CHAPTER 015 - Looking For Alternatives


LINGGO NG UMAGA nang makabalik si Aris sa Ghold's Garden. Alas sinco ng madaling araw ay naiparada na nito ang dalang sasakyan sa garahe.

Pagpasok niya sa bahay ay kaagad siyang dumiretso sa kaniyang silid, subalit bago pa man niya tuluyang mabuksan ang pinto ay sandali siyang napahinto at inilibot ang tingin sa buong bahay.

He couldn't explain it, but he felt something strange. Tipong parang... may nag-iba. May kakaiba.

Wala namang nagalaw na mga furniture, wala ring nabago sa paligid, pero... pero may iba siyang nararamdaman.

Salubong ang mga kilay na itinuloy niya ang pagpasok sa silid. Bago tuluyang pumasok ay muli niyang inilibot ang tingin doon. Wala ring pagbabago. Walang nagalaw.

Sinapo niya ang ulo. Masyado siyang nag-o-overthink.

Sandali niyang inalis sa isip ang kakaibang nararamdaman saka dumiretso sa banyo upang maligo.

Makalipas ang kalahating oras ay lumabas siya sa bahay niya, at bago lumipat sa kabila ay tiningala niya ang CCTV na naka-install sa posteng nasa harapan ng glass house. Nang masigurong gumagana pa rin iyon ay itinuloy niya ang paghakbang.

Pagpasok niya sa kabila ay kaagad siyang nahinto nang matanaw si Susie sa kusina. Nagtaka siya. Hindi iyon ang regular na gising ni Susie.

Nagtatakang itinuloy niya ang paghakbang saka nilapitan ito.

"Hey, Sus."

Kaagad itong napalingon mula sa pagbabalat ng carrots sa lababo. Wala pa itong hilamos at nakausot pa ng pajama.

"Morning, Sir. Ano'ng oras ka umuwi?"

"Half an hour ago." Bumaba ang tingin niya sa ginagawa nito. "This is odd. Bakit ka nagluluto ng almusal at bakit ganito kaaga ay gising ka na at naghahanda r'yan?"

"Ay naku, mataas ang lagnat ni Lawrah. Buong gabing hindi nakatulog. Sa pag-aalala ko'y naglatag ako ng banig doon sa silid niya para bantayan siya. Nilalamig buong gabi kahit nakapatay na ang electric fan at balot na balot ang katawan ng jacket at kumot. Tatlong dobleng kumot na nga ang ipinatong ko sa kaniya pero ayaw pa ring tumigil sa panginginig, eh. Kaya heto, maaga akong nagising para ipagluto siya ng sabaw. Baka sakaling mainitan ang pakiramdam niya."

Kaagad siyang sinalakay ng pag-aalala. Nilingon niya ang pinto ng silid ni Lawrah bago siya tumugon sa sinabi ni Susie, "May pinainom ka na bang gamot sa kaniya?"

"Mayroon, pero paracetamol lang. Nag-message nga rin ako kay Ma'am Calley para magtanong, pero baka tulog pa kaya hindi nakapag-reply. Ayaw din kasing magpadala sa ospital ni Lawrah."

"Can I go see her?" Damn it, what?!

Shit. What was he thinking?

Plano niyang kausapin si Lawrah sa araw na iyon upang sabihin ditong iyon na ang huling araw nito sa trabaho. Pero nasaan ang puso niya para gawin iyon kung ganitong masama ang pakiramdam nito?

"Pwede mong silipin pero h'wag mong gisingin muna, ha? Halos hindi rin nakatulog 'yon buong gabi sa sobrang sama ng pakiramdam. Ngayong umaga lang siya tuluyang naidlip."

Hindi na siya nagsalita pa. At bago pa niya napigilan ang sarili ay kaagad na siyang humakbang papunta sa silid ni Lawrah at sandaling humugot nang malalim na paghinga bago dahan-dahang pinihit pabukas ang seradura. Maingat niyang ini-awang ang pinto, at binuksan iyon nang sapat lang upang silipin ang dalaga.

Unang kumuha ng kaniyang pansin ang nakalatag pang banig ni Susie sa sahig. Ang kumot at unan ay hindi pa naligpit— which was so unlikely. Hindi iniiwan ni Susie ang higaan nang hindi naka-ligpit.

