36


It's been a week since Casimir and I had that conversation in the cafe.

Halos hindi ko na malunok ang kapeng in-order ni Hymier para sa akin dahil sa titig ni Casimir at sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya.

What is he talking about? Hindi ako pwedeng magpaligaw at siya lang ang pwedeng manligaw sa akin? Nahihibang na ba siya?

Alam ko naman na kasal pa kami dahil sa ilang beses akong nagpadala ng annulment papers sa kanya ay ni kahit isa wala siyang binuksan man lang doon at binabalik kaagad sa akin.

But in our case right now,wala sa plano ko ang balikan siya. I am being casual with him because we have Cashania.

I stil love him but it is not enough for me.

Should I accept him again in my life if ever he wants me back?Is it worth it? Should I take a risk again?

If he's just doing this because of Cashania. Huwag na lang,ayaw kong naiisip na makikipag balikan siya dahil lang sa may anak kami.

My week become busier with work. Nag-opening na kami sa open bar at naging abala sa mga business meetings na pinasa sa akin ng pinsan ko.

Hindi ko alam kung anong problema ni Hymier but these past few days he's not the Hymier I know. Palaging tulala at hindi makausap ng maayos.

I was talking to a businessman in the lobby when I saw Casimir approaching our way. Nasanggi niya ang braso ng kausap ko at humingi ng tawad na labas sa ilong. Tinaasan ko siya ng kilay but he just rolled his eyes.

Nilagpasan na niya kami at nagtungo sa elevator. Siguro ay pupunta siya sa opisina ni Hymier. Marami siyang dala,may box at bouquets. Hindi ko alam kung para kanino ang mga iyon at nakuha niya pa talagang dumaan dito?

"Like what I've said,miss Montero...Can I ask you some other time for a lunch or dinner?"bigla tuloy nagbago ang timpla ko.

I am not into this kind of conversation. I want them to take this as professional pero everytime na may makakausap akong businessman ay laging nagyaya ng kain sa labas.

I don't wanna be rude to them dahil business partners sila  pero minsan naiinis din ako. I am not interested in dating with anyone. Kung hindi dahil sa negosyo ang pag-uusapan ay salamat nalang sa imbetasyon.

"Sure po if it's all about business pero kung hindi naman pasensya na po but my daughter and husband will not allow me to."

Nakita ko ang gulat sa kanya kaya ngumiti ako.

"You're married?" I nodded. "Oh,I thought..."

"It's okay mr.Sanchez no one knows aside from my family kaya..." paliwanag ko.

"I'm really sorry Ashanti..." ngumiti lang ako para pagaanin ang loob niya.

"If you don't mind,sir...can I excuse myself now?" He awkwardly smiled and nodded.

Hindi ako nagdalawang isip kaagad na umalis doon. I immediately went to the elevator and push the button of Hymier's office floor.

Nang makarating sa harap ng opisina ni Hymier ay dahan-dahan kong binuksan ito. Sanay na akong hindi kumakatok dahil kaming pamilya niya lang naman ang pumapasok rito.

I slowly open the door and witness the unexpected happening. I saw Casimir and Cashania hugging each other. Nakatalikod si Casimir sa akin at si Cashania naman ay nakabaon ang ulo sa balikat ng ama kaya walang sino man sa kanila ang nakakita sa akin.

Buhat ni Hymier si Hyacinth na ngayon ay nakamasid sa mag-ama. Maluha-luha pa ang bata dahil siguro sa iyak ng pinsan niya.

Napatakip ako ng aking bibig. This scene made my heart beat fast and wrench at the same time. I never expected this to happen this early.

Alam ko naman na unti-unti nang natatanggap ni Cashania ang presensya ng ama niya. At alam ko rin na kaunting effort pa ay makukuha na ni Casimir ang loob niya.

And a week of not showing up is an effective way for her to miss him. Ramdam ko iyon bilang ina niya. Sa loob ng isang linggo ay alam kong naghihintay siyang magpakita sa kanya ang ama. But maybe Casimir were so busy to show up and I undestood that.

"I was waiting for you everyday..." I heard Cashania mumble.

"I'm sorry,love...busy lang talaga ako sa opisina nitong nakaraan. Pero babawi ako,ayos ba iyon?"tumango si Cashania sa kanya.

They continue talking kaya lumapit ako sa mesa ni Hymier na ngayon ay nakatingin na sa akin at nakataas ang kilay.

"Like what you're seeing, huh." Asar niya.

Panira talaga ng emosyon ang taong ito. Paiyak na ako e tapos bigla nalang siyang gaganyan.

"Shut up,kuya!" I rolled my eyes.

Malakas ang tawa niya kaya napatingin tuloy ang dalawa sa amin.

"Opps..." nagpeace sign pa siya dahil sa nakaka isturbo niyang tawa.

"Nanay!"

