IAmRedMadison's Author Interview

The Wattpad Filipino Block Party 2021

QUESTIONS / MGA TANONG

1. How did you adjust your writing in your stories, may naapektuhan ba because of work/acads and life?

Hindi naman nakakaapekto ang pasusulat ko ng kwento sa pang araw-araw ko. More on, ang pagsusulat ko ay parang pahinga ko na rin. Nakaka-relax. Nakaka-apekto lang siya sa akin kapag may hinahabol na deadline. Aminin man natin, masyadong nakaka-stress kapag may deadline yong sinusulat natin. Hindi tayo makapag-focus nang maayos at hindi natin mafo-flow nang maayos iyong flow ng kwento.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?

Both. Para saakin kusa ko na lang siya maiisip kung dapat bang gawan ng kwento ang ibang character ng nasa kwento.

3. How do you motivate yourself to keep writing?

Watching kdramas, food, at syempre, kapag I'm in the mood.

Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?Iyong SPG scene talaga and 'yong kilig scene. Kahit na erotic writer ako, nahihirapan pa rin ako sa paggawa ng SPG scene. Kase hindi ko alam kung komportable ba iyong reader ko sa ganoong klaseng scene at kung naabot ko ba iyong expectation ng isang reader sa kwento ko na iyon.

4. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?

Epilogue. Naghahalo kase lahat ng emosyon doon. Emosyon ng bawat character sa loob ng kwento at emosyon ko bilang isang writer na natutuwa at the same time, naiiyak. Ako kase iyong tipong writer na ayaw i-let go ang kwento.

5. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?

Si Doc Vince Villa Alfonso at Chester Villa Alfonso.

Unang-una, kase kinuha ko iyang pangalan na 'yan sa boyfriend ko bilang papasalamat sa pagtulong sa akin at pag-cheer up para matapos ko ang kwento. Pangalawa, gusto ko iyong ugali nilang magkapatid. Nandoon pa rin iyong pagmamahal at takot nila sa Tatay nila. Pangatlo, si Vince kase kahit na bisexual siya, nandoon pa rin iyong respeto at pagiging gentleman niya sa babae.

6. Among your characters, who's the closest to you? Why?

Si Cherry. Siya iyong klaseng ugali na gusto kong maging kaibigan. Actually, nakuha ko ang ilang ugali niya sa isa kong kaibigan na si Herrlianaphoenix o Yana na kaibigan kong writer din. Iyong may pagka-kalog at hindi bias na tao. Iyong tipong kapag may mali ka, hindi ka niya ito-tolerate. Siya rin iyong klaseng kaibigan na hindi pagdududahan ang pagkatao mo. I love her so much!

7. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?

Siguro iyong mga author ng Brooklyn Love Affairs Series. Sila iyong pinaka dabest na writer na nakilala ko. Walang angatan at tulungan lahat. Walang naiiwan dahil lahat kami nagtutulungan para paangatin ang isa't isa. Although may collab series na kami. Gusto ko pa rin sila maka-collab in the future.

8. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?

The Kissing Booth. Sobrang ganda ng kwento at hindi biro ang paggawa ng ganoong klaseng kwento kung saan naiipit si Heroine sa boyfriend at bestfriend niya.

9. What are your future plans in your writing career?

Siguro ang makapag publish kahit isang kwento lang into physical book. Dahil iyong isang libro na 'yon ay sobrang malaking bagay na sa akin. Ako na talaga ang pinakamasayang tao kapag nangyari iyon.

BONUS: Please leave a message for your readers.

Hello! Kumusta ka? Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon. Sana ay malagpasan mo iyon at alam kong malakas ka! Kasing tibay ni Gab. Salamat sa pagsuporta sa akin. Salamat sa pagbasa ng kwento ko at pagbigay halaga sa akin. Hindi man ako kasing galing ng ibang author at hindi ko naabot ang expectation mo, sana napasaya kita sa pamamagitan ng aking kwento. Ipapangako ko na mas lalo ko pang gagalingan. I love you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top