Sunod na dumapo ang kaniyang mga mata sa kama kung saan naroon si Lawrah. Nakapatay ang ilaw sa loob ng silid, subalit sapat na ang liwanag mula sa nakabukas na mga ilaw sa hallway para makita niya ang sitwasyon ng dalaga.

Tulad ng deskripsyon ni Susie, nakabalot ito ng makapal na kumot at nakatagilid ang posisyon. Tanging ulo lang nito ang makikita dahil naka-angat hanggang sa leeg nito ang magkapatong na mga kumot. Malalalim at sunud-sunod ang paghinga nito— tila hirap na hirap. Nakatalikod ito sa pinto kaya hindi niya alam kung gising o tulog ito.

Nonetheless, he could tell she was suffering.

Dahan-dahan niyang inisara ang pinto at binalikan si Susie sa kusina. Inabutan niya itong inisasalang na ang pot sa stove.

"Bakit siya biglang nagkasakit? She was perfectly fine the other day."

"Ang totoo'y noong Biyernes ko pa napapansin na parang may kakaiba sa kaniya. Panay ang himas niya sa ibaba ng puson pati sa tagiliran. Tapos ang tagal niya sa banyo."

"Magkausap pa tayo noong Biyernes ng gabi pero wala kang binanggit tungkol dito."

"Eh paano, may iba tayong pinag-usapan. At saka hindi ko naman naisip na mauuwi sa ganito, akala ko ay daratnan lang siya kaya masakit ang puson. At kahit tanungin mo naman 'yon ay hindi naman siya nasagot at nagsasabi ng nararamdaman, hindi ba? Kung hindi ko nga lang siya nakita kahapon pag-uwi niya na namumutla ay baka hindi ko pa malalaman na mataas ang lagnat niya."

"Umalis siya kahapon?"

Tumango si Susie, nag-umpisa nang i-gisa ang hiniwang manok. "Nauna akong umalis kahapon para pasyalan si Mando sa palengke. Napaaga ang uwi ko dahil bigla akong nakatanggap ng mensahe mula sa delivery service ng parcel na in-order ko. Ibinili ko ng bagong bag 'yong bunso ni Mando dahil malapit na ang kaarawan. Nang makauwi ako'y saka naman nagpaalam si Lawrah na aalis. Tanghalian na rin iyon, at nang bumalik ay mag-a-alas sinco na ng hapon. At ito pa, ha." Lumapit si Susie bitbit ang sandok saka pumwesto sa kabilang bahagi ng mesa paharap sa kaniya. "Pag-uwi niya ay putok ang labi."

"What?"

"Alam mo 'yong para siyang tinampal kaya nasugat ang labi niya? Ganoon. Ayaw namang magsabi kung ano ang nangyari kaya hinayaan ko na."

"Shit." Hinila niya ang upuan saka naupo. "She probably met with her brother."

"'Yon din ang hinala ko. Naku, Sir. Pinag-aalala ako ng batang 'yan. H'wag mo nang hayaang umuwi pa 'yan sa kuya niya, baka mapaano siya."

Double shit.

Tama si Susie— hindi kakayanin ng konsensya niyang paalisin si Lawrah at pabalikin sa mapanakit nitong kapatid.

Pero... paano siya?

Paano ang mentalidad niya?

He would end up losing his mind if Lawrah stayed around him. Baka mangyari ang sinabi ni Leonne na tuluyan na siyang mahulog sa banging malalim.

Damn it. Kaya ba niyang pigilan ang sarili?

Ipinatong niya ang mga siko sa mesa saka sinapo ang ulo.

Ahhh, shit. This never happened to him before. He was never bothered by any women before— never so scared of his own emotions, never so worried about what might happen.

Keeping Lawrah would be a dangerous decision, but what else could he do?

No, wait. Pwede ko siyang bigyan ng ibang trabaho— iyong hindi rin niya kakailanganing umuwi sa kuya niya at mapo-protektahan siya.

Lee could give Lawrah a job in his factory or in his boutique.

Nang maisip ang sinabi ni Leonne tungkol ay Lee ay kaagad din niyang binawi ang ideya sa isip.

Shit. Lee would definitely find Lawrah attractive and he would surely take a move on her. I can't let that happen.

