RomancePH's Short Story

The Wattpad Filipino Block Party 2021


Trapped Out of Love: A short story by WattpadRomancePH

HANGGANG SAAN BA AABOT ANG PAGIGING MATIPID MO? Ako? 

Handa akong pakisamahan ang ex-boyfriend ko na magbakasyon sa mamahaling isla sa Palawan. Walang pagdadalawang isip, walang pag-aalinlangan, para lang hindi masayang ang anim na buwan naming pinag-ipunan na biyahe. Pinag-isipan ko namang maigi at sinubukan ding ibenta ang tickets at accommodation, but lo and behold, nandito ako ngayon sa El Nido at kasama sa iisang kuwarto ang lalaking ayaw man lang akong pansinin.

"Ino," tawag ko sa nagbabasang lalaki na nakaupo sa Abacca na upuan. "Sabi ko, sabay na tayo mag-breakfast. Hindi naman kasi kailangan na umasta ka ng ganyan, e. Imbes na i-enjoy na lang natin 'yong bakasyon, inis tayo sa isa't isa."

Gumalaw siya nang kaunti at para naman akong tanga na nag-abang ng kanyang sasabihin pero umunat lang pala siya at nagbasa muli.

I laughed in disbelief at padabog na isinara ang maleta. "Nagugutom ka na ba kasi, Hana? Ay oo, Ex, gutom na ako! Gusto kong kumain ng breakfast in peace kasi grabe 'yong nagastos natin 'di ba? Masasayang lang kung galit tayo nang buong linggo. Tama ka talaga, Hana! Palagi kang tama maski nung tayo pa."

Tikhim lang ang naging sagot niya at inis akong lumabas ng kuwarto, making sure to slam the door after me.

Maganda ang tanawin sa El Nido, pero ang blood pressure ko, natatalo ang puting buhangin at asul na dagat. Bakit ba kasi walang gustong bilhin ang ticket ko?

Bakit kailangan ko kasing pagtiyagaan ang damuhong lalaking ito? Nakakabawas ng ganda at sa totoo lang kapag nagtagal to baka tumanda ako ng wala sa oras.

Kumain akong mag-isa ng breakfast at sinubukan huwag isipin si Ino. Nothing will come good out of this trip kung siya magiging laman ng isip ko.

We used to be each other's cheerleaders. How did we end up this way? Ang akala ng lahat may third party kaya kami naghiwalay pero sa totoo lang wala. Walang pumagitna sa amin. No one cheated. Ang mga sarili naming desisyon sa buhay ang nagdulot ng aming hiwalayan.

Everyone thought we were perfect for each other, at noong una, naniwala ako. Hanggang sa napansin ko na hindi pala lahat ng pagkakaiba ay maikukunsidera na compatible.

Opposites attract, but compromising is what makes people stay.

Nang magsimula na akong mangarap ng malaki, he stayed where he was comfortable. Ayaw niyang sumabay dahil hindi siya naniniwala na dapat may baguhin sa bagay na okay na. But were we ever okay kung siya lang ang kuntento?

Naglakad ako sa palibot ng hotel at sinubukan kong alisin siya sa isip ko. Pero pagtingin ko sa pool, nakita ko ang mga mag-irog na magkasama at nag-e-enjoy sa kanilang bakasyon. Kumirot ang puso ko dala ng pighati ng sawing puso. Galit ako sa sarili ko at sa kanya. Bakit kasi ayaw ni Ino na tanggapin na ganito na talaga ang magiging hantungan ng aming relasyon? May himutok akong umalis sa pool at bumalik sa hotel. I needed to get out of here. I needed to be alone.

"Kumain ka na?" biglang nagsalita ang lalaking parang walang dila kanina lang. Inirapan ko siya at hinatak ang hiking backpack ko sa cabinet. Nakita kong binaba niya binabasa ng libro. Ang mata niya ay nakatuon na sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka ng pake roon," sumbat ko at itinuloy ko ang pag-empake ng kakailanganin ko sa hiking. Masaya naman na siya sa sulok 'di ba? There was no use in telling him dahil ayaw naman namin sa isa't isa ngayon.

"Believe it or not, I still care for you. Wala tayong kilala dito, Hana. Anong gagawin ko kung may mangyari sayo riyan sa labas?"

"I need to be alone muna. You can enjoy the vacation without me. Mas maganda 'yon hindi ba? We need a way to move on," ani ko habang isinisiksik ang water bottle sa bag.

