Kabanata 3
Akmang pipindutin ko na ang apat na task offers na ito nang marinig ang konduktor ng bus, "Estrella! Estrella! Dito lang ang babaan, hindi na pwede sa may 7-eleven!"
Dali-dali akong bumaba ng bus bago pa ito muling umandar. Itinago ko na rin muna ang aking cell phone dahil hindi ligtas sa aking lalakaran, lalo na't ngayong gabi na.
Binilisan ko aking paglalakad at kasabay pa rin nito ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko nang malaman ang mga task offer na 'yon samantalang labis naman ang aking pagkatakot.
Nang makarating ako sa Bonifacio Global City ay saka ko na inilabas ang aking cell phone dahil safe na sa lugar na 'to at walang snatcher na biglang manghahablot ng cell phone.
Huminto muna ako sandali upang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Binagalan ko na ang aking lakad at sinimulan nang basahin ito isa-isa.
"What the fuck!" Nagtayuan lahat ng balahibo ko at nanlambot ang aking mga tuhod dahil sa nabasa. Halos mabitawan din ng aking nanginginig na kamay ang aking cell phone dahil dito.
"T-t-tama si Khea," mahina kong sambit sa'kin sarili na tila hindi pa rin makapaniwala.
Nakalagay rito na kailangan kong pumili ng isa sa mga task offer na 'to na nanggaling sa mga reader ng Watthell. Ang bawat task offer ay naglalaman ng iba't ibang gawain ngunit iisa ang layunin─ito ay pumatay ng tao─at sa bawat gawain na kanilang inaalok ay may makukuhang malaking halaga ng pera. At ang pinaka nakakakilabot ay ang nakasaad dito na buhay ko ang magiging kapalit kapag hindi naisagawa ang napiling gawain.
Napahawak ako sa'king dibdib dahil sa labis na pagkabog nito na animo'y sasabog na. Nahihirapan akong huminga. Bigla akong nanghina at nawalan ng enerhiya na magpatuloy pang maglakad, kaya naupo muna ako sa may malapit na waiting shed ng BGC bus stop.
Umupo ako nang tuwid at huminga nang malalim. "Hindi totoo ang mga nababasa mo, Abree. Hindi 'yan totoo," pilit kong pinapakalma ang aking sarili.
Ayokong paniwalaan ang mga 'to dahil wala akong lakas ng loob na harapin ang kahit isa sa task offers na 'to, ngunit hindi ko talaga magawang kumalma sapagkat mas nangingibabaw ang takot sa'kin.
Ramdam kong totoo ang lahat ng ito at maaaring ikapahamak ko ito. Nasapo ko ang aking mukha at tila hindi na mawari ang gagawin.
Dahil sa labis na pagkatakot ay halos mapaigtad ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking cell phone.
May natanggap na naman akong bagong notification galing sa Watthell. Isang task offer na naman, at wala itong pinagkaiba sa iba, na pagpatay lang ang nais.
Napasinghap ako at napabalikwas sa upuan nang mabasang may patakaran palang nakasaad dito. "Oh, shit! Bakit ngayon ko lang 'to nabasa! 17 minutes na lang? Anong pipiliin ko!"
May binigay palang oras ito. Mayroon lang pala akong 33 minutes upang magdesisyon kung anong pipiliin ko sa mga 'to, at kapag naubos ang oras na ibinigay ay awtomatikong maa-accept ang naunang task offer.
Binalikan ko kung ano ba ang nasa unahan. Ito ay si -UShutUp-, iyan ang kaniyang username at ang profile picture nito ay isang babae na nakatahi ang bibig at naliligo sa sariling dugo.
Ang ino-offer nitong gawain sa'kin ay patayin ang owner ng Golden Sun Resort. Nakasaad din dito na dapat kong tahiin ang bibig nito at ilaslas sa mga braso nito ang salitang, "Every chismosa deserves this!"
Napaupo akong muli at nanlumo sa mga nangyayari. Ano ba talaga 'tong pinasok ko? Bakit ba ako nasali sa ganitong klaseng gawain! Nasaan ba ang puso ng mga taong 'to!
Hinilamos ko sa'king mukha ang aking mga palad. Hindi ko magagawang dumihan ang aking mga kamay kahit gaano pa kalaki ang ibigay nilang pera sa'kin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko at gulong-gulo na ako nang bigla akong nabuhayan ng pag-asa nang sumagi sa'kin isip ang mga pulis. "Oo nga, bakit ngayon ko lang sila naalala? Wala naman masama kung hihingi ako ng tulong sa kanila," saad ko sa'king sarili.
Tumayo ako at napatingin sa suot kong relo. May 11 minutes pa ako, kailangan kong bilisan. Lakad-takbo ang ginawa ko upang makarating agad sa police station na pinakamalapit.
Hindi pa ako nakakalayo sa waiting shed ay muling nag-vibrate ang aking cell phone. Nagdalawang-isip ako kung sisilipin ko ba ang pumasok na notification o hindi na lamang ito bibigyan pansin, ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili na silipin kung ano ba ito.
