Chapter 20*Pomuel

Pomuel's POV.

"Waaaaaa nagugutom na koooo"

"Me too"

"Me three"

"Me four"

"Me five"

Kabababa palang namin sa puno at yan na agad ang sinabi namin.

"Ipaexchange nalang kaya natin yung points natin?" Tanong ko

"Sige kesa naman sa magutom tayo." sabi ni Sweetypie este Yllisa

"Pede ipachange na rin ng tubig at toothbrush ?" Tanong ni Pochi sabay amoy sa hininga niya hahahaha....pareparehas lang tayo

"Sige tsaka damit na din hahaha....may nakita akong  falls malapit lang saatin ...." sabi ni Nash

"Paano mo nalaman? Eh magkakasama tayo simulat sapul?" Tanong ni Vanilla

"Hehe na hack ko yung map ng room na toh" sabi niya sabay kamot sa ulo niya

Ang points namin ay 50 points bawat isa tapos lima kami kaya 250 points plus 250 points dahil sa nakalaban namin....

50 points for water and toothbrush
100 points for foods
50 points for cloths and towels pati narin yung mga gamit pangligo..

Kaya 200 points ang mababawasan saamin ....meron pa kaming 300 points...

Sa falls may nakita kaming parang cave na matatago ka hahaha ....isa isang kaming nagbihis dun pagkatapos maligo....

Waaaa fresh na ulit ako....

"Haay salamat nakaligo din"

"Yayks akala ko forever na tayong ganto eh"

"Kaya nga "

"Gwapo ko na ulit" out of the Blue na sabi ni Vanilla

"Hoy connect? " tanong ni Pochi

"Kasi nga ang gwapo ko....I love You" dagdag score yan kay Pochi hahahaha

"Tsk" ang tanging sagot nalang ni Pochi habang namumula pa...hahaha nagblu blush siya

"*grrrrrrr"  wahaha gutom na akoooo

"Ano yun?" Tanong ni Nash

"Tiyan ni PY hahahaha *grrrrr* ooppsss  saakin din pala hahaha"sabi naman ni Sweet--- este Yllisa

"Wait niyo ako jan " sabi ko sakanila tapos nagputol ako ng dahon ng saging ...gagawin ko yung sapin namin at para sa pagkain na rin...kumuha na rin ako nung bunga....

Pwede naman sigurong kumuha diba? Hahahaha

..........while eating.......

"Waaaa ansarap talaga" sabi ni Pochi

Susubo na sana ako ng kanin ng biglang may nagsalita sa likod namin...

"So andito lang kayo nagpapakasaya? Habang ang ilan eh pagod na kakalaban?" Sabi ni Unknown guy number 1

"Tapos nag aantay kayong maubos lahat para kayo ang manalo?" Sabi ni guy number 2

Alam niyo? Ang ayoko sa lahat ay yung inistorbo ako habang kumakain...peste tong limang lalaki na to

"Alam niyo bang ang ayoko sa lahat ay yung may nang iistorbo saakin habang kumakain?" Kalmadong tanong ko sabay tingin sa kanila ng masama

"Beshieee nag aapoy na yung mata ni Pomuel"

"Ssssshhh"

"So what we dont care" sabi naman nung guy number 3

Napangisi ako sa sinabi niya at mabilis na umatake at nagpaulan ng fire balls sa life bar nila....hindi naman sila naka react agad kaya mabilis naubos ung nasa life bar nila kaso may natira pang isa sa kanila...

"Sor---" magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na

"Shut up or I'll eliminate you?" Kalmadong tanong ko na hindi naman niya sinagot....ayun tumakbo na

"Wala na akong ganang kumain tsk" alam niyo yung feeling na gutom na gutom ka tapos pagkakain mo may nang gugulo pa? Nakakainis diba

"Wag mo ng uulitin yun" bulong saakin ni sw- Yllisa

"Why?" Tanong ko

"Hindi ikaw yun eh" huh? Yaeh na nga....tinanguan ko na lang siya pero bad mood pa rin ako eh....kaya hindi ko muna siya maasar...

"Wait guys....look at this" sabi ni Nash habang nakatutok sa laptop niya habang may pinipindot na kung ano ano

"Lima na lang natitirang grupo at kasama na tayo duon....at gusto nating makalabas na ay kailangan na nating eliminate sila at yung isang grupo ay malapit lang saatin"  pageexplain ni Nash sa nalaman niya

"Edi tara lets" sabi naman ni Pochi

.....habang naglalakad....

