Chapter 5*the twist

Paulene's POV.

Saturday nanaman ngayon ay alam niyo na.

Wattpad Academy!

Pagpasok namin sa Academy parang may mali. Kasama ko nga pala si Pochi at alam niyo na yon.

Okay balik tayo sa Academy.

Para kasing may iba eh. Hmm ewan ko

"Beshie !! Antagal mo maglakad!!!" sigaw sakin ni Pochi at aba ang dalawa, nasa room na pala.

Tumakbo na lang ako

Tik tak tik tak

Antagal naman ni Ms. Aixa Sa tana ng buhay naming magkakaklase ngayon lang nalate si maam...

*tuggsshh

Biglang bumukas ang pintuan at nagsipasok ang mga guro namin.

"Good morning teachers"

"good morning. Take your seat now cause we have a very important announcement" hmmm ito na kaya ang sagot sa mga tanong ko?

"marami rami na ang gustong sirain or should I say sinisira na ang school natin. And sana maniwala kayo sa sasabihin ko. May mga bad gods na gustong sirain ang school na to" sabi ng isang teacher saamin

"wait sir! Did you say gods? As in gods with magics?" tanong ko

"yes iha with magics pero wag kayong magpanic dahil may mga mabubuting gods na tutulong saatin. Ang mga gods na iyon ang totoong nagpagawa ng school na to and they will give us a individual magics pero may apat na natatanging magic. Ito ay ang Element Powers , ang water, air, fire, and Earth. Ang mga Gods ang pipili kung sino sino ang apat na iyon At kung ano ang mga mapupuntang powers sa inyo. Okay? Sa ngayon kailangan muna ninyong lahat pumunta sa open field ng mahinahon " magics ? Gods? Element powers? Oh my god. Exited na ko

'gosh nakaka excite
'ano kaya yung power ko?
'sana isa ako sa makakuha ng element powers

Bulong bulungan ng mga kaklase ko

"beshie tara na!" pag yayaya sakin ni pochi

"hmmm sige"

"alam mo Paulene excited na ako sa magiging powers ko. Akalain mo yun! Yung dating nababasa ko lang mangyayari na pala saakin hihihi" parehas lang pala kaming excited hhahaha

"hahhahhaa excited na nga ako ng bonggang bongga eh"

.....

Location :open field

Wow as in wow
Andaming gods na naghihintay pero ang kapansin pansin ay ang nasa pinakagitnang apat na gods baka sila ang elemental gods.

"students and teachers, all gods will come unto you and we will give our powers and strength so please give your full efforts and take care of our powers and always remember that our goal is to save this Academy. Gods, you can choose now" pag eexplain ng isang god.

Pagkatapos niyang mag explain ay yumanig ang lupa at biglang nilamon ang aming paaralan at napalitan ng isang kaharian na maraming puno.

Parang lahat ata may mga kasama ng god at nagexplain na, ako na lang ata ang wala. Haay wala atang may gusto saakin.

Maya maya may lumapit na isang napakagandang diyosa saakin. Nakasuot siya ng isang puting damit na nababalot sa kaniyang katawan at kapansin pansin ang kanyang kagandahan.

"ikaw si Paulene hindi ba?" tanong niya saakin

"Yes god, ako nga po iyon pero paano niyo po ako nakilala? Ako po ba ang iyong napili?" tanong ko sakanya

"yes you are. Alam mo ba na matagal na kitang inaantay?"siya na talaga? Yes excited na talaga ako°.*\( ˆoˆ )/*.°

"hindi po" sagot ko at isang ngiti ang sinukli niya sa bilang sagot

"ako ay isang element god. At element Air ang power ko. Matututunan mo ring controlin ito balang araw. Alagaan mo sana ang kapangyarihan ko. Kaming mga gods na rin ang bahala sa mga magulang ninyo dahil sa ngayon kailangan niyo munang magsanay ng mabuti"sabi ng god

"ano po bang pangalan ninyo?"pagtatanong ko

"Akira , Akira ang pangalan ko... Hihihi sana maging friends tayo ! ≧∇≦" halla pa bago bago ang siya ...kanina lang ang seryoso niya ngayun ang kulit na hahhaha"

*grrrrrr

Ano ang tunog na yon?

"hahahha sorry ah . Gutom na ako eh hhahahha" sabi ni Akira sabay haplos ng tiyan hahhahha ang cute niya

"tara punta tayong canteen treat ko!" pagyayaya ko sakanya

"wow talaga? Thank you!" ang kulit niya hahhahah

"welcome tara na !"

Tapos tumakbo na kami

...........

After kumain

"Burrppp hhahahaha ansasarap talaga ng pagkain dito!" namamanghang sabi niya

"Hhahhaaha!"

"tara sama ka sakin may kailangan tayong gawin" tapos hinila na niya ako
Serious mode nanaman siya baka pag gutom lang siya tsaka siya nagiging makulit hahaha

.

