CHAPTER 031 - Stepping Out Of Her Shell - EXCERPT




"You deserve pain and suffering. You deserve to be treated like this. Like a whore."

    Hindi, aniya sa isip. Sino kayo para magpasiya na ito ang nababagay sa akin? Na karapatdapat akong saktan? Sino kayo para kontrolin ang buhay ko? Ang manipulahin ako?

    Sa huling mga naisip ay tila siya nakakuha ng lakas. Dinala niya ang mga kamay sa dibdib ni Aris at malakas na itinulak.

    Dahil hindi inasahan ni Aris ang gagawin niya'y napaatras ito at napabitiw. At sa kabila ng dilim ay ramdam niya ang gulat nito sa kaniyang ginawa.

    "Nagkamali ako at nagsisisi akong ginawa ko ang bagay na kahit ako ay hindi ginustong gawin, pero paulit-ulit na akong humingi ng tawad at nangakong tutulong upang mabawi ang mga ninakaw sa inyo. Nagtiwala ako dahil akala ko'y may isang salita kayo pero nilinlang niyo rin ako tulad ng ginawa ni Dexter."

    "Don't compare me to that assho—"

    "Nagtiwala akong iba kayo— may prinsipyo, may simpatya, may magandang asal. Nagtiwala akong matutulungan ninyo akong makawala mula sa manipulasyon at pananakit ni Dexter— pero pareho ka rin pala niya. Pareho ka niyang naniniwala na nararapat akong saktan. Na nababagay sa aking magdusa. Pareho lang kayo."

    Sa dalawang hakbang ay lumapit si Aris at hinablot muli ang kaliwang kamay niya, subalit may kung anong espirito ang pumasok sa katawan niya dahil sa unang pagkakataon... ay nakahanap siya ng lakas ng loob na manlaban.

    Umangat ang kaniyang kamay, at bago pa nahulaan ni Aris ang sunod niyang gagawin ay dumapo na ang palad niya sa pisngi nito.

    Doon ito natigilan.

    At sinamantala niya ang pagkatigalgal nito upang patuloy na ilabas ang lahat ng hinanakit niya— sa mundo.

    "Sa maraming pagkakataon ay hiniling ko na sana ay hindi na lang ako ipinanganak dahil hindi ko gusto ang buhay na mayroon ako. Sa maraming pagkakataon ay kinuwestyon ko ang langit kung bakit ganitong buhay ang ibinigay sa akin— kung bakit kailangang makasama ko sa buhay na ito sa Dexter— kung bakit kailangan kong magising kinabukasan at magdusa nang paulit-ulit? Hindi rin ilang beses kong hiniling sa langit na sana ay may dumating upang tulungan akong makawala sa hawlang pinagsidlan sa akin ni Dexter, at nang makilala kita ay akala ko, nadinig na ang panalanging iyon. Pero pareho lang pala kayo. Magkaiba lang ng balat at itsura, pero pareho lang kayo. Pare-pareho lang kayong lahat."





**


FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP

Pop me a message should you be interested to join in

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top