CHAPTER 002 - The Timid Sinner


"NAKU, MUKHANG DUDUGUIN ILONG MO RITO SA AMO MO NA 'TO, RAYA, AH?" nakangising sabi ni Dexter habang nakamata pa rin sa matangkad na lalaking nakatayo sa kanilang harapan.

Ang lalaki, si Ariston Ghold, ay napatingin kay Dexter nang marinig ang sinabi nito. Ang ngiti nito'y unti-unting napalis.

"And you are...?"

Itinaas ni Dexter ang kamay at ibinigay kay Ariston. "Dexter Isbell, sir. Lawrah's older brother."

"Oh." Tumango si Ariston at inabot ang kamay kay Dexter. Sandaling nagkamay ang dalawa, at nang matapos ay muling nagsalita, "Don't worry about your sister, she's in safe hands. She will be working with another staff member who also lives here."

Si Lawrah na kanina pa hindi maalis ang tingin sa lalaking nasa harapan ay nilingon si Dexter, at sa mahinang tinig ay, "H-Hindi mo binanggit na dito ako maninirahan sa... sa shop niya?"

Nilingon din ni Dexter ang dalaga. May huwad na ngiti sa mga labi nito nang sumagot, "Mas maiging dito ka para makatipid tayo. At alisin mo 'yang kunot sa noo mo, nakatingin itong porendyer, o."

Nagpakawala ng malalim na paghinga ang dalaga bago ibinalik ang pansin sa lalaking nasa harap. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Dexter.

"My sister is a little timid, but she's kind and trustworthy, Sir," sagot pa ni Dexter.

Tumango si Ariston at ibinalik ang tingin kay Lawrah na biglang napa-piksi. Nagulat din ang dalaga sa naging reaksyon ng katawan. Hindi maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman sa tuwing dumadapo ang tingin ng binata rito.

"Did you bring your stuff?"

Lawrah just gaped at the man. Sa tuwing napapatitig ito sa kulay berdeng mga mata ng lalaki ay tila ito hinihigop sa ibang dimention. She was mesmerized. Iyon pa lang ang unang beses na nakakita ito ng ganoon ka-gandang mga mata sa malapitan.

Then, Lawrah snapped out of her idiotic stare when Dexter elbowed her arm. Napa-kurap ang dalaga at doon pa lang nagising at bumalik sa kasalukuyan.

"H-Ha?"

Si Dexter ay napailing; sa kaloob-looban ay nag-iinit na ang dugo. At nang wala pa ring naisagot si Lawrah ay ito na ang nagsalita, "Yes, she did, sir. I'll..." Nahinto ito at nag-isip kung ano ang Ingles ng sunod na sasabihin. Dexter basically just knew basic english, at nasanay ito dahil sa mga sosyal na manunugal sa casino na nakakalaban nito. "I'll take them out. Give me a minute." Tinapunan muna nito ng tingin si Lawrah bago tumalikod at bumalik sa taxi. Sinenyasan nito ang driver na buksan ang trunk.

At habang wala si Dexter ay muling hinarap ni Aris si Lawrah. His smile was friendly and kind. Walang halong paglalandi tulad ng ngiting ibinibigay nito sa mga babaeng nakakasalamuha sa kama. Aris knew who to flirt; he was professional enough not to mix business and pleasure.

"You look tensed," banayad na komento ni Aris habang sinusuri ng tingin ang babaeng kaharap. "Don't be scared, I'm not a bad guy."

Oh, no he was not. Pero hindi iyon ang iniisip ni Lawrah kaya nati-tensyon ang dalaga.

Ang dahilan kung bakit naroon ito at ang mga kailangan nitong gawin ang dahilan kung bakit kinakabahan si Lawrah.

Dahil ayon kay Dexter... kailangang gawin ni Lawrah ang lahat para makuha ang loob ng susunod nilang target. Lahat... kasama na roon ang pag-alay ng katawan nito.

Tulad ng madalas na mangyari sa tuwing lalaki ang target na nahahanap ni Dexter.

At sa mga sandaling iyon ay hindi alam ni Lawrah kung kakayanin nito ang mga plano.

