11
Napabitaw lang ako sa yakap niya ng makarinig ako ng tikhim mula sa kusina. Alam kong si Ashton kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng init sa aking pisngi.
Sigurado akong namumula na ako ngayon dahil sa hiya. Siguro ay nagtataka siya bakit ang lapit ko kay Casimir at nakayakap pa siya sa akin.
I should distant myself from him,right? Hindi kami magkasundo una pa lang kaya dapat ganoon parin ang tungo ko sa kanya hanggang ngayon kahit pa. . .
Basta!
I heard Casimir's chuckle when I move away from him. Sinamaan ko siya agad ng tingin.
Ashton cleared his throat.
"Let's have a meryenda na,aalis ako."
"Favorite coffee shop?"
Nagapa balik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakangiti naman si Ashton na abot taenga ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mayroon doon sa coffee shop na palagi niyang pinupuntahan.
"Bakit anong mayroon doon?" nagtataka kong tanong.
"Kape Shan..." natatawang sagot ni Ashton ngunit duda parin ako na kape lang ang pinupunta niya roon.
Kumain kami ng meryendang dala ni Casimir,galing ito sa kilalang milktea shop sa bayan. Madalas ganito ang dala niya sa tuwing dumadalaw dito noon at siguro'y napapansin niya na gusto ko ang milktea kaya ganoon palagi.
"Naka-leave ka?"
Hindi ko man tingnan ay alam kong si Casimir ang tinatanong ni Ashton.
"Yeah, isang linggo but I'll visit the camp every now and then. Ang daming casualties kaya kailangan kong i-monitor ang pag-aayos doon."
"Wala kayong plano lumipat ng ibang kampo?" sunod na tanong ni Ashton.
"No, not in my plan. Iisipin ng mga 'yon na naduduwag kami kung lilipat kami ng kampo. Matapang sila nang sumugod sila noon dahil alam nilang di ganoon ka alerto mga sundalo ko but that doesn't mean magiging duwag na ako."
"'Di ba presko pa ang sugat mo tapos magmamaneho ka ng ganoon kalayo?" sabat ko.
Humalakhak naman ang kapatid ko na tila may sinabi akong nakakatawa.
"May driver ako pansamantala,malapit lang naman dito kaya ako nalang ang nagmaneho kanina."
"Kahit na,dapat ay hinayaan mo lang na ihatid ka. Tingnan mo tuloy at dumugo pa 'yang sugat mo dahil sa katigasan ng ulo mo."
"Normal lang 'yon kapag may sugat at dudugo nga."
"Ewan ko sa'yo." inismiran ko siya dahil sa sagot niya.
"Am I witnessing a lover's quarrel here?" sabat ni Ashton.
Napailing na lamang ako at inayos na ang ginamit na first aid kit at tumayo. Ibabalik ko na lang ito sa kusina at ayaw ko nang makipagtalo sa katigasan ng ulo ni Casimir. Hindi rin naman ako mananalo dahil kahit anong sabihin ko ay may nakahanda siyang rason palagi.
Dapat nag-abogado 'to at hindi nagsundalo.
Kaya ayaw kong nasa paligid ko siya,e. Palagi nalang akong naiinis kaya naaaway ko.
"Gotta go,Shan. . .take care,ha? Huwag magpapadala sa matatamis na salita ni Cervantes." Sigaw ni Ashton.
Tumatawa ito pero batid ko parin na seryoso nga siya sa mga bilin niya.
"Go now pussy whipped." asar ni Casimir.
Kabado tuloy ako dahil maiiwan akong mag isa rito kasama siya. Bakit nga ba nandito ito? Hindi ba siya aalis dahil wala naman na ang kapatid ko?
Agad akong napaayos ng tayo ng nakarinig ng yapak papasok sa kusina.
"You didn't finish your milk tea." marahan niyang saad ngunit sa tono ng boses niya ay nanginginig na ako.
Hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko at ang mga paru-paro sa aking tiyan ay naglipana na naman. Napalunok ako bago siya hinarap.
"S-sige, uubusin ko na." lalagpasan ko na sana siya upang makabalik sa sala ng higitin niya ng marahan ang braso ko.
