CHAPTER 004 - Used To Pain


MAAGANG NAGISING SI LAWRAH KINABUKASAN. Alas sinco pa lang ay bumangon na ito at naligo. Pagkatapos maligo ay dumiretso ito sa kusina para magtimpla ng kape. Kagabi pa lang ay sinabi na ni Susie na hindi ito nagluluto sa umaga dahil hindi naman kumakain ng almusal si Aris. At ganoon din ito, kaya alam ni Lawrah na wala itong aabutang tao sa kusina sa mga sandaling iyon.

Sa kusina ay may dalawang klase ng kapeng nakita si Lawrah. Isang instant at isang barako. Lawrah chose the latter and brewed it using the percolator. Hindi maiwasan ng dalagang alalahanin ang dating buhay– noong nabubuhay pa ang mga magulang.

They had a pretty decent and comfortable life. Nasa business industry pareho ang mga magulang nila– ang ama nila'y nagmamay-ari ng maliit na shipping company at ang ina nila'y may maliit na hair salon sa bayan. Parehong nag-aral sa isang international school sina Lawrah at Dexter, pero madalas na hindi napasok ang huli dahil noon pa man ay wala na itong interes sa pag-aaral. Lawrah used to top her class, and she was doing well in college until their parents were...

Lawrah shut her thoughts and released a heavy sigh.

Bakit pa ba niya binabalikan ang nakaraan?

Dalawang taon na ang lumipas simula nang maging impyerno ang buhay niya, at sa loob ng dalawang taon ay namuhay siyang puno ng takot at hinagpis ang dibdib. Nawalan na siya ng kontrol sa buhay. Nawalan na ng direksyon dahil na rin sa pagmamanipula ni Dexter.

But she was now willing to change that.

And her future depended on this final job.

For now, she needed to focus.

At para alisin sa utak ang mga alaala ng nakaraan at upang libangin ang isip habang hinihintay na matapos ang pagbu-brew ng kape ay inikot niya ang tingin sa paligid. The whole kitchen area was huge. Ang L-shaped sink ay gawa sa grey and white marble at moderno ang faucet. Ang cupboards ay nakapintura ng puti at nakapantay sa haba ng lababo, at sa mismong lababo ay may nakapatong na mga creeper plants katabi ang ilang mga mamahalin at modernong kitchen devices.

Ang buong kusina ay tila yaong nakikita sa mga lifestyle magazines. Moderno, malinis, mukhang mamahalin.

Pero... hindi ang mga mamahaling kitchen devices ang kailangan ni Dexter na makuha niya.

Ang nais ni Dexter ay mas malaki; mas kapaki-pakinabang.

Napa-hugot siya nang malalim na paghinga. Kailangan niyang pag-aralan nang mabuti kung papaano makukuha ang simpatya at interes ni Aris. Kailangan niyang pag-aralan kung saan ang kiliti nito.

Kailangan niyang makuha ang loob nito. At mag-uumpisa siya sa pag-alam kung ano ang mga paborito nito at ang mga ayaw. From there, she will creep her way to Ariston Ghold's mind and soul. At kapag nabaliw na ito sa kaniya ay...

Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang pag-iingay ng percolator. Ibig sabihin ay handa na ang kape niya. Nilapitan niya iyon at pinatay ang stove. Kumuha siya ng tasa sa cupboard– doon sa area na inituro ni Susie sa kaniya. Matapos niyang magsalin ng kape sa tasa ay tinungo niya ang frigde upang kumuha ng gatas. At habang naglalakad siya patungo sa fridge ay pumasok sa isip niya ang bilin ni Susie kagabi,

"Konsumo nating dalawa 'yong fresh milk na nasa loob ng ref. Pero iyong almond milk, kay Sir Aris 'yon. Pwede kang manghingi kung gusto mo, pero ako kasi, mas gusto ko 'yong fresh milk ipang-halo sa kape ko. Kung gusto mo ng almond milk, itabi mo na lang ang karton sa lagayan ng mga fresh milk. Kapag kasi nainom ng gatas iyang amo natin ay tag-isang karton. Ayaw non ng may bawas kapag nainom, Maarte 'yan sa ganiyan. Tandaan mo na lang para di ka mapagalitan."

Binuksan niya ang fridge at namangha sa nakita.

Apat na layer ang shelf sa loob. Dalawang layer ay pawang mga almond milk boxes. Iyong shelf naman sa pinto ay puro mga selyadong bote ng distilled water, at ang nasa dalawang hilera naman ay ang anim na box ng fresh milk at ilan pang mga naka-garapon na pagkain.

