Pilosopotasya's Author Interview
The Wattpad Filipino Block Party 2021
QUESTIONS / MGA TANONG
1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?
yES! Alam ito ng mga nakasubaybay sa journey ko from 2015 up until today. Noong 2015 kasi, tumigil ako sa school dahil hirap ako in layf. Dahil tumigil ako, nakapag-focus ako sa pagsusulat at sa iba pang bagay. I've written 3 stories within a year. Mabilisan. Araw-araw ang update, tuwing weekends automatic pahinga then weekdays sulat ulit. Nagkaroon ako ng schedule. I think it was one of the happiest year of my writing life.
Taong 2016, bumalik ako sa school. Dito nagkaroon ng turbulent ang pagsusulat ko. Ang everyday update ay naging once a week, once a month, once a year, hanggang sa nawala at ngayong 2021 -- hindi ko pa rin matapos yong story na sinulat ko nung bumalik ako sa school.
That sucked. Haha.
2018, graduate na ako. Akala ko makakapag-focus ako sa pagsusulat, akala ko magiging full time na yong pagsusulat ko, pero hindi gano'n e.
Graduate ako ng multimedia arts at multipotentialite ako so I want to do a lot of things. Now that I am free, I want to explore life. I want to create a lot of things. Gusto kong ma-experience ang mga bagay bagay. Maybe earn my own hard earned money sa ibang bagay cause before paid, writing couldn't give me that. (Nakakatulong ang paid stories but they weren't enough).
And so, I stopped writing again.
Nawala ako sa pagsusulat to explore life. Hindi ako nagsisisi kasi I realized a lot like for example, akala ko passion ko ang pagsusulat.
Hindi pala.
Kasi sabi nila, kapag di mo nagagawa ang passion mo, manghihina ka hahaha nangyari sakin yon nung umpisa, nagka-withdrawal ako. Na-stress ako. Na-guilty. Sinasabi kong passion ko pagsusulat, bakit hindi ako nagsusulat?
Pero as time passes by, I realized one thing:
My passion is storytelling and writing is just a medium.
Kasi nung hindi ako nagsusulat, nagso-storytelling pa rin ako -- sa ibang medium nga lang, pero hindi ako nawala doon sa pagkukwento. Kaya laging nag-aapoy ang passion ko. Lagi akong motivated kahit hindi ako nagsusulat.
Nung una, nagtataka ako: ayaw ko na ba talaga magsulat? Bakit masaya naman ako sa ginagawa ko?
Nagbago na pala kasi . . .
Nung ni-let go ko yong "dapat magsulat ako kasi writer ako" mindset, doon mas nag-flow yong energy ko of storytelling, both fiction and non-fiction. Pati na rin sa visual.
I always look at storytelling sa lahat.
Ngayon, I'm slowly going back to writing fiction again. Tho, hindi ko na pinu-push ang sarili ko too much. I just want to go back to the start: Have fun.
2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
Sa ngayon, I'm gearing towards writing series kahit na mas nakakamatay gawin! Writing series can make you explore and create a bigger world kasi. You can have one particular moment but different experiences. You can have one thing pero magkaiba ang perspective ng magkaibang character. Pwedeng ang protagonist sa story 1, galit sa protagonist ng story 3. Ang galing ng gano'n! Haha.
Also, series is a good way para makipag-collaborate sa ibang authors. Hihi.
3. How do you motivate yourself to keep writing?
Deadlines. Haha!
Pero charot lang din kasi kahit deadlines, hindi na ako apektado.
Siguro when there are stories I want to write o mga themes na gusto ko suyurin o mga o mga characters na nagpapakilala sa akin na gustong magpakilala sa mga readers.
Dahil matagal din akong nawala sa pagsusulat, ang bigat ng lahat for me noong una. Kaya naman sobrang nakakatulong ang community ko ng storytellers called Guilty Reads sa pagtulong sa akin to keep on writing.
As of now, I also have a collaboration with @NayinK and @cappuchienooo. Dahil sa gusto naming matapos yong #YChronicles, naghahatakan kami para magsulat kahit lahat kami naghihikahos na. Haha.
Collab pa more kahit busy ganern haha.
Collaborations can motivate me to write as in sulat with words. But kung motivation to tell stories in any medium or format, laging may gano'n sa akin. Deep within na siya. Hindi ko na hinahanap kasi part na ng pagkatao ko ang storytelling.
