CHAPTER 008 - Peek
"HEY LAWRAH, CAN YOU LEND ME HAND?"
Mula sa pagbabasa ng botanical book ay umangat ang tingin ni Lawrah kay Aris nang marinig ang sinabi nito. Naroon ang dalaga sa likod ng reception desk at tulad ng nakagawian, kung hindi manual, ay binabasa nito ang librong ibinigay ni Aris para matuto ito ng kaunti tungkol sa mga halamang ibinebenta ng shop.
Si Aris ay nasa entry ng receiving area, nakasuot ng gardening gloves ang mga kamay at pawisan. Ang suot nitong grey na T-shirt ay basa ng pawis– at madali iyong nakita ni Lawrah dahil nag-iba ang kulay at bumakas sa katawan nito.
Sandaling bumaba ang tingin ni Lawrah sa katawan ni Aris. Dahil bumakat doon ang basang T-shirt nito'y malinaw na nakita ng dalaga ang magandang hubog ng katawan ng amo. Bagaman inasahan na iyon ni Lawrah ay namangha pa rin ito sa nakita. Magkaganoon man ay hindi iyon ipinahalata ng dalaga. Nanatiling blangko ang ekspresyon nito sa mukha hanggang sa muli nitong salubungin ang mga tingin ni Aris.
Si Aris ay kinunutan naman ng noo– may bumangong kuryosidad sa dibdib habang nakatitig sa blangkong mukha ni Lawrah.
"Ano po ang maitutulong ko, Sir Aris?" pukaw ni Lawrah rito makaraan ang ilang sandali.
Tumikhim muna ang binata bago sumagot. "Umalis si Susie para mamalengke at kailangan ko ng tulong para mai-angat ang isang patungan ng mga halaman sa likod. I can't do it alone, so would you mind helping me out?"
Tahimik na tumayo si Lawrah at lumabas mula sa reception counter. Naglakad ito palapit, at habang naglalakad ito'y hindi napigilan ni Aris na suyurin ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.
Lawrah was tall for a regular Filipina. Kung tatayo ito ay siguradong aabot hanggang sa balikat ni Aris– and he was six feet and four inches tall.
Lawrah also had nice tanned skin; morenang-morena. Hindi pino ang balat pero hindi rin marumi tingnan. She liked wearing long skirts– yaong sa matatandang nagsisimba lang nakikita ni Aris– and mostly in dark colors like navy blue, brown, or black. Umaabot ang haba ng paldang iyon hanggang sakong nito. And her top was either a loose blouse or long sleeve polo shirt. At dahil maluwag lagi ang suot nito ay hindi masabi ni Aris ang hulma ng katawan ni Lawrah.
She also had long and straight silky black hair— isa sa mga bagay na kapansin-pansin rito. Lagi iyong nagkalugay at malapit nang umabot hanggang sa baywang nito.
Her deep set of light brown eyes also stood out– na kung hindi nanlalaki sa gulat minsan ay blangko naman.
Aris couldn't help but narrow his eyes in curiosity. Iyon ang unang beses na sinuyod nito ng mapanuring tingin si Lawrah at hindi maiwasan ng binata na...
Shit, Aris thought.
I shouldn't be staring at her this way.
Sa naisip ay mabilis na umiwas ng tingin si Aris at kaagad na tumalikod bago pa man tuluyang makalapit si Lawrah. Nagtuluy-tuloy ito sa paglalakad pabalik sa storage area. He slowed his steps down when he was finally able to control his thoughts. He looked over his shoulder and found Lawrah walking just behind him. Nakatingala ito sa maulap na kalangitan.
Huminto si Aris at hinarap si Lawrah. Kaagad iyong napansin ng dalaga kaya nagbaba ito ng tingin at huminto rin.
Halos limang dipa ang pagitan ng dalawa.
"Pansin mo rin ba ang panahon?" Aris asked, breaking the silence.
