helene_mendoza's Short Story
The Wattpad Filipino Block Party 2021
Title: THE MAGIC OF QUARANTINE
Code name: HM
User name: (Helene Mendoza)
DECLAN'S POV
Pang-ilang araw na ba ngayon?
Tumingin ako sa kalendaryo at binilang ko ang mga araw. Mahina akong napamura. Ten days. Ten days na akong bored na bored dito sa inuupahan namin ni Yosh. Ten days na akong walang ginagawa dito kundi magbabad na manood ng TV. Nauumay na ako sa mga series na nakikita ko sa Netflix. Sawang-sawa na akong magkulong dito na mag-isa.
Fuck this COVID virus and this quarantine.
Ten days ago, I captured the serial killer that I was looking for years. The Night Stalker. Serial killer na pumapatay ng mga call center agents na umuuwi tuwing gabi. It was two years ago when the gruesome killing started that took lives of more than ten victims.
At dahil magaling ako kaya nahuli ko ang killer na iyon. Oo, magaling talaga ako. Love life ko lang talaga ang hindi magaling dahil hindi ko nakuha ang babaeng gusto ko. Pero okay na rin. Basta masaya siya sa lalaking iyon, masaya na rin ako para sa kanya.
Kaya naman talagang ginawa kong busy ang sarili ko. Missions after missions just to forget her. At ito nga, nahuli ko ang killer na iyon. Sikat na naman ako sa agency. Asar na naman sa akin si Chief Coleman. Masarap talagang binubuwisit ang boss ko na iyon. Palibhasa walang love life kaya masungit na matandang binata.
But ten days ago as I was about to go back to the agency to get another mission, I had a call that I needed to stay at home. May nangyari daw at hintayin ko ang pagdating ng doctor ng agency para ma-check ako. Bakit kailangan akong i-check? Wala akong sakit. Normal na normal ako. Pero wala akong magawa. Kailangan kong sumunod sa utos ng boss at kahit labag sa kalooban ko, hinintay kong dumating si Dominic dito sa apartment.
Weird, ha? Bakit naka-Hazmat suit si Dominic nang dumating dito? Pati ang mga assistant niya. Tapos kumpleto pa ang lahat ng gamit para sa isang thorough check-up. They had to check me up again samantalang kakatapos lang ng annual physical exam ko at sigurado akong normal ang lahat sa akin. They immediately tested me for COVID-19 infection. COVID? Bakit? I followed every protocol that the government issued every time I was going out. Pati nga ang nakakairitang face shield lagi kong suot para makasunod lang sa batas. I knew I am careful. Kaya ano 'tong paandar na kailangan akong i-test for this virus?
And to my fucking surprise.
I tested positive.
For COVID.
Shit.
Paano nangyari iyon? Wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. Normal na normal ang pakiramdam ko. Kahit sipon, ubo, sinat o pananakit ng katawan ay wala akong na-experience. Ang lakas-lakas ko kaya paano akong naging positive?
And Dominic told me that, that fucker, The Night Stalker was COVID positive when I arrested him. He was totally okay when he was arrested but after days, he suffered a cardiac arrest and died. All of those people who were included in the arrest were tested, and lucky for me, I was the only one tested positive. Fuck it.
Kaya ito ako ngayon. Kahit asymptomatic, daig pa ang bilanggo na nakakulong sa bahay na ito. Kung dalhan ako ng pagkain ni Yosh ay iniiwan lang sa tapat ng bahay. Takot mahawa ang animal. Sabagay, kahit ako naman ay hindi ko isusugal ang kalusugan nila. Ako na rin ang nagsabi na lumayo na muna sila sa akin dahil ayaw ko din silang mahawa. Hindi biro ang virus na ito. Napakaraming pinatay at ayokong isa sa mga kakilala ko, o mahal ko sa buhay ang mabiktima nito. Tapos sa akin pa nahawa. Hindi yata kakayanin ng konsensiya ko.
Nanatili akong nakahiga sa sofa at nakatingin sa TV. Pili ako ng pili sa mga palabas doon pero wala talaga akong magustuhan. Bored na bored na ako. Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng pagparada ng sasakyan mula sa labas. Agad akong sumilip at huminto ang pick-up truck sa tapat ng bahay ni Stacey. Napangiti ako. Ito ang bagong umuupa sa katapat naming bahay. Sexy. Maganda. At mukhang mabango. Nakita ko siyang bumaba sa pick-up truck mula sa driver's side at dinaig pa si Daisy Duke sa ikli ng maong shorts na suot. Kita na ang makinis na pisngi ng matambok na puwit. Low waist pa iyon at naka-tali sa bandang itaas ng tiyan ang suot na plaid polo. Labas ang pusod. Kitang-kita ko ang belly piercing sa flat niyang tiyan.
Nakakagat-labi ako habang pinagmamasdan siya na binuksan ang pinto ng pick-up truck. Bahagya pa akong yumuko at napa-ungol at napabuga ng hangin. Ang lakas makadumi ng imahinasyon ang babaeng ito. Pati ang nasa pagitan ng hita ko ay umaayon sa dirty thoughts na naiisip ko tungkol sa kanya. Sabagay, magmula nang i-stalk namin ni Yosh ang FB account niya, madalas ko na rin talagang tingnan iyon. Lalo na ang picture niyang naka-two-piece yellow polkadot bikini siya. Ang sexy niya doon. Cute pa kasi naka-pigtails ang buhok. Sabagay, part-time model kaya may ibubuga talaga ang katawan nito. Kaya lang, nagkaroon kami ng hindi magandang encounter noong nakaraan. She invited us for her house warming pero hindi available si Yosh. Ako na lang mag-isa ang pumunta. And while were were drinking, bigla akong nahilo. Nawalan ng malay. Nang magising ako, she looked so worried and I was disoriented. Pinagbintangan ko siyang nilagyan ng kung ano ang ininom ko. That was the start that she got pissed at me at hindi na ako pinapansin.
