35


Triggered Warning: Sensitive topic

CASIMIR LESSANDRO

I keep on smiling while massaging my lower lip. It's been a week since we had that conversation but it still keep on playing in my head. How she blushed of what I've said and how I still have that effects on her.

Masaya ako siyempre pero naduduwag parin ako. Kaya isang linggo rin akong hindi nagpapakita sa kanya. I continue sending her food pero pinapahatid ko nalang iyon sa driver ni mama.

"Mukhang sarap ng tulog natin,General ah?" napukaw noon ang mga iniisip ko kaya napaayos ako ng upo sa swivel chair.

Napaikot ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang pumasok na hindi man lang kumatok.

Nag-salute siya sa akin bago ibinaba ang isang folder sa table ko.

I know this folder and I hope that this is all good news.

"How was it?" I asked captain Marco.

"Nakipag-usap naman sila...iyong anak ang tapang pa at siya lang ang nagmamatigas pero madali namang kausap iyong tatay." Saad niya.

"Kailan daw sila aalis?"tanong ko habang binubuklat ang folder.

"Sa susunod na linggo ang usapan,nagliligpit nalang sila ng kalat doon bago tutulak. Sabi ko nga na may programa naman ang gobyerno para sa kanila pero mas gugustuhin pa raw nila sa bundok."sagot niya,tumango ako.

It's been years since we maintain the peace of this place and I want to continue maintaining it. Kaya ginagawa ko ang lahat maprotektahan lang ang lugar na ito. Kaya noong nabalitaan kong may mga bandido parin na naliligaw sa bundok ay umaksyon kaagad ako.

I don't want the history to repeat. I don't want someone to sacrifice life for others. I don't want cruelty. I want the peace to continue as long as I have the power to do so.

We had our peace talk and I asked them to leave because they scare people. We negotiate but sometimes people and their pride always win. Mahirap daw ang buhay dito sa baba kaya mas pinili nilang manatali sa bundok.

Kaya nga lang ay may ibang sibilyan parin ang takot sa kanila kahit pa hindi naman sila nanggugulo. Kaya ang ending,nakiusap kami sa kanila na lisanin ang lugar dahil naabot parin ito ng mga mangangaso at magsasaka.

"Thats their ego talking. Kahit ako kung naging kagaya nila ako ay mas pipiliin kong manatili na lamang sa bundok kaysa ang makipagsapalaran sa siyudad na alam kong mahuhusgahan lang ako." I said a matter of fact.

"Kung sabagay mga tao pa naman ngayon lahat isyu. Pero hindi na sila lugi sa offer ng gobyerno,ano boss? May pabahay na may pangkabuhayan showcase pa." Saad niya.

"Pero kahit sabihin nating nagbago na sila hindi parin mawawala sa mga tao iyong takot at judgement sa mga napili nilang gawain." I said.

"Iyong nga lang pero hindi mo rin sila masisisi bakit nila pinili ang ganoong gawain,e. After the peace talks,after hearing their sentiments about how the government works,I understood where they are coming from. Mali nga lang sila ng paninindigan dahil kontra sa gobyerno ang mga gusto nilang mangyari."seryoso niyang komento.

This is the problem. Kapag ayaw nila ang nakaupo sa pwesto ng gobyerno ay kukontrahin nila. Gusto nila iyong suportado sila kahit pa mali ang ginagawa. Hindi naman gobyerno iyong naapektuhan dahil sa paghihimagsik nila,e. Mga inosenteng tao na namumuhay ng payapa. Kadalasan pa naman sa mga lugar kung saan sila nanggugulo ay iyong matao kaya kahit walang kasalanan damay.

Mali parin kahit anong paninindigan nila,mali parin ang paraan. At mali ang kontrahin ang gobyerno at batas.

"Nasa batas na ang sino mang kontra sa pamahalaan ay kalaban ng bayan. Their way of voicing out is very wrong. Kahit sino pa ang nakaupo sa pwesto,we have our own lives. Hindi naman tayo pwedeng umasa lang sa ayuda o bigay ng gobyerno. We need to work,to earn and to sustain our needs. Sila kasi gusto nakaupo lang,suportado ng pamahalaan at gustong humawak ng baril sa maling pamamaraan."

They want peace but they're the ones who started the war.

