CHAPTER 016 - The Dangerous Choice


"THANK FUCKING GOD, I FINALLY GOT YOU!" Ang lakas ng tinig ni Aris ay dumagundong sa tahimik na fire escape ng ospital. "I have been trying to call you since this morning. Bakit ba walang signal d'yan sa lugar mo ngayon?"

"Whoa, whoa, whoa. What is this all about?" Si Capri sa kabilang linya. The line was choppy and the background was rowdy. Naririnig niya ang malakas na ingay ng makinang nagpuputol ng kahoy, mga nagpupukpok, naglalagari, sigawan ng mga lalaking trabahador... at tunog ng mga sasakyan sa hindi kalayuan.

"You busy?"

Sandaling natahimik si Capri sa kabilang linya bago sumagot, "Is it true that you can't hum while pinching your nose?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Aris— sandaling natigilan sa balik-tanong ng kapatid. "What?"

"The answer is yes. I'm busy. And it's true that you can't hum while pinching your nose."

Napayuko si Aris sabay hagod ng noo. "Why is it always so hard to conversate with you, Caprionne?"

Capri chuckled on the other line. "I only do that to you, and that's because you're my favorite big bro. So, did you try it to confirm?"

"Confirm what?!"

"That you can't hum while pinching your nose."

"Stop giving me this stupid fun fact, Caprionne. Hindi ako tumawag para sa ganiyan."

"Pfft. You're such a killjoy. So, what 'you need?"

"Your help."

"Is that a Math problem?"

"I'm fucking serious, Capri."

Muling natawa si Caprionne. "Fine. I only have five minutes so start talking."

Huminga muna nang malalim si Aris upang alisin ang inis na bumangon sa dibdib. Nainis ito sa kaalamang may limang minuto lang pala si Capri para sagutin ang tawag pero nagawa pang mag-aksaya ng oras para sa walang kwentang fun fact nito.

Nang huminahon na ang pakiramdam ay saka nagsalita si Aris, "Kailangan ko ang tulong mo na mabigyan ng trabaho ang... bagong trabahador ko sa garden."

"Kung trabahador mo na siya, bakit pa siya magta-trabaho sa akin?"

"Because I'm going to fire her."

"What the heck did you just say?"

"I said I'm going to fire–"

"Did you just say her? It's a she?"

"Yeah..."

"God damn it, Aris. Ano'ng butas na naman 'tong pinasok mo?"

"Yo. Don't talk to me as if you were older. And don't use the tone we only use for Sacred and Sage!"

"But what is this? Bakit mo sa akin ipinapasa ang... babaeng trabahador mo?"

"Because I don't want her in my garden—"

"Just let her go so she could find a new job. Bakit kailangan ko siyang saluhin?"

Napabuntonghininga si Aris, at sa banayad na tinig ay sinabi ang sitwasyon ni Lawrah sa kamay ng nakatatanda nitong kapatid.

Si Capri, matapos marinig ang sitwasyon, ay nagpakawala rin ng buntong hininga. "I'm sorry about her situation, but I don't think I can help her, Aris. Maliban na lang kung marunong siyang mag-masa ng semento, maglagari ng kahoy, o magpintura ng buong bahay, I don't think I can give her a job in my firm. Kahit ang HR at admin staff ko ay puro mga lalaki na marunong mangarpintero. The only female in my property is Melay— who you already know is a master of everything. Kulang pa nga ang ilan sa mga gawaing-bahay sa kaniya, eh."

Sinapo ni Aris ang noo. "Come on, Capri. I'm sure there's something you can give to her. Think."

"Bro, gusto ko siyang tulungan pero wala talaga. But..."

"But?"

"Itatanong ko sa mga kliyente ko–"

"That's another thing. May kakaiba sa personalidad ng bagong staff ko na ito at nag-aalala akong magiging problema iyon sa ibang employers. Sa 'yo ko siya ipinapasa dahil may tiwala akong... hindi mo siya huhusgahan."

"Oh, my brother. What did you get yourself into?"

Nang mahimigan ang panunukso sa tinig ni Capri ay muling bumangon ang inis sa dibdib ni Aris. "No, Capri. Nothing's going on. Nag-aalala lang ako sa kalagayan niya. Isipin mo na lang sina Melay o Nelly o Sunshine, o Susie, o si Aling Patty na malagay sa sitwasyon nila. Hindi mo ba sila tutulungan? Hindi ka ba mag-aalala?"