At dahil nga sa COVID na ito na kailangan akong naka-quarantine, hindi ako makaporma na lapitan siya para mag-apologize. Nakikita kong kinakausap niya si Sesi, ang ultimate love ni Yosh na laging pinagbabatehan sa gabi ng kaibigan ko. Pero ang gusto kong mangyari ngayon, mapalapit ulit kay Stacey. Gusto ko siyang maging kaharutan. Masarap pa naman akong mangharot.
Nang hindi ko na makita si Stacey ay binuksan ko ang laptop ko. Agad kong hinanap ang FB account niya at ganoon pa rin naman. Walang bagong post. Puro shared post at nakakatawang memes lang. Pinindot ko ang messenger button at nag-iisip kung imi-message siya. Pero hindi. Baka hindi rin ako pansinin kasi hindi ko naman puwedeng gamitin ang fake account ko. Baka i-block pa ako. Sayang ang effort.
Tinawagan ko si Yosh. Siya na lang ang kakalampagin ko ngayong gabi para magka-silbi naman siya.
"Ano?" Iyon agad ang bungad niya sa akin.
"Tanungin mo nga kung ano ang number ng kapitbahay ni Sesi."
"Sinong kapitbahay? Walang kapitbahay 'yon." Asar na sagot niya.
"Animal. 'Yong bagong lipat. Si Daisy Duke." Muli akong sumilip sa bintana at kita ko na nagbababa pa rin ng mga gamit si Stacey mula sa sasakyan.
"Si Stacey ba?" Paniniguro niya.
"Bakit? May iba pa ba? Sige na. Tanungin mo ang number. Bored na bored na ako dito. Wala akong mapaglibangan. Wala akong makausap na matino. Ayaw naman kitang kababaran na ka-text at kausap. Puro Sesi lang ang maririnig ko sa iyo." Tonong nagrereklamo ako.
Minura ako ni Yosh na sinagot ko lang ng malakas na tawa. Ang pikon talaga nito pagdating kay Sesi.
"Sige. Susubukan ko kung makukuha ko. Gago ka kasi. Kung bakit 'di ka nag-ingat ayan at nahawa ka ng COVID. Bartolina ka tuloy. Kumusta ang pakiramdam mo? Ilang araw na lang?" damang-dama ko ang concern ni Yosh.
"Sa totoo lang, ramdam ko talaga na mahal mo ako. Alalang-alala ka talaga sa akin. I love you too na nga," tumatawang sabi ko.
"Gago!" Alam kong natatawa na rin siya.
"Dali na. Kunin mo number ni Stacey, ha? Saka nga pala, ginamit ko ang mga boxers mo dito, ha? Madumi na kasi 'yong sa akin. 'Yong mickey mouse prints maganda. Lagi ko ngang suot."
Hindi agad nakasagot si Yosh kaya natatawa na ako. Alam ko kung gaano kaselan ang isang ito at ayaw na ayaw nitong ginagalaw ang gamit niya. Alam kong mag-uumpisa nang mag-monologue si Yosh kaya pinatayan ko na siya ng call. Muli kong itinuon ang pansin ko sa kaharap na laptop at tinitingnan ang mga litrato ni Stacey.
Na-background check ko na naman siya. Medyo shady kasi dahil walang masyadong makuhang information ang tao ko tungkol sa nakaraan niya. Lahat ng mga details na nakuha ni Kylo ay two years ago lang kung saan nga part time model siya. Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. Naka-receive ako ng text galing kay Yosh.
Yosh: 09177649840. 'Yan ang number. Ginamit ko pa si Sesi para lang makuha 'yan. Kinapalan ko na ang mukha ko na harapin si Sesi para diyan. 'Tangina ka, tigilan mong gamitin ang mga gamit ko.
Ang lakas ng halakhak ko nang mabasa ang message niya. Smiley na naka-kindat ang sagot ko sa kanya.
Agad akong nahiga sa sofa habang sini-save sa telepono ko ang number ni Stacey. Sana sumagot siya. Pampawala ng boredom kung makakausap ko siya.
09177649840
Hi. Care to chat?
Nakatitig lang ako sa telepono ko at naghihintay kung sasagot si Stacey. Napangiwi ako habang nakatitig sa message ko. Hi? Care to chat? Ang bano naman ng intro ko. Walang dating.
Ilang minuto ang lumipas at walang sagot si Stacey. Bumangon ako habang nanatiling nakatingin sa telepono. Hindi kaya ginu-goodtime ako ni Yosh at hindi naman ito ang number ni Stacey? Pero sige. Isa pang message ulit.
I am not a creep.
I am good person I just want someone
to talk to during this time.
You see, I am on quarantine
and I am a COVID positive.
I couldn't talk to my friends.
I know how busy they are and
I don't want to bugged them
plus I don't want them to pity on me.
My mental health is beginning to deteriorate already.
I am having some unusual thoughts about harming myself.
That's why I began to text random numbers to
talk to strangers and ease my anxiety.
She better take my bait. Ang haba na ng message ko sa kanya.
Binitiwan ko ang telepono ko at tinungo ang kusina. Nagtimpla ako ng kape. Napalingon ako nang maka-receive ng text ang phone ko. Iniwan ko ang tinitimpla kong kape at patakbong binalikan ang phone ko. Napangiti ako nang makita kong may reply si Stacey.
Are you okay? Do you need help?
Hindi mawala-mawala ang ngiti sa labi ko at muli akong nahiga sa sofa habang sumasagot sa text niya.
A bit. I just need someone to talk.
Someone who could listen to me while
I am battling this virus and this
quarantine time.
What's your name?
Wade. Wade Gregorio.
