Unlichaaaa's New Story Teaser

Let Me Be


Isa akong nerd, pangit, baduy, loner, laman ng library, puro aral lang ang alam, wallflower at kung ano ano pang katulad nun, wala akong paki alam.

Okay lang naman na ganyan ang tingin sakin nung mga tao, at least tahimik yung buhay ko. Matatapos nadin naman eh. Gagraduate nadin naman ako, isang taon nalang.

Kung hindi ka kasi maganda o gwapo at mayaman, wala ka! Isa kang talunan tsaka lagi kang ibu-bully. In short, panlabas na anyo lang yung nakikita nila. Ganun naman talaga eh, ganun naman lahat sila.

Yes, I'm in a prestigious school. Tinitingala ng lahat yung school na'to, hindi lang nila alam na pinapalakad 'to ng mga estudyante LANG!

Sa school namin, may tatlong grupo na nangingibabaw.

Yung QUEEN BEE, sila yung pinaka magaganda at mayayaman dito sa school. Halos yata lahat ng lalaki may gusto sa kanila pero hindi ko gusto ang mga ugali nila, lahat nalang pinapatulan nila.

Yung CYBER CRIME LAW in short CCL, sila naman yung pinaka sikat na banda sa school. Siyempre, mga gwapo sila at mayayaman. Isa sa kanila yung pamangkin ko kaya nga hindi ako nabu-bully sa school kasi lagi niya akong pinagtatanggol pero hindi naman nila alam na magkamaganak kami. Mas okay na yung ganun para hindi gumulo yung buhay ko.

Yung SKULL, sila naman yung pinaka gwapo, pinaka mayayaman at pinaka walang kwenta sa school na'to. Wala man lang sa vocabulary nila yung salitang aral. Lagi silang nambubully ng mga estudyante, maganda ka man o mayaman basta ikaw ang napagtripan, yari ka. Palibhasa kasi, sila yung pinaka matataas dito sa school. Kala naman talaga nila! Tsk! Tapos may nalalaman man silang skull, LITERAL na skull ha, bungo!

Yung skull, kapag binigyan ka nun ibig sabihin ikaw na yung susunod na target nila at pati buong school ikaw narin ang target. Wala namang magawa yung teachers dun kasi nga sila yung pinaka matataas dito, halos sila na nga yung nagpapatakbo ng school. Bale, sila yung rules.

Kaya sa abot ng makakaya ko, iniiwasan ko sila. Kung pwede lang na hindi ko sila makasalubong sa corridor, gagawin ko.

Ayokong magulo yung tahimik kong buhay kaya nananahimik ako sa lahat ng mga ginagawa nila, tutal at hindi naman nila ako ginagalaw. Gagraduate narin naman ako, konting panahon nalang makakaalis nako sa school na'to.

I'm Snow Brianna Hernandez pero mas kilala ako dito na Snow Brianna Gomez.

Dahil ayaw kong mapansin pa nila ako dahil sa apelyido ko. Kuntento na akong invisible lang ako. Kuntento na akong hindi napapansin. Kuntento na akong ako lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top