12

Bawat araw na nagdaan ay pinaparamdam sa akin ni Casimir kung paano ligawan ang isang babae. He always made sure to send me at my work and fetch me after.

Hindi rin naman nagtanong pa ang mga kapatid ko pero batid ko naman na nag-usap na sila bago pa siya magpaalam sa akin na manligaw. Mabuti na rin 'yon na hindi na sila nakiusyuso pa sa'kin dahil nahihiya akong magkwento. Hindi naman ako sanay na may pinagsasabihan sa mga ganap ko sa buhay.

"May bagong hire ka palang driver,Shan?" nakangising saad ni Alaric.

Nalilito ko siyang tiningnan.

"Huh?"

"Leave her alone,Ric." saway naman ni Ashton.

"I'm just asking,ahia,what's wrong with you?" napipikon niyang sambit.

Napailing ako sa kanilang dalawa. Nitong nakaraan araw ay lagi nalang silang nagbabangayan dalawa pagdating sa akin. Hindi ko rin minsan maintindihan kung ano ang puno't dulo,e!

"Bakit kayo ganyan? Ilang araw na kayo palaging nagbabangayan,ah?" sabi ko.

"We're not." sabay nilang sagot sabay iwas ng tingin sa isa't isa.

"If this is all about Casimir courting me then sorry if I didn't informed you right away." mahina kong sabi.

"What the hell? Nililigawan ka na niya?" halata ang gulat sa mukha ni Alaric at tila sasabog na siya sa galit.

"See? Ganiyan na reaction mo,nanliligaw pa lang? What more kung sagutin na?" nakangisi na ngayon si Ashton.

"And you let him?"

"I don't want to,but do I have a say if Ashanti wants it? Ano, hahadlangan mo ang panliligaw niya dahil ayaw mo sa kanya?" tumaas ang sulok ng labi ni Ashton kay Alaric.

"He told us that he will wait,ahia. But what's this?" asik ni Alaric. Ashton shrugged like he can't do something about my decision.

Napasabunot din ito sa kanyang buhok na tila kinu-kontrol ang kanyang inis sa kung kanino man.Ngunit ng bumaling siya ng tingin sa akin ay lumambot ang mga mata.

"He waited for months by the way."

Alaric scoffed,hindi makapaniwala sa sagot ng nakatatandang kapatid.

"You like him?" seryuso niyang tanong.

Ngumuso ako at nahihiya,marahan akong tumango sa kanila . Narinig ko naman ang halakhak ni Ashton.

Alaric let out a long sigh.

"Fine," frustrated at napipilitan niyang saad. "But don't say yes right away,ha? Pahirapan mo,tangina! Naghirap kami ng ilang taon kakahanap sa'yo kaya dapat rin siyang maghirap sa panliligaw. And don't give him your time too much. Ilang taon kang nawala sa amin,Ashanti. Tapos ngayon may kaagaw pa kami sa oras mo? That fucker!"

"Ric!?" may banta sa tuno ni Ashton.

"Hindi naman dahil nanliligaw siya ay sa kaniya ko na ibubuhos ang buong araw ko. We can bond together with him,you know." paliwanag ko.

He scoffed.

"Hear that ahia? Now tell me if you'll agree with that! It should be siblings bonding tapos may intruder pa na nakakainis ang mukha?!" he's sulking like a kid.

Ashton just shrugged his shoulders. Napasabunot naman ng buhok si Alaric bago hinila ang jacket niya sa sandalan ng sofa.

"Whatever!?" nag walk-out naman agad ang kapatid ko dahil napipikon na rin.

Hindi ko lang talaga siya maintindihan,kaibigan niya si Casimir at tinulungan din sila nito na mahanap ako. Pero ayaw niya na ligawan ako no'ng tao,hindi ko alam kung takot ba siyang masaktan ako o ayaw niya lang talaga ako magka boyfriend.

"Hayaan mo nalang,he's possessive of you. Ayaw niya ng may kahati kahit noon pa man,kaya intindihin mo nalang. Lilipas din tampo n'on,hindi ka kayang tiisin ng spoiled brat na 'yon."

"Mas mahal ko naman kayo kahit may manliligaw na ako." ngumuso ako.

Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Tila ayaw maniwala sa sinabi ko.

"Hmm? Sure kang hindi ka pa nahuhulog sa gagong 'yon?"

Mas lalong humaba ang nguso ko.

I am now sure that I like him,at sigurado rin ako na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Umiling ako.

"Hindi ah!"

"But you like him already?"

I feel awkward. Kahit kapatid ko siya ay nahihiya parin akong magsabi ng nararamdaman ko sa kanila. Maybe because they are boys? Basta, nahihiya akong mag open up.

Napaisip tuloy ako at hindi maiwasan na dumalaw sa isipan ko si Casimir. He's effort these past days were consistent. Pinanindigan talaga ang panliligaw niya. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha,nag-iinit tuloy ang pisngi ko.