"A-ano?" nanginginig kong tanong.
"Are you going to avoid me,hmm?" umiling ako.
Siyempre hindi ako aamin.
"H-hindi,ah! Uubusin ko lang ang m-milk tea." saad ko.
"Edi sabay na tayong magtungo roon." nakangiti siya sa akin.
Normal lang naman sana ang pakikitungo niya sa akin. Ako lang itong kabado,hindi ko alam bakit ganito ang epekto niya sa akin. Oo,attracted ako sa kanya mula noong una kaming magkita pero dahil lang 'yon sa g'wapo siya. Hanggang doon lang naman 'yon kasi hanggang ngayon ay nakakainis parin naman siya.
Nauna akong maglakad sa kanya. Rinig ko ang bahaw niyang tawa kaya mas lalong nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya.
Gosh,Bernice!
"I didn't know you have this side,Bernice. I like it, I like my effects on you. No, I love it."
Nilagpasan niya ako sa sala at batid kong papasok siya sa kwarto na tinutuluyan ko.
"Anong gagawin mo diyan?" diretso kong tanong.
"I'm tired,I want to rest. Can I?" mapupungay ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin at tila nakikiusap.
Nag-uunahan na namang magsitindigan ang mga balahibo ko sa batok. Tila kinikiliti ako sa bawat saliting binibigkas niya. Kakaiba ang hatid noon sa sistema ko,kahit simpleng salita lang ay parang nanginginig na ako.
Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lamang sa kanya.
My heart melt. I've always notice that,everytime he's looking at me his eyes were always gentle. Kahit nang-aasar at napipikon ako ay lagi kong napapansin 'yon.
Hindi na ako nagprotesta pa. Kita ko sa kanya ang pagod niya kaya hinayaan ko na lamang na magpahinga siya kahit pa nakakahiya dahil sa kwarto ko niya gagawin 'yon.
The next days were like that,habang nandito ang mga kapatid ko, sa umaga lang ako pumapasok sa trabaho. I want to spend time with them lalo pa at nalalapit na ang pagsampa ni Ashton muli sa barko.
Panay din ang tawag ni Papa sa kanila at ang palagi nilang rason ay ang nakuha nilang lupain rito sa San Vicente. Kinagat naman ng tatay nila 'yon at hindi na sila pinipilit pang umuwi.
Si Casimir naman ay panay ang bisita sa suit ng mga kapatid ko. Kung hindi ay dumadaan sa tindihan at bumibili ng kung ano-ano. Hindi ko alam kung kailangan niya ba 'yon o sinasadya niya lang talaga na dumaan.
"Abala sina Ashton sa planta ni Hymier." tumango lang ako at pumasok na sa passenger seat.
Totoong may driver siya ngayon at nasa tabi ko rin siya nakaupo.
"You want to eat somewhere else first? Baka gabihin kasi mga kapatid mo?"
"Kaya ko naman magluto at para pagdating nila mamaya kakain nalang." sagot ko.
"They'll be late,sa labas nalang tayo kumain."
Napabaling ang tingin ko sa kanya. Ang kulit din ng lahi nito,e.
"Ikaw bahala..." sagot ko nalang sa kaniya dahil alam kong hindi rin siya titigil kapag hindi napagbigyan.
Ngumiti siya sa akin. Napailing nalang ako dahil tila tuwang tuwa siya na pumayag ako sa gusto niya.
"Sa El Jardin tayo kuya Mon." bilin niya sa driver.
"Sige,sir."
Tahimik pa rin kami hanggang sa marating namin ang isang nature vibe na restaurant malapit sa Casa Montero. Palagi kong nadadaanan ito ngunit hindi ako nakasubok na kumain o kahit makapasok man lang. Sino ba naman kasi ako para mag-aksaya ng pera para sa isang mamahaling kainan, 'di ba?
Dukha ako kaya wala akong pera para diyan. Sapat na sa akin ang cup noodles o 'di kaya ay pritong tuyo at gulay para sa hapunan ko.
"Bienvinidos a El Jardin,señorito, señorita." masayang bati sa amin ng nakaantabay na waiter sa pintuan.