Natawa ako sa sinabi kong pangalan. Pangalan iyon na ginamit ko sa isang mission ko na ang cover ko ay isang manyakis na doctor.
My name is Stacey.
What can I do for you, Wade?
Busy ka ba?
Okay lang to text you?
Walang boyfriend na magagalit
o kaya asawa?
I am single. Ikaw?
Bakit hindi ang girlfriend mo ang
kausapin mo?
Mahina akong napa-yes.
I don't have a girlfriend.
And the woman that I like
is already married.
Oh. You still like her?
Napangiti ako ng mapakla. Do I still like Kleng? Of course. But I knew when to stop. She's happily married and I don't want to ruin her married life. I had done enough to mess her life, and I don't want to do it again.
Hindi na.
Dumating ka na kasi.
Matagal bago siya sumagot. Shit. Too soon. Ang tanga ng sagot ko.
Sorry. Bad joke.
Haha. It's okay.
Alam ko naman bored ka lang kaya
sasakyan ko ang boredom mo.
Bored din naman ako.
Wala ding masyadong magawa.
Hindi rin masyadong makalabas kasi nga ECQ.
Wala ding mapuntahan.
Hindi maka-travel.
Saka mukhang hindi ka naman boring kausap.
So, anong ginagawa mo ngayon?
Wala. Nakahiga lang sa sofa.
Kausap ka.
Well, I am thinking of cooking
pero naalala ko hindi pala ako marunong magluto
kaya pagtitiyagaan ko pa rin ang
mga tira-tirang food na padala sa akin dito.
Oh.
You are sick.
Dapat mga masusustansiyang food
ang kinakain mo.
Where do you live?
Gusto mo padalhan kita ng food?
Masarap akong magluto.
Napangiti ako. Kahit alam kong lokohan lang ito, totoong tumaba ang puso ko dahil first time kong narinig na may babaeng nag-aalala para sa akin.
Nah. I'm okay.
Sapat pa naman ang pagkain ko dito.
Besides,
four days na lang ang bubunuin ko
sa quarantine ko. Then after that,
puwede na siguro akong lumabas.
So, four days ka pang
mabo-bored diyan sa bahay mo?
Kung hindi ka
mabo-bored na ka-text ako
I am sure those four days
of quarantine would be worth it.
Sure.
At least hindi din ako mabo-bored.
But you know, right now I have to go.
I need to make an important call.
I'll text you soon.
Be safe and pagaling ka.
Nice texting with you, Wade.
Same here.
I am so glad you are not a snob.
I'll text you tomorrow okay lang?
All right. Rest well, Wade.
Hindi na ako sumagot sa text niya pero hindi maalis ang ngiti sa labi ko.
After so many years, ngayon na lang uli ako kinilig nang ganito.
QUARANTINE DAY 11
09177649840
Busy?
Kanina pa ako kating-kati na i-text si Stacey. Alas-nuebe na naman ng umaga siguro naman gising na siya.
Just prepping some breakfast for myself.
Ikaw? Kumain ka?
Napangiti ako. Sarap naman sa feeling. First time na may nagtanong sa akin kung kumain na ako.
Not yet.
Panis na 'yong natirang food ko kahapon.
Wala pa ang rasyon ko na food.
Sad.
Saan nga ba kasi address mo?
Magpapa-Lalamove ako ng food sa 'yo.
I hope hindi ka vegetarian.
I cooked tapsilog for my breakfast.
Mahilig ako sa karne.
Kahit hilaw na karne pa 'yan.
Ang ngiti ko ay hanggang tainga na. I hope she didn't find it double meaning kasi sa utak ko, ibang karne ang naiisip kong kainin.
Give me your address.
Padalhan kita.
Kung puwede ko lang sabihin na tatawid lang naman siya at puwede na niyang ibigay sa akin ang pagkain na ino-offer niya.
No. Thank you.
I am good don't worry.
You talking to me is enough para maging okay ako.
I am on my day eleven already.
I can't wait to go out again.
So, ano ang una mong gagawin
kapag puwede ka ng lumabas?
Pupuntahan kita.
Matagal bago siya sumagot. Damn it. Too soon again.
Creepy ba? Hindi ako stalker, ha?
At paano mo ako pupuntahan?
Hindi mo naman ako kilala 'di ba?
I mean, you said you
just sent random messages
to strangers last night.
I have my ways.
Trust me, when you tell me that
it's okay for you na puntahan kita.
Pupuntahan kita.
Wow. Can you do that?
How?
Are you some kind of investigator?
Natawa ako.
You could say that.
Imbestigador ka? Pulis ka?
Hahaha.
Hindi.
Basta.
Magaling lang akong maghanap ng
mga bagay-bagay.
Ikaw? What do you do for a living?
I am a model.
Wow.
Siguro ang ganda-ganda mo.
Kung alam lang niya na kabisado ko na ang hitsura niya at ang dalas kong kasama ang telepono sa banyo habang tinitingnan ang FB account niya.
Hindi naman masyado.
Baka nga hindi ako
pumasa sa standards mo.
The way you talk to me,
trust me
pasadong-pasado ka
sa standards ko.
Ang aga mong mambola. All right, kain muna ako.
Later na lang ulit.
Don't forget to eat and drink your meds, okay?
If you need food, just text me at papadalhan talaga kita.
Send me your address.
Ganyan ka ba kabait sa lahat ng
nakikipag-textmate sa'yo?
Sa'yo lang.
Mukhang mabait ka naman kasi.
And the truth, you saved me from doing
something bad last night.
Kumunot ang noo ko. Something bad? Ano ang plano niyang gawin kagabi?
Something bad? Like what?
Basta. Text tayo later.
Have a nice day.
Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa phone ko. She was thinking of doing something bad last night? Like what? Medyo nahihiwagaan na ako sa babaeng iyon.