"Syempre tutulungan ko at mag-aalala ako. They have been serving our family since forever. Pero sila iyon, Aris. Halos pamilya na rin natin sila. But this new staff you were talking about, I don't think so. Masyado kang invested sa kaniya."

"Capri, just help me without asking questions, all right?"

Capri groaned in annoyance. Hindi kaagad nakasagot.

At habang naghihintay si Aris ng sagot mula sa kapatid ay bumukas ang pinto ng fire escape at mula roon ay sumilip ang nurse na naka-assign sa unit ni Lawrah.

"Mr. Zodiac?"

Sandaling tinakpan ni Aris ang mouthpiece ng cellphone bago ito binalingan. "Yes?"

"Gising na po si Mrs. Zodiac. Pwede niyo na po siyang puntahan."

Hindi alam ni Aris kung maiinis o matatawa sa sinabi ng nurse. "She's not my wife."

Banayad na napasinghap ang nurse bago nahihiyang ngumiti. "N-Naku po, Sir, pasensya na. Akala po namin ay mag-asawa kayo..."

"No, we're not. And it's alright. Susunod na ako, tatapusin ko lang ang tawag na 'to."

Nahihiyang tumango ang nurse saka muling inisara ang pinto.

Doon muling dinali ni Aris ang cellphone sa tainga.

"Hey, let's talk more about this tomorrow night."

"I don't have a stable signal or internet connection in this area, so I can't promise. Call me next week, same day. Babalik ako rito sa area na ito kung saan may malakas na signal. Nasa kabilang site ako at sa ganitong araw lang ako pumupunta rito."

"Okay, but please think it through."

"Fine. But you need to tell me more about this she."

"Sure. H'wag mong ipagsabi 'to sa iba nating mga kapatid, Caprionne. Naiintindihan mo ba?"

Si Capri ay bahagyang natawa sa kabilang linya. "Ooh, I like secrets."

"And secrets are meant to be kept, is that clear?"

"If you say so, Ariston Ghold." Tatawa-tawa si Capri bago nito tinapos ang tawag.


*

*

*

"HOW ARE YOU FEELING?" tanong ni Aris nang bumalik ito sa hospital unit ni Lawrah matapos makipag-usap kay Capri sa fire exit ng floor na iyon.

Si Lawrah na nakasandal sa bakal na headboard ng hospital bed ay yumukod. "O-Okay naman p–"

"For once in your life, Lawrah, can you just tell the truth? Your lies will never work on me— at least not anymore. Namimilipit ka na sa sakit pero 'okay' pa rin ang sinasabi mo. Just fucking say if it hurts!"

Ang dalawang pasyenteng kasama nila sa loob ng semi-private unit ay nabigla sa pagtaas ng tinig niya, at doon lang din niya naalala na hindi pala pribado ang silid na iyon.

Lihim siyang napaungol.

Sinapo niya ang ulo saka hinila ang stool na nasa gilid ng hospital bed at doon naupo. Inisandal niya ang likod sa sandalan niyon at sunud-sunod na humugot nang malalim na paghinga bago niya muling binalingan ang dalawang pasyenteng naka-mata pa rin sa kanila.

Ningitian niya ang mga ito.

"Pasensya na po kung nagulat ko kayo. Sa labis kong pag-aalala rito sa kasama ko ay tumaas ang boses ko. I'm truly sorry."

Ang may-edad nang pasyenteng babae ay ngumiti lang at hindi nagsalita. Ang isa namang teenager na pasyente ay napatulala sa kaniya.

He widened his smile at the teenager until her face flushed and she looked away.

Nang mawala na ang tingin ng mga ito sa kaniya ay muli niyang binalingan si Lawrah na hindi pa rin nagtataas ng tingin.

"Look, I'm sorry I yelled. Pero nainis ako dahil hindi ka kaagad nagsabi na masama ang pakiramdam mo. Sa tingin mo ba'y magagamot ng pain reliever na binili mo noong isang araw iyang nararamdaman mo? Pain relievers only provide temporary relief."

Hindi ito sumagot.

