CHAPTER 006 - Deep Like An Ocean
"ANO'NG MASASABI MO KAY LAWRAH, SUS?"
Natigil sa paghihimay ng manure si Susie nang marinig ang tanong ng amo. Naroon ang dalawa sa manure area na nasa gilid ng shop katabi ng storage. Maliit iyon na kubo na pinagtatambakan ng mga fertilizers at iba pang pataba sa mga pananim. Aris preferred to use it more than chemicals because it was more natural mas epektibo sa produksyon ng lupa. At doon lang pumapayag si Aris na tulungan ito– maliban sa pagdidilig ng ilan sa mga halaman.
"Si Lawrah? Hmm..." Itinuloy ni Susie ang ginagawa habang nag-iisip. "Tahimik siya at mukha namang mabait. Kaso..."
"Kaso?"
Napalingon si Susie sa salaming bintana ng shop. Mula roon ay tanaw nila ang reception desk kung saan naroon si Lawrah at inabala ang sarili sa pagbabasa ng manual.
"Kaso mukhang may kakaiba sa kaniya."
"Kakaiba?" Itinuon din ni Aris ang tingin sa shop. "In what way?"
"Ewan ko ba, Sir." Ibinalik ni Susie ang pansin sa ginagawa. Ipinasok ang nahimay na manure sa sako. "Magugulatin masyado. Kaunting kaluskos ay napapaigtad. Para siyang... paano ko ba sasabihin nang hindi ako nagmumukhang nagmamarunong? Hmm... para siyang... may trauma."
Napabuntonghininga si Aris; ang tingin au hindi naalis mula kay Lawrah. "I agree with you. She's traumatized, and I could tell it has something to do with her older brother."
"May nakatatanda siyang kapatid?"
"Yes. Noong isang araw ay pumunta rito para dalawin si Lawrah. Inabutan ko sila sa labas, his hand was around her neck."
Napasinghap si Susie sabay tinangala sa amo. "Sinakal si Lawrah ng kuya niya?"
"Yes. At madaling hulaan na maliban doon ay marami pang dinanas na pananakit si Lawrah mula sa kamay ng lalaking iyon kaya siya ganiyan. Should I take her to a doctor? She needs therapy."
"Tsk." Napailing si Susie, muling niyuko ang tambak na manure sa harapan. "Baka ma-offend naman 'yong tao, Sir. Sabihin eh pinag-iisipan siyang baliw."
"But that's not it, Susie. Kung may trauma siya ay kailangan niyang sumailalim sa isang therapy. Kung hindi ay mapipilitan akong paalisin siya sa trabaho niya. But then again, that's a hard thing to do. Kapag pinaalis ko siya ay babalik siya roon sa kuya niyang abusado. Besides, nananawa na akong magpalit ng staff. Ngayong taon lang ay ilang beses na akong nagpalit. On top of that, Lawrah's doing well at her job. Mabilis niyang natutunan ang mga kailangan niyang gawin at maayos niyang nagagawa ang trabaho niya. At least in that area, wala akong maipintas sa kaniya."
"Plus, masarap siyang magtimpla ng kape, Sir. Aba, ilang clients mo na ang pumuri sa kape niya, ah? Mapapahiya si Sir Quaro kapag natikman 'yong kape ni Lawrah."
"That's true. Binanggit din sa akin hindi lang ni Mrs. Alfonso na natuwa sila sa kapeng inihanda ni Lawrah. I truly want to keep her because she is efficient at her job, and she's not flirty. So far ay wala akong problema sa kaniya maliban lang doon sa pagiging magugulatin niya sanhi ng trauma. As her employer, I feel like I have to do something to help her. At kung plano kong panatilihin siya sa trabaho niya'y kailangan ko siyang tulungang maging psychologically stable, hindi ba?"
Tumango si Susie. "Kung ganoon ay bakit hindi ninyo siya imbitahan mamayang gabi sa opisina ninyo at ipaliwanag sa kaniya itong nais ninyong gawin? Sa tingin ko naman ay maiintindihan niya."
