25
"I want to break this marriage." saad ko na parang simpleng magnobyo at nobya lang kami isang umaga ng makasabay ko siyang kumain.
Natigil siya sa pagsubo ng pagkain at nag-angat ng tingin sa akin. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha,nagkasalubong ang makakapal na kilay.
"Okay."nagulat ako sa mabilisang tugon niya.
"Ganoon lang iyon kadali para sa'yo?" nanginginig kong tanong.
"Iyon ang gusto mo,'di ba?"
"Oo,pero hindi ko inaasahan na ganoon mo rin kagustong hiwalayan ako. Naghihintay ka lang ba na ako mismo ang gagawa? B-bakit,dahil pagod ka na?"
"I am tired of everything but not with you,Bernice." he coldly said. "B-but I think we both needed it... I need space for myself,I need time to move on."
Move on.
Big word.
"But don't you think that I never choose you,that I never think of you first before anyone else." nabasag ang boses niya.
"But you did. You always did when it comes to Syneca. You always choose her over me! Palagi,Cas."
"You think so? Sa tingin mo ba hindi kita iniisip sa bawat ginagawa ko? Sa tingin mo ba hindi kita pinapahalagahan?"
He look at me intently. Masakit man para sa akin pero tumango ako.
"Noon,oo... I was always your priority,I always comes first for you but everything had change when Syneca is in danger."
"Because she is,Bernice! I'm always with her because she needs me!"
"At ako hindi?"
"I need to protect her,God!" he frustratedly said.
"At ako hindi ko kailangan ang proteksyon mo?" matapang kong sagot.
He didn't answer immediately.
"Bakit? Alam mo ba na muntik na akong maholdap sa palengke noong umuwi akong mag-isa?Alam mo bang ilang beses akong gabing-gabi nang nakakauwi dahil walang sumusundo sa akin?Alam mo bang umiiyak ako sa tuwing gabi kapag hindi ka nakakauwi? Hindi,'di ba? Dahil siya ang laging nauuna,pakiramdam ko nga hindi mo na ako asawa,e."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin habang patuloy na umiiyak.
"Kaya huwag mong sabihin na ako ang palagi mong pinipili,kasi hindi! Inaasahan ko na rin na hindi mo parin ako pipiliin kahit wala na siya. Kahit hindi na siya babalik alam kong hindi mo parin siya makakalimutan."
"B-bernice,please..."
Umiling ako.
"Ayos lang,Casimir. Huwag ka mag-alala naintindihan naman kita. Mahal kita,e,kaya ang sakit lang isipin na dahil hindi ako nagrereklamo ay hindi ko dinibdib iyon. Tama nga,huwag ka nalang bumalik kung nasasaktan ka pa. Ayaw kong andito ka lang dahil wala ka ng pagpipilian at sa responsibilidad mo bilang asawa ko. Ayaw kong maging option dahil alam kong una pa lang,hindi na ako kasali sa priorities mo. Ayaw kong kaawaan mo ako dahil nagmakaawa ako sa'yo. I don't deserve pity because I am not in the first place."
I didn't hear anything from him. Nakayuko lang ang kanyang ulo at humihikbi.
"Ikaw yung pumasok sa buhay ko,e. Ikaw iyong nagpumilit na papasukin ko kahit una pa lang ayaw ko na. Hindi ako nanunumbat dahil ginusto ko rin naman lahat ng ito. Naging masaya naman ako. Kahit alam ko na darating talaga tayo sa punto na ganito, hinayaan ko pa rin na tanggapin ka,kasi akala ko mapapanindigan mo ako. Na akala ko ako pa rin iyong uunahin mo kahit maraming nangangailangan sa'yo. Asawa mo ako,e, pero bakit parang ako palagi 'yung nanlilimos ng atensyon at pagmamahal na dapat sa akin mo unang binibigay? Mahirap ba akong unahin,Casimir?
He shook his head.