"Well,  well, well, kita mo nga naman oh. May bago tayong target" this time puro girls naman

"Yeah right"

"Umpisan na kaya natin ang laban kesa naman magdadadakdak pa kayo jan" kalmadong sabi ko....

"Fine then tsk"

tag isa isa ulit kami ng kalaban...at ito namang kalaban ko ay mind controlling ang power niya ...

Hindi naman ako nagsayang ng oras kaya nagpa-ulan agad ako ng mga fire balls with blades ....wala naman siyang ginagawa kundi ilag lang ng ilag

Next naman ay nilabas ko agad ang fire snake ko at inutusan na targetin ang life bar....

Ayan na papalapit na sakanya yung fire snake ko.....

Huh? Bakit biglang bumalik ?

aish malamang ni- control niya na ang pagiisip nito ....aish ano bng gagawin ko?

"Yun lang ba kaya mong gawin?" Tanong niya

"Tsk"

"Now its my turn" dagdag pa niya

Ahhhh sobrang liwanag ...nakakasilaw kainis....ipinikit ko ang mga mata ko at tinakpan pero pagmulat ko, nasa garden na ako...umupo naman ako sa swing katabi ng isang nakatalikod na batang babae....

"Ah ading alam mo ba kung saan yung daan palabas nitong lugar na toh?" Tanong ko pero pagharap niya nagulat ako dahil kamukha niya si Carlo...

si Carlo ay isa kong kaibigan nung bata pa ako....sobrang bait niya saakin kaya ganon din ako sakanya ....sakitin siyang bata nuon at may hika rin ...

Isang araw may mga batang nanguha ng inhaler niya sa school....mga bullies, hinabol namin sila ng hinabol haggang sa nakarating kami sa maasong lugar....nung bata ako ay takot talaga ako sa aso ...

Hinagis nila yung bag niya laman ang ilang gamit kasama na ang inhaler niya sa isang gate kung saan sa likod nito ay puno ng aso....

Malayo layo rin ang natakbo namin kaya inatake nanaman si Carlo ng astma niya . ..nataranta ako nun at hindi alam ang gagawin....sigaw lang ako ng sigaw ng tulong pero walang dumarating....

Hanggang sa hindi na niya kinaya at nawalan ng buhay....at kasalan ko iyon..

Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa mga nangyari sa kanya...

PAULENE YLLISA'S POV.

Hanggang ngayon ay hindi parin gunigising si PY....at naeliminate na namin yung kalaban niya kanina pati na rin ang mga kasama nito ....

Sinabi ng nakalaban niya na patuloy pa rin na kinokotrol ang utak niya at kailangan lang namij siyang gisingin para matigil ito ...pero hindi namin alam kung ano ang gagawin namin kung paano siya gisingin....

"Huluh beshie baka true loves kiss?" tanong ni Pochi

"Sino namang true love nito?" Tanong ko sabay turo kay PY

"manhid" bulong ni Vanilla pero Hindi ko yun narinig....hayaan na nga lang sila

"AHA! alam ko na kung paano yan magigising" sabi ni Nash habang nakatutok nanaman sa laptop niya

"paano?" Tanong namin

"Papainumin lang siya ng tubig ng pagmamahal" sagot ni Nash

"Nabibili ba yun?" Tanong ko

"No, dapat ang magbibigay ng tubig sakanya at magpapa inom ay isa sa mga taong pinapahalagahan niya ng sobra"  pagmamahal ...now I know kung bakit tubig ng pagmamahal

"May natira pa naman sa tubig natin kaya Pochi painumin mo na siya...try natin kung gagana"

"Okayy!"

Pina inom na ni Pochi si PY at after ilang minutes ay hnd parin sya gising....next naman ay si Vanilla pero bigo din syang magising si PY ganon din si Nash kaya ngayon ako naman ang susubok....

Pina inom ko na siya pero after ilang minutes hindi pa rin siya gumigising kaya nag antay pa kami...

"Waaaaaa gising na si Pomuel!!" Biglang sigaw ni Pochi kaya napatingin naman kami kay PY

Yes! Gising na nga siya!

"Carlo" sabi niya agad

"Huh? Sino si Carlo?" Tanong namin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top