CHAPTER 027 - Aris' Everything - EXCERPT
"You're really not going to give her the benefit of the doubt?"
"I don't know, Acky. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa ginawa niya–nila ng Dexter na iyon."
"Ang sabi mo nga, nahuli mo minsan na sinaktan si Lawrah ng Dexter na iyon. At isang beses ay umuwi siyang may sugat sa labi. She was obviously being controlled, Aris, at ayaw mong paniwalaan iyon dahil sa galit na nararamdaman mo ngayon. Lawrah must have been so scared and was left with no choice but to participate."
Napa-buga si Aris ng hangin sa inis. "Don't assume, Gene. At h'wag mo siyang kampihan."
"Hindi ko siya kinakampihan. I was just being rational–"
"Rational? That woman fooled me, plain and simple. Kung talagang takot siya sa lalaking iyon ay dapat na humingi siya ng tulong sa akin para makawala sa manipulasyon. I offered to help— many times, I did. I was willing to help her and even thought of sending her to therapy pero pinili niyang manahimik at ituloy ang plano. Ibig sabihin ay wala siyang interes na tumakas mula sa kontrol ng lalaking iyon. At dahil gusto niyang iligtas ang sarili niya mula sa reklamong isasampa ko sa kanila ay mabilis siyang pumayag na makipag-koopera. She didn't want to be locked up because she wasn't remorseful at all! Ayaw niyang pagbayaran ang kasalanang ginawa niya hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa mga dati nilang naging biktima. Ang kapal ng mukha niya, hindi ba?" Aris gritted his teeth in anger. "But I lied to her. Hinding hindi ko palalampasin ito at sisiguraduhin kong magkasama silang makukulong ng walang'ya niyang kapatid."
Gene narrowed his eyes to further study Aris' reaction."Bakit parang mas galit ka kay Lawrah kaysa roon sa lalaking tumangay sa mga gamit mo?"
"Well, that's because I trusted her and I didn't expect her to be someone who was capable of doing such a thing!" Galit na inubos ni Aris ang laman ng latang hawak. Nang maubos ay nilukumos nito iyon na tila papel saka ini-itsa sa trash bin hindi kalayuan dito. "Hindi tulad ng Dexter na 'yon na isang tingin pa lang ay alam nang hindi gagawa nang maganda. At kaya ako higit na nagagalit kay Lawrah ay dahil napaniwala niya akong mabuti siyang tao. F*ck— naawa ako sa kaniya, nag-alala sa kalagayan niya. Para akong tanga na nag-alok ng tulong."
**
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP
Pop me a message should you be interested to join in
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top