QUARANTINE DAY 12
Wala ang atensyon ko sa pinapanood kong palabas sa TV. Kanina pa ako nagpadala ng mga messages kay Stacey pero wala akong sagot na na-receive. Nag-miss call na nga rin ako pero nakapatay ang telepono. Sumilip ako sa bahay niya kanina at nakita kong nakaparada doon ang pick-up truck na ginagamit niya. Ano kaya ang nangyari? Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong may sasakyang tumapat sa bahay niya. Napakunot ang noo ko. It was a gray Lexus RX 350. Does she drive that kind of car now? Nahihiwagaan na talaga ako sa kanya. Pero tumaas ang kilay ko nang bumaba ang isang lalaking mahaba ang buhok mula sa driver's side tapos ay binuksan ang passenger side. Lalong nangunot ang noo ko nang bumaba doon si Stacey at ngiting-ngiti pa habang inaalalayan ng lalaki na makababa. Bihis na bihis. Mukhang galing sa isang hot date.
Akala ko ba wala siyang boyfriend? Bakit may paganito?
Inihatid pa ng lalaki hanggang gate si Stacey tapos ay akmang hahalikan. Agad na kumuyom ang mga kamay ko. Parang gusto kong lumabas ng bahay at sugurin ang lalaking iyon. Kung hindi ko man siyang masapak, sigurado akong hahawaan ko siya ng COVID at sisiguraduhin kong malalang virus ang kakapit sa kanya. Pero nakita kong umiwas si Stacey at ngumiti lang sa lalaki. Halatang pinapaalis na ito at kumaway hanggang sa makasakay sa kotse ang lalaki.
Iyon ba ang reason kung bakit hindi siya nakakasagot sa akin? Dahil may kasama siyang iba? Sino ang lalaking iyon? Mahilig ba siya sa long hair? Kahit maiksi ang buhok ko mas guwapo ako sa kasama niya.
Nakita kong pumasok sa loob ng bahay si Stacey kaya dinampot ko ang telepono ko. Kating-kati na akong i-text siya para malaman ko kung anong nangyari sa kanya. Napapitlag pa ako nang tumunog ang telepono ko. Nag-text si Stacey.
09177649840
What's up?
Ang sama ng tingin ko doon. What's up? Iyon ang tanong niya? Hindi ba niya alam na nagngingitngit na ako sa galit ngayon?
Ayos lang.
Iyon lang ang sagot ko kahit ang dami kong gustong itanong sa kanya. Alam kong mararamdaman niya ang matabang kong mga reply. Sa halos maghapon naming pagti-text sa isa't-isa alam na niyang makulit ako. Alam na niyang hindi ako matipid sumagot.
Ayos lang?
Like what ayos lang? Did you eat already?
I was trying to send you messages earlier.
Tried to call you but
your phone was unattended.
Hindi na ako nakatiis na hindi sabihin iyon.
Ah. Sorry. I was out.
Doing some errands.
Errands? Like what kind of errands? Making out with a long haired monster? Iyon ang gusto kong i-reply sa kanya. Talagang naiinis ako sa nakita ko.
Like what kind of errands?
Like you don't want to
know kind of errands
'Tangina. Nakakaasar. At anong klaseng errand iyon? May kasama siyang lalaki. Ano ang gagawin nilang dalawa? Sa hitsura nila kanina mukhang hindi naman sila magkaibigan lang.
So, did you eat?
Why? Do you care?
Bakit parang may galit ang text?
I am just pissed.
Bakit nga? Super bored ka na?
Because someone was trying to steal my new girl.
Shit. What did I just send? New girl? Am I thinking Stacey to be my new girl?
Oh. Jealous.
Someone is trying to steal your new girl. OMG.
That's why you're pissed.
Kung puwede lang akong lumabas hahawaan ko ng
COVID ang siraulong
umaagaw ng new girl ko.
Hahaha.
Ang funny mo talaga.
Huwag ka nang mainis.
Malay mo naman 'di ba ikaw ang gusto ng new girl mo.
Medyo nawala ang inis na nararamdaman ko kaya napangiti ako.
Ako ang gusto mo?
Gago. Ang gago ko. Mahahalata ako na kilala ko siya.
What? Wait.
Do you know me personally?
Nope. It's just a joke.
Nagpa-practice lang ako.
Hehe...
Are you sure?
Baka kilala kita ginu-goodtime mo lang ako.
Hinding-hindi kita i-gu-goodtime.
Seryoso ako sa 'yo.
Wow. Seryoso na ngayon?
Alam mo kung hindi lang ako naaaliw sa 'yo,
iba-block na kita.
Minsan creepy na ang mga sinasabi mo.
Pero I can handle creepy
pervs kaya kakausapin pa rin kita.
I am not a creepy perv, Stacey.
Sa totoo lang, you helped me cope
my quarantine time.
I know. I have to go.
I need to do something.
Text again later.
Kahit gusto ko pa siyang ka-text ay sumagot na lang ako ng sige. Baka masyado na kasi siyang makahalata sa mga sinasabi ko.
QUARANTINE DAY 13
09177649840
Bakit hindi ka nagti-text?
Iyon ang nabasa kong message ni Stacey sa akin. I was busy working out. It's my day thirteen of quarantine. Isang araw na lang at matatapos na itong kalbaryo ko. Makakalabas na ako dito.
Ngumiti lang ako at hindi sumagot. Hindi ko muna siya sasagutin. Magpapakipot pa ako. Nainis talaga ako sa kanya kahapon na may kasama siyang ibang lalaki.
Busy?
You doing something?
Are you okay?
Hindi pa rin ako nag-reply. Maya-maya ay tumatawag na siya pero hindi ko sinagot. Maramdaman naman niya ang naramdaman ko kahapon na maghapon akong naghihintay sa reply niya.
Wade, if you don't want to talk to me,
just tell me. Gusto ko lang malaman kung okay ka.
