22
"Taena! Ilang buwan lang kaming nawala,binahay mo na?"
Iyon ang sumalubong sa akin isang umaga. I am living with Casimir since the day we were married. Minsan din ay sa bahay kami nina Ashton ng ilang gabi para hindi mahalata ni manang.
Nakakagulat ngayon dahil umaga palang ay narito na sila. Akala ko ba ay mamayang gabi?
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko kaagad ang tatlo na nagbabangayan sa sala. Inaawat ni Ashton si Alaric dahil tila susugod ito kay Casimir upang suntukin.
Nagmamadali akong bumaba at agad na tumabi kay Cas. My brother looks like going to kill,kaya kaagad akong pumagitna sa kanila.
Susugod na naman sana siyang muli ng sinangga ko ang kamay niya.
"Ano ba,Ric!?" sigaw ko. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa galit.
"Pinapabantayan iyan sa'yo tapos ikaw pala itong aatake? Sundalo kang tao pero hindi mo kami nirespeto? Bakit? Kasi mahal ka ng kapatid ko kaya pinakasalan mo habang wala kami?" I heard annoyance in his voice and pain in his eyes.
I know my mistake and I am willing to accept any consequences from them. I betrayed them,the two people who accepted and love me. Ginawa nilang lahat para lang maibigay sa akin ang lahat. They're willing to do anything just to make me happy. At sa gitna ng kaligayahan ko,hindi ko man lang sila naisip.
"We trusted you. . ." his voice broke. "We let our sister with you kasi alam naming mapagkakatiwalaan ka,pero anong ginawa mo?" he added.
Tahimik lang si Ashton sa gilid niya habang nakahawak parin ito sa kanyang braso. Nakayuko naman si Casimir,tulala akong nakatitig sa aking kapatid.
A tear fell in his eyes,napatulo na rin ang luha ko dahil doon. I hurt my brother,I betrayed them.
"I-im sorry,it was all my idea." sabat ko.
"B-bakit?"
"You didn't trust us."
Sabay nilang bigkas.
I swallowed the lump in my throat. Ngayon ko lang silang nakitang ganyan. Ngayon ko lang nakitang nasasaktan ang mga kapatid ko at ako ang dahilan noon.
Hindi ako sumagot kahit may nakahandang sagot na sa utak ko.
"You underestimated us,bakit?" si Ashton.
Lumaki tuloy ang mga mata ko dahil sa tinuran niya. Hindi sa ganoon iyon wala lang talaga akong lakas para sabihin sa kanila kaya nagawa ko iyon.
"Bakit sa tingin mo ba hindi ka namin papayagan sakaling nagpaalam kayo?" si Alaric.
"Sa tingin mo pipigilan ka namin kung iyon ang magpapasaya sa'yo? Shan. . .we are your brothers,we are willing to do everything to make you the happiest."dugtong naman ni Ashton.
Halos hindi na ako makahinga sa sakit ng dibdib ko. May kung anong nagbabara rin sa aking lalamunan at hirap akong makasagap ng hangin.
"Hindi ba kami mahalaga sa'yo kaya hindi mo kami sinali sa plano niyo?" it hurts me more.
"Alaric!" saway ni Casimir.
"Shut up! Hindi pa ako tapos sa'yo." duro niya rito.
"Mahalaga kayo sa akin,kayo nalang ang mayroon ako."
"Then why!?" he raised his voice na siyang nagpaangat ng balikat ko dahil sa gulat.
"Ric,please. . .makinig muna kayo. . ." I grab his hands.
Tinignan ko siya ngunit nakaiwas parin ang tingin niya sa akin. It is all my fault. Kung sana may lakas ng loob lang ako. Kung sana naisip ko sila,hindi sana nangyayari ito ngayon.
"Enough,Alaric! We will talk again next time." pampalubag loob ni Ashton. "We are taken by our emotions,nagkakasakitan lang tayo. We can talk about it some other time." nakatitig na siya sa akin ngayon.
Pakiramdam ko tuloy ay nababasa niya kung ano man ang nasa utak ko. Kahit nasasaktan ko na sila sa mga nagawa kong desisyon ay pilit niya parin akong iniintindi.
I am not underestimating them,may kung ano lang sa kalooban ko na gustong pribado ang bagay na iyon para sa amin ni Casimir. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila pero natatakot ako,natatakot na baka mali ang mga bagay-bagay. Na baka ma-disappoint ko sila ngunit sa mga nangyayari ay naging ganoon nga.
