CHAPTER 029 - Back To The Garden - EXCERPT
"Don't just stand there. Follow me."
Payukong sumunod si Lawrah hanggang sa maramdaman nito ang paghakbang ni Aris pababa sa hagdan.
Tahimik nilang binaybay ang tunnel hanggang sa marating nila ang kabilang dulo. Dalawang metro ang pagitan ng dalawa at si Aris ay nagtatagis ang dibdib na nanguna. Nang makaakyat sila sa kabilang panig at marating ang pinto ay sandaling huminto si Aris at muling nagsalita,
"Not only did you take my box away, but you also ruined my dream."
Pilit na itinaas ni Lawrah ang tingin, at nang makita nito kung saan nakaharap si Aris sa mga sandaling iyon ay lalong bumagsak ang mga balikat ng dalaga.
Sa harap ni Aris ay ang nakatumba pa ring flowerbed kung saan ang mga lupang nakasilid doon ay nakalatag pa rin sa lupa pati na rin ang mga halamang nalanta na.
"It's funny that this is the only plant you ruined on your way out," patuloy ni Aris, ang tingin ay nasa halaman. "May sapat na distansya ang pinto at flower bed. Kung ang box lang ang bitbit ninyo, hindi masasagi ang flower bed at hindi basta-basta matutumba. And the funny thing is that... I told you about my dream for the future the day before the incident." Doon nilingon ni Aris si Lawrah– ang anyo'y blangko. "Sinabi mo rin ba sa Dexter na iyon ang tungkol sa bagay na ito? At para lalo akong insultuhin at galitin ay sinira rin ninyo ang bagay na alam mong mahalaga rin sa akin."
Sunud-sunod na umiling si Lawrah. Bagaman walang emosyon ang anyo ni Aris ay punong-puno naman ng hinanakit ang tinig nito.
"Sir Aris—"
"I hope I can turn back time and change everything. Because if I could, I would have hired a different person and prevented this thing from happening."
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top