Namangha ako sa pagbati niya. Ganito ba rito? Alam ko na spanish inspired lang pangalan ng restaurant pero ganoon ba talaga,nagsasalita rin sila ng kastila?
Casimir chuckled when he noticed my reaction.
"Ganiyan lang sila mag welcome pero nagsasalita naman sila ng lokal." naliwanagan naman kaagad ako sa binulong ni Casimir.
Akala ko pa naman ay mahihirapan ako.
"Table for two,please."nakangiting saad niya sa waiter.
"This way sir."
Sumunod kami sa waiter. Inalalayan naman ako ni Casimir,siya mismo ang naghila ng upuan ko bago pumuwesto sa aking harapan. Binigay din sa amin ng waiter ang menu. Kumunot ang noo ko dahil wala akong maintindihan.
This is what I hate about being with these kind of people. Mahirap na nga silang intindihin minsan dahil sa ginagamit nilang lenguwahe ay papahirapan ka rin sa pagpili ng pagkain sa mga restaurant.
Gusto kong magreklamo pero naisip ko na ano pa nga ba ang magagawa ko? E,nandito na kami,sana ay nagsuhestiyon nalang ako kanina na sa karinderya nalang kami kumain. Edi sana nagtuturo lang ako sa server.
Pansin ni Casimir na nahihirapan ako sa pagpili kaya nag offer nalang siya na siya na ang pipili para sa aming dalawa. Tumango lamang ako at hinayaan na lamang siya.
Nang umalis ang waiter ay bumalik din naman ito kaagad at may dalang dalawang basong red wine.
Medyo na conscious ako sa suot ko. Mabuti nalang at naisipan kong magpolo shirt kanina. Pero out of place pa rin ako sa lugar na ito. Hindi gaano ganoon karami ang mga kumakain pero pansin kong semi pormal ang mga suot nila.
May mga naka-dress, naka office attires.Ako lang ang nakapantalon at shirt sa lugar na ito,mabuti nga at doll shoes ako,e. Si Casimir ay nakapantalon at polo shirt din at sapatos pero mukha siyang pormal tingnan.
"What?" nakakunot noo niyang tanong.
"Wala, I just feel like I don't belong in this kind of place."
"Of course not. You belong to any places,Bernice. Please,stop overthinking!"
"Nasasabi mo lang 'yan dahil sanay ka na."
"Come on,stop it. Everyone are welcome in this place,okay? You're overthinking again." napailing pa siya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko
"Can't help it,sorry."
"Don't be sorry,those people who judged you are all close minded and shallow. Hindi ka naman nila kilala pero hinusgahan ka nila kaagad. You can't do anything to make them understand the things you do,and you are not oblige to explain yourself to them,Bernice."
Hindi ako nakapagsalita sa rami ng sinabi niya. Alam ko naman 'yon,hindi lang din kasi maiiwasan na isipin ang mga pinagsasabi ng iba lalo na iyong hinuhusgahan ang pagkababae ko.
Inabot niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. He squized it gently that made my heart beat skip a bit. Agad itong kumalabog na parang tinatambol at parang may kuryenteng dumadaloy doon.
Agad kong hinablot iyon sa hawak niya na siyang nagpatawa sa kanya. His laughter is like music to my ears, kaya kahit nag-aaway kami palagi ay namimiss ko ang tawa niyang ganiyan. Sobrang genuine at halatang masiyahin siya.
"I really love it seeing you blush and my effects on you. Please,huwag kang ganiyan,umaasa ako."
"Ha?" He shook his head and smiled.
Hindi na siya nakasagot pa ng dumating na nga ang order naming pagkain. I honestly enjoyed the food,dahil hilig ko ang kumain ay natatakam ako sa lahat ng in-order niya.
We eat silently but I noticed his stares while we're eating. Hinayaan ko 'yon,pilit kong binalewala ang ibig niyang sabihin kanina dahil kahit ako mismo ay umaasa sa mga ikinikilos niya.
I won't deny it,the actions he is showing is making me uneasy. Palaging kumakalabog ang dibdib ko sa tuwing napapalapit siya sa akin. Palagi akong kinakabahan sa tuwing nagbibitaw siya ng matatamis na salita.
