Kabanata 14
"Mauna na kami, Abree ha," paalam sa'kin ng isa kong katrabaho.
"Sige, malapit na rin naman na akong matapos," tugon ko.
Nag-aalisan na ang mga katrabaho ko at tanging ako na lang ang hindi natatapos at hindi nakakapag-send ng report sa team leader namin.
Nababagot na tuloy si Sir Marco kakahintay sa'kin.
"Mag-CR lang ako. Sana naman pagbalik ko ay tapos ka na," aniya.
"Opo, sir."
Binilisan ko na itong tapusin. Nakakahiya naman, isipin na lang ay paimportante akong tao.
Nang matapos ko 'to ay sinend ko na agad kay sir saka pinatay ang computer.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko para ready na akong umuwi 'pag balik ni sir.
Limang minuto ang lumipas.
"Parang ang tagal naman ata ni sir? Dumudumi ba 'yon?" tanong ko sa sarili.
Akmang tatayo na ako para puntahan na si sir si CR nang biglang bumukas muli ang computer na nasa harapan ko.
Nanlaki ang aking mga mata. Pero imbis na mag-isip ng kung ano ay naisipan ko na lang itong patayin. Ayaw kong takutin pa ang sarili ko.
Lalapitan ko na ito nang mapahinto ako . . .
Dahil isa-isa na rin bumubukas ang ibang computer.
Nagtayuan lahat ng balahibo ko at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
"Ano'ng nangyayari?"
Nagpalinga-linga ako, at ngayon ay nagbabago na ang nasa screen ng mga computer. Naggi-glitch na ang mga ito.
Lalo akong nataranta at natakot. Nanlambot ang mga tuhod ko at hindi malaman ang gagawin.
Napalingon ako sa isang computer nang marinig kong may tumunog sa isang 'yon.
Narinig ko ang ungol no'ng matanda.
Ang matandang napatay namin dahil sa Watthell.
Ang mga ungol niya habang papatayin ko na siya.
Ang mga ungol niyang humihingi ng saklolo.
"Ahhhhhh!" sigaw ko nang dumami ang naririnig na ungol.
Lahat na ng computer na nandito ay nilalabas ang ingay na 'yon.
Napatakip ako sa'king tainga ngunit lalong lumalakas lang ang ingay.
"L-la-layuan mo na ako! T-tigilan mo na ako. Please!"
Pakiramdam ko ay nandito lang ang matanda sa paligid ko. Nakamasid sa akin.
Sa sobrang takot ay kumaripas na ako ng takbo at nawala na sa isip si sir. Mabilis kong pinindot ang elevator at bumukas naman ito agad.
Nanginginig ang kamay kong pinindot ang button dito sa elevator. Hindi ako mapakali. Nangangatog ang mga tuhod ko at ang dibdib ko ay para bang sasabog na dahil sa labis na takot.
Tumatagaktak na ang pawis ko nang biglang maramdaman ang kakaibang lamig sa aking likuran.
Napahigit ako ng hininga.
Dahan-dahan kong nilingon ang aking likuran at . . .
Nakita ang matanda.
Ang kaluluwa ng matanda.
Unti-unti siyang lumalapit sa'kin.
Muli akong napasigaw nang malakas at pinindot nang paulit-ulit ang button dito sa elevator.
Bumilis ang aking paghinga na para bang hinihika. Ang kanina rin pang nangingilid kong mga luha ay tuluyan nang bumagsak.
Nasa sixth floor pa lang ako at pakiramdam ko ay malapit na siya sa'kin. Mas lalo ko nang nararamdaman ang lamig sa aking batok.
Please . . . Please, Lord . . . Tulungan niyo po ako.
Hindi ko tinigilan ang pagpindot hanggang sa malalim akong napahigit ng hininga . . .
Nasa likod ko na siya.
Nakadikit na ang malamig niyang katawan sa likod ko ngayon.
Dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha sa'king kaliwang tainga . . .
At malakas na umungol!
"AHHHHHHH!"
"Abree anak, gising! Abree!"
Habol-hininga akong bumangon mula sa pagkakahiga. Punong puno ng pawis at may iilan patak ng luha sa pisngi.
"Anak, nananaginip ka. Ayos ka lang ba? Sandali, ikukuha kita ng tubig."