"Alam mo ba ang pakiramdam ko ngayon? Nasasaktan ako. Ang sakit palang hindi pagkatiwalaan ng sarili kong kapatid. All my life,I hate disappointment,and it's frustrating that my own sister made me feel it."
It would always be Alaric,siya iyong tipo ng tao na prangka at sasabihin lahat ng hinaing sa'yo. Tumingin siya sa akin at pinantayan ko rin ang bawat titig niya.
"Saan ba't nagpakahirap kaming hanapin ka? Bakit ba nandito kami kahit nasa manila naman talaga ang buhay namin? Bakit ba gusto ka naming makasama? Alam mo naman siguro kung bakit,hindi ba?" he took a deep breath. "Gusto naming bumawi sa'yo sa mga pagkukulang ni daddy. Gusto naming bigyan ka ng magandang buhay. Gusto naming masaya ka at gagawin namin ang lahat para makamtan mo iyon. Sa tingin mo,hindi kami papayag sakaling nagpaalam kayo? Kahit masakit,Shan. . . Papayag ako kasi ganoon kita kamahal. Ganoon kahalaga ang kaligayahan mo."
Halos madurog ang puso ko nang matapos niyang sabihin iyon ay nag-walk out na siya. It hurts me so much. Ayaw ko ng iniiwan ako,pero kasalanan ko lahat ng ito.
"He's hurt,Shan. . . I am too but I can't do anything now. Andito ka na,asawa mo na siya,sa mata ng batas at sa mga taong n-nandoon." nabasag ang boses niya sa panghuling salita. "Kailan ba kami umayaw sa gusto mo?"
Umiling lang ako,hindi ko na kayang magsalit pa dahil hindi na rin ako gaano makapag-salita.
"We know that you're an independent woman,you hold your own decisions and you grew up that way. Pero nandito na kami,e. . . kahit sana nagsabi lang kayo,maiintindihan naman namin iyon. You can always count on us,you can marry whoever you want. Basta ba alam namin kasi kapatid mo kami."
My heartbeat went fast and they are hurting and I am too. Mas doble pa nga ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito.
"B-but yeah,we can't undo whatever happened. Lets just talk again over dinner,I'll inform you kapag ayos na si Alaric." lumapit siya sa akin. He cuuped my cheeks and wipe my tears. "We still love you,okay? Nakakatampo lang na malaki kana at nagdedesisyon mag-isa para sa sarili mo."
"I'm so sorry,ahia." I uttered. Tumango siya at bahagyang ngumiti.
"I gotta to go,I love you."
"Thank you,mahal ko kayo ni,Ric. . .patawad."
That day I locked myself in our room,wala rin akong ganang kumain ngunit pinilit ako ni Casimir na kumain kaya wala na akong nagawa. Naiwan rin akong mag-isa doon dahil may trabaho pa siya,he just left my food. Hindi ko man lang nagamot ang sugat niya sa labi dahil sa suntok ni Alaric.
I cried to sleep,buong araw yata akong umiiyak lang. Sinubukan ko ring tawagan si Alaric ngunit hindi ito sumasagot. Hindi ko narin makontak makalipas ang ilang tawag ko.
"Good evening,Langga!" I sleepily yawn.
"Anong oras na?" kanina pa ba ako tulog? Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko ulit ang pag-iyak.
"It's already seven and you need to eat first,mahal."
Dalawang oras akong tulog kung ganoon? Hindi ko maintindihan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw at antukin ako kahit sa klase.
"Hindi pa ako nakaluto ng hapunan."
"Ako na nagluto,pagdating ko ang sarap ng tulog mo. Bakit ka rito natulog sa sala?"
He keep on reminding me not to sleep here for security purposes. I don't even understand though,ngayon lang naman ako natulog rito.
"Come on,lets eat so you can sleep again."
Inakay niya ako patayo,tumawa siya ng maramdaman siguro ang bigat ko.
"Nagkakalaman na ang baby na iyan."
"Buhat. . ." I raise my hands,gesturing him to carry me. He chuckled even more.
Binuhat niya nga ako papuntang dining area. I sniff his neck.
"Did you change your perfume?" naramdaman ko ang pagtango niya.
"Napapansin kong bumabahing ka nitong mga nakaraan dahil sa perfume ko. Masyado atang matapang para sa'yo." he said.
"But that was your perfume even before,right?" he nodded."Bakit mo pinalitan kung ganoon? Hindi mo nalang sana ako pinansin."
"Nah,baka atakihin ka ng allergy mo."
"Hindi naman ako allergy,Cas." umiling parin siya.