How about Quaro? Tumatanggap na ngayon ng staff si Quaro para sa coffee and bread shop nito. And Quaro was safe because he was already married and was so in love with his wife he wouldn't dare looking at another woman.

Yes, Quaro's the choice.

Kakausapin niya si Quaro mamaya.

But wait...

Quaro would ask questions. Hindi ito papayag hanggang hindi siya nagsasabi nang totoo. Ano ang idadahilan niya rito? Si Quaro ang pinaka-prangka at pinaka-praning sa kanilang magkakapatid, at kapag nalaman nito ang totoong dahilan kung bakit niya ililipat si Lawrah sa ilalim nito ay bubuskahin siya ng nakatatandang kapatid. At sa tuwing magkikita sila'y tutuyain siya nito.

Damn. Quaro's out.

How about Leonne?

Ahh, damn it. Hindi rin niya pwede si Lawrah sa farm ni Leonne. There was no job for a gorgeous woman like her on the farm.

Hindi rin pwede kay Phill dahil puro lalaki lang ang kinukuha nitong trabahador.

Cerlance and Gene had no need of employees. They were both working solo.

Hindi rin tumatanggap ng bagong staff si Taurence dahil hawak lagi ng manager nitong si Margo ang pagha-hire ng tao. Kapag nakita ni Margo si Lawrah ay hindi ito papayag na makalapit ito kay Tau-Tau. Margo was and would always be a bitch. A jealous bitch. May babae lang na tapunan ng tingin si Tau-Tau ay nagluluwagan na kaagad ang turnilyo ni Margo sa ulo. He would never allow Margo to bully Lawrah.

Viren, Sage, and Sacred were all enigmas. Maliban sa hindi niya mapagkakatiwalaan ang dalawang bunso, at wala naman sa bansa si Viren, ay alam niyang walang tatagal na babae sa mga ito. Empleyado man o hindi.

That leaves Capri on the list.

Oh, yes. Capri was the best choice.

He owned a small construction and home development firm in the south. He had a small office and he could give Lawrah some paperwork tasks.

Yes. Capri could help him.

Tumayo siya at madaling humakbang patungo sa kaniyang opisina. Pero bago siya tuluyang maglaho papunta sa hallway ay narinig niya ang pagtawag ni Susie. "Saan ka na pupunta, Sir? Ano na ang gagawin natin kay Lawrah?"

"I'll come back to you, I just need to call Capri."

"Si Sir Capri? Bakit?"

"I'll let you know later."

"Eh, Sir, anong kailangan ninyo kay Sir Capri eh nasa Mindanao siya ngayon?"

Napalingon siya kay Susie. "Mindanao?"

He didn't know that! He was just in Asteria yesterday, walang nabanggit ang ina nila tungkol doon.

"'Di ba nga ay nasa poder ni Sir Capri si Melay ngayon? Narinig ko mula sa kaniya na pumunta raw ng Mindanao si Sir Capri para sa isang project. Dalawang buwan yata siya roon at walang phone signal parati sabi ni Melay. Hindi ba nasabi ni Maam Felicia nang dumalaw ka sa Asteria kahapon?"

Damn it. His mother must have told him, pero wala sa tama ang isip niya kahapon kaya baka hindi niya napagtuunan ng pansin.

"Gaano raw katagal na mawawala si Capri?"

"Ang sabi ni Melay ay dalawang buwan po."

"Shit. I can't wait that long."

"Bakit, anong problema?"

Huminga siya nang malalim. "Kapag nagising si Lawrah at nakakain na ay sabihin mong dadalhin ko siya sa doktor. Hindi pwedeng hindi siya magpatingin dahil kung may lagnat siya, ibig sabihin ay may impeksyon sa loob ng katawan niya."

Hindi na niya hinintay na sumagot si Susie. Itinuloy na niya ang paghakbang hanggang sa marating niya ang waiting area. Pumasok siya sa reception desk at diniinan ang "secret" door na nasa likod niyon. Bumukas ang pinto at akma na sana siyang papasok sa kaniyang maliit na opisina nang may mapansin siyang mga papel sa sahig ng counter.