"Ang dami nilang gusto iparating sa gobyerno pero palagi gamit ang dahas. Ang dami na nilang nadamay kaya kapag kumikilos ang gobyerno at hindi nadadala sa usapan ay talagang kawawa sila dahil kulang naman sila sa sandata."

"Iyon din siguro ang rason bakit may mga tumitiwalag sa kanila boss. Kulang pa sa pagkain kasi noong pinuntahan namin ang kampo nila puro nakahilata." Tumawa siya.

"Uhuh,and they will go down to ask the farmers for their food supply kaya takot na takot na naman ang mga magsasaka." Tumango siya tila may natanto sa sinabi ko.

"Kahit sabihin pa nilang hindi nila sinasaktan ang mga magsasaka,tinatakot naman nila. Kaya mas mabuting umalis sila bago pa malaman ng nasa itaas at mag-issue na naman ng summon sa kanila."

Being the General assign in this province,it is my duty to remain the peace in our community. Ilang taon kong pinagtrabahuan ito kaya kailangan kong panatilihing tahimik ang lugar na pinoprotektahan ko.

"Maiba tayo,boss..." he trailed kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Bumalik na raw sina Ashanti,ah? Nagkita na kayo?" Ngumiwi ako.

Kita mo ito,palagi talaga sinisingit ang tsismis sa trabaho. Bawat punta nalang ata ay may dalang balita parang hindi kapitan.

"Matagal na,two years to be exact." Nanlaki ang kanyang mga mata tila hindi makapaniwala.

"Paanong hindi ko nalaman iyon?" Gulat niyang tanong.

"Kailangan bang may alam ka?" Singhal ko.

Yes,he is that Marco. Ang Marco na nagpaiyak noon sa Ashanti ko.

We become collegues when I was assigned in Sulo. He was there on my downfall,kasama ko siya sa inuman noon at naging labasan ko ng sama ng loob. We become friends,at ang gago ay kinuha pa akong ninong ng kanyang anak.

"Sus! Selos ka kaagad diyan...baka mamaya babagal bagal ka,boss? Gumanda pa naman lalo iyon baka maunahan ka." I smirked.

Nauna na ako,matagal na at subukan lang nilang makipagkumpitensya nakahanda na itong kuwarenta'y singko ko.

"Shut up! Is that the real reason why you're here?" Ngumiwi siya. Guilty.

"Hinatid ko iyang agreement,boss." Napakamot pa siya sa batok niya. "Pero siyempre kasama na iyon doon."

Ang gagong to talaga!

"Tss."

"Pero boss may anak na siya. Narinig kong tinawag siyang nanay." Kita mo ito hindi pa tapos.

I pressed my lips together. Naminingkit na ngayon ang mga mata niya habang nakatingin sakin.

"Yeah,may anak na nga."

"Payag ka noon na hindi ikaw ang ama?" Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Umalis ka na nga! Apaka pakialamero!Tapos na reporting mo."

"Uy boss huwag ganyan! Kung kailangan mo ng kainuman pwede ako gaya ng dati. Kaya nga ako pumunta rito baka kako kilangan mo ulit ng karamay." Natawa ako sa sinabi niya.

Noom hindi ko inaakala na may ganitong side ang gagong ito. He's an asshole but this side of him sometimes made me laugh.

"I don't need to drink just because she have a child." Saad ko.

"Baka kasal na boss at naunahan ka?" Hindi parin siya natigil.

"Shut up! Anak ko iyon,anak namin."

Kung kanina ay nakanganga siya ngayon ay mas lalong lumaki ang kanyang bunganga at nanlalali na rin ang kanyang mga mata.

"Ay boss!" Tinakpan niya ang kanyang bibig at tinuro ako. Tila ba may sinabi akong hindi kapani-paniwala sa kanya. "Hindi ko ako madadala sa mga ganyan mo. Kung nasasaktan ka dahil masaya na siya sa piling ng iba pwede naman nating idaan sa inom iyan boss hindi iyong nag-iilusyon ka."

I rolled my eyes to him. Mukha ba akong ilusyunado? Hindi ba kapani-paniwala na may anak na kami at anak ko nga iyon kay Ashanti?

"Umalis ka nga kung tingin mo sa mga sinasabi ko di makatutuhanan."

"Ey...kasi naman boss parang kailan lang brokenhearted ka tapos ngayon sasabihin mong may anak ka pala sa kanya?"