"andito na tayo" ang ganda nitong lugar

"nasan tayo?" tanong ko sakanya at dalawa lang kaming nandito

" pinakamagandang part ng school "

"ah okay .ano naman ang gagawin natin dito?" tanong ko

"ipagkakatiwala at ibibigay ko na ang kapangyarihan ko sayo. Pumikit ka at buksan ang iyong puso, damhin ang paligid at ang hangin, magrelax ka" sinunod ko ang ginawa niya kaya pumikit na ako

Sa pagpikit ko nakita ko si Akira , ang god of air at kinakausap ako

"Ibinibigay ko na sayo ang kapangyarihan ko. Gamitin mo ito sa tama at laging isipin ang pakay. Kung gusto mo akong maka usap pumikit ka lang at damhin ang paligid. Katabi mo lang ako palagi at handang kausapin ka sa ngayon ay umpisahan mo ng i-control ang hangin.pero bago ang lahat bumalik ka muna sa open field dahil may mahalagang anunsyo ang inyong punong guro. May bracelet ako sayong isusuot at alagaan mo ito at laging suotin dahil mas mapapalakas nito ang aking kapangyarihan. Mag iingat ka paalam"

pagkatapos ng sinabi niyang iyon, minulat ko na ang aking mata at nagsimulang tumakbo papuntang open field.

Nakita ko si Pochi at PY na magkasam. Wait matanong nga kung ano ang kapangyarihan nila .

"Pochi! Pomuel Yllison!" pagtatawag ko sakanila

"oh bakit sweetypie miss mo na agad ako?"

"bakit beshie? Aray kinagat ako ng langgam aray sakit nung langgam andami"

"mga loka loka kayo, tatanungin ko lang kung ano ang powers niyo" totoo naman diba?

"yung akin fire" sabi ni PY

"Earth is mine" sabi naman ni Pochi

"wow! Air yung akin" sabi ko naman

"so that means...." sabay sabay na sabi namin ng nagtititigan mukhang nagkakaintindihan kami ah

"tayong tatlo ang pinakamalalakas !" sabay sabay na sabi namin

"pero sino naman ang isa pang pinakamalakas. Ang water element power saan napunta?" pagtatanong ko

"hmmm" malalim kaming nag iisip kung sino kaya yuon

"ako ba ang hinahanap niyo?" biglang sulpot na salita sa likod namin kaya bigla kaming napaharap sa likod

"ikaw ba ang may taglay na water power?" tanong sakanya ni Pochi

"oo ako nga. Ako nga pala si Vanilla Ice Cream dela Vega but you can call me Vanilla . Ang weird ng name ko noh?" hahhahaa bagay sila ni Pochi parehas silang pagkain ang pangalan hahhaha

"ako nga pala si Pochi"

"Pochi bagay kayo ! Parehas kayong pagkain hahhahaha. Anyway ako nga pala si Pomuel Yllison at ito naman ang sweetypie ko na si Paulene Yllisa" tapos inakbayan niya ako na agad ko rin namang tinaggal

"ilang ulit ko ba dapat sabihin sayo na wag na wag mo akong tatawaging sweetypie hah!" galit na sabi ko sakanya

"wow ang sweet niyo naman. Ilang days na kayo or months or years ?" tanong ni Vanilla na binigyan ko ng death glare(。ì _ í。) pero tumawa lang kaya poker face na lang-_-#

"attention students and teachers.Please can I borrow you time please.Alam niyo naman na ako ang principal dito diba? Pero I want to correct na hindi ako ang may ari ng school at time controller ang ibinigay na kapangyarihan ko dahil makatutulong daw ito dahil kakaunti na lang nag natitirang oras para sa pagsasanay natin at nais ko lang malaman kung sino sino ang apat na elemental powers ang taglay, magkita tayo sa office ko .antayin niyo na lang ako sa loob. Salamat" pag aanunsyo ng principal namin

"tara sabay sabay na tayong pumunta" pagyayaya ni Pochi saamin

Location: Mr. Lomibao's Office

"oh hello cute students. So kayo yung apat na elemental users ?"sabi ni Mr. Lomibao

"yes we are sir" magalang na sagot namin

"please take your seat"

"thank you" sabay sabay na sabi ulit namin

"Sinabi na saakin lahat lahat ng dapat kong malaman at alam niyo naman na siguro na kayo ang pinakamalalakas kaya kayo din ang may pinakamalalaking responsibilidad. Kailangan niyong seryosohin ang lahat ng ito para maprotektahan ang Wattpad Academy laban sa mga bad gods na may layunin na pabagsakin ang ating academy. Gagampanan ko ang aking layunin na time controller sa pamamagitan ng pagcontrol sa oras. Kaya kong pahintuin ang oras o kaya naman ay gawing 1 year ang tagal sa lugar natin ngunit sa ibang lugar ay 1 day pa lamang. Tungkol naman sa mga pamilya niyo, kami na ang bahala sakanila"

"gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin. Ako nga po pala ang air power user" sabi ko

"gagampanan po namin ang aming responsibilidad and Fire is my power" si PY

"Its our pleasure to this and I am the Earth power user"si Pochi

"I will give my life and my whole heart for this Academy. Water is my power" si Vanilla

(A/N: maraming salamat sa nagbabasa nito. paki support naman through voment hahaha thank you)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top