Tumakbo papunta sa akin si Cashania. Sinalubong ko naman siya at binuhat. Inupo ko siya sa lamesa ni Hymier at tiningnan ang kanyang mukha. Kumuha ako ng wipes sa bag ko at pinunasan ang mukha niya.

"He's back..."bulong niya na ako lang ang nakakarinig. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"He promised,right?"she nodded. "He will never break a promise to you,Cash..."

Sa akin lang. He once broke his promise to me but I know he will never do that to his daughter. I believe him. And I need to trust him with this.

"Want some snack?" I asked her.

Narinig iyon ni Casimir kaya sumabat siya.

"I brought a cake,we can eat it."

"Go get some plates and fork in the pantry then."utos ni Hymier.

"Bisita kami kaya dapat ikaw ang kumuha." Sabat naman ng isa kaya napabuntonghininga ako.

These two would never mature. They change alot when it comes to physical appearance but they are still this immature. Paano pa kaya kung nandito pa ang dalawa kong kapatid? E di mas malala.

"Ako na ang kukuha,nakakahiya naman sainyo. Hawakan mo itong anak ko baka mahulog." Baling ko kay Casimir. He pouted,nagpapa-cute.

"Anak natin." Pagtatama niya kaya umikot muli ang mata ko.

Oo na,anak mo rin ito.

"Tumatapang si general...gusto ko iyan." Asar ni Hymier sa kanya.

Dumiretso ako sa pantry ni Hymier at kumuha ng kailangan ko. I keep on biting my lip to avoid myself from smiling. Wala na,nababaliw na naman ako.

When I return to them I heard their serious talk. Tungkol na naman sa trabaho ni Casimir. Parang dejavu na naman iyon dahil tungkol na naman sa mga bandido.

Ginapangan ako ng kaba dahil sa narinig. Kaya ng makita nila ako ay tumigil na sila sa usapan. Inayos ko ang nga platito sa center table ng sofa at inalis na ang cake sa box nito.

They continue talking but I cannot hear anything. Nagbubulungan lang sila kaya wala akong marinig. But I know that there is something wrong again. Sana hindi na maulit iyong nangyari noon.

"Tatay,snack na po." Tawag ni Hyacinth sa ama.

Sabay silang bumaling na dalawa at tumango. Ilang sigundo pa silang nag-usap bago nagtungo sa amin. I served them the cake,nangingiti pa si Casimir habang kumakain. Ano kaya ang nasa isip nito?

"Ganoon ba kasarap ang strawberry cake kaya malapad iyang ngiti mo?"Si Hymier ng mapansin din ang ngiti ng kaibigan.

I am busy helping  Cashania while eating. Ganoon din ang ginagawa ko kay Hyacinth.

"Is this cake the same in tito Ash cafè,nanay?" Umangat ako ng tingin kay Casimir at ganoon din naman ang ginawa niya sa amin.

"Yeah,I bough it there...do you like it?" Tanong niya sa anak.

"Yeah,this is one of my fave in tito's cafè...it's so yummy!" magiliw niyang sabi.

"I like the chocolate flavor but this one is good too."sabat ni Hyacinth kahit puno ang bunganga.

Tumawa ako dahil sa ka-cutetan ng dalawang bata.

"Tatay,can we visit nanay and bring her this? I think she will like it."

Napatigil si Hymier sa pagsubo ng pagkain niya. Medyo kumunot ang noo bago nagbuntonghininga.

He is still affected when it comes to Syneca. Alam kong hindi siya nagpapaapekto kapag anak niya ang kasama pero randam ko iyon na hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya sa tuwing napag-usapan si Syneca.

"I'm planning to visit her later,wanna come with me?"alok ni Casimir dahil hindi nakasagot si Hymier.

"Talaga ninong?"tumango ito "Wanna come,Cash?"

Tumingin muna sa akin si Cashania na para bang nagpapaalam. Tumango ako.

"Yes! It's been a long time since I visited her..."tila nalungkot pa ito. Kaya napakunor ang noo ko. "Tatay and I don't visit her often na."napabaling ang tingin ko kay Hymier.

Bakit? Noon bumibisita ito halos araw-araw,ah? Alam ko iyong dahil iyon ang nakasanayan niya. Anong nangyari ngayon?

Kumunot lang ang noo nito.

"Ganoon ka ba ka abala kaya hindi mo na nabibisita si Syneca?" Tanong ng kaibigan sa kanya.

"I...I was just b-busy..." nag-iwas siya ng tingin sa amin. "Tapos na ako..." tumayo na siya at umalis.

Tinungo niyang muli ang kanyang lamesa at inabala roon ang atensyon. There's something wrong with him,I know. Sa ilang taong nawala si Syneca ay madalas niya itong dalawin kaya imposible na ganoon nalang bigla.

Hindi nalang ako kumibo hanggang sa matapos kaming mag meryenda at nagpaalam sa kanya. Binilin niya lang si Hyacinth kay Casimir at hindi na masyadong kumibo. The playful Hymier is gone now.

