09
Sinundo niya nga ako ng sumapit ang gabi,medyo maaga siya at naghintay talaga na magsarado kami ng beerhouse.
"Alam mo na ba ang kukunin mong kurso sa kolehiyo?" tanong niya habang nagmamaneho.
Ilang beses ko nang inisip 'yan. Kinukumbinse rin ako ni Alaric na kumuha ng related sa negosyo ngunit nagda-dalawang isip parin ako.
Tumango ako sa kanya.
"So,nakumbinse ka ng kapatid mo?"
Siyempre alam niya. Hindi na ako magtataka kung nagkwento nga si Alaric sa kanya. Isang iling pa ang ginawa ko na siyang nagpahagalpak sa kanya ng tawa. Tila nanalo na naman sa lotto ang gago at sigurado akong aasarin na naman nito ang kapatid ko.
"I want to pursue tourism,gusto ko ring sumampa ng barko kagaya ni ahia." nakangiti kong sabi.
Dati,pangarap kong maging flight attendant or magtatayo ng sarili kong travel agency. Ngayon,gusto kong maging sea stewardees,hindi lang naman dahil 'yon sa kapatid ko. Gusto ko rin 'yon noon pa man,nadagdagan lang talaga ni Ahia ang determinasyon ko.
"Kawawa naman si Al,kamukha mo na nga nanay niya tapos kay Ashton ka rin susunod ng yapak." malakas siyang natawa dahil sa sinabi niya.
"Tss!" ang ingay talaga ng isang 'to kaya ayaw ko talaga sa tuwing nasa paligid siya,e.
Tumawa siya. Minsan din baliw talaga,wala namang nakakatawa.
"Dati talaga iniisip ko bakit ka iniwan ng bestfriend mo." sinimaan ko siya ng tingin. "Pero ngayon,walang duda,dahil suplada ka kaya ka pinagpalit sa iba."
I was stunned by his remarks.
Mas lalong lumakas ang tawa niya na nakakainsulto sa parte ko. Mas nadagdagan ang kung anong bigat sa pakiramdam ko.
Maybe he's right? Kaya siguro mas pinili ni Marco ang babaeng 'yon dahil sa ugali ko?
Hindi ako kumibo,hinayaan ko siyang pagtawanan ako kahit sa loob-loob ko ay gusto ko na siyang sigawan. Gusto kong sabihin sa kanya na kahit pa hinahayaan ko siyang lumapit sa akin at sunduin ako ay wala siyang karapatan na ipamukha sa akin 'yon.
Hindi niya ba alam na kahit pabiro pa ang pagkasabi niya ay nakakasakit siya ng ego? Hindi niya ba naisip na hindi naman kami ganoon ka close at wala siyang karapatan na insultuhin ako?
His laughter die down as he cleared his throat before focusing in the road. It brings silent for the both of us. Hindi ako nag-aksaya ng kahit isang minuto upang balingan siya ng tingin. Ayaw kong tingnan siya dahil mas lalo lang maghihimutok ang utak ko. Mas lalo lang akong maiinsulto dahil sigurado ako na ang tingin sa akin ng lalaking 'to ay kawawa.
Hanggang sa makarating na kami sa apartment ko ay tahimik kaming pareho. Bumaba ako ng walang paalam at kahit siya ay hindi ko narinig na bumusina ng kanyang sasakyan bago umalis.
Better.
At kung maaari sana ay huwag na rin siyang magpakita sa akin sa susunod na mga araw,linggo,buwan,taon o kahit habambuhay ay wala akong pakialam.
I should not be affected by this. At kahit ilang ulit ko pang itatak sa isipan ko na dapat nakamove-on na ako sa ganoong issue ay hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari.
Galit ako,galit ako dahil kahit hindi man sabihin ni Casimir 'yon ng direkta ay alam kong totoo. Maybe that's the reason why Marco chose another girl over me because I was not good enough for him. I am hard to handle,I have so many issues and baggages in life.
Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon kakaisip sa mga nangyari. Kaya kinabukasan ay tamad akong bumangon at walang gana kong kinuha ang nakasabit na tuwalya sa likod ng pinto.