Doon ko na dinampot ang telepono ko at nag-reply.
May ginawa lang.
Don't worry I am okay.
Thank God. Akala ko kung
napaano ka na kasi
hindi ka nag-re-reply.
I thought COVID got you already.
Nag-aalala ka sa akin?
Well, a bit.
Nasanay na kasi akong ka-text ka araw-araw.
It's my thirteenth day of quarantine today.
One day na lang,
I'll be over with this agony.
What are your plans sa mga susunod na araw?
Hmm... wala naman.
Will do some errands pa din.
Do you want to go out?
You're asking me out?
Yes.
Parang eyeball ganoon?
Ang lakas ng halakhak ko.
Haven't heard of that word for so long.
So nineties 'yan.
Ano na ba ang tawag ngayon?
Meet up?
I don't know.
I don't usually meet strangers that I met through text.
Stranger pa rin ba ako sa 'yo?
No. The truth, ang gaang ng loob ko sa iyo.
Ewan ko ba.
It was like I've known you before.
Parang mabait kang tao.
Natawa ako ng mapakla. If only she knew what kind of person I was. How many people I killed. How many lives that I ruined because of my job.
You think I am a good person?
Yes.
Mararamdaman naman agad iyon kahit through text lang.
Kahit nga hindi ka guwapo kung magkikita tayo
I think I am going to like you.
Tumaas ang kilay ko. Ako? Hindi guwapo? 'Tangina dami kayang babae ang gusto ako. Baka nga siya pa maghabol sa akin.
So, after my quarantine, is it okay for you to meet?
If you are COVID free.
Kailangan makita ko muna na COVID negative ka.
Ayokong ma-quarantine ngtwo weeks. It will ruin my job.
My doctor will be here tomorrow to check me again. I know I'll be negative na.
So, kita tayo? Where?
Surprise me.
I have to go, Wade.
May emergency lang akong tawag.
I tried to send her more messages but she didn't reply. I've heard her pick-up truck ran outside and she drove off fast.
Saan kaya siya pupunta?
QUARANTINE DAY 14
At last.
Last day na ng quarantine ko. I was trying to send text messages to Stacey but she was not replying. I tried to call her but unattended na naman ang phone niya. Mukhang hindi rin siya umuwi sa bahay niya kasi walang tao doon. Nasaan kaya siya? Napasimangot ako. Hindi kaya kasama niya ang long haired monster na naghatid sa kanya last time?
Parang gusto kong mangalbo ng lalaking mahaba ang buhok. Nakakainis. Why did she have to tell me that she likes me tapos may iba naman pala siyang syota?
Declan, kalma. Wala kayong label ni Stacey. Nakikipaglandian ka lang sa text na pinapatulan niya. Bored lang din siyang tulad mo kaya ka niya pinagtitiyagaan.
May nag-doorbell sa pinto. Sumilip ako at nakitang grupo ito ni Dominic. Pare-parehong mga naka-Hazmat suit pa din. Simangot ang mukha kong sinalubong sila at tinalikuran ko na agad. Pabagsak akong naupo sa sofa at pinabayaan silang mag-set-up doon para ma-check ako.
"How are you?"
Napatingin ako sa isang lalaking naka-Hazmat suit? Teka. Parang hindi ito assistant ni Dominic.
"May dala akong sinigang na baboy. May patis na din diyan. Alam ko naman hindi ka nakakakain ng sinigang na walang patis."
"Yosh?" Paniniguro ko.
"Oo, gago. Hindi kita matiis na hindi dalawin. Baka napaano ka na kasi kaya pinakausap ko si JD sa boss mo kung puwede akong sumaglit dito." Sagot niya.
"Wow. I am fucking touched. Sigurado na talaga ako na mahal mo ako." Akma kong yayakapin si Yosh para asarin pero humarang sa aming dalawa si Dominic.
"Walang yakapan. Social distancing ano ba? Saka kung may yakapan na mangyayari, dapat ako muna ang titikim sa inyo dalawa. Hindi kayo bagay mag-syota. Ako ang bagay sa inyo." Mataray na sabi nito habang inaayos ang mga gamit niya.
Napakunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Yosh. Tama ba ang narinig ko? Did Dominic just hinted he was gay? Hindi kasi siya mukhang nagbibiro.
"Dominic?" Takang baling ko dito. Hindi naman kami close dahil hindi naman ito madalas pakalat-kalat sa agency pero hindi ko ma-imagine na isa siyang bakla.
"May problema? May issue ka kung bakla ako? Your boss doesn't have any issue. Nagpapa-harass pa nga sa akin si Chief," itinulak pa nito palayo sa akin si Yosh at humarap sa akin. "Stay still. I'll insert this to your nostrils." Sabi nito at hinawakan ang mukha ko. Kahit nabibigla ako ay walang anuman na inilagay nito ang swab stick sa ilong ko. Gulat na gulat talaga ako sa nalaman ko tungkol dito. "And okay na. My assistant here will get your vital signs then your blood chem. Para masiguro natin kung COVID negative ka na." Nakangiti pa ito sa akin ngayon. Iniligpit na ang gamit niya at kumaway sa amin bago lumabas.
Nang matapos akong ma-check ay naiwan kami doon ni Yosh. Hintayin ko na lang daw ang result ng test ko tapos hintayin ko ang tawag ni Chief Coleman.
"So, kumusta ang quarantine episode mo?" Tanong ni Yosh. Tinanguan ko ang assistant ni Dominic na nag-paalam nang umalis matapos akong ma-check at makuha ang dugo ko.
"Okay lang. Boring. Pero medyo sumaya nang maging ka-textmate ko sa si Stacey."
Ang lakas ng tawa ni Yosh. "'Tangina. Pumatol ka talaga sa textmate? Baka sext naman 'yan." Panunukso niya.