Dalawa ang chiller sa ibaba ng fridge. Ang unang layer ay puno ng iba't ibang uri ng gulay, at ang ikalawang layer ay pawang mga... oranges.

Okay, bulong niya sa sarili. Tinatak sa isip ang munting impormasyong iyon.

Inabot niya ang fresh milk na nasa unahan, at nang makitang bukas na iyon ay iyon ang kaniyang inilabas. Binalikan niya ang tasa niya sa lababo saka nilagyan ng gatas ang kape. Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos na siya sa pagtitimpla. Kinuha niya ang tasa at dinala sa bibig. Inamoy muna niya ang aroma bago inumpisahang humigop.

At habang ninanamnam niya ang kapeng tinimpla niya'y pumasok sa kaniyang isipan ang mga araw na halos kape lang ang ipinanlalaman niya sa tiyan. At nangyayari iyon sa tuwing wala siyang nai-eskapong pera mula sa mga targets, o kung naubos na ni Dexter ang perang nakukuha niya dahil sa pagsusugal. Kay pait ng mga alaalang iyon, mas mapait pa sa purong kapeng barako.

Ayaw na niyang balikan ang mga araw na wala siyang makain. Sisiguraduhin niyang magtatagumpay siya sa pagkakataong ito, sa lugar na ito, para makapanimula siya. Hihilingin niya ritong bigyan na siya ng kalayaan. Kung maaari ay mangibang bayan siya, hiwalay rito, para tuluyan na siyang umusad sa buhay niya. Susubukan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa– susubukan niyang mag-isa.

Baka sakaling kaya na niya.

Alam niyang imposibleng palayain siya ni Dexter, at alam niyang baka ikagagalit nito ang plano niyang magsarili na sa buhay, pero susubukan pa rin niya.

Susubukan niya dahil... iyon lang ang paraan para maranasan niyang mabuhay nang tama. Nang tahimik.

At kung papalarin ay baka makakilala siya ng lalaking tatanggap sa kaniya.

Dahil...

Gusto niya ng pamilya. Baka sa pagkakataong iyon ay handa na siyang maging ina. Hindi na siya matatakot, o mag-aalala.

Isa pa'y gusto na rin niyang makaranas kung papaano... magmahal.

"Good morning, Lawrah."

Napa-igtad siya sa pagkagulat nang marinig ang baritonong tinig ng amo mula sa kaniyang likuran. At sa pagkakaigtad niyang iyon ay aksidente niyang natapon ang kapeng hinihigop. At natapon ang mainit na kapeng iyon sa dibdib niya.

Mariin siyang napakagat-labi nang maramdaman ang init ng likidong dumaloy sa kaniyang balat. Taranta niyang inilapag pabalik ang tasa sa ibabaw ng lababo at hinarap si Aris.

*

*

*

KINUNUTAN NG NOO SI ARIS nang makita ang biglang pagkatarantan ni Lawrah. Kadarating lang niya, at sa pagpasok pa lang ng shop ay kaagad na niyang naamoy ang mabangong aroma ng kape kaya dumiretso siya sa kusina. Kaagad niyang nakita si Lawrah na nakaharap sa lababo, at tulad ng nangyari kahapon, ay nagulat na naman ito nang marinig ang boses niya.

"Why are you so jumpy?" he couldn't help but ask. Para itong magnanakaw na nahuli sa akto kung mataranta.

Hindi sumagot si Lawrah, pero pansin niya ang panlalaki ng mga mata nito. Akma siyang muling magtatanong kung ano ang problema nang bumaba ang kaniyang tingin sa suot nitong puting blusa. At nang makita ang mantsa ng natapong kape sa dibdib nito ay napabulalas siya,

"Oh God, are you hurt?"

At muli ay tulala na naman ang dalaga.

He cursed under his breath as he walked towards her. In-ilang hakbang lang niya ang pagitan nila, at nang marating niya ang kinaroroonan nito ay kaagad na tumambad sa kaniya ang napaso nitong balat. Ang suot nitong blusa ay naka-butones hanggang sa ibabaw ng dibdib nito, at sa kabila ng kayumanggi nitong balat ay nakita niya ang pamumula niyon sanhi ng mainit na kape.

He cursed again, louder this time. Mabilis siyang kumilos at hinablot ang puting basahan na nakasampay sa handle ng oven. Binasa niya iyon ng malamig na tubig, pinigaan, saka dinala kay Lawrah. Kinuha niya ang mga kamay nito at ibinigay rito ang bimpo.

"Idikit mo ito sa napaso mong balat. Kukuha ako ng petroleum jelly sa kwarto ni Susie."