Muli niyang hinabaan ang pasensya. "How long have you been suffering from the pain? Tell me the truth, Lawrah."

"P-Pasulpot-sulpot po ang sakit, Sir. Noong... nakaraang buwan ko pa siya unang naramdaman, at sa tuwing sinusumpong ay pain reliever lang ang iniinom ko. Ngayon po ay malala na."

"And did you know what it is?"

Umiling ito.

"It's nothing serious, but it needs urgent medication."

Nag-angat ito ng tingin. "Ano po ang... resulta ng test?"

"As per the test result, you're positive for urinary tract infection, and according to your doctor, if this infection goes untreated, it may progress into a more serious condition that may affect your kidney. Mabuti na lang at hindi pa umabot doon at kaagad na napansin ni Susie ang pagtitiis mo. I'm glad she took notice and let me know. Kung hindi ay..." Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. "Kung hindi ay itatago mo lang nang itatago hanggang sa lumala."

Doon muling nagbaba ng tingin si Lawrah.

"S-Salamat, Sir Aris. Sa... pag-aalala at pagtulong."

Sandali siyang natahimik at sinuyod ng tingin ang namumutla nitong mukha. At nang bumaba ang kaniyang mga mata sa labi nito ay lihim siyang napamura.

Tama si Susie. Ang sugat sa ilalim ng labi ni Lawrah ay mula sa sampal o malakas na pagkakatama sa matigas na bagay.

At hindi siya papayag na hindi malaman ang totoong nangyari roon.

"Nakipagkita ka ba sa kuya mo kahapon?"

Sa tanong niya'y bigla itong napaangat ng tingin; tila nagulat at nalito kung bakit at paano niya nalaman.

"I saw the money transfer receipt."

"Oh."

"Kung makikipagkita ka rin sa kaniya, bakit mo pa pinadala ang pera?"

Doon muling nagbaba ng tingin si Lawrah, pero bago pa man ito makasagot sa kaniya ay muli na siyang nagsalita,

"And please don't lie. Just tell me the truth. Walang tulong na darating sa 'yo kung maglilihim ka."

Matagal na nanahimik si Lawrah bago ito nagpakawala nang malalim na buntong hininga. Sa hula niya ay nag-ipon muna ito ng lakas ng loob bago magsabi ng nararamdaman.

"Una ko pong... pinadala ang pera dahil wala po akong interes na makipagkita sana sa kaniya. Kaya lang ay... sinabi niyang masama ang pakiramdam niya kaya napilitan akong puntahan siya."

"But it was just a lie, wasn't it?"

Tumango ito. "Nagtalo kami at... naitulak niya ako. Hindi sinasadyang bumangga ako sa pinto, kaya..."

"Iyan ba talaga ang totoo?"

"O-Opo, Sir Aris..."

Hinagod niya ang noo. Sandaling natahimik at pinag-isipan ang sunod na sasabihin bago muling nag-angat ng tingin. "Your brother should be locked up for assault, Lawrah."

Sa sinabi niya ay biglang may dumaang pag-aalala sa anyo ng dalaga. Sunud-sunod itong umiling sa pagkamangha at inis niya. "S-Si Dexter na lang ang natitira kong pamilya, Sir Aris."

"But he is not treating you like one."

"Ipagpalagay po natin na... makukulong siya. Gaano katagal? Hindi na ba siya makakalabas sa kulungan?" Muli itong umiling. "Lalo lang siyang magagalit sa akin, Sir Aris. At kilala ko si Dexter. Hindi siya titigil hanggang... hindi siya nakakabawi sa taong lumamang sa kaniya. Ayaw kong magkaroon ng problema balang-araw. At ayaw kong madamay kayo, kaya–"

"Kung hindi niya malalaman kung nasaan ka ay hindi ka magkakaproblema, Lawrah."

"Hindi ninyo kilala si Dexter. Kahit sa impyerno ako magtago ay mahahanap niya ako."

"Believe me, he wouldn't find you. And if he did, my brother won't let him touch you."

Nalilitong napatitig si Lawrah sa kaniya. "P-Po?"

Siya naman ngayon ang nag-baba ng tingin. Hindi niya kayang salubungunin ang mga mata ni Lawrah sa susunod na sasabihin niya. "I need to... move you out, Lawrah. You can't stay in Ghold's Garden."