"Heto na ang mga gamit mo, Lawrah," si Dexter nang muling makalapit. Ibinaba nito ang traveling bag sa tabi ni Lawrah; ang anyo at tinig ay kay bait. "Kailangan ko na ring umalis. Maghahanap pa ako ng apartment na lilipatan. Tatawagan na lang kita o dadalawin sa susunod na linggo. Pagbutihin mo ang trabaho, ha?"

Kay lamig ng pakiramdam ni Lawrah nang marinig ang huling mga sinabi ni Dexter.

Pagbutihin ang trabaho...

Ibig sabihin ay hindi maaaring magkamali si Lawrah.

Ibig sabihin ay kailangang magtagumpay ang modus nila.

Ramdam ni Lawrah ang pagbabantang kaakibat ng huling mga sinabi ni Dexter, at doon pa lang ay alam na ng dalaga ang kahihinatnan kung magkanda-mali-mali ito.

"Please take care of my sister, Sir," sabi pa ni Dexter nang si Ariston naman ang hinarap.

Tumango si Aris. "She will be well-treated here, don't worry."

Ngumisi si Dexter at binalingan si Lawrah. Wala na itong sinabi pa, pero nag-iwan ito ng tingin na tanging ang dalaga lang ang nakakaintindi.

Sinundan ng tingin ni Lawrah si Dexter hanggang sa makabalik ito sa taxi. Sumampa ito sa front seat at ini-sara ang bintana.

Hanggang sa mawala sa paningin ng dalaga ang taxi ay nanatili itong nakalingon sa kalsada.

Makalipas pa ang ilang sandali ay...

"Let's go inside. I'll show you the way to your room."

Napalingon si Lawrah at nakita ang paglapit ni Ariston. Kinuha nito ang traveling bag na ibinaba ni Dexter sa daan. Nanatili lang na naka-mata ang dalaga.

Banayad na ningitian ni Aris ang dalaga bago ito nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa gate, at nang maramdaman nitong hindi pa rin kumikilos si Lawrah mula sa kinatatayuan ay huminto ito, lumingon, saka kinunutan ng noo. There was this friendly yet confused smile on his face when he said,

"Are you coming or what?"

Mariing napalunok si Lawrah bago humakbang papasok. Hindi nito maintindihan kung bakit labis-labis ang nararamdamang pagkailang para sa lalaki. Nang makapasok ay si Aris na mismo ang nagsara ng gate. Si Lawrah ay kabadong in-obserbahan ang bawat kilos ng lalaki.

"Please follow me."

Diretsong binaybay ni Aris ang sementadong footwalk patungo sa nakabukas nitong reception area na nasa gitna ng malawak ng garden, habang si Lawrah naman ay sandaling nahinto at manghang inilibot ang tingin sa paligid.

Ang front yard ay puno ng mga kakaibang halaman na noon lang nakita ng dalaga. Mula sa maliliit at malalaki, sa mga namumulaklak at hindi, gumagapang na halaman at bonzai, hanggang sa may maliliit na mga dahon at malaki.

Lawrah felt like she was surrounded by nature– and was she in paradise? She couldn't tell. Pero sa mga sandaling iyon, habang iniikot nito ang tingin sa paligid, ay nakararamdam ito ng kakaibang ginahawa. Na tila ba sandali itong nakatakas mula sa magulo at kay dilim nitong buhay.

Sunod na natuon ang tingin ng dalaga sa bahay na nasa gitna ng propriyedad. Nakabukas ang floor-to-ceiling glass door niyon, at mula sa labas ay kitang-kita ang loob. Itinuloy ni Lawrah ang paghakbang hanggang sa marating nito ang bahay. Kaagad na bumungad sa dalaga ang malawak na lobby, at doon lang napagtanto ni Lawrah na hindi pala iyon bahay kung hindi ang mismong receiving area. At doon lang din nito napagtantong ang pader sa buong area na iyon ay gawa sa salamin. Hindi iyon halata mula sa labas dahil napapaligiran ng mga halaman.

Ang katapat ng nakabukas na sliding door ay ang reception desk. Sa kaliwang bahagi naroon ang mamahaling L-shaped sofa na para sa mga guests o customers, at sa kanang bahagi naman ay may likuan patungo sa likuran. Doon dumiretso si Aris bitbit ang bag ng dalaga.

Maagap na sumunod si Lawrah.

Sa pagliko sa daang iyon ay hallway na may habang limang metro. Pagdating sa dulo ay huminto si Aris.

