Kabanata 15

"Abree!"

Kasabay nang pagsigaw ni Yaw ang pagbuhos ng kung anong malapot na likido sa katawan ko.

Nanggaling ito sa itaas.

Laglag ang panga ko nang makita na punong puno ng kulay berde na pintura ang aking katawan at buhok.

"Naku! Pasensya na, ate." Napatingala ako at nakita ang isang lalaki na nasa bubong at may hawak na paint brush.

"Shit! Pagkamalas-malas nga naman!"

Pinagtinginan ako ng mga tao rito at ang iba ay nagtatawanan pa.

Isa na ang lalaking tumatawid na 'to ngayon at papalapit sa'kin.

Pagkarating niya sa harap ko ay inabot niya ang ice cream na hawak niya.

"Here. Matchy-matchy na kayo," ani Yaw habang pigil na pigil sa pagtawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Loko-lokong 'to, porke't kulay green na ako ngayon at ang ice creem na 'to ay kulay green din.

"Ewan ko sa'yo. Tuwang tuwa ka pa r'yan!"

Lumakad na ako at lumayo sa lugar na 'yon. Masyado na akong pinagpipiyestahan ng mga tao ro'n.

"Pa'no na 'ko makakapasok kung ganito ang itsura ko!" inis kong sambit sa sarili.

Nagulat ako nang makitang nasa likuran ko pa rin pala ang lalaking 'to at masaya pang kumakain ng ice cream niya.

"I have a solution to that problem," aniya.

Pinangliitan ko lang siya ng mata at hinintay na magsalita siyang muli.

"Let's go to my house. It's just five minutes drive from here," nakangisi niyang wika sabay dila sa ice cream.

May pagdila talaga?

Mariin akong napalunok. "A-ano naman ang gagawin ko sa bahay mo?"

"Take a bath, change your clothes, then I'll drop you off here again or kung gusto mo diretso na sa work mo."

Bigla akong napaisip sa sinabi niyang 'yon. Pero paano kung manyakis pala 'to at may binabalak lang?

Nilapit ni Yaw ang bibig niya sa kaliwa kong tainga. "Don't worry, I'm a good boy, Abree."

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang maramdaman ang hininga niya sa'king tainga.

Mukhang wala na rin ata akong ibang choice. Kaysa naman umuwi pa ako sa'min, aabutin ako no'n ng ilang oras dahil sa traffic sa EDSA. Isa pa, hindi ko makakayanan na mag-commute na ganito ang itsura.

Bago ako sumama kay Yaw ay nag-picture muna ako para mai-send sa group chat namin sa trabaho upang magsilbing ebidensya, kung sakali man na ma-late ako.

Napakunot ako ng noo nang mabasa ang mga reply ng mga katrabaho ko sa'kin.

Eh sino 'yong nasa likuran mo, Abree?

Sus. Mukhang nakikipag-date lang ata.

Nag-effort ka pa talaga bes ng ganyan props ha.

Ang gwapo naman niyan Abree, kahit na medyo blurred.

In fairness mukhang effective kay sir ang ganyan reason. Hahahaha!

Huwag niyo raw ibuking si Abree.

Tinitigan kong muli ang picture na sinend ko sa GC namin dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Hala gago! Bakit nandito ka!" Matalim na titig ang ibinaling ko kay Yaw nang makita ito.

Um-extra pala ang loko sa picture. Naka-peace sign pa.

Hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatuon ang mata sa kalsada. Nagkukunwaring busy sa pagmamaneho.

Napairap na lang ako. Nakakainis!

Limang minuto ang lumipas nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang clothing botique.

Napatingin ako kay Yaw at nasilayan ang maganda niyang ngiti. Hinubad niya ang suot niyang jacket at sa pangatlong pagkakataon ay nilagay niya 'tong muli sa balikat ko.

"Sandali. Mamamantsahan ang jacket mo," pigil ko dahil baka malagyan 'to ng pintura. Mahirap pa naman din tanggalin ang pintura sa damit.

"It's okay." Sinuot niya pa rin sa'kin ang jacket niya at nilagay pa ang hood nito sa ulo ko.

"N-nasa'n na ba tayo? Bakit kailangan ko pang isuot 'to?"

"Let's buy a clothes first, because I don't have a dress for you to wear at my house," natatawa niyang sabi saka bumaba ng kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya napilitan na rin akong bumaba sa kotse.

Pagkapasok namin sa loob ay nagtinginan agad ang mga sales lady sa'kin. Mukhang mamahalin naman kasi rito, tapos ganito pa ang itsura ko.

Kahit na natatakpan ang damit ko ng jacket na pinasuot sa'kin ni Yaw ay kita pa rin ang pintura sa pants at mukha ko.

Ang hirap naman kasing tanggalin.