"Sana nga, Susie. I can't rest easy thinking that my one and only front desk staff is battling some type of trauma. Naaawa ako sa kaniya. Maybe that's the same reason why she wasn't smiling..."
Muling tumango si Susie sa pagsang-ayon. "Ngayon ay naiintindihan ko na."
"What is?"
"Naiintindihan ko na kung bakit parang kay misteryoso niya."
"You find Lawrah mysterious?"
"Aba, Sir, hindi ba ninyo iyon naramdaman sa kaniya? Maliban sa pagiging magugulatin ay kay lalim lagi ng iniisip niya. Para siyang... lumilipad sa ibang dimensyon. Para siyang nasa ibang dimensyon. Kapag mag-isa lang siya at hindi abala sa trabaho, para siyang... ewan ko ba. Hindi ko maipaliwanag nang husto."
"Well, help me understand."
"Para siyang ano, Sir. Parang... pinakamalalim na bahagi ng dagat na kay hirap sisirin."
"That's a good metaphor." Muling ibinalik ni Aris ang tingin kay Lawrah na ngayon ay tapos nang magbasa ng manual at tumayo bitbit ang ilang bagong mga magazines na binili ni Susie sa bayan kaninang umaga. Lawrah replaced the old ones from the coffee table. "Pinakamalalim na bahagi ng dagat na kay hirap sisirin, huh?"
Si Susie ay biglang ngumisi. "Pero kung sisiran lang din ang usapan, hindi ka naman pahuhuli, ano, Sir Aris?"
Napasulyap siya kay Susie at nahuli ang nanunukso nitong tingin. He shook his head and gave her a warning look. "Don't tease. Alam mong hindi ko gawain ang ganiyan sa mga empleyado ko."
"Alam ko. Nanunukso lang." Bumungisngis ito. "Kaya nga pinaalis mo ang pinalitan niyang si Lawrah dahil nagpakita ng motibo sa 'yo. Akala ko nga ay papatulan mo na kaya mo ni-terminate, eh. Kay gandang dalaga pa naman no'n."
"Iba't ibang lalaki ang sumusundo sa kaniya tuwing day off niya. Ayaw ko sa ganoong babae." Binalikan ni Aris ang trabaho. Hinila nito ang sako ng mga bagong deliver na fertilizers patungo sa sulok.
"Kuuu... Kayong mga lalaki talaga, oo. Kung kayo ay okay lang kahit naka-ilang palit ng girlfriend. Nagpapataasan pa kayo ng ihi sa kung sino ang mas marami nang nai-kama. Pero kapag babae ay hindi pwedeng ganoon. Dapat birhen, o kung hindi man ay hindi dapat sumobra sa dalawang lalaki ang naka-galaw. Bakit kayo ganoon? Ano nga ang tawag nila sa ganoon? Double standard?"
Aris couldn't help but chuckle at that. "Hindi ako ganoon, Susie."
"Pero ganoon ang dating nong sinabi mo tungkol kay She." Si She ang staff na pinalitan ni Lawrah na tinanggal ni Aris dahil nag-umpisang magpakita ng motibo.
"Tigilan mo na ang kaka-panood mo ng mga Western movies; kung ano-ano na iyang natututunan mo."
"Naku Sir Aris, alam n'yo namang kaya lang ako nanonood ng mga Hollywood movies ay para makasabay ako sa mga English ninyo. Isa pa'y tama ka– marami akong natututunan. Pero basta, hindi ba at tama ako? Ang mga lalaki ay iba ang pananaw sa mga babae. Halimbawa, ikaw. Hindi nga ba at iba-iba rin ang mga babae mo kada-linggo? Pero hinahabol ka pa rin ng mga babae dahil para sa kanila, cool ang ganoon. Kapag maraming babaeng nai-kama ang isang lalaki, expert na sa kama ang tingin sa kanila ng mga babae. Pero kayong mga lalaki, kapag nag-iiba ng syota ang mga babae linggo-linggo– marumi na sa paningin ninyo. Lapitan-dili n'yo na sila. Sus."
