CHAPTER 009 - Those Hot and Crazy Feelings
TULAD NG INASAHAN, BUMUHOS NGA ANG MALAKAS NA ULAN. Pero kampante nang pumasok si Aris sa shop dahil nagawa na nitong isilong ang lahat ng mga bulaklak at halamang kailangan nitong protektahan laban sa malakas na hangin at ulan. Pero dahil inabutan ito ng ulan habang naglilipat ng mga halaman ay naligo na lang ito.
And he always enjoyed working in the rain.
He loved rainy seasons– it gave him comfort and peace.
Lalo na kapag nasa silid siya at tinatanaw ang pagbagsak ng ulan mula sa glass wall niya
Well, maybe he should do it. The shop would close in a few minutes, anyway.
With that in mind, he stepped in and tapped his working boots on the mat.
Kinunutan siya ng noo nang hindi makita si Lawrah sa likod ng reception desk.
Oh well. Pwede na rin naman na itong magpahinga. Wala na rin naman silang inaasahang mga kliyenteng darating. Plus, he had already locked the gate.
Besides, he didn't think he should see her now. Not after what he saw back in the storage room. Matagal din siyang binagabag ng nakita niya kanina, pero pilit niya iyong iwinaksi sa isip dahil alam niyang hindi tama. Alam niyang foul. Taboo. Inappropriate. At nainis siya sa sarili dahil alam niyang hindi siya ganoon. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng interes sa katawan o mukha ng mga staff niya. Oh, of course he'd stare and study their faces, but never did he take notice of their attractiveness. His brain would always automatically dismiss the idea of seeing them in a different way.
Seemed like his brain was betraying him now. Dahil hindi umaakto nang tama ang utak niya pagdating kay Lawrah..
And he knew he needed to change that.
Otherwise, he needed to take some actions about it.
Actions like... ditching her. For the sake of preventing himself from breaching his own rules.
Yes. Kailangan niyang ayusin ang takbo ng utak niya. Dahil hindi siya pwedeng magkaroon ng interes sa staff niya.
But shit. If Lawrah wasn't his staff, he would have already taken her to his...
Damn it.
Noong isang araw lang siya lumabas para makipagkita sa isa sa mga babae niya pero muli na namang nag-iinit ang buo niyang katawan.
Sunud-sunod siyang umiling upang alisin sa utak ang makamundong pagnanasa. Pilit niyang inalis ang ideyang pumapasok sa isip at hinila ang sarili pabalik sa katinuan. At nang sa tingin niya'y maayos nang muli ang takbo ng utak niya'y itinuloy niya ang pagpasok.
Padabog niyang ipinagpag ang basang boots sa mat na nasa harap ng pinto saka naka-simangot na naglakad papasok. Tumutulo ang tubig-ulan mula sa nabasa niyang working pants at T-shirt; huli na nang maisip niyang sa underground passage na dumaan.
Yes, he had an underground passage. Thanks again to Capri's idea.
Itinuloy niya ang paghakbang papasok. Pauwi na rin naman si Susie, ito na ang bahala sa kalat niya.
Tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa hallway hanggang sa marating niya ang kusina. Paliko na sana siya patungo sa kabilang direksyon kung saan naroon ang backdoor nang may umagaw sa pansin niya.
It was Lawrah.
Standing in front of the sink, washing something. Nakatalikod ito kaya hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito roon, at wala rin siyang interes na tanongin ito dahil sa mga sandaling iyon, ang tanging gusto niyang gawin ay umiwas muna rito. At alam niyang makaiiwas siya kung magtutuloy na siya sa paglalakad. Lawrah wouldn't even hear his footsteps– she never did.
Bukas ng umaga na siya muli haharap dito. Sigurado siyang bukas ay malinaw nang muli ang takbo ng utak niya. Simula rin bukas ay iiwas na siyang tingnan ito at suyurin ng tingin. He would give himself a week— at kapag walang pagbabago ay saka siya maghahanap ng panibagong staff. At pwede niyang gamiting dahilan sa pagpapaalis ang pagiging nerbyosa nito.