Umupo siyang muli at pinatong ang siko sa lamesa ko.

"Paano nangyari,boss,tinaguan ka?"

"Sa tingin mo?"

I rolled my eyes for his question. Obvious na nga,itatanong pa.

"Sungit mo naman!"

"Pang-tanga kasi iyang tanong mo."

"Dapat saiyo hindi na binabalikan e ang sungit daig pa babae."

Bumuntong hininga ako at tumango.

"I just found out recently."

"Sa mga kwento mo dati boss,deserved mo talaga mataguan ng anak." Simaan ko siya ng tingin.

He laughed to the core. Taenang ito! pumunta lang ba ito dito para asarin ako? Namomroblema na nga ako paano suyuin mag-ina ko,dagdag pa ito sa init ng ulo ko.

"Why don't you give me tips on how to court them instead of laughing at me." I rolled my eyes.

Dati ako itong nang-aasar sa mga kaibigan ko sa tuwing namomroblema sila tapos ngayon ay ako naman ang tinatawanan ng isang ito. Karma ko ba ito?

"Hays,unfair talaga ang buhay...General tapos hindi marunong manligaw? Weakshit ka pala boss,e."

Masasapak ko na talaga ito eh.

"Fuck you!" tumawa siya ng malakas at umambang tumayo.

"Do it on your own way,boss. Sa ating dalawa,ikaw ang mas nakakilala kay Ashanti kaya alam mo na paano kuhanin ang loob niya. At tsaka iyong bata,madali lang iyan bigyan mo ng laruan at chocolates."

Umiling ako. No,it is not that easy. It is Cashania we are talking about and she's not easy to please. Hindi siya kagaya ng karaniwang mga bata. Hindi nadadala sa mga regalo at kahit pagkain.

Nagawa ko na iyan,inalam ko pa kung ako ang mga paborito niyang pagkain ngunit wala paring epekto sa kanya. She's still distant to me. Oo sumasagot kapag kinakausap ko ngunit may iba parin. Hindi parin siya kumportable sa presensya ko. Gagaan lang ang usapan namin kapag nandiyan si Hyasynth.

"Sige boss,malaki kana! Bahala kana sa buhay mo at kaya mo na iyan.Goodluck,fucker!" He chuckled and salute.

I raise my middle finger to him but he just laugh at that more. Nakalimutan ata ng taong ito na mas mataas ang ranko ko sa kanya.

Tinapos ko lang ang mga papeles na kinailangan kong pirmahan bago nag-ayos na rin ng gamit para umalis.

I am planning to visit Cashania today. One week is enough for them to miss me kaya magpapakita na ako. Naging abala rin ako sa mga inasikasong papeles at samu't saring meetings kaya halos naging bahay ko na rin ang kampo ng isang linggo.

"Maaga tayo ngayon sir,ah?" Pansin ng guwardiya na nakakuta sa gate ng kampo.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Bibisitahin ko pa ang mag-ina ko kaya kilangan maaga." Sumaludo siya sa akin at ngumiti na rin.

"Ingat kayo,sir." Sumaludo rin ako.

Dumaan muna ako sa cafe ni Ashton at bumili ng cake na paborito ni Cashania. Pinalagyan ko na rin ng dedication. I smiled when I saw it. Sana ay magustuhan niya ito.

It is only three in the afternoon at napag-alaman ko rin na nasa Casa Montero Cashania kaya doon ako dederitso.

Nagmamadali akong naglalakad papasok sa lobby ng matigilan. I saw Ashanti talking with a man,mukhang businessman din ito dahil sa suot na pormal. Naka suit and tie pa habang kumikinang ang sapatos na itim.

I saw how Ashanti smiled widely while listening to what the man was talking about. Parang nilukumos ang puso ko dahil sa natunghayan. I never saw that smile for a long time now and it hurts me to witness it because of the other man.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi alam kung tutuloy pa ako papasok o hintayin na lamang silang matapos sa usapan.

Pero imbes na matulala at hintayin sila ay sinadya kong dumaan. Hawak ang box ng cake sa kanang kamay,bouquet ng bulaklak sa kaliwa ay sinadya kong masagi iyon sa likuran ng lalaki para lang makuha ang atensyon nila.

I saw how the man brows furrowed when he averted  his gaze towards me.