Ngunit natigil ang pagbukas ko nito ng may marinig na kaluskos sa labas ng kwarto. I was hesitate if I should open the door or just stay inside my room.
Kinabahan ako lalo nang mas lalong lumakas ang kalabog na tila may nahulog na kung ano.
Sigurado akong dito 'yon dahil hindi naman maingay ang mga kapitbahay ko at minsan lang din natatauhan ang mga kwarto nila tuwing umaga.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan,sumilip ako saglit at nakitang wala namang tao sa sala. I tiptoe my feet to avoid noise. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto na walang ingay na ginagawa.
Inilibot ko ang tingin sa maliit kong sala ngunit wala talagang tao. Inabot ko ang nakahilig sa pader na walis tambo at binitbit ito sakaling may tao nga ay ito ang plano kong pamalo.
Ano naman ang kukunin sa bahay ko kung sakaling magnanakaw nga 'yon? Wala namang mamahaling gamit dito at kung pera ang kailangan niya,e, wala ako noon!
I walk slowly towards the kitchen,nadaanan ko ang pintuan at nakabukas na nga ito. May maliit na pader lang ang pagitan ng sala at kusina ko kaya kung sakaling may tao nga sa kusina ay hindi mo makikita talaga.
Itinaas ko ang dalang walis at handa na kung sakali ngang may magnanakaw na nasa kusina. Dahan dahan akong sumilip sa pinto at nakita nga ang isang bulto ng malaking tao.
Nakatalikod ito sa gawi ko at may kung anong ginagawa sa lababo. Kabado akong itinaas lalo ang bitbit ko at handa na sanang ihampas sa taong nasa harap ko ngunit bigla itong humarap sa akin at halos malaglag ang panga ko.
It was Casimir. He is wearing a simple shirt and pants.
May hawak na maliit na bowl at tinidor. Sa loob noon ay itlog na binabati niya.
Kumunot ang kanyang noo habang tinitingnan ako.
Mas lalong nag-alpas ang galit ko dahil hindi ko inaasahan na magpapakita pa siya sa akin ngayong umaga matapos niya akong insultuhin kagabi.
Hindi ko napigilan ang sarili at hinampas ko nga siya ng walis tambo na kanina ko pa bitbit. Napa-aray naman siya dahil walang tigil ko siyang pinagpapalo sa kanyang hita.
Ang kapal ng mukha nitong magpakita pa sa akin! At ang kapal ng mukha niyang pumasok sa pamamahay ko ng hindi man lang nanghingi ng permiso! Ang kapal ng mukha niyang takutin ako!?
"Fuck! Fuck!" ungot niya ng walang humpay ko parin siyang pinaghahampas.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa ritong hayop ka! At sino nagsabi sa'yo na p'uwede kang mangialam sa kusina ko,ha?" nanggagalaiti ako habang pinapalo parin siya.
"C-can you stop hitting me first,shit!" reklamo niya ngunit hindi ko parin tinigilan.
"Huwag mo akong utusan at murahin,tarantado ka!" sabay palo ko parin sa kanya.
"Masakit kasi,Bernice." hindi parin ako tumigil.
Inilapag niya ang kanyang bitbit na bowl bago ako hinarap muli at pinipigilan ang palo ko sa kanya.
"Stop it...please...Ashanti Bernice! Ang sakit." reklamo niya bago nahawakan ng tuluyan ang walis.
Nakatitig na siya sa akin ngayon na tila hinihigop ako ng kanyang mga mata. Ang kaninang galit ko sa kanya ay tila nahigop na iyon sa pamamagitan ng titig niya ngayon.
Ang insultong pinukol niya sa akin kagabi ay naglaho na ng makita ko lang ang presensya niya kanina.
It's funny to think that I almost couldn't sleep thinking about what he said last night but his presence now seems to have vanished my anger just like a snap.
Ano ba ang meron sa lalaking ito na kahit galit na galit ako sa kanya ay nawawala kaagad dahil lang sa presensya niya?
"Kita mo,nasira ko tuloy ang walis ko dahil sa ginawa mo." reklamo ko sa kanya ng tuluyan niya nang nakuha iyon sa akin.