Hindi nakapagsalita si Lawrah. At nang wala siyang narinig na tugon mula rito at doon niya ito muling sinulyapan. At doon niya nakita ang gulat at panic sa mga mata nito.

"Don't worry, may trabaho kang malilipatan, sisiguraduhin ko 'yan. My brother will call me back after a week to confirm. And you can trust him— he is not a bad person. Kung may tao akong pagkakatiwalaan nang higit, iyon ay ang bunso naming kapatid. He lives five hours from here, south. At mabait siya. He will never take advantage..."

Shit. Why did I add that?

The last sentence was irrelevant. Lawrah didn't need to know that!

"P-Pero... bakit ko kailangang lumipat, Sir Aris?"

Matagal siyang napatitig sa magandang mukha nito.

Because you can't be near me.

For my own sake.

"To ensure your brother won't find you."

Nagbaba ito ng tingin... ang mga mata'y nag-ulap.

"You don't want your brother to find you, do you?"

"P-Papaano po kayo kapag nalaman niyang pinaalis ninyo ako? Ano po ang... sasabihin ninyo sa kaniya?"

"Don't worry about me. Wala siyang gagawing masama sa akin. Ang alalahanin mo ay ikaw. Pero, kailangan mong maghintay. My brother and I will finalize the plan next week. For now, magpagaling ka muna. Ang sabi ng doktor ay isang gabi ka lang mananatili rito at pwede nang umuwi bukas ng umaga. You will be taking some medications and you need to return for a follow-up check up in seven days. Hindi mo kailangang magtrabaho sa loob ng isang linggo— kaninang umaga ay nai-schedule ko na ang dating ng mga kilyente kaya wala kang kailangang ipag-alala."

"P-Pero, Sir Aris..."

"Kung inaalala mo ang sahod mo, don't worry about it. I'll consider this a sick leave. Maayos mong ginampanan ang trabaho mo sa loob ng dalawang linggo at sa parteng iyon ay wala akong maipintas sa iyo. I'm happy to give you leave with pay."

Inasahan niyang makakita ng galak mula rito, pero pag-aalala ang lumabas na ekspresyon sa mukha ni Lawrah.

Well, at least hindi na blangko.

But still, he wondered.

"H'wag ka nang mag-alala. Everything will be alright." Tumayo na siya at inisuksok ang mga kamay sa bulsa. "Si Susie ang makakasama mo buong gabi rito. She's on her way now with some healthy meals. Aalis ako pagdating niya. Get some rest, doon lang ako sa labas."

Ang akma niyang pagtalikod ay nahinto nang maramdaman ang paghuli ni Lawrah sa kamay niya.

Natigilan siya. Tila may kung anong gumapang na kilabot sa buong katawan niya sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan— pamilyar na kilabot na naramdaman niya kaninang umaga nang buhatin niya ito.

Something... he wasn't sure if he felt before.

Napatingin siya sa kamay ni Lawrah na nakahawak sa braso niya, at ang kilabot na naramdaman ay lalong tumindi.

"Maraming salamat ulit, Sir Aris. Pero... may hiling lang po sana ako."

Mariin siyang napalunok bago inilipat ang tingin sa mukha ni Lawrah.

"Y-Yeah, anything..." Shit. Why did he stutter?

"Doon na lang po ako sa Ghold's Garden. Kung kinakailangan ko pong magtago kay Dexter at hindi ipaalam na naroon pa rin ako sa inyo ay gagawin ko. Basta... h'wag n'yo lang po akong ilipat."

Unti-unti siyang humugot nang malalim na paghinga. "It's... going to be dangerous, Lawrah."

"Pero... hindi n'yo naman po papayagang makita at saktan ako ni Dexter, hindi po ba?"

Hindi siya nakasagot.

Dahil alam niyang hindi niya pwedeng sabihin ang nasa kaniyang isipan.

He just stared at Lawrah's face for a long time, fighting the urge to do something that he knew he'd regret if he allowed himself to.

Napalunok siyang muli. Mariin. Ramdam niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan.

Pero hindi si Dexter ang tinutukoy ko sa huling sinabi ko... he wanted to say.

It's going to be dangerous for you if you stay around me.

Not because I'm a dangerous man, but because you're a fuckable woman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top