Napa-tuwid ang likod ng dalaga nang lumingon ang amo. "If you turn left, you will find the kitchen. If you turn to this side..." Aris pointed to the right corner. "This is where the rooms are. Come, I'll show you."

Nang ituloy ni Aris ang paghakbang ay humugot si Lawrah nang malalim na paghinga bago sumunod. Sa pagliko nila sa kanang bahagi ay kaagad na nakita ni Lawrah ang tatlong magkakatabing silid.

Dumiretso si Aris sa dulo, binuksan ang pinto roon, saka pumasok.

Nang marating ni Lawrah ang pinto ay umikot ang tingin nito sa malawak na silid. Unang dumapo ang tingin ng dalaga sa single bed na naka-balot na sa malinis na bed sheet. Katabi ng kama ay ang cabinet na naka-pintura ng puti. Sa kabilang gilid naman naroon ang side table na kung susuruing mabuti ay antigo pa yata. Sa ibabaw niyon ay may nakapatong na crystal vase kung saan may nakalagay na sariwang mga bulaklak.

Pumasok si Lawrah, patuloy sa pag-ikot ng tingin. Sa pader ng silid ay may nakasabit na dalawang paintings. Isang flower field at sa isa naman ay collage ng mga bulaklak.

Hindi maiwasan ng dalagang makaramdam ng magkahalong lungkot at saya nang makita ang maayos na silid na tutulogan sa loob ng ilang linggong pananatili roon...

Simula nang mamatay ang magulang nila ni Dexter ay hindi na nakaranas na tumira o matulog ni Lawrah sa ganito ka-linis at ka-ginhawang silid. Sa nakalipas na halos dalawang taon ay kung saan-saan na lang sila tumira ni Dexter. At kapag nasa misyon naman ito—magta-trabaho sa tao para makapanlinlang—ay sa isang bodega ito pinatutulog, kung hindi sa sofa o sa banig. Minsan ay sa silid ng lalaking huhuthutan ng dalaga sa pamimilit ni Dexter. At kapag nasa kama si Lawrah kasama ang 'target' ay kailanman, hindi naging payapa ang pakiramdam ng dalaga.

Dahil... sino ba ang magiging payapa kung ang taong katabi sa kama ay hindi mo kilala at hindi ka ta-tratuhing tao?

Muling in-ikot ni Lawrah ang tingin sa buong silid, at habang ginagawa iyon ay tila may kung anong anghel ang humaplos sa puso nito.

Ang silid na iyon... ang shop na iyon... ang bago niyang amo—target—na si Ariston Ghold... ay mukhang ta-tratuhin siya nang tama.

Mukhang... ta-tratuhin siyang tao.

Isang bagay na sa loob ng dalawang taon ay hindi niya naranasan.

Ang tratuhin siyang tao.

*

*

*

"KUNG NAPANSIN MO KANINA, tatlong magkakatabing pinto ang nasa bahaging ito ng shop. Ang nasa unahan ay kay Susie— kasambahay at kusinera ko. Nasa palengke siya ngayon kaya mamaya mo na siya makikilala. Ang nasa gitna naman ay banyo—you and Susie are sharing it."

Napakurap si Lawrah bago bumaling sa kaniya.

Lihim siyang napailing nang makita ang bahagya nitong pag-igtad nang marinig ang tinig niya. Hindi siya magaling magbasa ng tao, pero may pakiramdam siyang mahihirapan siya sa isang ito.

Tahimik, pero mukhang nerbyosa. Mukhang may trauma.

Damn it, sana hindi iyakin. I hate crying women.

"M-Marunong kayong mag-Tagalog?"

Oh.

Hindi niya napigilang ngumiti. Kaya pala para itong nagulat nang magsalita siya.

Akala niya'y natakot ito, and he even thought she had trauma. Iyon pala'y nagulantang lang nang mapagtantong marunong siyang mag-Tagalog.

"Yes, I speak that language. Nasanay lang akong magsalita ng Ingles dahil sa mga kliyente ko at... dahil iyon ang madalas na gamit naming lenguwahe sa bahay. Kung hindi ka komportable ay magta-Tagalog ako para sa 'yo."

"P-Pero... Pilipino ka ba?" Sinuri siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, at ewan niya, pero hindi niya napigilan ang sariling muling mapangiti.