Ngumuso ako at hinayaan nalang. Siya ang naglagay ng pagkain ko sa plato. He cooked sinigang at naparami ang kain ko. Tuloy,hindi kaagad ako inantok.
"Movie?" he asked.
"May trabaho ka pa bukas."
"It's okay,sa opisina lang naman ako at gagawa ng reports."
"Sige. . ."
Nanood lang kami ng movie sa netflix hanggang sa makatulog ako sa balikat niya. Nagising nalang ako kinabukasan na wala na siya sa tabi ko. He just leave a note that reminding me to eat on time. As usual may nakahanda na rin pagkain sa lamesa.
Lumipas ang ilang araw na hindi ko parin nakakausap ang mga kapatid ko. I called Ashton and he said that they get back to manila yesterday dahil may biglaang emergency. Pagbalik nalang daw nila kami mag-uusap.
"Saan ka na?"
"Nasa Santo Tomas pa,hinihintay ko pa out ni Syneca."
Napakunot ang noo ko, did he forgot our plans again? Ilang beses na ba nangyari ito?
"Oh,anong oras ka uuwi kung ganoon?"
"After dinner,nagyaya kasi sina Hymier na magdinner kina Syneca. You want to come ?"
My grip on the phone tighter. Wow,mas priority niya ang dinner kasama mga kaibigan niya kasya samahan ako?
Ikinunot ko ang aking noo,pilit na pinipigilan ang emosyon.
"A-ahh huwag na. . . I have so many things to do pa," kasama ka sana noon pero mas inuna mo pa iyong iba.
Gusto kong isaboses iyon,gusto kong magreklamo dahil palagi nalang ako ang naisasantabi. Hindi ako iyong priority.
"I'm sorry,Langga. Promise babawi ako."
Babawi.
I've always heard that from him. Ilang beses na ba niyang sinabi na babawi siya? Ilang usapan na ba namin ang hindi natupad dahil sa kanya?
Pagkatapos ng sorry ay gagawin na naman ulit ang pagkakamali niya. Nakakapagod pero dahil trabaho iyon ay iniintindi ko.
Pinatay ko ang tawag at napahilot nalang sa sentido. Hanggang kailan ko kayang magtiis sa sitwasyon na ito?
Nakakapagod. Paulit-ulit nalang na ganito ang sitwasyon. I know that he cared about Syneca's safety. I understand that,but what I don't understand is why he can't make time for me.
Naintindihan kong kasama sa trabaho niya ang masiguro ang kaligtasan ng kaibigan. Pero hindi ba p'wedeng paglaanan rin ako ng oras? Hindi ba p'wede sa akin naman siya sa tuwing gabi?
Dati naman naba-balanse niya ang oras ng trabaho at para sa akin,ah? Bakit ngayon,bakit parang ang hirap na para sa kanya.
"Ayos ka lang ma'am?" tanong ni Sali.
"Y-yeah." Nawalan na akong ng ganang magluto at kumain. Kaya nagpasya nalang ako na umakyat na sa kwarto at magpahinga ng maaga.
I am drained with my school works. I am tired in my work tapos dumagdag pa sa bigat itong boyfriend ko na ilang buwan ng ganito.
Alam ko,alam kong trabaho niya ang protektahan ang kapayapaan ng bayan. Alam kong obligasyon niya ang magsalba sa mga nanganganib buhay. Pero,hindi ba nasali sa mga iyon ang isalba rin ang mayroon kami habang maaga pa? Hindi ba ako kasali sa pinoprotektahan niya?
Umuwi akong malungkot at mag-isa ang balak kong surpresa sa kanya ay hindi na natuloy.
It's our first wedding monthsarry. Sadly,he forgot about it. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang plano ko dahil balak ko ngang surpresahin siya. Pero paano mangyayari iyon kung may plano pala siyang iba?
Kasalanan ko rin naman,hindi ko siya naremind tungkol dito kanina.
I prepared our food pa naman,sa bahay lang iyon. I was planning a candlelight dinner with him. Nagpaluto ako kina manang at siguradong handa na iyon sa bahay ni Casimir.
Nang makarating sa bahay ay kaagad akong nakaramdam ng lungkot. Pumasok akong kusina at nakita nga ang pagkain doon na nakahanda na. Hindi ako ang naghanda noon pero nakakalungkot parin dahil para sana sa amin iyong dalawa.
Nawalan ako ng gana kaya umakyat nalang ako sa kwarto at naligo. I wore my pajama and lay on our bed. I cried to sleep again.
Kailan ba matatapos ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top