"Nagkausap ba kayo ni Hymier?" Tanong ko kay Casimir habang nasa biyahe kami patungong sementeryo.

"Hindi naman kasi noong tinawagan ko ay hindi nasagot,bakit?"

"Wala naman...parang may mali sa kanya e. Mukhang may problema siya at tinatago lang. These past few days I noticed that he is sad or there's something wrong with him." Saad ko.

"Baka sa trabaho lang..."

Naisip ko na rin iyon dahil sa ilang linggo ay mas marami na siyang pinapasang trabaho sa akin. Kahit iyong business meeting na dapat siya ang um-attend ay ako ang pinapadala niya.

Nag-resign na rin ang pinagkakatiwalaan niyang secretarya ng ilang taon. Iyon din siguro ang problema niya ngayon.

"Do you think he has a girlfriend now?" Inosente kong tanong na siyang nagpabreak bigla kay Casimir. "Cas! May mga bata tayong kasama,ano ba!" Saway ko.

"Ninong!"

"Tatay!"

Sabay na bigkas ni Hyacinth at Cashania na mas lalong nagpabigla kay Casimir.

"Say it again,Cashania..." utos niya sa anak.

"P-po?"

I press my lips together supressing my smile. Kailangan pa palang magbreak bigla bago siya matawag na tatay.

"Call me again..." desperado niyang utos.

"T-tatay?" Cashania inocently answered.

"Damn!" He unbuckled his seatbelt and open the door. Lumabas siya at binuksan ang pintuan sa likod kung nasaan nakapwesto si Cashania. Hinagkan niya agad ito at ang inosenteng anak ay tulala lamang dahil doon.

Ilang minutong nagtagal na ganoon siya kay Cash. At nang bumitaw sa yakap niya sa anak ay may pinunasan ito sa kanyang mukha. Alam kong umiyak siya,nadala sa sitwasyon at sa kaligayahang nadama.

"Please...keep on calling me tatay from now on... Matagal ko nang hinintay ito at hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng marinig iyan mula saiyo...Thank you,Cashania. I love you."

It also made me tear up kaya bago pa man nila mapansin na naiyak ako ay pinunasan ko na ang luha.

We made our way to the cemetery. Bumili kami ng bulaklak na paborito ni Syneca at ilang kandila na rin. The two kids are enjoying. They keep on story telling to Syneca na tila ba naririnig sila.

Ang daming kwento ni Hyasaynth,halatang namiss nga ang nanay niya.

On our way home,nakatulog na ang dalawang bata dahil siguro sa pagod. Tahimik lang ding nagmamaneho si Casimir kaya nasa labas lamang ang tingin ko.

Ihahatid pa muna namin si Hyasynth sa kanila bago niya kami ihatid sa bahay. The sun is still up ngunit hapon na rin. Nag-aagaw na ang kulay asul at kahel,naglilipana na rin ang mga ibon,naghahanap ng kanilang matutuluyan ngayong gabi.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng tumunog ang telepono ni Casimir. At first he didn't bother to answer it. Tumunog iyon muli ngunit hindi niya ito pinansin.

On the third ring of his phone,ako na mismo ang kumuha noon sa dashboard dahil sa akalang hindi niya lang ito abot kaya ako ang nagkusa.

Kaagad ko namang pinagsisihan iyon ng makita ang pangalan ng tumatawag.

Iyan kasi,pakialamera mo,Ashanti.

Nanatili sa ere ang kamay ko dahil natulala sa pangalan ng caller.

Casimir immediately grab it from my hold and answer the call.

"Hello,Meg?" Sagot niya sa malumanay na tinig. It was a girl's name. "Yes,ako ang susundo saiyo mamaya."tumigil muna siya at pinakinggan ang nasa kabilang linya.

Tila may punyal na nakaturok sa aking dibdib ng marinig iyon. He is sweet while talking to the girl. Baka girlfriend niya? O hindi kya nililigawan?

"O sige..."he chuckled. "yeah,see you later...oo alam ni mama na uuwi ka kaya naghanda ng pagkain iyon."he chuckled again.

Halos masugatan ko na ang aking kamay dahil sa kakapisil ko. Naninikip din ang aking dibdib at parang hindi ako makahinga.

"Sige..." bumaling muna siya sa gawi ko bago dinugtungan ang sasabihin na siyang nagpawasak ng puso ko.

"I-I love you,too."

Parang gusto ko na tuloy bumaba ng kanyang sasakyan at maglakad nalang pauwi mag-isa.

Oo,aaminin ko na sa ilang taon naming hindi pagkikita mahal ko parin siya. At ilang beses ko mang itanggi noon,aaminin ko ngayon na nagseselos ako.

And it fucking hurt me hearing those words.

Mga salitang hindi na para sa akin.

Am I late?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top