Tatayo na sana si Mama nang hawakan ko ang kamay niya at yakapin siya nang mahigpit.
"H-huwag mo 'kong iwan, Ma . . . D-dito ka lang po," nanginginig kong sambit.
Niyakap niya ako pabalik at pinakalma. Hanggang ngayon kasi ay napakabilis pa rin ng pintig ng puso ko.
Buti na lang at nandito si Mama, kung hindi ay baka hindi na ako magising sa bangungot na 'yon.
Ilang araw ang lumipas at napapanaginipan ko pa rin ang matandang lalaki. Lagi akong binabangungot dahil siguro sa labis na konsensyang dinadala.
Kaya pagkakauwi ko galing trabaho ay hindi muna ako natutulog. Hinihintay ko na lang na makauwi si Mama bago ako matulog, nang sa gayon ay may nagbabantay sa akin.
Hindi ko alam kung paano na sa mga susunod ko pang matatanggap na task sa Watthell?
Hindi ko na ata talaga kaya pang manatili sa website na ito.
----
"Manong, Estrella lang," saad ko sa driver ng bus na kasalukuyan kong sinasakyan.
Maaga akong umalis ng bahay ngayon para maabutan kong bukas ang mga karinderya rito sa Estrella at makabili ng ulam.
Hindi kasi ako nakapagbaon ng pagkain. Nauumay na rin naman na ako sa mga pagkain sa 7eleven at Mcdonalds.
Sa tuwing naglalakad ako mag-isa ay hindi ko maiwasan na mag-isip nang malalim lalo ngayon na ang dami ko talagang iniisip.
Dahil sa'king iniisip, hindi ko napansin ang isang lalaki na pasalubong sa'kin kaya nagkabanggaan kami.
"Oh sorry, miss," aniya.
"Ayos lang, sorry di─" Hindi ko natapos ang sasabihin nang makita kung sino ang nakabangga ko.
Napakunot ako ng noo. "Yaw?"
"Abree?" saad niya na halatang peke ang ekspresyon ng mukha.
Ang baduy umarte ng isang 'to.
"H'wag mo sabihing may nilagay ka na naman na kung anong tracker sa'kin ha?" sambit ko na magkasalubong pa rin ang mga kilay.
"No!" Inatras niya pa nang bahagya ang kaniyang ulo. "Maybe . . . Destiny?" wika niya na may nakakaloko na ngiti.
Destiny mo mukha mo.
Napailing na lamang ako saka muling nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko na nasa likuran ko lang siya at tila sumusunod ata sa'kin. Hindi ko na lang siya binigyan pansin at mas binilisan ang paglalakad.
"Going to work?" saad niya habang sinasabayan na ako sa paglalakad. Hindi ko siya inimik.
"Can I go with you?"
Diretso pa rin ang aking tingin at kunwaring walang naririnig.
"I just wanna make sure na ligtas kang makakarating sa trabaho mo."
Napalunok ako sa sinabi niyang 'yon. Pakiramdam ko ay namula rin ata ang mga pisngi ko.
Ano ba, Yaw...
Hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa pumasok ako sa isang karinderya upang bumili ng ulam ko para mamaya.
Buti naman at hindi ako sinundan ng lalaki na 'yon dito sa loob, kaya malaya akong nakapili ng gusto ko.
Paglabas ko sa karinderya. Hindi ko alam, pero nagpalinga-linga ako sa paligid at tila may hinahanap.
At nang makita ko ang hinahanap ko ay parang tumalon ang puso ko sa saya.
Nasa kabilang kalsada siya habang hawak-hawak ang dalawang matcha ice cream.
Matamis ang ngiti sa kaniyang labi kaya napangiti rin ako bigla.
Ngunit agad din napalitan ang saya sa kaniyang mukha.
Napalitan ito ng takot at pag-aalala.
"Abree!"
₪₪₪₪₪₪₪
Author's Note: Pasensya na po sa ilang linggong walang update. Susundan ko agad 'to ng Kabanata 16 ngayon din! 😂 Hahaha. Happy 1.3k reads at 800+ votes! 💖 Awiieee~ Salamat po sa patuloy na sumusuporta. Lablab! 😘💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top