Tumango si Lawrah. "Masyado po akong abala sa pagbabasa kanina kaya hindi ko namalayan na dumidilim na pala ang kalangitan. Alas tres pa lang ng hapon pero mukhang mag-a-alas sais na."
"Kaya walang dumating na mga kliyente ngayon dahil sa makulimlim na langit." Tumingala si Aris upang alisin ang tingin sa mukha ni Lawrah. "May bagyong pumasok sa bansa at mukhang ilang araw na uulan nang malakas. Ngayon pa lang ay ina-ayos ko na ang mga halaman para hindi masira. Some of them will be placed in the storage." Pumihit si Aris patalikod at itinuloy ang paghakbang patungo sa storage area na nasa gilid ng shop. May kalakihan iyon at doon nito inilalagay ang mga halamang hindi pwedeng mainitan o maulanan nang sobra. Sa loob ng storage ay may ni-install din si Aris na climate control unit upang maprotektahan ang mga halamang naka-tago roon.
Sumunod si Lawrah; ang tingin ay nakapako sa basa na ring likod ni Aris. Humulma na rin doon ang pawis nito at dumikit na rin ang tela ng damit sa maskulado nitong likuran.
Pagpasok nila sa storage area ay kaagad na iginiya ni Aris si Lawrah patungo sa nakahilerang mga stair plant stands. Isa sa mga iyon ay naka-tabingi na dahil marahil sa marupok na stand. Sa unang tingin pa lang ay makikitang malapit na iyong humulagpos. Nahinto si Aris sa tapat niyon at saka nilingon si Lawrah.
"I need someone to carefully take the plants off the stand, Lawrah. Nag-aalala akong kapag inalis ko sila isa-isa ay masira ang balanse ng stand at humulagpos bigla. The pots will break and the plants will be ruined." Aris let out a gentle smile. "You probably won't understand it, but it breaks my heart seeing my plants get damaged. Tulad ng sinabi ko noong nakaraan, I treat them like my babies. Hindi ko kayang makita silang mahulog, mabasag ang lalagyan, o magka-lasog-lasog dahil lang sa hindi ko pag-iingat. So, let's start, shall we?"
Tumango lang si Lawrah at tahimik na lumapit. "Ano ang gagawin ko?"
Lumipat si Aris ng pwesto; doon ito tumayo sa gilid ng stand at yumuko upang buhatin iyon. "It's heavy so you need to move fast. Kunin mo ang mga halaman at ilapag sa lupa. Be careful and just hold the pot. Hindi mo kailangang hawakan ang halaman."
Maingat na sinunod ni Lawrah ang sinabi ni Aris. Tatlong level ang stand, at ang nasa pinaka-ibabaw ay iyong mahahaba ang stem. Iyon ang unang inalis ng dalaga at inilapag sa lupa. Maingat ang mga galaw sa ilalim ng mapanuring tingin ni Aris.
At habang ginagawa iyon ni Lawrah ay muling nagsalita si Aris. "I'll tell you a secret, Lawrah. Alam mo bang para akong amang inalisan ng anak para pumasok sa kolehiyo sa tuwing may naibebenta akong tanim mula rito sa garden? Masaya akong makabenta, but it always felt like I lost a child each time a plant got out of the gate. It sucks, but I am so attached to my plants."
"Oh." Yumuko si Lawrah upang ibaba ang hawak na paso saka tinapunan ng tingin ang mga nakapaligid na tanim. Ilang sandali pa'y itinuloy na rin nito ang ginagawa. "Okay."
Si Aris ay kinunutan na naman ng noo; pilit na inaalis sa isip ang bigat na binubuhat sa mga sandaling iyon. Something was bugging his mind. Something about Lawrah. Pero hindi iyon gustong bigyang-pansin ni Aris kaya ipinilig nito ang ulo saka pilit na nagpakawala ng tawa. "Hey... I just shared my secret with you, gave my weakness away, and all you had to say was oh, okay?"