"Gago. Ikaw lang ang gumagawa 'non." Sagot ko.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinawanan ko lang siya. Alam niyang pagdating sa ganoon asaran ay talo siya sa akin dahil sa mga pinaggagawa niya para lang kay Sesi.
"Bakit may pag-atake?" Asar na sabi niya kaya lalo akong napahalakhak.
"I missed you too, gago." Iyon na lang ang nasabi ko tapos ay napahinga ng malalim. "She's not answering my texts. I tried to call her but her phone was unattended. Mukha hindi pa siya umuwi."
"Sino? Si Kleng? I told you to leave her alone." Halatang nagalit ang tono ni Yosh.
"Kleng? No! Stacey. It's Stacey." Pabagsak akong naupo sa sofa.
Napangiti si Yosh. "Si Stacey na? Si Pigtails girl? Kinausap ka niya? Alam niyang ikaw ang kausap niya?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Siyempre hindi. Siguradong hindi ako kakausapin 'non. Alam mo naman na parang asar iyon sa akin dahil napagbintangan ko siyang nilagyan ng vetsin ang alak ko 'nong ini-invite niya ako sa house warming niya."
"Gago ka kasi. Masyado kang praning. Nakakahiya ka na pinagbintangan mo siya. Pero tingin ko wala na diyan si Pigtails diyan. Nabanggit ni Sesi sa akin na aalis na iyon. Ligwak na naman ang love life mo." Napahinga pa ng malalim si Yosh na parang mas problemado siya sa love life ko.
Napabuga ako ng hangin. That's it? Pagkatapos ba ng quarantine ko na ito tapos na rin ang landian namin ni Stacey? Wala man lang kaming closure? May usapan pa kaming magkikita.
Pareho kaming napatingin sa labas dahil may malaking truck ang pumarada sa tapat ng bahay ni Stacey. Mga mukhang maghahakot nga ng gamit.
"See." Sambit ni Yosh.
Nakaramdam ako ng lungkot. Ganoon na lang iyon? Parang hindi ko yata matatanggap na matatapos nang ganoon ang landian namin ni Stacey. Hindi pa nga ako nakaka-first base sa kanya.
"Larga na ako. Tingin ko naman mukhang okay ka na. Two bottles tayo paglabas mo dito." Tumayo na si Yosh at tinungo ang pinto. "Ang init nitong suit na 'to. Tingnan mo naman ang sakripisyo ko makita ka lang na animal ka. Pagaling ka." Tumatawa pa siya nang iwan ako.
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi nang makaalis si Yosh. Naka-receive ako ng text galing kay Chief Coleman. Mas nauna pa niyang nalaman na negative na ako sa COVID at pinag-re-report na ako bukas. May ipapakilala daw siyang bagong partner ko sa agency.
Partner? I don't like to have a partner. I am used working alone.
Kaya kung sino man iyon, sisiguraduhing kong magiging impiyerno ang buhay niya na kasama ako para mag-request siya kay Chief na ihanap ng ibang ka-partner.
AFTER THE QUARANTINE PERIOD
Nakakabuwisit ang ngiti ni Chief Coleman sa akin nang dumating ako sa agency kinabukasan. Pagpasok ko pa lang ay may dala na siyang alcohol at nag-i-spray sa bawat daanan ko. Agad na pinupunasan ng disinfecting cloth ang hawakan ko. Tapos ayaw niyang lumapit sa akin. Two feet daw dapat ang pagitan namin at hindi inaalis ang face mask at face shield.
"Over kill, Chief. Ang praning mo. Negative na nga ako sa COVID 'di ba?" naiiling na sabi ko sa kanya at naupo sa couch na nasa loob ng office niya.
"Mahirap nang mahawa. Hindi ako puwedeng mawala ng two weeks dito. Siguradong magpi-piyesta ang mga agents ko." Sagot niya at naupo sa harap ng mesa niya. "How are you, Declan? Are you sure you're good?"
"Okay nga lang ako. Hindi ako mamamatay sa COVID pero mas mamamatay ako sa mental torture at boredom during the quarantine." Sumandal pa ako sa kinauupuan ko. "At ano ang paandar mong may bago akong partner? I don't need a new partner. In fact, I don't need a partner."
"Parehong-pareho talaga kayo ni June na matigas ang ulo. Iyan din ang sinabi niya sa akin. Bagay kayo," natatawang sabi niya at may tinawagan sa telepono.
Naparolyo ako ng mata at napailing. June. Pangalan pa lang nakakaasar na. Ano kaya ang hitsura noon? Dapat mas guwapo ako sa ipa-partner sa akin ni Chief. Dinukot ko ang telepono kong tumunog sa bulsa. Agad akong napangiti nang makita kong may message si Stacey.
09177649840
Hi.
Sorry I wasn't able to text you back.
Something happened and I had to leave immediately.
I had to change my place.
Leave? Bakit?
It's about my job. I had to transfer to another location.
New location?
Malayo ba iyan?
May new project kasi ako kaya new location. Wait.
Tapos na ang quarantine mo yesterday. How are you na?
Good.
I tested negative for COVID.
Back to work na ako.
Thank God.
At least you're okay na.
Tuloy pa rin ba ang usapan natin?
I mean, the eyeball that you're saying.
Meet up. Eyeball is so nineties.
Yeah, the meet up.
Okay pa rin sa'yo?
Yes. Definitely.
I want to see you too. Wait.
I'll text you again. My boss is calling me.
I have to meet this new partner
of mine sa work.
I hope okay siyang ka-trabaho.
Hindi na ako nakasagot dahil tumayo si Chief Coleman nang makarinig ng pagkatok sa pinto ng opisina nito. Ibinulsa ko na lang ang telepono ko at hinintay na pumasok ang bagong partner ko na sinasabi ng boss ko.