"Alam kong masakit na nawala siya sa buhay mo at naiintindihan ko iyon kasi kahit ako nasasaktan din. She's been a friend to me too,pero sana isipin mo rin naman ako,nasasaktan din akong nakikita na unti-unti ka ring nawawala sa akin dahil sa kanya. Hindi mo ba naisip na dahil sa pagluluksa mo,nakakalimutan mo na ako? Na nandito pa nga ako pero parang gusto mo na rin mawala dahil sa kanya?"
Alam kong tunog makasarili pero paano naman ako? Nakakalimutan na niyang nandito ako dahil sa nawalang kaibigan niya.
"Naisip mo rin ba ang posibilidad mawawala rin ako sa'yo dahil sa pagbabalewala mo? Napapagod din naman ako,Cas! Napapagod din akong umintindi,napapagod na rin akong maghabol!"
He just keep on sobbing kaya nagpatuloy parin ako.
"You are capable of saving other's life but you're not able to save the relationship and life we're having."
"Because I can't save it anymore! Wala na akong lakas para isalba ang kahit ano,paano ko pa isasalba ang relasyon na ito kung ako mismo ay ubos na?"
I felt the pang on my chest. . . I cry even more. Pagod na siya? Pagod na siya sa amin?
"Anong gusto mong mangyari ngayon? Hayaan kang malunod sa lahat? Kaya nga tayo nandito,Cas! We should face our problems together,we should solve this as partners. Pero paano naman natin gagawin iyon kung bawat paglapit ko sa'yo ay siya namang pagtataboy mo?"
I am also drained of everything,pagot na pagod na rin ako pero kinakaya ko dahil ayaw kong iwanan siya na ganito. I should be there for me no matter what happen. I should be guiding him,I should support him and stay by his side.
"Patawad kung magiging duwag ako,patawad kung hindi ko napanindigan ang pinangako ko sa'yo. Ang sakit sakit na kasi,hindi na buo yung pagkatao ko,e. Pakiramdam ko kasi,yung sakit na naidulot ng mga magulang ko noon,dumoble. . .mahal na mahal kita,e. Pero hindi ko deserve maging option,hindi ko deserve mabalewala sa pangalawang pagkakataon."
I left him there alone. Nakahanda na ang lahat ng gamit ko,ipapakuha ko nalang sa driver namin iyon sa susunod.
Hindi niya pa alam ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Wala na rin akong planong sabihin pa,ayaw kong mananatili siya sa akin dahil sa ideyang buntis ako sa anak niya.
Hindi na rin ako pumasok sa school. I let Ashton process my papers for me.We are planning to go back to manila and continue my studies there after giving birth.
After everything,I realized alot. Totoo nga ang kasabihan ng matatanda na hindi madali ang pag-aasawa. Hindi ito kaning mainit na sakaling mapaso ay pwedeng iluwa.
Tama nga sila na ang lahat ng bagay na minadali ay madaling mawala. We never fell out of love but the destiny didn't allow us to last longer. It was really a roller coaster ride with him but I will never thread those happy moments with him to anything.
It was the best part of my life and I will treasure those good memories forever.
I already filed for annulment. Tumulong din si Ashton at Alaric sa akin para mapapirmahan iyon kay Casimir.
I will start my new life in manila. Hindi ko alam kung handa na ba akong makita ulit si papa at ang stepmother ko. I don't have a choice,Alaric threatened me to tell Casimir about my pregnancy kung hindi ako sasama sa kanila.
"Ready?"
Mapait akong ngumiti. Kailan ba ako hindi naging handa? Palagi naman akong handa sa hamon ng buhay. Ang hindi ko lang napaghandaan ay itong mga nangyayari sa relasyon namin.
I thought we will spend the rest of our lives together. I thought I will grow old with him. I thought we will face together our future.
I thought. . .
"You can change your mind,you know." he smirked.
"And what? Regret my decision?"
"Did you?"
I never open up to them,hinayaan lang din nila ako. Siguro naghihintay lang sila na ako mismo ang mauunang magsalita. Pero hindi ko iyon nagawa,hindi ako pala kwento. Siguro dahil nasanay na rin ako sa ilang taong mag-isa.