"At sa walis ka pa talaga naawa sa lagay na 'yan,ah?"
"At sa tingin mo,nakakaawa ka?" I crossed my arms while looking at him.
I scan his body,at dahil naka t-shirt lang siya at kita ko ang pamumula ng kanyang balat sa braso. I really hit him hard.
Naguilty tuloy ako dahil kahit malaking tao siya at moreno ay klaro parin ang mga marka sa kanyang braso.
Umayos agad ako ng tayo at medyo nahihiya sa ginawa.
"See,namula tuloy ang balat ko dahil sa walis tambo na 'to."sabi niya.
Napasinghap ako ng bigla niya nalang itinapon ang walis pabalik doon sa pwesto nito kanina. Chineck niya naman ang kanyang braso na siguradong napuruhan ko kakahampas kanina.
Kasalanan ko ba kung sinangga niya ang palo ko? Sus,as if naman totoong nasaktan siya,e,sundalo siya,'di ba? Mas masakit pa diyang ang insulto niya kagabi,kaya huwag ako!
"Arte mo,mas masakit ang tama ng bala diyan. Hindi nga abot sa bituka 'yang pamumula ng balat mo,e." I rolled my eyes to him.
Tumawa naman siya at tinalikuran ako at pinagpatuloy ang ginagawa kanina. Mabuti nalang at hindi ito nabuhos.
"Baka umiyak ka kapag ako natamaan ng bala." nakatawa niya paring sabi.
"Asa! Baka mas mauna ka pang matamaan sa akin bago ang bala."
"Natamaan na nga..." mahina niyang saad ngunit dinig ko parin.
"Ha?" lito kong tugon sa kanya.
Alam ko naman na hindi maiiwasan 'yon dahil sa trabaho niya. Pero siguro dati natamaan na siya sa giyera. Pero kung mangyayari ngayon na kilala ko na siya siguro malulungkot ako.
Kahit naman annoying at makulit siya ay maaawa parin ako sakaling matamaan nga siya habang nasa giyera.
"Hotdog." natatawa niyang saad sabay patong sa counter top ng platong may lutong hotdog.
Kita mo 'to,hindi talaga mawawala sa kanya ang pagka gago niya. I rolled my eyes again,natawa naman siya at nagpatuloy na sa pag prito ng itlog.
I scan his back, nakapangalumbaba ako habang nakatitig sa likuran niya.
Malaking tao si Casimir,matangkad din at moreno ang balat. He has a bulky and strong body, malaki rin ang puwet niya na siyang mas lalong nagpapaganda ng kanyang likuran.
Bakit ganoon? Ang unfair lang sa parte ng mga babae na mas may puwet pa ang mga lalaki,'no?
"Stop staring..." saway niya kahit nakatalikod parin.
"I-im not."
Humalakhak siya dahil nautal ako.
"Yeah, I felt it,Bernice."
"Feeling nito."
Ipinatong niya pa ang nalutong itlog sa counter at naglagay muli ng mantika sa kawali. Nakita kong may nakahandang bacon sa gilid at meat loaf. Dala niya siguro ang mga 'yan dahil wala namang stock dito. At kung nakapag-grocery man ako ay tamang sardinas at beef loaf lang ang afford ko.
Nakakapagtaka rin kung paano niya nabuksan ang pintuan ko.
"Paano ka nakapasok dito?"
"Susi."
"Kapal ng mukha mo,saan mo nakuha?"
"Ashton."
Shoot! Kaya pala, naalala kong binigyan ko pala sila ng duplicate ng susi ko dahil nga sabi nila ay for emergency purposes only.
Tapos binigay pala nila sa taong 'to at ngayon ay nambubulabog sa akin?
Nagpatuloy lang si Casimir sa ginagawa niya. Malapit naman na sigurong matapos 'yon kaya hihintayin ko nalang muna at kakain ako bago maligo.
Tumayo ako at kumuha ng dalawang plato para sa amin. Nag init rin ako ng tubig sa heater at nilabas ang kape. Gagawan ko ba siya ng kape o siya nalang magtimpla para sa sarili niya?
