili sa cafeteria sa kaparehong oras noong nag-aaral pa siya.
Naalala ni Keith ang unang beses na makita niya ang dalaga. Kung paano itong nagmura dahil sa hingal lalo na at pareho silang fifth floor pa, kung paano nito tinanggal ang sapatos at nagpaa na lang, at kung paanong naupo sa hagdan, at bumubulong sa sariling ayaw nang umakyat. Hanggang sa naulit na nang naulit.
It's been nine, long years since Keith last saw Mich and he never expected to see her again. Halos nakalimutan na rin niya ang mukha ni Mich, pero kaagad na bumalik ang nakaraan nang makita niya ang picture nito.
Mich was smiling brightly on the camera while her hair was being flown by the wind. Mukha itong nasa rooftop, hindi siya sigurado. Hindi niya ito friend sa Facebook dahil wala silang mutual friends at hindi niya alam kung ano ang pangalan nito.
⎻
Michelle Florendo
02:43 AM
That paraluman by adie was nice
Sana all dinadala sa paraiso
langit is overrated
Haha dadalhin sa langit haha
It's true! F-bois always say that
dadalhin sa langit
my ass boring
Hahaha
real talk tho
how about to be someone's mundo
Uy omg
that's one of my fave songs
pero mas gusto ko your universe ni rico b
Hey tbh
that song has one of the best lyrics for me
Omg samedt
Sorry to ask tho
do you already have your own universe?
don't answer if youre uncomfortable
Haha nah.
i left that universe three years ago
that universe was dangerous
Okay
sorry for asking
seen
⎻
Keith waited for another ten minutes, but no reply from Michelle. Naisip niya na baka na-offend ito sa tanong niya dahil sobrang out of nowhere at medyo personal. It was wrong and he felt stupid, but too late to realize.
Nakaharap si Keith sa laptop at nagsimulang mag-design para sa trabaho. Medyo marami siyang ginagawa, busy, pero nagawa pa rin niyang mag-browse ng pictures ni Michelle.
Ang laki na ng pinagbago nito kumpara noong college sila.
Michelle was chubbier during college and had no sense of fashion, but based on her recent images, which was all taken from a balcony of a condominium, she was leaner.
Nakabukas pa rin ang chat box nila, dahil nagbabaka sakali siyang magme-message ulit ito, pero laking gulat niya nang makatanggap ng video call mula rito. Keith wasn't sure if he would answer it, but it rang like four times.
It was a video call.
Keith unconsciously fixed his hair and realized he was wearing a white shirt, but . . . the call might get ended so he immediately answered.
Nag-load nang kaunti ang call at nang bumukas ang video, walang tao. Nakaharap ang camera sa parang headboard kulay puti, medyo madilim, at blinking ang ilaw na ina-assume niyang galing sa TV.
Hindi alam ni Keith kung papatayin ba niya ang call. Naghintay siya, nakatingin sa pader, nang marinig na may papalapit, at mahinang kumakanta.
"Baby, you're like lightning in a bottle . . . I can't let you go now that I got it."
Napangiti si Keith dahil ang lambing ng boses. Wala pa ring tao, pero nakita niya ang anino at nakita si Mich na naupo sa harapan ng camera. Nakasando lang itong kulay puti.
"And all I need is to be str—" natigilan si Mich at napatitig sa camera. "Holy shit."
Kaagad na yumuko si Keith nang mapansing may nakabakat mula sa T-shirt ni Mich. Hindi niya alam kung paano siya magre-react, kung paano siya titingin, o kung papatayin ba niya ang tawag.
"Y-you called," he whispered. "A-akala ko tinatawagan mo talaga ako," ani Keith. "Patayin mo na lang ang call kun—"
"Okay lang." Mich chuckled nervously. Nagtakip kaagad siya ng unan dahil wala siyang suot na bra kaya aware siyang bakat. "Sorry kung may nakita kang hindi kanais-nais. Hindi kasi talaga ako nagba-bra 'pag nasa bahay."
"Wala iyon." Nakayuko pa rin si Keith. "Patayin mo na lang ang tawag k-kung napindot lang."
Mich stared at Keith. For some reason, iniisip niya kung nakita na ba niya ito dahil habang nakatingin sa sa video kahit na nakayuko ito, parang pamilyar sa kaniya. Siguro nga dahil almost same batch sila, pero sigurado siyang nakita na nga niya ito.
"It's fine, I think nakita na kita. Hindi ko sure, pero you're very familiar," sabi ni Mich habang nakatingin sa screen. "For some reason, nagkita na ba tayo sa school? Nag-cross ba landas natin? Magkakilala ba tayo?"
Nag-angat ng tingin si Keith at ngumiti. "Oo." He nodded. "Nakikita kita noon sa hagdan, sa cafeteria, and same building tayo. I'm a year ahead of you, but I know you."
"Hoy!" Humagalpak si Mich. "True ba? I mean, naaalala mo talaga ako?"