I opened myself once to nanay Ester. Siya ang naging sumbungan ko noon,siya ang natataguan ko ng sekreto. Sayang nga lang at hindi ko na siya makikita pa sakaling magbabakasyon siya rito.
"Hindi ako kailanman nagsisi,loving and marrying him was the best decisions I've ever made. Kung may pagsisisi man ako,iyon ay hinayaan kong maging dependant sa kanya. I live the idea of us to be together death. Sinanay ko ang sarili ko na lagi lang siyang nandiyan. Sinanay ko ang puso ko na tumibok ng malakas para lang sa kanya. Sinanay ko ang mata kong nasisilayan siya palagi." pinalis ko ang nakatakas na luha sa aking mga mata.
Ashton grab may arm ang pull me closer to him. He give me hug. A hug that I needed. It gives me comfort. Na kahit hindi man siya magsalita ay ayos na ako.
"I'm sorry,baby. . . I can't do anything to wipe away what you're feeling right now. Kung kaya ko lang kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo,gagawin ko. I'm sorry for experiencing hardship in this life." pinalis niya ang luha ko na parang gripo na walang tigil kakaagos.
I hug him tighter. I am so blessed having them as my brothers.
"Stop crying now,okay? We will always be here for you,we will love you forever and we will protect your heart from anyone from now on. We are here for you always. . ." tumango ako sa kanya at bumitaw na rin sa yakap niya.
Maya maya pa ay lumabas na rin si Alaric bitbit ang maleta ko.
Nakakunot ang noo niya ng tingnan kami. I smiled to him reassuringly.
"I'm kinda emotional these past days kaya ganoon. Iyakin ko na."
Hindi parin nawala ang kunot sa noo niya. Papalit palit rin ang tingin sa amin ni Ashton. Magkasalubong ang mga suplado niyang kilay.
"Let's go? Baka malate na tayo." Aya ko sa kanila.
We are flying to manila today. After three days,I've made my decision. Sasama ako sa kanila sa manila. Doon ako manganganak at mag-aaral pagkatapos. Sabi nila sa akin na aware na raw si Papa sa pagbabalik ko. I was nervous at the same time excited to see him again after years.
Tahimik lang ang buong biyahe papuntang airport. They made sure that I am comfortable in my seats and give me what I need. Wala naman ako masyadong cravings ngayon. Iyong nga lang ay hinahanap-hanap ko ang amoy ni Casimir.
May dala pa nga akong isang army t-shirt niya. Nilalagay ko iyon sa unan ko at itinatabi sa pagtulog. It never fail me,kapag kasi yakap ko iyon ay nakakatulog ako ng mahimbing.
Hindi kami nagtagal sa airport dahil pagdating namin ay nagcheck-in lang kami at naghintay na tawagin ang flight. It was not a long airplane ride. Mga forty five minutes lang yata iyon.
Pagkadating sa airport ay may naghihintay na nasasakyan sa amin. It was sent by Papa.
"Good afternoon,sir Ashton,sir Alaric and ma'am." bati ng driver.
"Good afternoon." my brothers' casual answer.
"Hello po,kumusta po kayo?" I asked. Nagulat pa siya dahil doon.
"A-ayos lang ho ma'am."
Pumasok na kami sa van habang inaayos pa nina Alaric at manong ang mga gamit sa likod.
Nanlalamig ako habang tinatahak namin ang daan papasok ng village kung saan ang dating bahay namin. Kung saan ako tumakas noon. Napansin iyon ni Ash kaya hinawakan niya iton at pinisil ng bahagya. Assuring me that he is here and Alaric that no matter what happen I can count on them.
Ilang minuto pa ay tumigil na ang van sa pamilyar na mansyon. May iilang pagbabago sa labas nito ngunit ang pamilyar na palatandaan kong fountain ay nandoon parin. May umaagos paring tubig doon sa masilang parteng katawan ng kupidong may pana.
"We're here. . . Welcome back,shobe." Alaric said while smiling.
"Don't worry too much,Daddy is excited to see you again." sabat ni Ashton.
Tumango ako sa kanila kahit na kabado parin.