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
Hmmm, lahat po? Haha. Siguro when a scene needs to have certain emotions na too deep for me, like yong sa 11/23. Mayroong isang scene doon na lunod na si Jhing sa emotions niya at medyo hindi ko nage-gets masyado yon before.
Nasulat ko lang ito nang mas maayos nung I experienced something in real life tapos mas na-gets ko na yong emotions at thought process ni character kapag nandoon sa point in life na yon.
Nagiging mahirap ang scene kapag hindi pa natin nage-gets yong character so dapat talaga minsan we need to experience something para maging ready tayo sa scene.
5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
I seldom write epilogues kasi ending chapter lang, sapat na sa akin. Siguro ang mas challenging sa akin ay yong middle. Kasi ito yong meat sa burger. Ito yong kinakain mismo. Ito yong journey na aabangan ng readers. Ito yong progress ng prinomise ko sa umpisa ng story at dapat ma-make sure na yong progress na ito ay maayos na mabibigyan ng justified na payoff.
Altho, hindi naman ito sobrang hirap na rin. Kasi through the years na hindi ako nagsusulat, nag-aaral naman ako about storytelling, at ang dami kong natutunan para mas malaman paano nga ba ikutin ang isang kwento.
6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
Wala hahaha. I'm good with them na nasa story lang sila. xD
7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
May character ako na ang pangalan ay Rayne. Siya yong other half sa story kong LS4N1. She is based on me pero detached siya sa akin. Siya yong version ko na aaayon sa kwento ng LS4N1. Siya yong 2017 version ko.
Kaya siya ang closest sa akin kasi minake sure ko na parang ako yong nakikita ng readers ko para hindi nila i-hate yong story. Oo, marketing strategy din yong ginawa ko kasi kapag alam nilang character ko yon, hindi nila ihe-hate yong character hahahaha gets?
Tsaka, naisip kong ipasok ko sarili ko doon kasi LGBTQ+ story siya. Nafi-feel ko kasi na mas tatanggapin ng readers ko ang story kapag ako yong naging stand in.
Dahil si Rayne ang bida, mas curious sila to read it. Ano nga bang kwento ang isusulat ko na si Rayne ang bida?
Mas naging open sila sa characters dahil nakikita nila ako doon. Mas nagkaroon ng panatag na loob. Mas tinanggap nila yong tema.
Nag-work naman. Mehe.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
Gusto kong makipag-collaborate kahit kanino pero most and foremost is my longest Wattpad Friend: @HumiGad. Then, gusto ko rin makipag-collab sa mga Guilty Reads Authors ko. An
Ka-collab ko na rin sina @NayinK at @cappuchienooo sa #YChronicles kaya oki na rin. Hihi.
I love experiencing collaborations kasi sa collabs, nakakagawa ng mga bagay na beyond sa kakayahan natin. Hindi ako choosy kasi alam kong kahit sino, kaya maglapag ng something sa hapag kainan.
Excited ako sa mga gano'n. :D
9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
Wala. :D
10. What are your future plans in your writing career?
I still want to be a big help to storytellers para maka-gain sila ng confidence. Ipinapasa ko na ang lahat ng kaalaman at experience na pwede ko ipasa sa iba para may makasama ako sa mundong ito at gusto kong tuloy-tuloy lang ito.
Plano kong maging established pa lalo ang Guilty Reads Community, makagawa kami ng writing courses at creative courses na makakatulong sa iba. Makapag-collaborate ng stories, ng projects, magkaroon ng charity anthologies or books, makagawa ng kung ano-ano gamit ang mga kakayahan namin.
I want to write more stories. Gusto ko pa isulat yong fanfictions na naiisip kong gawin ngayon. Maraming stories to be told, kailangan na lang ng oras at experience para maging handa sa mga isusulat.
Write for fun. Always write for fun.
Plus points na lang kapag na-publish or kumita ng pera via these things.
BONUS: Please leave a message for your readers.
Alam n'yo na ito. Mehe.
SNP, thank you for staying. Salamat din sa lahat ng nagbabasa ng stories ko. Salamat sa mga sumusuporta at nagko-comment sa mga bagong kwentong hinahain ko. Salamat sa pagsama sa mga tambay talks, sa mga live sessions, sa mga kulitan. Thank you for being there. Always.
I'll try my best para mas maging active pa. Kung hindi ko kayang magsulat, then at least interact tayo.
Kitakits sa mga live na gagawin ko soon!
Sulat tayo together. :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top