Paano, iyon ang unang beses na may babaeng sumuri sa kaniya ng tingin nang walang pagnanasa sa mga mata. Not that he was expecting to see desire in his new employee's eyes. He just couldn't believe someone would scrutinize his physique so boldly like this woman did.

"No, I am not," he answered. "Mahabang kwento. But to make it shorter for you to understand... I was not born in this country, but this is where I grew up. I follow Filipino traditions and culture, so... I may not be Filipino in blood, but I am at heart."

Confused, Lawrah stared at his face. His lips twitched for a friendly smile.

"Makikilala mo rin ako nang husto kalaunan, sa ngayon ay pag-usapan muna natin ang magiging trabaho mo rito at ang mga makukuha mo bilang empleyado. You saw the agreement, didn't you?"

"Ang... alin po?"

Kinunutan siya ng noo. "The employment agreement. The one you signed."

"Huh?"

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi niya alam kung pagod lang ang dalaga, hindi pa rin nakabawi sa pagkagulat, o talagang bingi lang. If it was the latter, then he had a big problem. Ayaw niya ng may diperensyang empleyado.

"Nakaiintindi ka ba ng English?" aniya rito. "Pwede akong magsalita ng Tagalog pero hindi ko maiwasang dugtungan ng English ang ilan sa mga sasabihin ko. I will try... shit. Susubukan kong diretsuhin ang mga sasabihin ko sa Tagalog para–"

"Nakaiintindi ako ng English, hindi po ako bobo."

Just deaf, I guess.

Muli niya itong nginitian.

That was Lawrah's first day, baka naninibago lang ito at nahihiya pa kaya hahabaan niya ang pasensya. "Okay, so narinig mo ang sinabi ko tungkol sa employment agreement. I emailed it to you and you signed it, which also means you agreed to everything it says. But let's discuss it quickly to refresh your mind."

Napakurap ito, walang sinabi.

Nagpatuloy siya. "As per the agreement, nasa ilalim ka ng tatlong buwang probationary period. Kapag maayos mong nagawa ang trabaho mo sa loob ng tatlong buwan, your employment status will transition to regular. Kapag regular ka na ay makatatanggap ka ng mga benepisyo tulad ng mga regular na mga empleyado. You get four days off per month– bawal sunod-sunod. Makatatanggap ka ng sahod linggo-linggo, at wala kang gagastusing kahit ano dahil libre ang pagkain mo rito– kasama na ang mga personal mong pangangailangan. Sabihin mo lang kay Susie at siya na ang bibili ng mga groceries mo at ng iba mo pang mga kailangan. Maintain cleanliness, especially in the restroom and the kitchen. Tinotopak si Susie kapag marumi ang paligid. And lastly, please don't go beyond the backdoor."

Doon pa lang nawala ang panggilalas sa mukha ni Lawrah. Tila nagising ang diwa nito nang marinig ang huling sinabi niya.

"Ano po ang... mayroon sa backdoor?"

"I'll show you. Come." Humakbang siya patungo sa pinto at nilampasan ito. Sa harap ng pinto ni Lawrah ay ang backdoor. Huminto siya sa harap niyon at nilingon ang dalaga na nakasunod sa kaniya. Binuksan niya ang pinto at ipinakita kay Lawrah kung ano ang naroon.

Pagkabukas sa backdoor ay kaagad na bubungad ang malawak na yard. As opposed to the front yard, the backyard had no plants, just plain bermuda grass. Nakabukas ang water sprinkler sa mga sandaling iyon kaya basa ang mga damo. Mula sa backdoor ay may malalaking mga batong naka-libing sa lupa at nagsisilbing footwalk patungo sa kabila.

At ang kabila ay ang bahay niya.

Sampung metro mula sa likuran ng shop ay naroon ang munti niyang tahanan. A house made of glass. Isang palapag lang iyon pero malawak at may tatlong silid sa loob. His younger brother, Capri, built it for him. At hindi tulad ng sa harap, walang anumang mga halaman ang nakapaligid sa buong bahay niya. And that place... was his haven.

Ibinalik niya ang pansin kay Lawrah matapos niyang suyurin ng tingin ang kaniyang bahay. Muli niya itong nginitian, at ang dalaga naman ay muling napa-igtad sa kaniyang ginawa.

Bahagyang kumunot ang kaniyang noo.

Nakagugulat ba ang ngiti niya?