"Oo. No'ng nakita ko 'yong picture mo kanina, naalala kaagad kita. Ikaw 'yong nagtanggal ng sapatos sa hagdan kasi sumasakit na ang paa mo kalalakad. That time, nagre-review ako."
Nanlaki ang mga mata ni Mich at pilit inaalala ang pagkakataong iyon. "Ang random!" Sinusubukan niya pa ring alalahanin. "I mean, ako lang ba ang nakita mong gano'n?"
Keith smiled and bit his lower lip. "Nakilala kita, kasi ang baho ng paa mo noong araw na 'yon. Huwag kang magagalit, pero naalala talaga kita, kasi naamoy ko ang paa mo noong tinanggal mo ang sapatos mo."
Hindi nakasagot si Mich dahil nahiya siya bigla. Noong college, medyo mabaho kasi talaga ang paa niya. Bukod sa pawisin, tamad siyang mag-medyas noon, hanggang sa naging fourth year siya at nagkaroon na ng proper hygiene.
"Shit," bulong niya sa sarili. "Nakakahiya na nagmarka ako sa 'yo dahil sa baho ng paa ko."
Magkaharap pa rin sila sa camera. Hiyang-hiya si Mich at nakikita ni Keith iyon. Gusto niyang bawiin ang sinabi, pero iyon ang totoo.
"I added you here on Facebook 'cos when you commented, nakita ko kaagad ang profile picture mo at naalala ko ang nakaraan." Keith smiled and Mich saw it. "Parang naalala ko 'yong amoy."
Kaagad na kinagat ni Mich ang hinlalaki sa sobrang hiya. Hindi rin naman niya magawang isara kaagad ang call, pero kung puwede siyang lamunin ng lupa, baka nag-volunteer pa siya. It was embarrassing, it was humiliating, but the man was just staring at her.
"Huwag kang mahiya, almost ten years naman na ang nakaraan. Grabe, dekada na pala kitang kilala, ngayon lang kita naging friend sa Facebook?" Keith chuckled. "Hindi ka ba nahihirapan sa quarantine? Sa sitwasyon ngayon?" pag-iiba niya sa usapan dahil nakita niyang parang hindi na comfortable si Mich.
"M-medyo pabor sa akin ito dahil hindi ko kailangang makipag-deal sa ibang tao." Mich smiled while looking at Keith on the screen. "Ang tagal ko na rin walang kinikita."
Keith quietly stared at Mich. Wala itong kaayos-ayos. Magulo ang pagkakatali sa buhok, punit ang sandong suot, at nakasalamin nang medyo may kalakihan habang nakatingin sa kaniya. Nakita rin niya ang pagkagat nito sa kuko na parang kinakabahan.
"Thanks for adding me, by the way," he said. "It's good to see you again after ten years and don't worry about the first time I saw you. It was long gone."
"Talaga!" pagmamalaki ni Michelle na ikinatawa nilang dalawa. "Hindi na mabaho ang paa ko ngayon, 'no! Nakakahiya 'yong first time mo akong napansin, shit!"
Keith smiled and shook his head. "Hindi naman, 'no! Dahil doon, lagi kita nakikita."
"Tangek, siyempre iniisip mo, 'yan 'yong mabahong paa. Nakakahiya talaga, I swear!" Humahagalpak si Mich. "I thought this convo would be so awkward since we don't know each other."
Mahinang natawa si Keith. "Well, technically, hindi talaga. Ako lang ang nakakakilala sa 'yo and that was years ago. So, hi again . . . it's nice to finally talk to you, Michelle."
Hindi maintindihan ni Michelle kung bakit parang ang gaan ng loob niya habang nakatingin kay Keith, habang kausap niya ito, na kinukuwento kung paano siya nakita, kung paano siya nakikita noon, at kung saan. Ultimo dala niyang chips, naaalala nito.
"Stalker ba kita noon?" Mich asked. "Ang suspicious, ha!"
"May girlfriend ako noon, kaya imposibleng stalker mo ako," Keith responded with a chuckle. "Sadyang madalas lang talaga kitang nakikita, at naaalala ko ang paa mo."
"Nakakainis naman ito, bakit pinapaalala pa!" natatawang sabi ni Michelle. "Nakakahiya, but hey, it's part of the past at natatawa pa rin talaga ako. I am so sorry for the bad smell talaga."
They both talked about the past. The school, UAAP, movies, music, work, and even about the pandemic. Pareho silang nag-resign sa dating trabaho dahil sa hindi makatuwirang trato ng mga kapwa empleyado.
"Mag-isa ka lang talaga sa condo mo?" tanong ni Keith sa kaniya. "Ako rin, since my ex moved out two years ago, mag-isa na lang ako. This was us ours, pero binili ko na lang sa kaniya."
Mich nodded. "Oo, mag-isa lang ako. I like the peace. Ang sarap sa pakiramdam na makagagalaw ka mag-isa, na hindi mo kailangang isipin na may kasama ka and all. Twice a month lang din ako lumalabas ng bahay."