"Mas maganda na hindi kita kasama? Move on? Hana naman... Ganun ba kadali sa 'yo to let everything go? Parang ang dali naman para sa 'yo. Ganyan ka na lang palagi. Ikaw ang nasusunod at kailangan palaging humabol ako. I support you and you can't just expect me to move on na parang wala tayong dalawang taon na pinagsamahan. It takes time."

"Bakit bigla kang naging madaldal tungkol dito? Hindi mo ako kinakausap simula noong nandito tayo at ngayong iiwan kitang mag-isa ng ilang oras andami mong dada? Don't you worry about me now. Enjoy mo na lang 'tong vacation. We can go around the island without having each other's company naman 'di ba?"

"Ayaw ko nang makipag-away pa sayo," buntong-hininga niyang sabi bago tumayo sa kanyang inuupuan at nilagpasan ako.

"Good!" sumbat ko na may galit sa puso.

Tumitig siya sa akin. "Do whatever you want to do. Gagawin ko naman ang gusto mong gawin ko dito which is to move on and forget about you."

Hindi ko inasahang masaktan sa mga salita niya pero nasaktan ako. Parang napihit ng pilit ang puso ko. Gusto ko siyang sumbatan pero walang lumabas sa bibig ko. I was speechless. Tahimik siyang lumabas ng kuwarto at iniwan akong mag-isa. Padabog kong ipinack lahat ng kakailanganin ko at naghanda. Pagkatapos ng ilang minuto kong paghahanda, umalis na ako sa hotel at pumunta sa building kung saan ang hiking tour. May hiking experience na ako at ginagawa namin 'yon dati ni Ino pero simula ngayon, I'll go alone. Pagkatapos ng briefing, umalis na ako. Pinili kong mag-hike mag-isa. Nabigyan ako ng mapa para alam kung saan dadaan at kung anong mga lugar ang dapat iwasan. Bitbit ang bag ko, nagsimula na akong maglakbay.

Sa bawat paghakbang, paulit-ulit kong minumura si Ino sa utak ko. Deep inside, I knew that I still loved him. Hindi naman siguro ako sasama sa trip na 'to kahit na gusto kong magtipid ng pero kung ayaw ko siyang kasama.

A part of me missed him; that part of me still hoped that he'd see things from my perspective and he'd understand why we had to work harder on ourselves. Hindi lang naman iyon para sa mga sarili namin, para rin 'yon sa future naming dalawa kung pipiliin niya pa akong kasama.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa backpack ko. Well, mukhang mas pinili niya talaga ang magbasa at pakasalan ang prinsipyo niya.

"Hana, hindi mo naman na kasi kailangan pang magtrabaho habang nag-aaral ng law. Mapapagod ka lang tapos mapupuyat. Scholar ka naman. Ako na ang bahala sa bills."

"Bakit ba kasi masyado kang seryoso sa thesis mo. Ilalagay lang naman nila 'yan sa library pagkatapos at maaalikabukan."

"Nakalimutan kong bumili ng rice kanina, ha. Nag-order nalang ako ng delivery. Okay na 'yon. Hindi naman super mahal. Baka magreklamo ka nanaman."

"Huwag mo na kasi ayusin, bumili na lang tayo ng bago. Sayang effort."

Sayang effort. Kung ano ang mas madali. Hindi naman kailangan. He always did what was convenient for him and it angered me because I always had to pick the hard way.

Pinigil ko ang sariling sumigaw at umiyak. Sige! Gawin niya palagi kung ano lang ang chill para sa kanya! Bahala siya! Makaka-move on din ako! Hindi lang siya ang lalaki sa mundo!

Nasa kalagitnaan ako ng hiking ko nang biglang kumidlat at umulan.

"Kung minamalas naman talaga oo!" napasigaw ako sa kalangitan sa galit. Dali- dali kong kinuha ang kapote ko sa bag at isinuot ito. Mas lumakas pa ang ulan at bawat patak nito ay masakit na sa mukha. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid, umaasang may pagsisilungan.

"Oh my God!" Napahiyaw ako sa tuwa nang makakita ng punong pwedeng pagsilungan. Mas lumakas pa ang ulan kaya naman pinilit kong tumakbo papunta sa puno ngunit nakaapak ako ng malaking bato at nadulas.

"Ow!" Napasigaw ako sa sakit pagkabagsak ko sa basa at maputik na lupa. Ramdam ko ang sakit na pumupulso sa kanang paa ko. Oh God! I think I sprained my ankle!