Aris furrowed and glanced at Susie in disbelief. "That's not what I meant when I said what I said, Susie. At sa loob ng ilang taong paninilbihan mo sa akin, ganiyan pala ang pagkakakilala mo sa akin? Damn, you just broke my heart."
"Wala kang heart, Sir Aris." Bumungisngis si Susie saka binalikan ang paglalagay ng manure sa sako. "Kung may heart ka, sana hindi umiiyak 'yong mga babaeng hinihiwalayan mo pagkatapos ng isang linggong lampungan. Hay, ewan ko ba sa inyong magkakapatid—ang titinik n'yo sa mga chicks. Hiling ko lang ay mahanap mo na rin ang babaeng magpapatigil sa 'yo sa ganiyang gawain tulad nina Sir Quaro at Sir Phill. Iyong babaeng pag-aalayan mo ng pangalan mo at papangakuan na siya na talaga at wala nang iba. Iyong babaeng ta-tratuhin mong tahanan. Iyong babaeng—"
"Sir Aris, phone call po."
Napalingon sila ni Susie kay Lawrah na lumapit bitbit ang wireless phone sa kamay. Nasa entry ito ng maliit na bungalow, ilang dipa mula sa kanila. Humarap si Aris at tinanggal ang suot na gloves upang abutin ang telepono mula kay Lawrah. Tinakpan muna nito ang mouthpiece bago nagtanong,
"Who's on the line?"
"Mrs. San Diego raw po, tungkol sa in-order niyang phalaenopsis orchids noong isang araw."
"Ahh, right. Thanks."
Nahihiyang tinanguan ni Lawrah si Susie bago ito tumalikod at naglakad pabalik sa shop. Si Susie na nakasunod ang tingin sa dalaga ay binalingan ang amo.
"Ano ba kasi'ng pinaglalalagay mo sa job requirements mo, Sir?"
"Why?"
"Kailangan ba talaga, magagandang dilag ang iha-hire mo para sa reception desk?"
"What?"
"Naku, Sir. Hindi mo ba napapansin na kay gandang babae n'yang si Lawrah? Partida, wala pang katiting na make up 'yan, ha?"
"I do my best not to notice that kind of stuff, Susie. Lalo na kung empleyado. My brain functions differently when I deal with my employees – and you know that better, so stop teasing."
Napalabi ito. "Masyado kang sensitive ngayon, Sir. May regla ka ba?"
Aris groaned in annoyance. At bago nito sinagot ang tawag ay yumuko muna ito at dinampot ang may kalakihang manure bago iyon in-itsa kay Susie na napatili– in her masculine voice.
*
*
*
"LAWRAH, I NEED YOU TO PREPARE a spreadsheet for me," ani Aris nang bumalik ito sa recepgion area matapos makipag-usap kay Mrs. San Diego sa telepono. "Kailangan ko ang kompletong listahan ng mga suppliers natin ng orchids. List them from the cheapest to the most expensive. Email that to me once completed."
Tango lang ang inisagot ni Lawrah bago nito hinarap ang laptop at kaagad na ginawa ang sinabi ni Aris.
Si Aris ay inilapag sa ibabaw ng desk ang wireless phone saka nagpakawala nang malalim na paghinga. "Mrs. San Diegeo is canceling the phalaenopsis orchids; hindi raw kakayanin ng budget nila sa dami ng bouquet na gagawin. I'll provide her with a replacement."
Tumango lang muli si Lawrah; hindi nag-komento.
Si Aris ay sandaling napatingin sa dalaga. Bumalik sa isip nito ang komento ni Susie tungkol sa pagkatao ni Lawrah.
Pinakamalalim na bahagi ng dagat na kay hirap sisiran.
And as Aris thought of that, he realized... that Susie actually got it right.
Lawrah's eyes seemed to hide many secrets. And she always carried an emotionless face. Maliban na lang sa mga pagkakataong nagugulat ito at namamangha– sandali itong panlalakihan ng mga mata bago muling magiging blangko ang ekspresyon ng mukha.