Naunang bumaba si Alaric at inalalayan ako. Nag-angat ako ng tingin sa entrada kung saan may nakahilirang tatlong kasambahay na nakaabang sa amin. Nandoon din nakatayo ang dalawang taong matagal ko ng hindi nakikita.
Papa is standing beside his wife. Nakalingkis ito sa braso niya habang sopistikadang nakatingin lang sa amin.
Ashton gestured me to go up first. Tumango ako at nag-umpisang umakyat sa ilang baitang na hagdanan.
Papa open his arms widely. Maluha-luha pa siya habang nakaabang sa akin. Hindi ako nag-aksaya ng oras at sinunggaban kaagad siya ng yakap. I missed him so much. . .
"Welcome home,my princess." he emotionally said.
"I missed you,Papa." basag ang boses kong naiiyak.
"I missed you so much,anak. I'm glad you're back." he kissed my forehead.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nahuling naiiyak na rin siya. He wipe his tears immediately and smile to me.
"I—i'm sorry,Papa."
"No,I'm sorry,Ashanti. . .I should be the one apologizing to you. . . sorry for neglecting you,anak. Pangako hindi na mauulit pa iyon." tumango lang ako at niyakap pa siyang muli.
Nang makabitaw na kami sa yakap ay lumapit si tita Andresia sa amin.
"Baka gutom na ang mga anak mo,Harold. Ashton let the maids take your things to your rooms. Naayos na rin ang kwarto ni Ashanti." saad niya.
"She prepared the room for you. . ." Papa whispered that made me shock.
"Really?" tumango lang ito kaya tinignan ko na si tita at ngumiti. "Thank you po,t-tita. . ." nahihiya kong pasasalamat sa kanya.
Tumango lamang siya at nauna ng pumasok kaysa sa amin.
"Hayaan mo na ang tita Andresia mo,nahihiya lang iyon at nadaig ng pride." medyo malakas ang pagkakasabi ni Papa noon at siguradong dinig niya.
"I can hear you,Harold."
"I really voice out of this for you to hear it,love." halakhak ni Papa.
Naantig naman ang puso ko dahil doon. Ilang taon na ang nakalipas at tumatag parin ang pagsasama nila. Kahit pa nagkamali si Papa noon at nagkaroon ng ako. Nandiyan parin si tita para sa kanya at pinatawad siya.
Mas lalo pa nga silang tumatag dahil doon. It's really indeed a great love for them.
"How's your life in that province,Ashanti?" tita asked while we are eating.
It's an early dinner for us. Alas sais palang pero naghanda na sila kanina para makapag pahinga na raw kami kaagad.
"Ayos naman po,I was working while studying." tahimik lang ang mga kapatid ko.
Mataman lang ring nakatitig si tita sa akin,habang si Papa ay napapikit dahil sa narinig.
"Pero nakaya ko naman po. It was a great experienced for me living there. Ang dami ko ring natutunan habang namumuhay ng payapa roon."
"I heard what happened to you,are you fine leaving him there?"
Oh? Nagkwento na pala ang mga kapatid ko sa kanila kung ganoon?
Nag-iwas ako ng tingin. Alaric cleared his throat.
"Let us talk about it some other time,mommy."
"I have no choice po but to leave him. Our relationship was kinda toxic,I think we need it for us to grow." sabat ko.
"In seperate ways? You're married,you should fix your issues and problems together." dugtong ni tita.
Tama naman siya pero siguro hindi pa ngayon ang tamang oras para doon. We both hurt and we need this space.
"Well,it's just my opinion. I don't want to offend you or something. It was just base on my experience though nasa sa'yo naman iyan at buhay mo iyan." she shrugged.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Mabuti nalang at naiba rin ang usapan dahil kay Ashton. He asked papa about his plan on going back to work in the company.
Hindi na raw muna siya sasampa ng barko dahil gusto niyang nandito kasama ako. Pumayag si papa doon.
I mentally massage my belly.
This will be our life from now on,anak.
We will start to live without your father in this place.
Please,don't miss him too much,okay?
We will see him again in God's perfect time.
But for now,it will be the two of us for the mean time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top