"Paano groceries?"
"Ayon, kapag lumalabas ako, bibili ako groceries. Kapag wala ako sa mood, magpapa-deliver ako," tipid na sagot ni Michelle habang sumasagot ng emails. She was enjoying the small talk, siguro dahil matagal na rin simula nang may makilala siyang bagong tao.
Keith was staring at Michelle who was seriously typing about something. Nakikita niya sa reflection ng salamin nito na busy itong nagtatrabaho, pero kausap siya. Samantalang siya mismo, huminto dahil gusto niya itong kakuwentuhan.
"So, hindi ka nakikipag-date or nakikipagkita kahit kanino?" tanong niya.
Umiling si Michelle na sumasagot pa rin ng email. "I use dating apps, pero nakatatamad magpakilala. Nakatatamad magsimula, nasa anong paboritong kulay pa lang, gusto na kaagad ng sex. Like?"
"Mas malaki pa ang chance ngayon na magka-COVID kaysa magka-AIDS," Keith responded. "I had some fair share of hookups lately, but it was tiring, to be honest."
Doon, natigilan si Michelle. "You do one night stands?"
"I did, but I got tired of it," sagot ni Keith. "Hindi ko rin alam kung paano nagagawa iyon ng iba. Like, you're having sex with a stranger without the intention of falling in love? I don't know."
"I have a mix feelings about hooking up and one night stands. I mean, I never tried it yet, but I wanted to. Kaso natatakot ako sa COVID." Mich chuckled. "And natatakot ako baka ma-attach ako? It's scary."
Tumango si Keith. "Huwag mo na lang subukan. Tulad nga ng sinabi ko, mas malaki ang chance sa COVID kaysa sa AIDS."
"Sa true lang? Ang dami kong plano last year, even this year . . . kaso hindi natupad. I was planning to date. Alam mo 'yon? I'm not getting any younger, but then again, COVID happened."
Tumingin si Keith sa bintana at umaga na. Sumilip na ang araw at hindi namalayang halos apat na oras na silang magka-video call ni Mich. This was the longest video call he did and it was satisfying to know someone he knew since college but still a stranger.
"Mich." Ibinalik ni Keith ang tingin sa screen at nakitang nakatingin din si Mich. "Gusto mong lumabas mamaya? Breakfast? Promise, social distancing tayo, kahit magkalayo pa ng table."
Nagulat si Mich sa sinabi ni Keith. She wasn't expecting it. She was frozen in shock. Hindi niya alam ang isasagot.
"Two weeks na rin naman akong hindi lumalabas ng bahay, if you want, para sure . . . magpa-swab tayo," sabi ni Keith. "Wala lang, just breakfast or dinner, whatever you prefer."
"Wala ka man lang paligoy-ligoy?" Mich asked. "Speed ka?"
Keith chuckled. "I'm not getting any younger to slow things down. D-do you wanna have breakfast with me?"
Napaisip si Mich. Hindi niya alam ang isasagot dahil una, kakikilala lang nila. Kahit naman isang school, nakakatakot pa rin. Pangalawa, natatakot siya sa COVID. Pangatlo, takot siya sa date-date . . . baka masundan kasi matuwa siya. Pang-apat, paano kapag natuwa siya tapos hindi naman pala sila meant to be, e 'di sayang effort sa almusal? Pang-lima, paano kung lahat ng kinakatakot niya, hindi naman pala valid dahil nag-o-overthink lang siya?
Keith was waiting for Michelle's answer and he was a bit nervous. "Sorry, I know it's fast . . . sorry."
"Natatakot ako," Michelle said. "Hindi ka naman kidnapper, 'no?"
Malakas na natawa si Keith at umiling. "As far as I know, hindi. Just wanted to loosen up this quarantine thingy. Kung hindi mo pa gusto, okay lang."
"Wait, sure kang wala kang COVID? Kapag mayroon, ako mismo papatay sa 'yo, ha?" Mich nervously smiled. "Gusto ko ring lumabas, pero . . . takot ako."
"I can get tested today if you want, 'yong test na makukuha ko kaagad result. Tingin mo?" Keith smiled. "Just . . . dinner na lang para hindi gahol."
Tumingin si Michelle sa bintana at sa orasan. It's almost seven in the morning at napaisip na bakit nga hindi niya subukan? Kahapon lang, nag-aalala siya para sa sarili na tatanda siyang mag-isa dahil walang makausap.
"Okay, dinner." Ibinalik ni Mich ang tingin kay Keith. "Try lang."
Keith chuckled. "Okay, ilan ang trial period?"
"Depende sa galing mong makipag-usap. Tutal speed ka, impress me. Charot! Sige na, matutulog na muna ako. Matulog ka na rin. Dinner na lang." Mich smiled. "Good morning, Keith."
Keith smiled. "It was nice seeing you again after years, Michelle. Good morning and see you later."
T H E X W H Y S
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top