Pero hindi agada ko nakagalaw at nakatingin lang sa pumasok doon. Nag-i-expect ako ng isang lalaking mayabang. Feeling pogi. Feeling magaling at magpapakitang gilas sa harap ni Chief. Pero babae ang pumasok sa office ni Chief. Seksing babae at napakunot ang noo ko sa pagtataka.
Ano ang ginagawa ni Stacey dito?
"June." Nakangiting bati ni Chief at yumakap pa kay Stacey.
June? Did my boss call her June?
"Chief." Bati din niya. Ang ganda-ganda ng ngiti niya. Ang seksi sa suot na fitted jeans at sleeveless black top. Nakatali lang mahabang buhok at kitang-kita ang magandang mukha. Agad na nawala ang ngiti niya nang makita akong nakaupo doon tapos ay nagtatanong na tumingin kay Chief. "Don't tell me-"
"He is your new partner." Putol ni Chief sa sasabihin niya.
Napatayo ako. "What? She is my new partner?" Paniniguro ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Tumango lang si Chief at naupo sa upuan niya. Nakataas ang kilay na nakatingin sa akin si Stacey dahil alam kong nakilala na niya ako. She was an agent? Kaya ba wala akong mahukay na kahit ano tungkol sa pagkatao niya dahil magaling din siyang magtago? I can't believe it. Wala sa hitsura niya na agent siya. She looked so soft. So petite. She looked so fragile.
"You are new partners and your new mission is to take down Carmela and Torque's syndicate. Good thing June here is already inside that group." Walang anuman na sabi ni Chief sa akin. "Do your work. Out in my office." Hindi man lang kami tinapunan na ng tingin.
Walang magawa, sabay kaming lumabas ng silid at wala kaming imikan na dalawa ni Stacey. Pareho lang kaming nakatayo sa tapat ng opisina ni Chief.
"It's June, huh?" Ako na ang unang nagsalita.
Inirapan niya ako. "I had to make a fake name to blend in. Alam mo naman iyon."
"You're an agent? It doesn't suit you." Komento ko pa.
"Bakit? Mga lalaki lang ba ang may karapatang maging agent? Whatever you can do, kaya din naming gawing mga babae." Humarap siya sa akin. "I want this partnership to be okay, all right? If you don't like me, the feeling is mutual. Gusto ko lang matapos ang mission na ito dahil dugo't-pawis na ang puhunan ko dito."
Napangiti ako. "Suplada ka pala. Ano 'yong pinakita mo 'nong ini-invite mo ako sa house warming mo na mabait ka? Pakitang tao?"
"I was trying to be nice kaya lang you started acting like a conceited asshole. And yes, I put something in your drink para manahimik ka na." Umasim pa ang mukha niya sa akin. Tapos ay kinuha ang telepono niya at nagpipindot doon.
Naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko sa bulsa kaya kinuha ko iyon at tiningnan.
09177649840
What a fucking day?
Can you imagine, my new partner is the
notorious asshole in our office?
This is crazy
For real?
Back to work na din ako.
And I received a good news today.
I met my new partner too.
She's pretty. Smoking hot. And fierce.
Mas maganda talaga siya sa personal.
Napatingin ako sa gawi ni Stacey at nakita kong napakunot ang noo niya habang nakatingin sa phone tapos ay nagpipindot.
Maganda? Smoking hot?
Then why are you still texting me?
May iba ka na palang puwedeng landiin.
Well, I totally understand.
Sino ba naman ako 'di ba?
I was just there to ease your boredom during
your quarantine.
Nakita kong takang napatingin sa akin si Stacey dahil busy din ako sa pagpipindot sa phone ko. Tingin ko nga ay parang gusto pa silipin kung sino ang ka-text ko kaya inilayo ko ang phone sa kanya.
"Hey, even if we are already partners, kailangan ko pa rin ng privacy." Natatawang sabi ko.
Ang sama ng tingin niya sa akin. "As if na interesado ako kung sino ang ka-text mo. You are really an asshole. Diyan ka na nga."
Painis niya akong tinalikuran kaya natatawa lang akong sinundan siya ng tingin tapos ay sinagot ang text message niya.
Nah.
I think you are more hotter than this new partner of mine.
Tell you this, how about we meet each other today.
I think papatulan ko ang invitation mo.
I am really pissed.
Natawa ako.
The Blue Room.
See you in one hour?
Yeah.
Ang lapit ko lang doon ngayon.
Papunta na ako.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko nang lumabas ng agency. Malapit lang kasi dito ang bar na iyon. Iyon ang madalas na tambayan ng mga agents ng XM Agency. Pero hindi agad ako pumunta doon. Pumunta muna ako sa mall na malapit din doon at bumili ng bulaklak. Tumunog ang telepono ko habang pabalik sa kotse ko.
09177649840
I am here. Napaaga.
Super lapit ko lang talaga kasi.
Hintayin na lang kita dito.
What would you be wearing para makilala kita agad?
You're not afraid that you're
going to meet a stranger like me?
Paano pala kung masamang tao ako?
Serial killer. Rapist on the loose.
Hindi ko mapigil ang hindi matawa.
Trust me,
I know you are a good person.
Ramdam ko nga iyon.
And I can take care of myself.
Walang puwedeng bumastos sa akin.
Binabalian ko ng buto.
On my way.
Kapag may nakita kang dumating
na pinaka-guwapong lalaking nakilala mo, ako na iyon.
Haha. Talaga lang 'yan, ha?
Wala pang kalahating oras ay pumaparada na ako sa harap ng The Blue Room. Siniguro kong maayos ang bulaklak na dala ko at tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. Natatawa na ako sa magiging reaksyon ni Stacey kapag nakita ako.