Akma na sana siyang aalis nang mapansing hindi man lang ito kumilos. Hinawakan lang nito ang ini-abot niyang bimpo pero hindi dinampi sa napasong balat. Kinunutan siya ng noo at naguguluhang tinitigan ito.

"What's wrong, Lawrah?"

Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa kaniya. "A-Ayos lang po ako."

"No, you are not. Namumula ang balat mo." Nalipat ang tingin niya sa tasa ng kapeng ipinatong nito sa lababo. Nasa tabi niyon ang isang karton ng fresh milk. He narrowed his eyes and turned his attention back to Lawrah. "Umuusok ang kape sa kabila ng nilagyan mo na ng gatas. Ibig sabihin ay mainit ang nasa tasa. Why the hell are you still calm?"

Napakurap ito, walang naisagot.

Mangha siyang nagsalita. "Ano ang... nararamdaman mo ngayon?"

"A-Ayos lang... po."

"You're not in pain at all?"

Umiling ito.

"Pero..." Bumaba ang tingin niya sa napaso nitong balat. Pulang-pula ang nasa bandang ibabaw ng dibdib nito.

"Madalas po akong napapaso kaya..."

Ibinalik niya ang tingin dito nang marinig ang sinabi nito. "What?"

"A-Ang ibig ko pong sabihin ay... dati po akong nagtrabaho bilang kitchen staff at... at ilang beses na pong nangyari na napaso ako kaya... hindi na po bago sa akin ito." Napayuko ito at itinaas ang kamay na may hawak sa bimpo. Noon lang ito nag-umpisang punasan ang napasong balat.

Lalo siyang naguluhan. "But still. Just because you're used to it doesn't mean you can't feel it. Pain is pain, Lawrah. Unless you have this congenital condition that prevents you from feeling pain, I don't believe you're the type of person who could tolerate it."

Hindi ito nagsalita pa at ituloy na lang ang pagpunas sa napasong balat. At nang makita niya ang paraan nito ng pagpunas ay bigla na lang may bumangong inis sa kaniyang dibdib. The way Lawrah scrubbed the wet towel against her burnt skin hurt his eyes.

"That's not how you do it, damn it. Lalong mai-irritate ang balat mo." Banayad niyang binawi mula rito ang bimpo saka muling binasa. Makalipas ang ilang sandali'y muli niya itong hinarap saka itinaas ang hawak sa napasong parte ng balat nito. Pero bago pa man niya maidampi roon ang bimpo ay muli siyang nagsalita, "Can I?"

Lawrah answered him with a blink. Napatingin ito sa bimpo bago bumaba ang pansin nito sa namumulang balat.

"Lawrah," untag niya rito. "I'll show you how to properly ease the pain without further hurting yourself. And I promise my fingers won't even touch your skin, so there is nothing you should be worried about."

Damn it, hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag.

"I don't want you to think that I was taking advantage," he added.

Shit. He should stop defending himself. Siya lang yata itong nag-iisip nang ganoon.

But double shit. Why the hell was Lawrah not showing any emotions at all? Totoo ba talaga ang sinabi nitong hindi ito nakararamdam ng sakit?

Lihim niyang ipinilig ang ulo bago nagpakawala nang malalim na paghinga. Nakararamdam man ng hapdi si Lawrah o hindi ay kailangan niyang dapatan ng paunang lunas ang paso nito bago iyon magsugat. Kaya naman hindi na niya hinintay pang isatinig ni Lawrah ang pagpayag. It looked like she wasn't against the idea, anyway.

Unti-unti niyang inilapit ang bimpo sa balat nito; maingat na hindi dumapo ang dulo ng kaniyang mga daliri sa katawan ng dalaga. At nang tuluyan nang dumikit ang bimpo roon ay bahagyang napa-igtad si Lawrah. Pero sandali lang dahil kaagad din itong huminahon.

He gently tapped the wet towel over her skin, making sure all the burnt area was moisturized. At maingat niyang ginawa iyon upang hindi makaramdam ng iritasyon si Lawrah, lalo't hindi pino ang texture ng towel na nahablot niya.

"Always be gentle with your body, most especially your skin, Lawrah." All his attention was on the towel and her burnt skin that he didn't notice how Lawrah's gaze moved to his face. "Treat your skin as one of the most delicate parts of your body. Not only because it's essential to your general health, but also because for a lot of people, skin is the marker of beauty. Some people judge a woman for their skin; may ilang kultura na hindi tumatanggap ng babaeng pakakasalan kung may kaunting paso sa katawan. A woman's skin is sadly a significant mark of beauty, so you should really look after it. In a better world, beauty would be irrelevant. Unfortunately in our world, it's one of our most valuable assets for a woman. So treat it with gentleness all the time. Think of it as a flower petal...."