Now he wondered...

Pero ipinilig niya ang ulo. Ayaw niyang abalahin ang utak tungkol sa kung ano-ano. Baka naninibago lang ito.

"This is what I meant. Sa likod ng shop ay ang sarili kong bahay. I don't permit anyone to go there other than Susie. Kung may kailangan ka sa akin, nasa opisina ako mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi. Most of the times, nasa garden ako para asikasuhin ang pagbebenta ng mga tanim sa mga kliyenteng pumupunta rito. Pero kapag walang kliyente, I stay in my office to answer some emails. I'll show you my office next." Inisara na niya ang backdoor at muling humakbang upang bumalik sa receiving area. Naramdaman niya ang pagsunod ni Lawrah.

Nang makabalik sila sa receiving area ay pumasok siya sa loob ng reception counter. Ang pader sa likod niyon ay gawa sa mamahaling kahoy, at banayad niyang diniinan ang gilid niyon upang bumukas. The fourth part of the wall was actually a door to his office. At banayad na napasinghap si Lawrah nang mapagtanto iyon.

Nakangiti siyang pumasok. Hindi lang si Lawrah ang namamangha sa tuwing nakikita iyon; kahit ang mga kliyente niya ay napapasipol kapag nasasaksihan ang pagbukas ng kahoy na pader sa likuran ng reception desk– some of them even called it a 'secret room'.

Well, all thanks to his younger brother's smart and innovative ideas.

Pagpasok niya sa maliit niyang opisina ay kaagad siyang dumiretso sa mesa niya. The table was made in a high-quality wood; isa iyon sa mga pinutol na bahagi ng kahoy na ginawang division ng reception area at home office niya. Sa likod ng table ay ang leather executive chair niya, at ang sa harapan naman ay dalawang magkaharap na contemporary single sofa.

Sinulyapan niya si Lawrah at sinenyasang maupo roon.

Nakayuko itong sumunod.

"Nasa dokumento na rin ng pinirmahan mo ang job description mo, kaya hindi ko na iisa-isahin pa sa 'yo ang kailangan mong gawin. You don't need to worry about the plants, ako lang ang pwedeng humawak sa mga halaman ko. I mean... I don't want to sound rude, but sometimes, plants are like people, too. They don't want to be touched just by anyone. Ilang beses na ring nangyari na may nangialam sa mga halaman ko at kinabukasan ay namamatay."

Napatuwid ng upo si Lawrah, muling pinanlakihan ng mga mata. "Ang mga nangialam sa halaman?"

Matagal bago rumehistro sa isip niya ang sinabi nito. Hindi niya napigilan ang bahaw na matawa. "No, silly. Iyong halaman mismo."

"Ah."

Napangiti siya nang mahuli ng tingin ang biglang pamumula ng pisngi ni Lawrah bago ito yumuko upang ikubli iyon.

"So, as I was saying... Hindi kasama sa trabaho mo ang mga halaman. You can water some of them, but you need to get approval from me first. Hindi lahat ng halaman ay kailangang diligan araw-araw, at ang iba sa kanila ay naka-depende pa sa dami ng tubig na kailangang idilig. It's pretty confusing if you weren't really into plans, and I can go on and on about them all night and day, but I won't bore you with all the information. Just to be safe, gawin mo na lang ang trabahong nakalista sa dokumentong pinirmahan mo. Bukas ko ipaliliwanag sa 'yo nang maigi ang responsibilidad mo sa shop. Sa ngayon, may mga katanungan ka ba?"

Hindi pa rin nagtataas ng tingin si Lawrah nang tumango.

He smiled again when he realized Lawrah's shyness could be a potential problem. Pero hindi muna niya aalahanin iyon. He needed to remind himself that this was her first day and she was still adjusting.

"Well, I guess that's all for now." Umalis siya sa likuran ng mesa niya at humakbang palapit kay Lawrah. Naupo siya sa katapat nitong sofa, dumukwang, saka inabot dito ang isa niyang kamay. "I look forward to working with you, Lawrah."

Matagal na napatitig si Lawrah sa kamay niya bago nito iyon tinanggap nang may pag-aalinlangan.

He just couldn't help but smile at the way Lawrah handled herself.

She was indeed timid.

Simple and quiet.

Boring, too.

Mukhang hindi siya magkakaroon ng problema dito...



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top