TheMargauxDY's Short Story PART II
Naalimpungatan si Saraya dahil sa matalim na sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Nakalimutan pala niyang iladlad ang kurtina kagabi. Pagkahatid kasi sa kaniya ni Kiel kagabi, naligo lang siya, 'tapos ay nakatulog na siya agad.
Pupungas-pungas na bumangon siya. Sa totoo lang, hindi naman talaga niya balak kahapon maghanap ng apartment na malilipatan. Sinabi lang niya iyon para hindi siya masamahan ni Kiel. Itinaon niyang Lunes kasi punom-puno ng meetings ang araw na iyon. Kaso, nag-leave pa rin pala ang hudyo, tuloy ay napilitan siya.
Kumunot ang noo niya nang makitang may paper bag sa harapan niya. Nang silipin niya, naroon ang paborito niyang pagkain.
"Galing 'yan sa boylet mo," panunukso ng kapatid ni Saraya sa kaniya. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng kuwarto niya.
Kinurap-kurap niya ang mga mata. "Boylet? Wala naman ako n'on."
Her sister rolled her eyes. "Wala raw."
Alangan namang si Kiel ang nagpadala niyon sa kaniya? Imposible. Ba't naman siya padadalhan ng binata ng pagkain.
"Si Kuya Kiel nagpadala niyan. Hindi yata niya alam na maaga kang natulog kagabi."
Saraya's eyes widened in surprise. Dali-dali niyang hinanap ang cellphone na hindi na niya alam kung saan niya hinagis. It took her five minutes to locate her found. Siguro ay itinabi niya lang 'yon sa kama, ta's sa sobrang likot niya, nalaglag sa ilalim. Doon niya nabasa ang mga chat ni Kiel kagabi.
"Mapunit ang labi mo niyan, Ate."
Inangilan ni Saraya ang kapatid niya. Iiling na sinarado nito muli ang kuwarto niya at umalis na. Magsisimula na rin kasi ang online class nito.
Sa sobrang galing ng binata magpaikot, dalang-dala siya. He got her wrapped around his finger. Ang buong akala niya naman, wala na itong ibang kinakausap. E, halos buong araw na silang magka-video call ni Kiel, e. Paano niya iisipin na nagagawa pa pala nitong lumandi sa iba kahit ganoon?
Ano ba'ng ginagawa ni Kiel? Namamangka sa dalawang ilog?
Hilam sa luha ang mga matang s-in-ilent ni Saraya ang cellphone at saka nilagay sa ilalim ng kaniyang unan. Hahayaan niya na lang isipin ni Kiel na tulog na siya. Naninikip ang dibdib niya. Parang may sumusuntok at pumipiga sa puso niya. Bawat parte ng kaniyang katawan ay masakit at dumadaing.
Umasa nga lang ba talaga siya kay Kiel? Kaibigan nga lang ba talaga ang tingin sa kaniya ni Kiel? Wala bang meaning ang buong araw nilang pagbi-video call araw-araw? Ang pagkikita nila every weekend? Para saan 'yong pagsasabi niya na 'wag siyang mag-entertain ng manliligaw? Para saan lahat ng effort nito sa kaniya? He was so protective of her. He's way too sweet, too.
Wala lang ba talaga iyon? Option lang ba ako? Na kung sakaling hindi siya sagutin ni Ocean, sa akin siya pupunta? At ngayong sila na ni Ocean, etsapwera na lang ako? Pagkatapos ba ng araw na ito? Magiging hangin na lamang ako sa kaniya?
PLEASE PROCEED TO THE NEXT CHAPTER FOR PART III
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top