Hindi niya alam kung naiintindihan siya ni Lawrah, pero hindi niya napigilan ang paglitanya.

Sandali niyang inalis ang tingin sa napasong balat ni Lawrah at inilipat sa parteng hindi natalsikan ng mainit na kape. For a moment there, he just stared at her skin, realizing how nice her tan was. He wondered if it was natural?

Was she really a naturally-born morena?

He couldn't tell. Marami siyang kilalang sadyang tumatambay sa beach para magpa-tan. Ang iba naman ay sadyang nagbabayad nang malaki para turukan ng pampapaputi.

In short, wala na siyang kilalang babae na may natural na ganda.

Every woman he knew around this area paid a lot of money to look pretty. They were professionally made. Went under the knife— may it be for a lip filler, fake cheekbones, nose lift, or false eyelashes. Everything was fake.

But no, he wasn't questioning or criticizing them. They had the right to decide for themselves and to change whatever they wanted to change to look pretty and confident– hindi niya aalisin sa mga babae iyon. It's just that... almost everyone he met and went out on a date had something done to their face and body. At nag-aalala siyang baka lahat na lang ng babae sa parteng iyon ng bansa ay may naipagawa na.

Nothing's natural anymore.

Now he wondered.

Natural kaya ang balat ni Lawrah?

Well, he doubted Lawrah was someone who would spend a lot of money to look better.

Did she even need to look better?

Akma niyang iaangat ang tingin sa mukha nito nang may tila kung anong bumulong sa likod ng kaniyang utak.

That other side of his brain reminded him that he shouldn't be thinking any of this stuff. He wasn't supposed to in the first place.

And with that in mind, he kept his attention on Lawrah's burnt skin.

Pero may kung anong demonyo rin ang nag-uutos sa kaniya na ibaba pa ang tingin sa nakabukas na butones ng blusa nito. And he was so ready to give in to his demon when suddenly... he heard Susie's voice.

"Sir Aris, ito na nga ba sinasabi ko, eh! Ano 'yan, ha?"

Natauhan siya at mabilis na bumaling sa kasambahay.

Si Susie ay nahinto ilang dipa sa kinaroroonan nila ni Lawrah, salubong ang mga kilay.

Great. Now he didn't need to nurse his employee. Not that he didn't want to, he just didn't want the demon in his mind to take full control over him.

Dahil hindi pwedeng ma-kontrol siya ng demonyong bahagi ng utak niya.

Hindi pwede dahil empleyado niya si Lawrah.

"Mali ka ng iniisip kaya alisin mo 'yang simangot sa mukha mo," kalmado niyang sambit bago ibinaba ang kamay na may hawak sa bimbo. "Hali ka rito at tulungan mo itong si Lawrah. Natapon ang mainit na kape sa dibdib niya."

Inilapag niya ang bimpo sa mesa at muling binalingan si Lawrah na ngayon ay nakatingala sa kaniya. He did his best not to study her face and to look past it.

"Si Susie na ang bahala sa 'yo. Magkita na lang tayo makalipas ang isang oras para umpisahan mo na ang trabaho mo."

Hindi na niya hinintay pang magsalita si Lawrah; kaagad na siyang tumalikod at humakbang palapit kay Susie na hanggang sa mga sandaling iyon ay nakanguso.

"Wala akong dalang alimango at sugpo dahil may bagyo sa Contreras at hindi nakapalaot ang mga tauhan ni Phill."

"Pfft. Ang sabihin mo'y hindi ka na naman nakalabas ng kwarto kasama si Lori kaya nahuli ka na naman sa–"

"I didn't come with Lori." Dire-diretso sya patungo sa backdoor. "She was not in town so I called someone else."

"Naku, may bago na naman. Narinig mo 'yon, Lawrah? Sabi sa 'yo matinik 'tong amo natin, eh."

Huminto siya at bagot na hinarap ang kasambahay. "Susie, stop shitting on my name." Then, he glanced at Lawrah and said, "Walang nakapila, Lawrah. There are just two of them and...."

And he paused.

Because shit— why was he so defensive again?


*

*

*


A/N: 

Please note that this story is a VIP EXCLUSIVE. I will only posted chapters 001 through 010 here, but 011 onwards will be posted exclusively on my Patreon account and the VIP Facebook Group.

PM me should you wish to join /subscribe




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top