Napaawang ang aking labi nang mabasa ang natanggap na notification─panibagong task offer ito─ngunit imbis na takot ang aking maramdaman ay saya at pag-asa ang nanalaytay sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ilang beses ko nang kinusot ang aking mata pero tama talaga ako ng basa rito.
Ang task offer na ito ay nanggaling kay _YAW_, iyan ang kaniyang username. Ang inaalok lamang niyang gawain ay pumatay ng ipis. Oo, ipis o cockroach lang ang gusto niyang patayin ko sa halagang 5,000php.
Napakamot ako sa'king ulo at napaisip kung ito na lang ba ang aking ia-accept, pero baka hindi ito kasali o baka isang trap lamang.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay may natanggap na naman akong bagong notification. Isang direct message galing kay _YAW_
Hurry up! Accept my offer, you have only 2 mins left
Napatingin ako sa oras ng aking cell phone at tama nga siya, dalawang minuto na lang pala ang aking nalalabi. Naubos ang oras ko kakaisip.
Natataranta akong nagpunta muli sa natanggap kong mga task offer at walang alinlangan nang ni-accept ang offer ni YAW.
Nang makita kong nawala na ang offers ng ibang readers─na ang nais ay pumatay ng tao─ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib at saka lang nakahinga nang maluwag.
Napatingala ako at pinanood ang pagkislap ng mga bituin sa langit. "Thank you, Lord. Thank you rin Yaw, kung sino ka 'man," wika ko na may matatamis na ngiti sa'king mukha.
Muli kong ibinaling ang aking pansin sa'king cell phone. Gusto kong pasalamatan ang taong tumulong at nagpadali sa'kin na magdesisyon. Nagpunta ako sa mensahe nito sa'kin kanina at ni-reply-an ito ng labis na pasasalamat.
Hindi ko akalain na may naliligaw palang mabait na reader sa Watthell na 'to, ang akala ko ay puro demonyo at walang puso ang lahat ng narito.
Ilang sandali lang ay nagreply na ito sa'kin. "Read my UN," pagbasa ko sa kaniyang reply na may kasama pang wink emoji. Napatingin ako nang bahagya sa itaas at napaisip kung anong ibig niyang sabihin.
"Yaw? Yaw? . . . 'Di ko gets," sambit ko at napakamot sa ulo. Muli akong nag-reply rito kung anong ibig niyang sabihin, at para na rin sabihin na huwag na niya akong bigyan ng 5,000php dahil papatay lang naman ako ng ipis, kahit na magiging challenging ito sa'kin dahil takot na takot talaga ako sa ipis.
Nakarating na lang ako sa'king trabaho at napagalitan na rin ng aking Team Leader sa pagiging late, ngunit wala pa rin siyang reply. Hindi ko rin alam kung bakit ba hinihintay ko pa ang reply niya. Napabuntong hininga na lamang ako.
----
Halos tatlong araw ko rin isinulat ang mapait na buhay ng ipis. Pinaghirapan ko itong mapaganda upang magustuhan ni YAW ang aking kwento, at nagtagumpay ako ro'n dahil kaniya itong pinuri.
Napatawa ko raw siya at pinasaya ang kaniyang araw. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil parang nakabawi na rin ako sa ginawang kabutihan nito sa'kin.
Ayoko man tanggapin ang perang ibinigay niya ngunit automatic itong pumasok sa Watthell Wallet ko na maaari kong i-transfer sa'king credit card upang ma-withdraw ito.
Inalok ko siya na ipapadala ko na lamang sa kaniya ang pera ngunit muli itong tumanggi. Anak mayaman ata 'tong si YAW at parang barya lamang sa kaniya ang 5,000.
"Excuse me, miss!" singhal ng empleyadong lalaki─may dala itong maraming libro─sa babaeng may headphones sa tainga.
Kasalukuyan kasi akong pumipili ng librong bibilhin dito sa isang sikat na book store. Kanina pa gustong makadaan ng empleyadong 'to ngunit hindi siya magkasya. Kailangan pang gumilid ng babae ngunit wala naman itong marinig dahil sa kaniyang headphone.
Akin na sana itong lalapitan upang kalabitin nang bigla itong humarap sa kaniyang kaliwa at nagsimulang maglakad nang hindi man lang tumitingin sa kaniyang lalakaran. Kaya naman bumangga siya sa empleyadong lalaki at nagkahulog ang hawak nitong mga libro, kahit ang bitbit ng babae ay siyang nagkahulog rin.
Dali-dali ko silang tinulungan na magdampot ng mga libro sa sahig. Matapos namin itong maipon ay nagpasalamat ang dalawa sa akin.
Nauna nang umalis ang empleyado. Paalis na rin sana ang babae nang may makita akong cell phone sa sahig, "Wait po, sa'yo po ata ang cell phone na 'to."
Dinampot ko ito at hindi sinasadya na makita ko ang nasa screen ng kaniyang cell phone sapagkat naiwan itong nakabukas.
Parang tumalon ang aking puso dahil sa nakita. Siya ay nasa website ng Watthell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top