Sandaling nahinto si Lawrah, tiningala si Aris, at katulad ng amo ay kinunutan din ng noo. Confusion was all over her face when she asked, "May... ibang sagot po ba kayong inaasahan mula sa akin?"
"Well you could at least–" Aris paused when he realized what he was doing Natawa itong muli sa sarili at umiwas ng tingin. Then, he whispered, "Man, what am I doing sounding like a small boy asking for a compliment?"
"Po?"
"Nothing." Ibinalik ni Aris ang tingin kay Lawrah. "Ituloy mo na ang ginagawa mo."
Naguguluhang ibinaba ni Lawrah ang tingin at itinuloy ang ginagawa. Tapos na nito ang dalawang naunang level at ang ibinababa na lang nito ay iyong mga nasa ilalim. At dahil mababa na masyado ay kinailangan ni Lawrah na yumuko sa pagkakataong iyon upang mailapag nang maayos ang mga halaman sa bakanteng espasyo sa harapan.
At sa pagkakayukong iyon ni Lawrah ay bumababa rin ang neckline ng suot nitong long sleeve polo shirt. At dahil nakaharap ito kay Aris ay hindi naiwasang mapasulyap doon ang binata na sandaling natigilan.
Hindi nito sadyang mapatingin doon.
Talagang hindi.
At hindi rin nito intensyong tumagal ang tingin doon dahil wala namang kailangang tingnan malibang–
Shit.
Aris could only curse at himself as he continued to look at Lawrah's chest.
He couldn't look away.
He just couldn't.
Because...
Are those real?
Shit. Muli niyang minuri nang sunod-sunod ang sarili.
He couldn't help but wonder how those huge, popping boobs would feel against his palm?
*
*
*
"IT'S NOT LIKE I JUST SEEN HUGE BOOBIES FOR THE FIRST TIME IN MY LIFE?" bulong ni Aris sa sarili bago dahan-dahang inalis ang tingin sa nakalabas na dibdib ni Lawrah. Ibinaling nito ang pansin sa ibang direksyon saka mariing lumunok.
But how the hell were they unnoticeable? She wears loose blouses everyday, alright. But how can a sharp man like me not notice them from the get go? A man in my caliber should have noticed them already!
Biglang natigilan si Aris sa takbo ng iniisip.
Shit. What am I thinking?
She's an employee!
And I shouldn't be thinking of my employee's boobies for God's sake!
Bumangon ang inis sa dibdib ni Aris dahil sa itinatakbo ng isip.
I need to dismiss these thoughts– these are so unnecessary!
Tumikhim si Aris at sa malamig na tinig ay, "Hurry up, please. Malapit nang bumagsak ang ulan at marami pa akong ipapasok na mga bulaklak."
"Tapos na po."
Doon pa lang muling humarap si Aris saka binitiwan ang sirang stand. Saktong paglapag nito roon ay kumalas na ang isa sa apat na paa ng stand dahilan kaya nasira ang balanse at natumba— doon mismo sa direksyon kung saan ini-lapag ni Lawrah ang mga halaman!
Aris tried to catch the stand– pero nauna iyong sinalo ng dalaga. At sa pagkakasalong iyon ni Lawrah ay muli itong napayuko dahilan kaya muling nasilip ni Aris ang nakatago nitong dibdib.
And that pissed him off.
Aris could only groan in annoyance. At sa inis nito'y marahas nitong hinila mula kay Lawrah ang stand. At dahil mahigpit ang pagkakahawak ng dalaga roon at hindi kaagad nakabitiw ay napasukan ng maliit pero matulis na kahoy ang palad nito.
And Lawrah could only groan in pain– but in her head.
Because she could just never express her pain– no matter the weight.
"Thanks for your help, but you can go now," malamig na sabi ni Aris na hindi na muling tinapunan ng tingin si Lawrah. Hinila nito ang nasirang stand patungo sa dulo ng storage area kung saan naroon ang mga tools nito. At dahil hindi na nito muling sinulyapan si Lawrah ay hindi na nito nakita ang dumugong palad ng dalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top