Am I falling for him? How would that be possible,e ilang buwan ko pa lang naman siyang nakikilala? And those months,I used to hate him. I hate the way he talk,I hate his aura,maangas at hambog siya sa paningin ko.
Kaya imposible!
Hanggang sa matapos na kaming kumain at nahatid na niya ako sa resort ay occupied pa rin ang isip ko sa mga pahiwatig niya.
"Aakyat na ako" paalam ko.
"Wala pa ang mga kapatid mo,sasamahan na muna kita hanggang sa dumating na sila."
"Ayos lang ako,Casimir. . . baka pauwi na rin naman sina Ahia. I can manage." umiling lang siya at nauna nang pumasok sa elevator.
Pinindot niya ang tamang floor at tahimik na tumabi at binigyan ako ng espasyo. Kami lang dalawa ang sakay nito kaya nabalot tuloy ng katahimikan ang buong biyahe paakyat.
Nauna akong lumabas at pinindot ang passcode ng room namin. Nakabuntot lang siya sa akin,nagmamadali akong pumasok sa kusina at kumuha ng baso para uminom ng tubig.
Mauubusan ata ako ng laway sa katahimikan naming dalawa.
"Can we talk?"
Naibuga ko ang tubig na iniinom dahil sa gulat. Umubo pa ako ng ilang beses dahil nabulunan sa ininom kong tubig.
He immediately handed me the tissue,nagpunas ako ng lumabas na tubig sa ilong. Kadiri!
Ano ba naman kasi 'yan,ginagamitan na naman ako ng ninja moves niya kaya tuloy ay hindi ko ramdam na parating siya.
Hinaplos niya naman ang likuran ko upang maibsan ang aking ubo. Pero imbes na matuwa ay kabado ako. I can't bear him touching me,palagay ko ay malulunod pa ako lalo.
"A-ano naman ang pag-uusapan natin?"
May ideya naman na ako pero gusto kong manggaling sa kanya mismo.
"A-ahm. . .about us."
Nasamid akong muli sa narinig mula sa kanya. Anong us ang pinagsasabi nito? Wala namang kami,ah?
"I mean, I want to officially court you from now on if you let me?" kabado siyang ngumiti.
Sa ilang buwan naming nagkakasama, sa ilang buwan niya akong inaasar at kinukulit,ngayon ko lang nasaksihan na ganito ang mga kilos niya.
Bakit siya kinakabahan? Bakit tila ninerbyos siya? Dahil ba manliligaw siya sa akin o dahil may posibilidad na hindi ako papayag?
"It would be my first time,you know? Courting someone I like. . .nakakakaba pala." bahaw siyang tumawa.
Halatang kabado nga.
"Ano. . . " hindi ako makakuha ng tamang sagot.
"I know it's way too fast for you, but it's a long time overdue for me,Bernice. I've waited this for months, to finally ask you. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon noon dahil takot akong magpaalam sa mga kapatid mo. Takot akong malaman nila na gusto kita at tatanggalin na nila sa akin ang karapatang bantayan ka."
Mas lalo akong natahimik. Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko.
"P-papayag ka bang ligawan kita?" nauutal niyang tanong.
Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko na kahit ako mismo ay kabado sa magiging desisyon ko ay tumango ako.
"Talaga?" paninigurado niya kaya tumango akong muli.
"I want to hear it,Bernice." paniniguro niya,hindi kumbinsido sa pagtango lang. "Would you let me court you,Bernice?" tanong niyang muli.
Tumango ako ng ilang beses bago habang sumasagot.
"Y-yes...I'll let you court me,Cas."
Halos tumalon siya sa tuwa dahil sa sagot ko. Napasigaw din siya ng yes at inisahang hakbang ang pagitan namin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.
Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Kahit gaano ko pa itanggi na takot ako,na hindi pa ako handang pumasok muli sa ganito ay hindi ko rin papigilan ang sarili ko.
Oo,gusto ko rin ang maramdam kung paano maligawan. Gusto ko rin masubukan kung ano ang pakiramdam ng nililigawan. Dahil kahit hindi ko man aminin ngayon,alam ko at ramdam ko na gusto ko rin siya kaya pumayag ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top