Bakit ba laging pumapasok sa isip ko ang lalaking 'yon?

"Ugh! Huwag ka nalang sumagot,you're blushing too much. Maybe you are thinking of him. That brute!?" frustrated niyang saad.

Agad akong napaiwas ng tingin dahil ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.

"I can't believe that boy abandoned you just like that." biglang saad ni Casimir habang kumakain kami ng dinner.

Titig na titig rin ito sa akin habang magkakrus ang mga braso sa dibdib.

My brother's are not with me again. Abala ulit sila sa manila at isang linggo na silang nanatili roon.

"Huh?" nalilito kong saad.

"That patpatin boy,ang kapal ng mukha niyang ipagpalit ka. Akala mo naman kina-gwapo niya 'yon." naiinis niyang sabi.

"It's his choice,and it's not that big deal to me anymore. Bakit galit na galit ka?"

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.

"Kasi ikaw si Ashanti Bernice Montero,a beautiful sister of Alaric and Ashton. The only princess of the family,pinaglaanan ng ilang milyon para lang mahanap ka. Grew up alone without the help of family but survived life. Graduated in high school with flying colors, the hardworking,working student of aling Ester and the good girl every bad boy's dream. So,men should treat you what you deserve and it's the whole universe,Bernice."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Bawat linyang binibitawan niya ay kakaiba ang hatid nito sa akin. Something about the sentence he said sent chills to my body,para bang siya yung tinutukoy niya na badboy.

How can he flip his personality that fast?

How can he make my heartbeat beat like a drum?

How can he make my mood change in an instance?

Kapag kasama ko siya,palagi akong naiinis,minsan pa nga kahit walang rason ay naiirita nalang ako.

He always made me laugh too na kahit minsan ay hindi ko pa nagagawa sa ibang lalaki. But most of the time he send shivers down my spine.

"Paano ka nakakasiguro na mabait ako?" I scoff in annoyance pretending that I was amazed by his words.

Sa totoo ay nanghihina na ako sa mga pinapakita niya sa akin. Why it is easy for him to read me like an open book?

Instead of fighting me back like he always did,he plasters a charming smile. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at inabot ang pisngi ko,brushing his fingers against my cheek before tucking the strands of hair behind my ear.

Biglang nagsi-akyatan ang dugo ko sa aking mukha at ramdam ko ang pag-iinit nito. Bawat haplos niya ay may hatid na gabultaheng kuryente sa aking katawan. Nag-uunahan namang nagsilipana ang mga insekto sa aking tiyan na tila sabik na sabik silang pakawalan.

Naestatwa ako ng ilang saglit. Pilit na pinipigilan ang paghinga dahil sa nararamdaman.

"I am hundred percent sure of your kindness,Bernice. Sa mga taong nakapaligid sa'yo,I saw how you ignored those people na may sinasabing masama sa'yo. Doon pa lang, nahulog na ako,what more now that you're always with me most of the time and I discovered more about you..."

Hindi ako nakapag salita sa mga pinagsasabi niya. I know he's kinda blunt but I never expected him like this. Hearing those sweet words coming from his mouth.

"See?" he chuckle. "You're blushing again,and I can't count with my fingers how many times did I made you blushed."

Ayon lang,ayos na sana,e, pero hindi niya talaga maiwasang magyabang kaya madalas pa rin akong naiinis sa taong 'to!

I rolled my eyes with annoyance,yabang!

"And it's normal being suplada sometimes,I don't know why but it always made you cute kapag nagsu-suplada ka sa akin." mas lalo pa siyang natawa. "at napapansin ko rin na sa akin ka lang ganyan." he smirked.

"Alam mo, ikaw," tinuro ko pa siya ng hawak kong tinidor. "Minsan hinihiling ko talagang huwag ka munang makita ng ilang araw,e. Hindi talaga buo ang araw mo kapag hindi mo ako naiinis."

Mas lalo lang siyang natawa,minsan pa kaming binabalingan ng tingin ng mga tao sa kabilang mesa. Pero hindi iyon pinapansin ni Casimir,kaya hinayaan ko nalang din at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Want to have some drinks? Wine or beer?" he offered.

"Dito?" nag-aalangan ang tanong ko. Tumango siya.

"Yeah,we can go out there," turo niya sa parang terrace ng restaurant sa likod.

Hindi ko napansin na mayroon palang ganoon kanina. Agad naman lumiwanag ang aking mata. Of course, I want to.

"Sige..." pagsang-ayon ko dahil pakiramdam ko ay kailangan ko talaga ng alcohol sa katawan ngayon para makatulog.

He called the waiter and ordered a bottle of wine. Lumabas din kami agad sa terrace. Napamangha ako sa tanawin doon,it was a mini garden with a fountain. Kumikinang ang tubig dala ng ilaw,may iilang halaman din doon na nagbibigay ganda sa awra ng paligid.