"I'm sorry,hindi ko sinasadya." Plastik kong paghingi ng tawad.

Ashanti immediately rose her gaze to me. Nagkasalubong kaagad ang kilay at ang kaninang abot taengang ngiti at napalitan ng simangot.

Ano ka ngayon? Galit ka kasi nasanggi ko ang lalaki mo?

Tinaasan ko siya ng kilay kaya agaran siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Ganoon din ang ginawa ng lalaking kausap niya at nagpatuloy sila sa naputol na usapan.

My heart wrenched. Naninikip ang dibdib ko dahil doon. I rolled my eyes na nakita rin ni Ashanti. Tinaasan ko siya ng kilay bago ako nagpatuloy sa paglalkad patungo sa elevator.

I push the button where Hymier's office is located. Atat na atat akong makarating sa tamang floor para mailagay ko ang bitbit at makabalik sa lobby.

Oo,babalikan ko doon si Ashanti at hahatakin palayo doon sa lalaki.

My insecurity rose up again. The man she was talking with is way better than me. Kung sa pormahan lamang ay alam kung talo ako doon. And it hurts me knowing that she can talk to everyone normally but not to me.

Palaging may distansya sa pagitan naming dalawa. May pader na matayog na nakaharang para sa akin. And it fucking hurt me big time na tila ang lapit niya man sa akin ngunit malayo at hindi ko abot.

Pabalang kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Hymier. Kita ko ang gulat sa kanila ng tumunog iyon ng malakas. Kahit ang mga bata ay nagulat din.

"May balak ka bang gibain ang pintuan ko?" Galit niyang singhal. "Hindi ka na nga marunong kumatok kung makabukas ka akala mo bahay mo lang ah." I rolled my eyes.

Dadagdag pa sa inis ko ang gago na ito,eh.

"Ninong!" Hyacinth rose up from her seat and run towards me. "I missed you! Tagal mo hindi nakadalaw busy ka raw sabi ni tatay." Plastik akong ngumiti sa kanya.

Inilapag ko muna ang mga dala ko bago siya hinagkan.

"Madami work si ninong,eh kaya ngayon lang ulit nakabisita."

Nag-angat ako ng tingin kung saan si Cashania. I saw how she avoided us when she saw me hugging Hyacinth. I saw how her eyes glisten with tears kaya nasaktan din ako.

Alam kong gusto niya rin lumapit sa akin pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Mas lalo lamang akong nasaktan dahil doon. Inignora na nga ako ng nanay,pati ba naman ng anak?

Kumalas ng yakap si Hyasynth sa akin kaya kinuha ko iyon bilang pagkakataon upang malapitan si Cashania.

"H-hi." Kabado kong bati sa kanya.

She was playing with her fingers. The same mannerism with her mother when nervous.

Lumuhod ako sa harapan niya.

"I brought your favorite cake." Nag angat siya ng tingin kaya ngumiti ako. "I missed you,can I hug you too?" I asked.

Nakatitig na siya sa akin ngayon. I smiled to her and open my arms wider for her to hug me. Hindi pa man nakalipas ang ilang segundonay unti-unti na siyang umahon sa pag-upo at lumapit sa akin.

She then immediately hug me tight and burries her face in my shoulder. Naramdaman ko ang panginginig niya kaya mas hinigpita ko na rin ang yakap ko.

This is what I was waiting for. Her embrace and now finally after God knows when.

"Where have you been? I've waited for you outside my school. You said you'll never leave me again but y-you did." Nanginginig niyang iyak.

Nakabaon parin ang ulo niya sa balikat ko.

"I'm sorry... tatay is just busy these past few days..." paliwanag ko.

"I-I thought you'll leave us again...I've waited."iyak niya.

"Sorry,love...I will never do that again,okay? I will never leave without telling you...shhh...stop crying na." Alo ko ngunit mas lalo lang siyang naiyak.

"You promise me...you promise."

Tumango ako at napangiti. Yes anak hindi na ako ulit aalis na hindi nagpapaalam sa'yo. I'm sorry kung nagpamiss si tatay at ganito na pala ang nasa isip mo.

Pangako ko mula ngayon,magpapaalam na ako sa tuwing aalis para sa trabaho. At mula ngayon,sisiguraduhin kong sa tuwing aalis ay babalik ako ng buo sainyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top