What a fucking waste, he thought. Maayos pa naman sanang magtrabaho si Lawrah.
Ang pinag-aalala ang niya ay baka umuwi ito sa nakatatandang kapatid at baka–
Shit. Here I fucking go again.
Gusto na niyang magalit sa sarili. Masyadong niyang ginugulo ang isip tungkol sa bagong staff.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga saka nag-akmang tatalikod upang ituloy niya ang paglipat sa kabila. Pero hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniyang mapasulyap sa lababo matapos ilapag ni Lawrah ang maruming bimpo roon.
Huh?
Maruming bimpo?
Kinunutan siya ng noo.
Wala silang ganoon ka-ruming bimpo sa kusina. Masyadong metikulosa si Susie pagdating sa paglilinis na kahit ang mga basahan sa kusina ay nakababad sa bleach upang pumuti. Imposible silang magkaroon ng...
Natigilan siya sa pag-iisip nang may mapagtanto habang hindi humihiwalay ang tingin sa maruming basahan.
At nang rumehistro sa isip kung ano iyon ay bigla siyang nakaramdam ng panic.
What he was looking at wasn't a dirty kitchen towel.
It's a white one soaked in blood!
Bago pa niya naisip ang sunod na gagawin ay napahakbang na siya patungo sa kinaroroonan ni Lawrah, at nang makalapit ay kaagad niyang inabot ang kamay nitong nakasahod sa nakabukas na gripo.
Malakas na napasinghap si Lawrah at gulat na napatingala sa kaniya.
Subalit wala sa gulat na mukha nito ang kaniyang tingin kung hindi sa dumudugo nitong palad.
"What the hell happened to this?" he snapped. Ang gumugulo sa isip kanina ay tuluyan nang nagapi ng pag-aalala at pagtataka.
Si Lawrah, nang makabawi, ay banayad na inagaw ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "O-Okay lang po ako, Sir Aris–"
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Lawrah. What happened to your hand?"
Natahimik ito sabay yuko. Nahuli pa ng kaniyang tingin ang bahagya nitong pagngiwi kasunod ng pagkagat ng ibabang labi.
"Answer my question, damn it."
"N-Nasugatan po ang kamay ko nang bigla ninyong hilain ang wooden stand kanina..."
Sandali siyang natigilan, at nang pumasok sa isip ang ginawa kanina sa storage ay saka siya napa-mura. "Ahh, shit!"
Kaagad siyang inatake ng konsensya.
Ni hindi niya namalayan na napalakas ang paghila niya ng stand kanina. At lalong hindi niya alam na nasaktan niya sa ginawang iyon si Lawrah. And damn him for not even looking back as she left the storage area. Kung noon pa lang ay nakita na niyang nasugatan ito'y kanina pa sana nagamot ang sugat nito.
Sa naisip ay muli siyang natigilan.
It's been fifteen minutes or so since Lawrah left the storage area...
Nag-aalalang ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Lawrah. "Kanina pa ba dumudugo ito?"
"H-Hindi pa po gaanong madugo kanina, kaya lang po kasi ay..." Bumaba ang tingin nito sa lababo. Sumunod naman ang tingin niya roon.
Nang makakita siya ng maliit na kutsilyo at gunting ay pinanlakihan siya ng mga mata. Marahas niyang ibinalik ang tingin kay Lawrah. "Oh God, what did you do?"
"N-Napasukan po kasi ng matulis na kahoy at hindi ko matanggal gamit ang kuko. Habang sinusubukan kong alisin ay bumabaon pa po nang husto kaya... gumamit na ako ng kutsilyo at gunting para... matanggal ko."
"At sa ginawa mong iyon ay lalo kang nasugatan at dinugo nang sobra!"
Shit. Why was he panicking?
It wasn't as if the woman was dying!
At maliit na sugat lang iyon– malayo pa sa sikmura. Ano itong tinataranta niya?
Fucking hell; he was enraged because of the fact that he caused this.
At nagagalit siya dahil hindi man lang nagsabi si Lawrah sa kaniya.
Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang pagdaloy ng dugo ni Lawrah sa kamay niya. Patuloy ang pagdugo ng sugat nito sa bandang ilalim ng kaliwang hinlalaki kaya habang hawak-hawak niya ang kamay nito'y muli niyang pinailalim ang sugat sa umaagos na tubig. At nang mahugasan ng tubig ang dugo ay nakita niya ang halos dalawang pulgadang sugat doon, pati na ang matulis na kahoy na bumaon sa laman.
Inalis niya ang kamay ni Lawrah sa tubig saka nagpalingon-lingon upang maghanap ng itatakip. Kailangang tumigil ang pagdurugo ng sugat. Nang makita niya ang tissue paper sa hindi kalayuan ay kaagad niya iyong inabot. He peeled a few rolled and pressed it against Lawrah's wound.
"Press it to stop the bleeding. May kukunin lang ako."
Hindi na nagsalita pa si Lawrah hanggang sa tumalikod siya at humakbang patungo sa banyo na pumapagitan sa silid nito at silid ni Susie. Doon sa banyo ay may medicine cabinet, at mula roon ay kinuha niya ang maliit na first aid kit. Wala pang isang minuto'y nakabalik na siya kay Lawrah na hindi umalis sa kinatatayuan. He placed the kit on the sink, opened it, and searched for the things he needed.
May nahanap siyang forcep sa loob at iyon ang una niyang inilabas. Kasunod ay ang box ng Band-Aid, alcohol pads, at betadine. Matapos niyang ilapag ang lahat ng mga kailangan sa ibabaw ng lababo ay muli niyang hinarap si Lawrah.
"Okay, this will hurt but I need you to stay still, okay?"
Tahimik na tumango si Lawrah.
Banayad niyang hinawakan ang kamay ni Lawrah saka inalis ang nakatakip na tissue paper. Pumalatak siya nang makita ang patuloy na pagdurugo niyon.
"Okay, alalayan mo ang braso mo at h'wag mong igalaw. Tatanggalin ko ang pagkakabaon ng kahoy."
Sinunod siya ni Lawrah.
Gamit ang thumb, index, at middle fingers sa kaliwang kamay ay ibinuka niya ang sugat. Sa kanang kamay naman ay ang forcep. Gamit iyon ay maingat niyang kinuha ang nakabaong kahoy sa laman. Makalipas ang ilang segundo ay tuluyan niya iyong natanggal. Madali niyang hinugasan ang duguang kamay ni Lawrah, muling pinunasan, pinahiran ng alcohol pad, saka dinampian ng betadine bago nilagyan ng cotton at dinikitan ng Band-Aid. Nang matapos iyon ay saka pa lang siya nakahinga nang maluwag, at doon pa lang niya ito muling sinulyapan.
Si Lawrah ay blangkong nakatitig sa kaniya.
At hindi niya alam kung mapipikon sa nakikita.
How could she still look nonchalant after all the blood that she lost?
Damn her. Laging walang emosyon ang mukha.
"Nasaktan ka ba sa ginawa ko?" aniya; piniling maging kalmado.
Hindi sumagot si Lawrah, subalit naging mailap ang mga mata nito.
Patuloy siyang nagpasensya. "Hindi na duduguin nang sobra 'yan dahil natanggal na ang bumaong kahoy. Pero kapag patuloy na dumugo, let me know."
Doon lang ito tumango.
"Are you feeling better now?"
He saw her swallowed before dropping her head down again. "K-Kaya ko na po–"
"You can answer with a yes or a no, Lawrah.
This time, Lawrah bit her lower lip before nodding her head.
"Then you don't have to hide it. You don't have to act so tough and nonchalant– kung masakit ay ipakita mo. Don't just give me an empty face!"
Napa-igtad si Lawrah sa biglang pagtaas ng tinig niya.
At doon ay lihim niyang minura ang sarili.
Shit. Bakit na naman ba siya nagagalit?
Sinapo niya ang ulo sabay yuko. Sunod ay inisandal niya ang sarili sa sink bago nagsabing, "Sorry about that. Inusig ako ng konsensya. I... never intended to hurt you."