"Tulong!" Kahit anong sigaw ko ng saklolo, walang nakarinig ako. Nilamon lang ng kulog at kidlat na dumagundong sa kalangitan. Hindi ko mapigilang maiyak at mamilipit sa sakit.

"Tulong!" sigaw ko ulit bago pinilit ang sariling gumapang papunta sa puno. Alam kong balot na balot na ako sa putik at magkakasakit na ako pagkatapos nito dahil kahit nakakapote na ako, pumasok pa rin ang tubig at nabasa ang buong ulo ko. Pwinersa ko ang sarili ko na tignan ang aking buol.

"Aray!" Ibang klaseng sakit ang tila sumaksak sa paa ko pagkahawak ko dito. Dali- dali kong binuksan ang bag ko at hinanap ang first aid kit. Basa na lahat ng gamit ko pero okay lang 'yon basta pwede pang magamit ang mga kailangan kong gamitin. Kahit hirap, binalot ko ng bandage ang paa ko. Pagkatapos, kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa ziploc bag.

"Bakit ang malas ko ngayon?!" Nakakainis. Walang signal. Anong gagawin ko?! Sumigaw ulit ako.

"Tulong!" Giniginaw na ako. Ang tanga ko. Napakagulo ng pag-iisip ko simula noong naghiwalay kami ni Ino. Sinayang ko ang tickets kaya napilitan kaming pumunta dito. Sinabi ko sa sarili na this will be good for us kasi it would make him realize na mas mabuti na maging magkaibigan na lang kami. Pero ito, out of rage, naghiking ako at nadisgrasya pa ako.

Kung nandito si Ino at okay pa kami, he would've told me not to go when the weather wasn't good. Kahit naman easy-go lucky siya, madalas may sense naman siyang tao. Napaluha ako.

May galit ako sa kanya at hindi ko mai-pinpoint kung ano talaga ang dahilan ng ikinagagalit ko. Baka dahil hindi matanggap ng pride ko that some things didn't need much effort dahil sanay ako sa hirap? Maybe because my pride couldn't accept being financially dependent on him. Maybe because fact that he didn't talk much about it at ayaw niyang tanggapin na ganito na sitwasyon namin ngayon kasi malamang mas madali 'yon para sa kanya?

Wala. Pa. Rin. Kaming. Closure.

Darating pa ba 'yon, o maiiwan na lang ako habang buhay dito sa bundok? Mahahanap pa ba nila ako?

Ilang oras na ang lumipas pero wala ni isang pumunta dito sa kinaroroonan ko. I started to feel hopeless at bukod sa sakit, nagsimula na rin akong makaramdam ng gutom. Kahit na huminto na ang ulan at mahinang kulog na lang ang maririnig, hindi pa rin nawawala ang takot at pag-aalala sa puso ko.

May naghahanap ba sa akin? Alam na kaya ni Ino o nandoon pa rin siya sa puwesto niya at nagbabasa?

Madilim na ang kapaligiran at ang mga huni ng mga insekto at palaka ay nagsisimula nang lumakas. Napatingin ako relo ko. Alas syete na ng gabi. Siguro naman napagtanto na ng lahat sa Hiken Club na wala pa ako.

Pero paano kung hindi?!

"Tulong!" Masakit na rin ang lalamunan ko kakasigaw. Ubos na ang tubig kong dala pati na ang pagkain ko.

"Hana? Hana! Asan ka?" Nagha-hallucinate ba ako o narinig ko talaga ang boses ni Ino?

"Ino? Tulong! Nandito ako. Please." Lumibot ang tingin ko, umaasang dumating na siya. Para akong tanga na kumakaway sa ilalim ng puno ng mahogany.

"Hana!" Napaiyak ako nang makita ko sa wakas si Ino. "Anong nangyari?"

"Nadulas ako. I sprained my ankle," daing ko.

"Grabe. Ilang oras ka nang nandito. Halika na. Itatakbo kita sa hospital," ani niya bago siya tumalikod at yumuko sa harapan ko.

"Sakay ka na sa likod ko. Bubuhatin kita pababa dito," sabi niya. Walang imik akong sumakay sa likod niya at mahigpit ang kapit ko sa kanya. Pagbaba namin sa bundok, nakita ko ang mga taong nakaflashlight na tinatawag ang pangalan ko pati na ang ambulansyang may nakabubulag na ilaw.