"Hi sir, para kanino po?" pabebeng sabi ng isang sales lady. Lumapit siya kay Yaw habang nagtitingin ito ng damit.

Hindi pinansin ni Yaw ang sales lady at patuloy lang sa paghahanap ng damit. Itinatapat pa nito sa katawan ko ang mga damit at tinitingnan kung bagay.

"Para sa kaniya po ba, sir?"

"Yes, for my girl," nakangiting tugon ni Yaw habang patuloy pa rin sa pagpili ng damit.

Napaawang ang labi ko dahil sa narinig at napako ang tingin dito. Parang nag-init din ang mga pisngi ko.

Tila hindi rin makapaniwala ang sales lady sa sinabi ng lalaking 'to.

Porke ba napakakisig ng nasa harapan niya at ako ay mukhang tanga lang, gano'n?

"Oh, don't mind her color. May lahi kasi silang alien..." saad ni Yaw sa sales lady sabay hagikhik. "But she's still beautiful, right?"

"Hoy!" Sinamaan ko siya ng tingin. Magkasalubong ang mga kilay kong nakatitig lang dito.

Mga pagpuri nito may kasama laging pang-aasar. Nakakabwiset!

"Look. She's even more beautiful when she's angry." Nilahad pa nito ang kamay niya sa may baba ko habang masayang nakangisi.

Tinabig ko ito agad at napairap na lang.

Nang makabili na kami ni Yaw ng damit ay dumiretso na kami sa kanilang bahay.

Halos magtalo pa kami kanina sa may counter dahil pilit niyang sinasabi na siya na ang magbabayad. Ayaw ko naman na magkaro'n pa ng utang sa kaniya.

Pero sa huli, siya pa rin ang nagbayad. Mapilit, e! Hindi na 'ko pumalag pa.

----

"Here is the bathroom," ani Yaw pagkabukas niya sa isang pinto rito sa loob ng kaniyang bahay.

Napakalaki ng bahay niya. May isa pa ngang bahay sa kabila pero sabi niya ay sa pinsan niya raw 'yon. Kay NP siguro.

Nilibot ko ang tingin sa apat na sulok ng kubeta na 'to. Sinuri ang itaas at baka may kung ano ro'n.

"Hey, there's no CCTV here," natatawang sabi ni Yaw.

"Malay ko ba at baka manyakis ka pala."

Napatawa siya nang malakas sabay biglang hinto. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa saka muling humalakhak na naman.

Napakunot ang aking noo at padabog na sinara ang pinto ng banyo. Kahit nakasara na 'to ay naririnig ko pa rin na patuloy na tumatawa si Yaw.

Ang lakas ng sapak ng lalaking 'yon talaga.

Nagsimula na akong maligo. Gustuhin ko man na masubukan gumamit ng bathtub dito dahil never pa akong naka-try nito, ngunit kailangan ko nang bilisan dahil papasok pa ako.

Pagkalabas ko sa CR ay wala si Yaw. Nagpunta ako sa living room niya para hanapin siya ro'n ngunit wala rin.

Tatalikod na sana ako nang bigla akong mag-alangan na tumapak sa sahig nang makita ang isang robot na maliit sa lapag.

Dahil sa pag-iwas ko sa robot na 'to ay nawalan ako ng balanse sa katawan dahilan para matumba ako ngunit . . .

May sumalo na matitipunong bisig sa akin.

Pumulupot ang isa sa aking baywang at ang isa naman ay inalalayan ang likod ko.

Tumambad sa harapan ko ang perpektong mukha ni Yaw. Naramdaman ko agad ang pagkabog ng aking dibdib.

Heto na naman ang namumungay niyang mga mata at ang nakakaakit niyang mapupulang labi.

"Y-Yaw?"

Pakiramdam ko ay muling namula ang mga pisngi ko, kaya ang gulat na ekspresyon ni Yaw ay agad napalitan nang makita ang pamumula nito.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya at para bang kuminang ang kaniyang mga mata.

"I told you before to call me by my true name. It's July," sambit niya na hindi naaalis ang ngiti sa labi.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. Ito ba 'yong sinasabi nilang mga nagliliparan na paru-paru?

Hindi ko alam kung bakit hindi niya pa rin ako binibitawan, bagkus ay lumalapit pa nang dahan-dahan ang mukha niya sa'kin.

Nang magdikit na ang pareho naming matangos na ilong ay napapikit ako nang mariin.

Ang puso ko ay parang gusto nang tumakas dahil sa sobrang kakiligan.

Bakit ba parang may hinihintay ka, Abree? Ano ba, self...

Naramdaman ko na ang unti-unting pagdikit ng aming labi kaya mas lalo pa akong napapikit.

Ngunit laking taka ko nang agad niya rin itong inalis at biglang . . .

Niyakap ako nang mahigpit sabay nagpagulong-gulong kami sa malamig na sahig.

Teka, anong nangyayari?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top