She was... a mystery.
At tama si Susie. Tila kay hirap nitong sisirin.
"Hey," untag ni Aris rito makaraan ang ilang sandali. "I need to ask you something. And it's quite personal so I hope you won't get offended."
Umangat ang tingin ni Lawrah mula sa ginagawa nito sa laptop– and as usual, she said nothing.
Tumikhim si Aris. Ipinatong nito ang dalawang mga kamay sa ibabaw ng counter, pinagsiklop ang mga daliri, muling tumikhim, saka nagsalita. "Tungkol sa ginagawa sa 'yo ng kuya mo."
Pansin ni Aris ang biglang pag-ulap ng mga mata ni Lawrah.
"I don't want you to misinterpret my intention; I'm just a mere employer who wants to make sure all his employees are well taken care of. Naisip kong baka makatulong sa 'yo."
"Ang... alin po?"
"Therapy. Gusto mo bang sumailalim sa isang psych evaluation test para mabigyan ka ng tamang gabay tungkol d'yan sa pinagdadaanan mong trauma?"
Hindi kaagad nakasagot si Lawrah.
Nagpatuloy si Aris. "I'm no expert, but I could tell that you have a bad trauma and I just know it has something to do with your brother. At noong isang araw ay nangako akong po-protektahan kita hanggang sa narito ka sa poder ko—"
"Sa tingin po ba ninyo ay walang pagbabago sa akin sa nakalipas na mga araw?"
"I saw a change in you, pero nang makita ko ang ginawa sa 'yo ng nakatatanda mong kapatid ay naisip kong baka kaya ka laging nagugulat at natataranta ay dahil sa trauma mo sa kaniya. And I can't just sit there and let that trauma eat your peace away, Lawrah. Pareho naming gusto ni Susie na tumagal ka sa trabaho mo dahil malibang maayos kang magtrabaho ay pagod na kaming maghanap ng kapalit at mag-umpisang muli. We want you to stay, and if we want you to stay, we want to make sure you're perfectly okay not only physically but mentally and psychologically, as well. Kaya kung okay sa iyo ang idea na magtrabaho dito nang matagal, sana ay tanggapin mo ang alok ko."
Muli ay tahimik lang si Lawrah– hanggang sa banayad itong tumango saka nagbaba ng tingin. "Pag-iisipan ko po. "
"Why would you still think about it? This will benefit you, Lawrah."
"Hindi po ako sanay na... magsabi sa iba ng tungkol sa personal kong buhay, lalo na kung tungkol sa nakaraan ko. At naiisip ko pa lang po ngayon na may pagsasabihan ako ng tungkol sa buhay ko ay para na akong masusuka. Hindi po magiging madali sa akin ito, kaya kailangan ko pong pag-isipan muna kung papayag ako o... aalis na lang po."
And Aris didn't want to look for a replacement this soon, so he conceded.
Napabuntong-hininga na lang ito. "Okay, fair enough. How long do you need?"
"Bigyan n'yo po ako ng isa pang linggo para mag-isip."
"That's a long time to think it over, but okay." Aris smiled softly and stood straight. "You're doing well at your job, Lawrah. Isa ka sa mga naging staff dito na kay bilis matuto. I don't want you to leave just because of this, so fine. I'll let you decide."
"Salamat, Sir Aris."
Tumango si Aris saka tumalikod.
Si Lawrah, nang tuluang makaalis si Aris ay ibinaling ang tingin sa laptop. At dahil nakapatay na ang ilaw sa screen ay sandali muna itong nakipagtitigan sa repleksyon nito roon. Ilang sandali pa'y nagpakawala ito nang malalim na paghinga.
"Kung sasailalim ako sa isang psych evaluation test ay malalaman nila ang totoong nangyayari sa akin." Pailalim na sinulyapan ni Lawrah ang manure area kung saan pumasok si Aris. "Kailangan ko nang kumilos. Kailangan ko nang makuha ang loob ni Ariston Ghold."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top