"Nahanap ko na siya!" Tinawag ni Ino ang medic at tinakbo ako agad sa hospital. Walang imik si Ino buong biyahe namin sa hospital. Pati na rin noong nasa emergency room kami at ginagamot na ako ng doktor.

"I'm sorry." I broke the silence nang makabalik na kami sa hotel room. Binuhat niya ako mula sa wheelchair at pinahiga sa kama. Wala pa rin siyang imik pero inayos niya paa ko at ipinatong ang sprained ankle ko isang unan.

At times like this, naaalala ko kung bakit ako na-in love kay Ino. He had always been gentle and kind. Noon pa man, hindi siya naniniwala na kailangang madaliin ang mga bagay at ako naman ang kabaliktaran. At first, I found the difference to be comforting. Kumbaga, opposites attract, but two years into the relationship, his admirable principles became a heavy weight that dragged our relationship down.

Pagkatapos ng dalawang taon, napatunayan ko na masyado pala akong ambisyosa para sa isang gaya ni Ino na kuntento na sa kung anong mayroon siya.

But that was the thing--what he had was enough. Anak mayaman siya at hindi naranasan ang hirap na tiniis ko.

"Magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap." Paalis na sana siya sa tabi ko pero hinawakan ko ang kanyang kamay at pinigilan ko siya sa pag-alis.

"I'm sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko." Mahina ang boses ko pero alam kong narinig niya. Sa bigla niyang paninigas hanggang sa siya ay nag-relaks, alam kong iniisip niya kung ano ang sasabihin niya. Sa dalawang taon na aming pagsasama, natutunan ko ang mga bagay-bagay na parang maliit lang sa iba pero sa akin ay malaking bagay. I learned even the little things about him and those made me fall in love with him more.

"Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari?" Hindi ko mawaring matitigan siya sa mata. Nakababa na lang ang titig ko sa puting kumot. Narinig ko ang mababaw niyang buntong- hininga abgo umupo sa harapan ko.

"Hana, tignan mo ako please?" Ginawa ko ang kanyang hiling. May sinceridad sa kanyang mata na may halong kalungkutan.

"Hindi ako galit sa iyo. I'm disappointed with our situation. We are both stuck in here at ang tanging ginawa lang natin ay mag-away at hindi magkibuan. Nadisgrasya ka pa dahil gusto mong lumayo sa akin. If I knew how much you hated me to the point na ayaw mo akong makasama sa iisang kwarto, hindi na lang sana ako tumuloy na sumama sa iyo." Totoo nga ang sinasabing ang katotohanan ay mapanakit. Bawat bitaw ng kanyang mga salita ay tila mga kutsilyong sumasaksak sa aking dibdib.

"Bakit ka sumama?" Hindi ko mapigilang tanungin siya. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay.

"Dahil gusto kong protektahan ka."

"Hindi mo na ako girlfriend, Ino," malamig kong sambit.

"Sa tingin mo lang 'yon pero para sa akin, you're still my girl. I will never set my eyes on another girl other than you." Napaiyak ako sa pagtapat niya. Binitawan ko ang kanyang kamay at tinakpan ko ang aking mukha. May sakit at pighati sa puso ko.

Lahat ng dahilan kung bakit gusto ko siyang iwan, it suddenly felt petty compared to what I felt for him. Nakaramdam ako ng hiya at pagsisisi. But most of all, I knew that I was yet again reminded of how much I loved him.

"I'm sorry. Gusto ko lang naman mag-focus sa career ko. Akala ko kasi, we're no longer on the same page, Ino. Hindi na tayo magkaintindihan. Pakiramdam ko, I needed to do something with my life and you couldn't understand my passion kasi masaya ka na sa kung anong meron ka. I felt like it will ruin us--me, if I didn't leave."

"Sa tingin mo ba magiging isa akong abala sa iyo habang nagfo-focus ka sa career mo? Hana, I will support you all the way. Minahal kita hindi lang sa kasalukuyan kundi sa nakaraan at mamahalin pa kita hanggang kinabukasan. Why would I be the reason for your own downfall? Mahal kita." Malumanay ang boses niya.

"I don't hate you..." nanginig ang boses ko habang umiiyak ako sa harap niya.

"Kung gano'n, bakit parang ayaw mo akong makasama? Hindi ako umiimik dahil akala ko isang salita ko lang ay mas ilalayo mo ang sarili mo sa akin. Kailanman, ayaw kong mangyari iyon."