Pumasok ako sa loob at wala pa namang masyadong tao. Nakita ko si Stacey na nasa isang sulok na nakaupo at nasa hitsura nito ang pagka-inip. Lumapit ako at naupo sa harap niya. Takang-taka siyang nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Nanlalaki ang mata niya.
Ngumiti lang ako at inilapag sa mesa ang dala kong bulaklak.
"I am going to meet someone."
"What? Dito?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Are you following me, Laxamana? What is this? Some kind of your initiation because I am your new partner?"
"Initiation? No." Natatawang sabi ko. "Really, I am meeting someone here. Someone sexy. Smoking hot." Kumindat pa ako sa kanya
Nangunot ang noo niya at halatang nagtataka sa sinabi ko tapos ay napahinga ng malalim.
"Laxamana, please. If you want us to have a smooth working relationship, you better leave. I am meeting someone important." Pakiusap niya.
"Mas importante sa akin?"
"Yes. We can talk about work after I meet this guy."
"Wow. It's a guy?" Pinagmukha kong nagulat ang hitsura ko. "Guwapo kaya? Baka mas guwapo ako diyan, ilalampaso ko 'yan."
"Sigurado ako mas guwapo siya sa iyo. Please. Leave," may tigas na ang pagkakasabi niya noon at kinuha ang telepono niya tapos ay nagti-text. Nagtataka siyang tumingin sa akin nang tumunog ang telepono ko.
Sumenyas ako ng saglit sa kanya. "Baka ito na 'yong importanteng text na hinihintay ko."
09177649840
Where are you?
Can you please hurry?
My asshole officemate is here.
Need help.
Ang lakas ng halakhak ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
Just wait.
"Do I really look like an asshole?" Tumingin pa ako sa kanya. Kita kong naasar siya nang ma-receive ang reply sa phone niya.
"Pinagsasasabi mo?" Asar niyang sagot.
Dinampot ko ang bulaklak at ibinigay sa kanya. "I hope you like roses. White roses. For purity."
"I don't like flowers." Tumingin siya sa bandang pinto ng ng bar nang bumukas iyon. Halatang na-disappoint nang hindi makita ang inaasahang makita dahil isang may-edad na babae ang pumasok doon. "Declan, leave. Please."
"Why do you want me to leave? I am meeting someone here too. Someone who helped me cope up during my quarantine days. She always offering to bring me food. Ipapa-Lalamove pa nga daw. " Kumindat pa ako sa kanya at nakita kong namutla ang mukha niya. "I had a great time during my quarantine because of her. And today, we decided to meet here." Kumindat ako sa kanya.
Naitakip ni Stacey ang kamay sa bibig at dali-daling kinuha ang telepono tapos ay tinawagan ang number ko. Lalo na siyang namutla nang tumunog iyon at sagutin ko.
"Hi, Stacey." Nanatili akong nakatingin sa kanya.
Hindi siya nakasagot at dahan-dahang inilapag ang telepono sa mesa.
"Shit. You're Wade?" Gulat na sabi niya.
"In the flesh." Natatawang sabi ko.
"Shit." Halatang natataranta siya. "Shit!" tumayo siya at akmang aalis doon pero agad ko siyang pinigilan.
"Stacey, hey. Bakit ka naman aalis ngayong ako ang nandito? We had a great time texting with each other the past days. Ngayong nalaman mong ako iyon aalis ka?"
"No. This is a mistake." Muli ay akma na naman siyang aalis pero pinigilan ko. Hindi ko binibitiwan ang kamay niya.
"There is no mistake here. Aminin mo naman you liked talking to me. We just started on the wrong foot but admit it. You felt the connection between us. The tension," hindi ko inaalis ang tingin sa mata niya.
Napalunok siya at napahinga ng malalim.
"I am not saying that we do this thing to another level. What I am saying is this could be a start of a good friendship."
"We? We will be friends? Please, Declan. I know what you did to my brother." Sumama ang tingin niya sa akin.
"Then if you're going to let me explain what happened to Jay you will understand why." Iniharap ko sa akin si Stacey at nakatingin lang siya sa akin. "You feel it, Stacey. June. Or whatever you want me to call you. But I know you feel it between us. Let's continue what we started. Not through text but in person. After all, we will be partners and who knows where this partnership would lead us."
Nanatiling nakatingin sa akin si Stacey tapos ay napahinga ng malalim.
"Fine."
"Fine what?" Hindi ko na mapigilang hindi mapangiti.
"Fine we will be partners. But can you move away from me? Social distancing, remember?" Itinuro pa niya ang signage na naroon sa loob ng bar.
Natatawa akong lumayo sa kanya at alam kong nagpipigil na rin siyang matawa. Dinampot niya ang bulaklak na naroon.
"This is mine." Pagkasabi noon ay lumabas na siya. Naiiling na lang akong sinundan siya ng tingin. Maya-maya ay tumunog ang telepono ko. May nag-text. Galing kay Stacey.
09177649840
4891 Honduras St. Palm Village.
Village na malapit sa agency.
That's my place. I'm free tonight.
We could chat over beers.
Promise, I won't put anything in your drink again just
promise me you won't be a conceited asshole.
Napa-yahoo ako ng malakas. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nagre-reply sa message niya.
Who would have thought that being COVID positive and being quarantined could bring something magical to my life?
Dati lagi kong sinasabi, fuck COVID.
But this time, still, fuck COVID. But, fuck COVID with care na.
Because I found my second chance during the quarantine era.
DISCLAIMER
This is a one shot story of Declan and Stacey from the story COLLIDE. Since Declan Laxamana is the most loved second lead from my stories, I decided to make one for him since readers are missing his funny antics and humorous character. Please take note that this story is not in any way connected to their story COLLIDE. This is a different one, made especially for this TEXTSERYE. Don't be confused of this story to their original story.
Have fun reading.
Stay safe. Stay in Love.
Let's fall in love this quarantine.
Love,
HM (Helene Mendoza)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top