Ngunit bago ko pa masagot 'yon ay nagsalita siya.
"Pure coffee for me,please. With just one teaspoon of sugar."
Ngumiwi ako sa demand niya,kapal ng mukha,akala mo naman ay titimplahan talaga,e 'no?
"Akala mo naman gagawan kita?" asar ko.
"Ah,hindi ba?" nagkibit balikat ako ngunit tumawa lang siya.
Iyan ang pinaka ayaw ko sa kanya,nakakainis ang tawa niya dahil tunog nang-iinsulto palagi.
Tsaka ko lang din nagets bakit siya tumawa ng napagtanto kong dalawang tasa pala ang hawak ko. Hindi ko tuloy maiwasan na hampasin siya gamit ang baso na 'yon.
"Nakailang hampas kana,ah." seryoso niyang sabi.
"Ano naman ngayon? Nagrereklamo ka?" taas kilay kong saad. "P'wede ka nang umalis kung ganoon." ngumisi ako sa kanya.
"Hindi po ma'am,gusto ko nga po na nahahampas mo,e. I feel bless." sarkasmo niyang sabi. Ipinaglapat pa niya ang dalawang kamay animo nagdadasal.
Napailing ako habang nagtitimpla na nga ng kape naming dalawa.
My kitchen is small and even smaller because of him. Walang lamesa rito at tanging maliit na counter top lang na siyang ginawa kong kainan na rin.
Nang matapos ang pagtimpla ay bumalik na ako sa upuan ko kanina. I waited for him to finish his cooking. Agad naman siyang naupo sa harap ko ng matapos na siya.
Hindi ko napansin na may fried rice rin pala siyang ginawa. So,ibig sabihin n'on ay kanina pa talaga siya narito?
Mataman niya akong tinitigan ng makaupo na siya sa harap ko.
"What?" Iito kong tanong.
Napalunok siya at agad ding nag-iwas ng tingin sa akin. Napailing.
"K-kumain ka na." nauutal niyang saad.
I shrugged my shoulders.
"Pray." saad ko bago nag sign of the cross. I murmured my little thanks giving and prayers before started to eat.
Mangha naman niya akong tinignan habang kumakain ako. Panay ang sulyap ko sa kanya dahil ramdam ko ang titig niya.
"Ano?susubuan pa ba kita?" nakangisi kong saad.
Napailing lang siya at ngumiti. Ganoon din ang ginawa ko,napailing ako dahil nababaliw na naman yata siya.
"I am so lucky to see you like this." nag anagat ako ng tingin sa kanya,nakangiti ito habang matamang na nakatitig sa akin.
Tumaas ang kilay ko.
"Like what?"
"Kahit suplada ka,may estriktang mukha at maldita. You have these side pala..." ngumiwi ako.
Grabeng description naman iyon. Pero kaagad din naman akong napangiti ng maalala kung bakit niya nasabi 'yon.
"Kaya nga may kasabihang, do not judge the book by it's cover,'di ba?" hindi ko na dinugtungan pa ang sinabi ko.
Natawa naman siya lalo.
Bahala na siya kung ano man ang isipin niya. Oo,at masama ang ugali ko sa ibang taong nakikilala ko. Iba ang tingin ng mga taong nakapaligid sa akin sa labas ng bahay ko pero hinahayaan ko 'yon dahil dito mismo sa pamamahay ko ay makilala mo ang tunay na ako.
This house can only judge me. Dito ko naranasan ang lahat. Ang bawat sulok ng kwartong ito ang nakakita at nakasaksi ng lahat sa akin. Kaya hindi ko hinahayaan ang ibang tao na tapakan ako dahil hindi sila ang bahay na ito.
Wala silang karapatan na paratangan ako sa mga gawaing hindi ko naman nagawa. Wala silang karapatan na insultuhin ako dahil sa trabaho ko. Wala silang karapatan na husgahan ako dahil hindi nila nakita ang hirap ko.
Ito, dito mismo sa bawat sulok ng kwartong ito. Dito ko nailabas lahat ng galit,saya,lungkot at pighati ko. Kaya itong bahay lang na ito ang hinahayaan kong husgahan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top