"Sorry talaga. Akala ko mas maganda kung maghihiwalay tayo. Sa totoo lang, Ino, natakot ako. Natakot ako na baka iwan mo ako. Malimit tayong magkikita at hindi rin ako makakauwi sa atin nang ilang buwan dahil sa internship ko sa law firm. What if you'll get tired waiting for me?" Mas lalo akong umiyak sa sinabi ko sa kanya. Gosh! I'm such a crybaby! Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking mga pisngi at tumitig ako sa kanyang tsokolateng mga mata.

"Sa takot mo, inunahan mo na ang magdesisyon para sa ating dalawa. Isipin mo 'to. What if I never get tired of you? Kasi iyon ang totoo. Give me another chance and I'll prove it to you. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa what ifs. Alam mo ba kung gaano ako nalito at nasaktan noong sinabi mong break na tayo? Hindi kita bibitawan dahil ayaw mo lang at alam kong kaya pa kitang ipaglaban. Sumama rin ako sayo kasi ginamit ko 'tong pagkakataon na ito na makipag-ayos at malaman ang iba pang rason kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin."

Napangiti ako. "And now here we are talking. Siguro blessing in disguise na rin na nadisgrasya ako kundi hindi tayo mag-uusap ng masinsinan." Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

"Muntik na akong atakihin sa puso nung nalaman kong hindi ka pa bumalik."

"But I'm here now. Thank you for finding me."

"Always here for you," sambit niya bago inilapat ang kanyang mga labi sa aking noo.

"Sinabi ko nga sa sarili ko na hindi tayo pwedeng umalis dito na hindi nag-uusap at nagkakaayos e. I don't like the idea of us talking like this dahil nadisgrasya ka pero I will take my time to mend things with you. Baka nga mas magalit ka pa sa ginawa ko kaysa sa pagkakadisgrasya mo..."

"Ino..." Winarningan ko siya.

"Huwag kang magalit, please." Humiling siya na may ngiting alam kong may ginawa na naman siyang kalokohan.

"Anong ginawa mo?"

"Nahirapan kang ibenta ang mga tickets dahil sinuhulan ko lahat ng pinagbentahan mo."

"ANO?! Sira ka talaga!"

"Blessing in disguise?" Sinubukan niyang depensahan ang sarili.

"My God! Anong klaseng suhol ginawa mo ha?" natatawang tanong ko sa kanya at hinampas siya ng unan sa ulo,

"Ililibre ko sila."

"Saan?"

"Sa choice nila."

"Sira ka talaga. Magkano magagastos mo roon?"

"I'll spend as much as I want to just to be with my girl." Napangiti siya sa akin bago niya hinalikan ulit ang noo ko. Hindi ko mapigilang kiligin at mukha na rin ako sigurong kamatis sa pagkapula ng pisngi ko. Bwiset 'to.

Pinagmasdan ko ang guwapo niyang mukha, and how his sweet smile was just for me. Always have, and will always be. Ano bang naisip ko at pinakawalan ko ang lalaking 'to?

"I'm sorry, Ino. Sa totoo lang, hindi ko alam paano mag-move on. I'm sorry I decided for the both of us na hindi ko pinakinggan man lang ang side mo. Sorry. I got scared and it pushed me to decide kasi akala ko iyon ang makakabuti sa ating dalawa."

"Sorry rin, Hana. Sana nagsalita ako at hindi nagwalk-out noong sabi mong ayaw mo na. Sana ipinaglaban kita nang mas maaga. Sa gulat, lito, at galit ko, hindi ako nagsalita." Humingi siya ng tawad. Sa loob ng kwartong tinutuluyan namin, bumusilak ang pag-unawa sa isa't isa.

"Pinapatawad kita, Ino. Mahal kita. Mahal pa rin kita," buong puso kong sinabi kung ano ang isinisigaw ng aking puso. Parang may natanggal na tinik sa aking dibdib pagkasambit ko ng mga salitang iyon. Napangiti siya sa akin.

"Pinapatawad din kita, Hana. Mahal na mahal kita," wika niya bago niya ako hinalikan sa labi. Sa gabing iyon, napatawad namin ang isa't isa at nagpapasalamat ako na ang bakasyong ito na sa tingin namin sa una ay isang kulungan ay ang naging rason pala ng aming pagpaparaya sa mga pagdududa at takot sa pag-ibig.

Opposites attract and compromise is what makes people stay, but love is what makes it worthwhile.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top