stoutnovelist's Author Interview

The Wattpad Filipino Block Party 2021

Title: Author Interview

Codename: Stouty

Username: stoutnovelist

QUESTIONS / MGA TANONG

1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?

— Dahil sa pandemya, most of the students are facing online class at isa na ako roon. But I still manage my writing thru time management. Naglalagay agad ako ng schedule for the whole month. Halimbawa sa isang araw sa morning magsusulat ako, kapag hapon naman o tanghali bonding with the family or with myself, at sa evening mag-aaral. So far, hindi naman naapektuhan ng acads ang pagsusulat ko. Nama-manage naman nang maayos.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?

— I must prefer to write standalone stories, kasi gusto ko talaga isahang ending lang at nang makapagsulat ako ng bagong story/ies. Isa pa makapagpahinga na sa paglalakbay ang mga characters sa story, and to refresh my mind. Pero nasubukan ko ring magsulat ng series, pero mas komportable talaga ako kapag standalone.;)

3. How do you motivate yourself to keep writing?

— Minsan may oras na talagang sukong-suko na ako dahil parang wala namang patutunguhan. But I love writing, bawat araw inuusig ako ng puso ko na magsulat; hinahanap-hanap ng pakiramdam ko. Hindi kompleto ang araw kapag hindi nakapagsulat man lang. Kaya sinubukan ko ulit noon na magsimula muli. My motivation is myself na dapat may patunayan ako sa mga taong hindi nagtitiwala sa kakayahan ko. At kay God, dahil alam kong may purpose kung bakit niya ako binigyan ng ganitong talento. My family and one man who is always believing on me; my readers too— the Stoutlisters, na hindi nagsasawang sumuporta sa akin noon pa man hanggang ngayon.

4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?

— Siguro sa emosyon at mga fight scenes, kapag sa Fantasy.

5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?

— Mas nacha-challenge ako kung paano bumuo ng unang kabanata. Nangangapa ako kung saan o paano ko sisimulan ang kwento.

6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?

— Aries and Jing! (From Bygone Nightmare and The Raven Girl). Sila kasi iyong mga palaban na babaeng gusto ko ring tularan, na they don't need a man to fight for their destiny; na alam kong magbibigay ng inspirasyon sa iilan na kabataan ngayon.

7. Among your characters, who's the closest to you? Why?

— Aries Julian (from Bygone Nightmare). Hangong-hango kasi siya sa iilang personality ko, and I like about her views in life.

8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?

— If one day mabibigyan man ng chance, sa international I would like to collaborate with Mister Stephen King. Gusto kong matuto na sumulat ng mga horror and mystery/thriller stories, na gusto ko talagang matutunan at isang karangalan iyon. Sa local naman, kay Miss Lena (lena0209), Miss april_avery, Miss Ellena_Odde at Miss Greenwriter. Superb kasi mga stories nila, sa tuwing babasahin ko parang dinadala ako mismo sa mundo ng kwento. At nababalik ang will ko sa pagsusulat.

9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?

— Tuesday with Morrie by Mitch Albom and The Man Who Sold His Ferrari by Robin Sharma. These two stories are full of inspiration and motivation in life. Maraming lessons and realization na makukuha, na hinihiling ko rin na sana isang araw makapagsukat din ako nang ganitong istorya.

10. What are your future plans in your writing career?

— Magpapatuloy lang sa pagsulat at sa pag-aaral ng mga bagay tungkol sa pagsusulat to improve more in my writing and myself as a writer.

***

Dear Stoutlisters,

In despite of this pandemic we are facing, I hope all of you are keep fighting in your dreams and peaceful life. Huwag kayong mawalan ng pag-asa, patuloy lang sa paglakad. Nais ko ring magpasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa akin.

Sa modules man at online classes na kinakaharap ninyo, kaya niyo 'yan. Matatapos din ang lahat. :) Asked help kay God and always pray. Keep safe everyone! Love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top