TheMargauxDY's Short Story

The Wattpad Filipino Block Party 2021

UNLOCKING THE LOVE LOCK

If it's meant to be, it will be.

"Eh di 'wag." Nakasimangot na ibinaba ni Saraya ang phone at saka pinatay. Napa-snobber talaga ng hudyong 'yon, sa isip-isip niya. Tingin ba niya special siya?

Well, medyo special naman talaga ang binata sa kaniya. Sa halos isang taon ni Saraya sa kumpanya, kay Kiel siya naging malapit. Kiel and Saraya were polar opposites--as in. Tahimik si Kiel, maingay si Saraya. Kalmado si Kiel, hyper si Saraya. Realist si Kiel, idealist si Saraya. Maski paniniwala nila'y magkaibang-magkaiba, pero nag-click ang kanilang friendship. Namalayan na lang ni Saraya, parati na siyang nakabuntot kay Kiel. Kahit magkaiba ang office nila, sinasadya niya si Kiel sa office nito at doon sa lamesa ng binata siya magtatrabaho.

Saglit niyang ipinikit ang mga mata, 'tapos ay muling idinilat. Si Kiel pa lang ang sinasabihan niya tungkol sa pagre-resign niya kaya nag-decide siya na i-chat ang isa ring naging close sa kaniya. Hindi rin kasi matahimik ang kalooban niya. Hindi naman siya nagsisisi na nag-resign siya. Masyado na rin kasing toxic, at lalo pa'ng gumulo ang lahat nang magka-pandemic at ipinagbawal ang events, e, events company sila. Ang hirap ng work from home setup, 'tapos grabe pa mag-micromanage ang boss nila. Tipong every five minutes silang ipe-press nang ipe-press sa updates. Ang gusto yata'y umikot ang buong 24 hours nila sa pagtatrabaho.

Saraya hissed. "Tingnan mo 'tong mga taong 'to. Online, pero hindi namamansin. Tapon na nga nila mga phone nila."

Nagngingitngit na ang kalooban na humalukipkip siya. Dumapa siya sa kama at sandaling sinubsob ang mukha roon. She let out a muffled cry of frustration. Kapagkuwa'y muli siyang bumalikwas ng upo at saka dumutdot sa phone. Wala pa ring reply sina Ocean at Kiel. Si Peach na lang ang itsa-chat niya--katrabaho rin nila.

Napasapo sa dibdib si Saraya.

Hindi, hindi 'yon puwedeng mangyari, she thought to herself. Imposible. Bihira nga sila mag-usap sa office, e, so pa'nong maglalandian pa sila?

Pero aminado ang dalaga na may mga time na nahuhuli niyang nakatingin nang palihim si Kiel kay Ocean. She couldn't blame him, though. Ocean's a very pretty woman. Maski siya minsan ay napapatitig na lang din sa babae at napapa-"sana all", pero ayaw pa ring niyang paniwalaan ang sinasabi ni Peach. Baka gumagawa lang ng issue ang mga katrabaho nila. Again, wala namang sinasabi sa kaniya si Kiel. Pinanghahawakan niya iyon.

Napaigtad si Saraya nang mag-vibrate ang phone sa kaniyang palad. Si Peach ulit.

Nakatingin lang si Saraya sa conversation nila ni Peach. Malinaw naman ang mga chat ng katrabaho niya, pero hirap siyang i-proseso ang mga iyon sa isip niya. Hindi niya rin maipaliwanag ang nararamdaman. She found Kiel cute, yes, but he wasn't her type. Ngunit
bakit may nararamdaman siyang hindi maganda? Magkaibigan lang sila. . . 'di ba?

Bakit parang naiinis siya na hindi nagsabi sa kaniya si Kiel na pinopormahan nito si Ocean. Well, hindi naman obligasyon ni Kiel na magkuwento ng mga ganap sa buhay nito, at alam din niya na may pagka-private person si Kiel, pero ewan, may kung anong kumikirot at lumulukob na emosyon sa dibdib niya. Baka nagtatampo lang siya kay Kiel kasi naglihim ito sa kaniya, pero bukod doon, wala nang iba pang dahilan.

Yeah, pangungumbinsi ni Saraya sa sarili. Nagtatampo lang ako.

Humiga siya at matutulog na sana, pero biglang umilaw ang cellphone niya. Pagkatingin niya sa notif, ang pangalan ni Kiel ang bumungad sa kaniya.

She bit her lower lip. For a moment, Saraya hesitated.

Tinitingnan lang ni Saraya ang paisa-isang pagdating ng replies ni Kiel. Ayaw niya munang buksan iyon dahil biglang hindi niya na alam ang isasagot dito. She wanted to talk to him, but for some weird reason, her energy depleted. Sandaling nawala sa resignation niya ang isip niya at napunta kina Kiel at Ocean. Posible nga kaya na may namamagitan sa dalawa?

Makukumpirma lang ang hinala niya kung bigla ring magre-reply si Ocean sa kaniya. As if on cue, a new message popped up. Ang sender? Walang iba kundi si Ocean.

Agad din namang d-in-elete ni Saraya ang t-in-ype. Ikinuyon niya ang palad upang pigilan ang sarili. Binuksan niya ang conversation nila ni Kiel, at bago pa man niya pagsisihan ang tinipa, s-in-end na niya iyon.

"About work, huh?" usal ni Saraya sa kawalan.

Iiling-iling na initsa niya ang cellphone sa kaniyang ulunan at sinubukang matulog kahit na may mumunti siyang pagkirot sa dibdib na nararamdaman.

Kalat na kalat na ang liwanag sa labas nang tuluyang gupuin ng antok si Saraya.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Saraya did her best to sound and appear neutral kapag kinakausap niya sina Kiel at Ocean, kahit ang totoo, gustong-gusto niyang magtanong sa mga ito. Blessing in disguise na rin siguro na hindi na niya katrabaho ang dalawa dahil magagawa na niyang alisin sa sistema niya ang binata.

But Saraya spoke too soon.

Saraya found herself giggling while talking to Kiel. Hindi niya sinagot ang pag-"I missed you" ng lalaki, pero kung siya ang tatanungin, sobrang na-miss niya ito. Sobra pa sa sobra. Halos dalawang buwan lang naman sila nawalan ng komunikasyon, pero para silang ilang taong hindi nagkita. Ang dami nilang pinag-usapang kung ano-ano.

Napalis ang ngiti ni Saraya nang mabasa ang nasa notif na chat ni Kiel. Sandaling nabura sa isip niya si Ocean. Hindi rin kasi nila napag-usapan ang dalaga kanina. Kung anong bilis niyang sumaya dahil, itanggi man niya, talagang nakaramdam siya ng saya sa puso niya nang magkausap sila ulit ni Kiel.

May naramdaman siyang pamilyar na pitik sa kaniyang dibdib, at hindi niya iyon gusto. Umayos siya ng pagkakasandal sa couch at nagtipa ng reply kay Kiel.

Gustong itanong ni Saraya kung mag-jowa na ba ang dalawa, pero pinigilan niya ang sarili. Labas na siya roon at wala siyang pakialam kahit ano pa'ng gawin ng dalawa sa buhay ng mga ito.

Talaga ba, walang pake? anang isang bahagi ng kaniyang isip.

Para isantabi ang umuusbong na hindi magandang pakiramdam sa dibdib niya, napagpasyahan niyang huwag na lamang reply-an si Kiel. Isa pa, wala naman na silang dapat pag-usapan.









PLEASE PROCEED TO THE NEXT CHAPTER FOR PART II

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top