Wala sa loob na yumuko siya saka dinampot ang mga iyon. Isa-isa niyang sinipat ang tatlong papel. Una ay resibo mula sa isang local pharmacy. Ang gamot na nakalista sa resibo ay isang brand ng painkiller. Ang ikalawang papel ay may nakalistang ilang impormasyon tungkol kay... Dexter Isbell— ang kuya ni Lawrah. At napagtanto niyang sulat-kamay ni Lawrah ang naroon kaya itinuloy niya ang pagsuri. Maliban sa pangalan ng lalaki ay nakalista rin sa papel ang address nito at cell phone number. Inilipat niya ang tingin sa huling papel na hawak, at nang makita niya kung ano iyon ay sinalakay siya ng inis at awa.

It was a money transfer receipt. At base sa impormasyong nakasulat doon sa papel, mukhang nagpadala ng pera si Lawrah kahapon ng hapon sa mapanakit nitong kapatid. At base sa halagang naroon sa resibo, mukhang ipinadala ni Lawrah ang lahat ng sahod nito sa loob ng dalawang linggong trabaho sa garden.

Shit. Why is she letting that guy manipulate her?

Ayaw niyang mangialam. Pero imposibleng hindi niya gawin iyon dahil alam niyang hindi na tama.

Damn it. Kailangan niyang ayusin ang sarili at tiisin ang dalawang buwan hanggang sa makabalik si Capri. Sa loob ng dalawang buwan ay dito muna sa kaniya si Lawrah. At habang tumatakbo ang mga araw ay gagawa siya ng paraan para maturuan ng leksyon ang Dexter na iyon.

For Lawrah's sake.

Maingat niyang inilapag sa ibabaw ng desk ang mga papel na hawak. Akma na siyang tatalikod nang magbago ang isip niya. Muli niyang kinuha ang mga iyon saka inisuksok sa bulsa ng suot na pantalon.

*

*

*

DALAWANG ORAS MAKALIPAS AY KUMATOK si Susie sa opisina ni Aris na sa mga sandaling iyon ay abala sa makikipag-usap sa mga kliyente. Matapos nitong magpadala ng email sa lahat ng mga kliyente nito tungkol sa pagsasara ng shop sa araw na iyon ay sunud-sunod na tawag ang natanggap ng binata. Doon nagsimula si Aris na i-schedule ang pagdating ng mga kliyente.

Hinintay muna ni Susie na maibaba ni Aris ang cellphone na hawak bago nagsalita,

"Ayaw niyang dalhin natin siya sa ospital."

"Well, I have bad news for her." Tumayo si Aris at inisuksok sa bulsa ng pantalon ang cellphone. "She has no other choice."

Nasapo ni Susie ang noo. "Tumawag nga rin si Ma'am Calley at nagsabing dalhin na raw si Lawrah sa ospital dahil baka hindi lang simpleng sakit ng puson ang nararanasan. Kailangan daw na dumaan sa urine at blood tests para masiguro ang kondisyon niya at mabigyan ng tamang medikasyon."

"Good. I'll follow Calley's advice."

Nakasunod lang si Susie sa likuran ng amo hanggang sa marating nila ang pinto ng silid ni Lawrah. Si Susie na mismo ang nagbukas, at sa pagbukas niyon ay kaagad na natuon ang kaniyang tingin kay Lawrah na namimilit sa higaan, sapo-sapo ang tiyan at nakatagilid.

Walang ibang salitang pumasok si Aris at nilapitan si Lawrah. Nang makalapit ay kaagad itong yumuko upang hawakan si Lawrah sa balikat.

Si Lawrah ay napapiksi sabay lingon. Nang makita nito si Aris ay kaagad nitong pinalis ang paghihirap mula sa mukha.

"S-Sir—"

"Don't talk. I'm bringing you to the hospital."

Hindi na nakapagsalita pa si Lawrah nang biglang pumaikot ang kamay at braso ni Aris sa katawan nito, at sa pagkamangha ng dalaga ay bigla itong binuhat ni Aris.

Awtimatikong kumapit ang isang braso ni Lawrah sa balikat ng amo. Si Susie naman ay nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para makadaan ang dalawa.

"We're crossing the underground passage, Susie. Pagbuksan mo kami ng pinto at ihanda mo ang susi ng kotse ko."

"Sige Sir, sa glasshouse na ako dadaan. Salubungin ko na lang kayo sa garahe."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top