Tahimik akong naglakad patungo sa railings ng terrace. Sobrang ganda talaga ng lugar na ito,mas lalo akong namangha ng makita sa malapitan ang fountain. May colorful na mga isda roon na malayang naglalangoy habang sinasalubong ang agos mula sa fountain.

Napapalibutan rin ang buong hardin ng fairy lights na siyang nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Naramdaman ko naman ang presensya ni Casimir sa tabi ko. Tahimik lang rin siya ngunit ramdam ko ang titig niya. Mabilis na nagreact ang dibdib ko dahil agad itong kumalabog na tila nagwawala at nagsilipana rin ang mga alaga kong insekto sa aking tiyan.

His presence always gives me a strange feeling. A feeling that I never felt with Marco before. At nakakatakot 'yon isipin na iba na talaga itong nararamdaman ko sa kaniya,hindi lang ito simpleng gusto. Malalim na at nakakatakot ako na mas lumalim pa.

Natahimik kami pagkatapos noon. Ang bawat hampas ng hangin ay nagbibigay ng lamig sa aking mukha ngunit dahil sa presensya ni Cale ay balewala lamang ito.

Our silence and the ambiance of the place gives me peace.

"Are you drunk?" tanong niya matapos ang mahabang katahimikan naming dalawa.

"Huh? Pang dalawang baso pa lang ito." sagot ko.

"Yeah, but you're face is so red. Ayos ka lang?" kunot na naman ang noo niya.

"I'm fine," I bit my lower lip after saying that. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinoon nalang sa umaagos na tubig sa fountain "Mainit lang ng kaunti pero ayos naman ako." dugtong ko.

Totoong naiinitan ako kahit pa humahangin naman. Baka nga dahil sa wine na iniinom kaya gano'n.

Samahan pa ng kasama ko, hindi ko alam kong lasing na nga ba ako o sadyang hot lang talaga siya sa paningin ko.

I cleared my throat. Lumalabas ang tapang ko ngayong nakainom. Ang matagal nang naisipan kong tanong ay gusto kong linawin ngayon.

"Ahm...have you ever had a girlfriend?" tapang kong tanong.

"I had a girlfriend."

Oh, seryuso rin pala siya sa mga babae,akala ko kasi ay katulad siya ng mga kapatid ko na puro flings lang.

"What happened?" kuryuso kong tanong.

His face become serious and expressionless. Maybe my intuition towards him before was wrong. Hindi naman siguro siya bad boy 'no? Or he was,apparently,a loyal boyfriend to his past relationships.

Paano ba naman kasi,sino ba ang hindi siya huhusgahan na mapaglaro kung ang aura niya ang nagpapatunay,'di ba? It always speaks of danger.

"She's not worth to talk about." he said with bitterness in his voice.

Napainom pa siya sa kaniyang wine bago nag-iwas din ng tingin sa akin.

"Did she cheat?" natigilan siya sa sinabi ko.

Bahagya siyang tumagilid at ngayon ay nakatuon na ang kaniyang buong atensyon sa akin. And there I saw an expression I didn't expect,he is hurt. Those dark eyes turn into cold but filled with pain.

Dahil sa ekspresyon niyang 'yon ay may kung anong tumusok rin sa puso ko. Naninikip ito.

He hasn't move on yet from his ex? So,bakit niya ako nililigawan kung ganoon? Balak niya ba akong gawin na panakip-butas?

Dahil sa nakita niyang ekspresyon ko ay inabot niya ang aking kamay. He gentle massage the back of my palm,dinala niya naman ito kaagad sa labi niya at pinatakan ng marahang halik.

"Don't over think,please. . .kung ano man 'yang iniisip mo ngayon,huwag mo ng ituloy." bumuntong-hininga siya. "I will never court you if I haven't move on yet. Hinding-hindi kita gagawing panakip butas,Bernice. My past relationship will never be the hindrance of our future. I've move on and will never thread this chance you've given me because of a trivial things that happened in the past." 

Natahimik ako at nakatitig lang sa kanyang kumikinang na mga mata.

"For the past months of watching you from afar. I've always dream of holding you like this. I've always wish to be with you freely,na hindi na kailangang magtago at hindi magpahata para lang hindi ka matakot at isipin na stalker ako." he chuckled.

Napanguso ako sa haba ng sinabi niya. Hindi ko parin magawang magsalita. Lumakas lang lalo ang kalabog ng puso ko at ang mga alagang insekto sa aking tiyan ay naglalaro na naman.

"I am inlove with you for months now,Bernice. I know,it happen so fast but that what I am feeling,hindi nasusukat sa haba ng panahon ang pagmamahal. Matagal na rin kaming wala at hindi na siya sumasagi sa isipan ko,sa tingin mo hindi pa ako nakakamove-on sa ex ko?"

Napanganga ako. Nabibigla at nalalaki ang mga mata. Sa haba ng sinabi niya ay tila nahihilo ako. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi niya pero may isang bagay akong narinig na medyo hindi klaro.

He's what?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top