Muli ay wala siyang narinig na sagot mula kay Lawrah. Pero ramdam niyang nakamata ito sa kaniya, kaya nag-angat siya ng tingin upang muli itong harapin.
At natigilan siya nang makita kung saan nakatutok ang mga mata nito.
Lawrah was staring at his rain-soaked body with curiosity. Bahagyang nakakunot ang noo habang patuloy ito sa pagsuri mula sa nakabakat niyang dibdib hanggang sa laylayan ng basa niyang T-shirt. Sandaling huminto ang tingin nito roon, hanggang sa napansin niya ang unti-unting paglaho ng kuryosidad sa mga mata nito bago ang mga iyon muling naging blangko.
Doon siya muling napabuntonghininga sabay tayo nang tuwid.
"Bakit ba laging walang ekspresyon 'yang mukha mo? And why are you so scared to show any emotions? Maliban sa gulat ay wala na akong nakitang ibang emosyon sa 'yo. What are you, a robot that has no feelings?"
Lawrah opened her mouth to say something, but she later closed it again and looked away.
Muling bumangon ang inis sa dibdib niya.
"What? Speak the hell up!"
Napapiksi itong muli sabay pikit. "H-Hindi po ako pwedeng magpakita ng kahinaan dahil bala lalo akong pagsamantalahan."
Sandali siyang natigilan sa naging tugon nito. "Huh?"
"A-At ayaw ko pong maka-abala kaya hindi ko po sinabi sa inyo ang tungkol sa sugat ko." Nagmulat ito at payuko siyang sinulyapan. "P-Pasensya na po, Sir."
"No. Let's go back to the first thing you said. Ano ang ibig mong sabihing hindi ka pwedeng magpakita ng kahinaan dahil baka lalo kang pagsamantalahan? Who's taking advantage of you?"
Muli itong nagbaba ng tingin, sunud-sunod na umiling. "W-Wala po. Hindi po iyon ang ibig kong sabihin—"
"Then, what?" Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. "Anong klase ng paghihirap ang pinagdaanan mo noon para matuto kang indahin ang sakit na nararamdaman mo ngayon? Who did this to you?"
Umatras si Lawrah upang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak niya. "Hindi ko po personal na pinagdaanan, pero nakita ko po at ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa... kakilala ko." Humugot ito nang malalim na paghinga bago nag-angat ng tingin. And with a face void of any emotions, she added, "Ganito na po ang pagkatao ko, Sir Aris. At dito po ako komportable. Hindi po ako sanay magpakita ng kahinaan dahil natuto ako sa mga taong nakapaligid sa akin noon, kaya sana po ay hindi ninyo bigyan ng ibang kahulugan ang personalidad ko. At kung hindi kayo komportable sa kawalang-emosyon ng mukha ko, patuloy ko pong sasanayin ang sarili kong ngumiti para hindi na kayo pagtak'han."
He knew she was lying. He could see it in her empty eyes.
"Marami pong salamat sa pagtulong ninyo. Ipaaalam ko na lang po kay Ate Susie kung may kailangan ako."
Nanatili siyang nakamata kay Lawrah nang mabilis nitong niligpit ang mga inilabas niyang gamit mula sa first aid kit kasama na ang maruming bimbo. Nang mailigpit nito ang lahat ay walang salita itong tumalikod saka humakbang patungo sa ino-okupa nitong silid.
Hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa hindi pumasok si Lawrah sa silid nito, at nang tuluyan na nga itong naglaho mula sa kaniyang paningin ay doon pa lang siya nagpakawala nang mahabang paghinga.
Well, mabuti na ring nangyari ito dahil nawala sa isip niya ang nakita kanina sa storage area. Napalitan iyon ng hindi sinasadyang insidente na umusig sa konsensya niya.
Those hot and crazy feelings earlier were all gone— thanks to his conscience putting him in place. Magkaganoon man ay hindi nabawasan ang misteryong nararamdaman niya para kay Lawrah.
Mas lalo pa ngang lumala.
At hindi niya alam kung gaano ka-lalim ang kailangan niyang sisirin para mahanap ang sagot sa misteryong nararamdaman niya para sa dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top