06


Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng lalaking 'to at panay ang tingin niya sa akin. I just can't believe that he is our cousin,magkapatid ang tatay namin.

All along, may kamag-anak pala akong malapit lang sa akin at hindi ko man lang kilala at may-ari pa ng pinakasikat na resort sa buong lalawigan.

I didn't expect that,sino ba naman kasi ang mag-aakala na kapamilya ko pala siya? Alam kong magka-apilyedo kami pero hindi ko alam na magkamag-anak talaga. I thought Papa's relatives only live in that particular city. Hindi ko naman inaasahan na nagkalat pala sila kung saan-saan at may isa pa silang kapatid na nasa kabilang bayan lang.

All this time,this Montero resort owned by a relatives without my knowledge.

He keep on eyeing me from head to foot na para bang hindi makapaniwala na ako ito ang kapatid ng mga pinsan niya. Hindi na tuloy ako makapag concentrate sa pagkain ko dahil sa mga titig niya.

"Are you guys sure that she's not your full blooded sister?"nakakunot pa ang noo niya at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa mga kapatid ko.

"You know without the half half they said? Kamukhang-kamukha siya ng mommy niyo!" I almost choke my food.

Kaagad ko namang kinuha ang baso ng tubig sa tabi ko at ininom ito. Nang tingnan ko ang dalawa kong kapatid ay wala man lang silang reaksyon tungkol dito. Tila inaasahan na nila na sasabihin ng pinsan nila 'yon.

"Yeah, I also noticed that even when she's still a little...kaya siguro ayaw ni mommy sa kanya." Ashton simply said and chuckled.

"I heard daddy and mommy fight because of that before..."sabat ni Alaric.

"Kaya siguro galit na galit ang mommy niyo kasi sa kanya pinaglihi si Ashanti."

They all laugh.

Nakakunot ang noo ko, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makasama ng ganoon katagal ang nanay nila. Kung may pagkakataon man na nakasama ko silang mag-anak sa hapag noon hindi ko naman nakuhang titigan ang nanay nila dahil sa takot na baka mapagalitan niya.

Kaya hindi ko alam,ni kahit litrato nito ay wala ako kaya hindi ako sigurado sa mga naririnig ko ngayon.

Sa ilang taon kong pananatili sa kanila,I just saw her face fully once,at sobrang galit siya noon. Kaya hindi ko nakuhang i-eksamina ang kanyang mukha.

Tumawa si Hymier na para bang may nakakatawa sa sinabi ng dalawa. Maybe the situation?

Nakakatawa naman talaga kung sakaling may resemblance nga kami ng nanay nila. Funny how fate played us,eh?

Kaya siguro galit na galit siya sa akin,dahil hindi lang ako anak ng kabit ng asawa niya...kamukha pa niya.

"Siguro kapag nakita siya ulit ni tita mamahalin na niya kasi nga...look at her..." sabay turo pa niya sa mukha ko. "She's her little version—"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil may nagdoorbell ulit. This time,Alaric stood up and open the door for the new comer.

Narinig nalang namin na nakikipagtalo na si Alaric sa bagong dating. And it's Casimir...ang aga-aga naman niya. Wala ba siyang trabaho?

"Oh, I wasn't inform that it was a family gathering, was it?" may nakakalokong ngiti pa sa labi niya.

"Nor we're inform that you are obliged to come here everyday,though..." Ashton rolled his eyes.

"Ang others mo, Ash! Kesyo nagamit niyo na ako,gaganyan na kayo sa'kin?" He even held his chest,acting like hurt.

Ang arte!

"Shut up! We wanted to pay you but you refused. It wasn't our fault." supladong sabat ni Alaric.

Alam kong magkakaibigan sila pero hindi ko lang talaga makuha ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Parang may galit ang bawat isa sa kanila,e.

We continue eating, tahimik naman kami at nag-uusap sila minsan sa hindi ko maintindihan. It's all about business at sumisingit din minsan si Casimir sa kanila.

"Saan ka naka-destino ngayon? Wala ka bang trabaho,iniwan mo mga tauhan mo at ikaw pagala-gala ka lang?" kaswal na tanong ni Alaric kay Casimir.

"Santa Barbara, ayaw ko nga sana doon kasi tahimik naman na pero nagpumilit si General. Doon ako natulog,huwag mo nga akong pagmukhaing iresponsable. May pinadala akong papeles sa head quarter kaya dumaan nalang ako rito. Ang laki ng problema niyo sa trabaho ko." mahabang sagot niya.

"Gusto mo naman sa Santa Barbara kasi may pinopormahan ka?" halos masamid si Casimir sa kinakain niya, I saw how Hymier jaw clenched. Hindi ko rin maintindihan.

"Gago, hindi ako tipo noon...kaya kaibigan lang." nag-aalangang sagot niya tsaka tumingin kay Hymier.

"At kung tipo ka,popormahan mo?" may galit na saad ni Hymier.

Nasamid naman sa kinakain si Casimir dahil sa sinabi ng isang.

"Sa ilang buwan kong nakakasama,sa tingin mo kung may gusto sa akin yung tao,hahayaan ko?" nakangising sagot naman ng isa.

"Tsk!" sagot lang ni Hymier.

"Bakit,Mier?" Ashton asked.

"She's my girl." sabay namang napabuga ng tubig sina Ash at Alaric.

Mabuti nalang at nakailag ako kung hindi ay nabugahan na ako ni Alaric sa mukha. Tila ba bago sa pandinig nila ang sinabi ng pinsan.

"The fuck?!" hindi makapaniwalang saad ni Alaric. Sinamaan naman kaagad siya ng tingin ng kapatid.

Nasa harap kami ng pagkain ngunit kung makapag-usap sila at mura ay parang wala lang. Napailing nalang ako. Ganito ba sila araw araw?

"Mouth!" saway ni Ashton sa kanya.

"I didn't know,okay? At tsaka nagmamagandang loob lang ako dahil palaging umuuwi ng gabi mag-isa." pagtatanggol ni Casimir.

"Yeah, at kahit alam mo na ako ang boyfriend hindi mo parin tinigilan? And all people there thought that you are a couple,the hell!?" inis na saad ni Hymier na siyang tinawanan ng dalawa.

"Hindi ko na iyon kasalanan na madudumi ang isip ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ayaw mo no'n mag nagbababtay sa kaniyas." proud pang sabat ng isa.

"At ano ka,body guard niya? Alam kong may gusto ka sa kaniya kaya mo sinusulit ang pagkakataon na magkalapit kayo"

"Bro,she's like a sister to me."

Hymier scoffed.

"Tsk, sister my ass! Don't bro,bro me! may atraso ka pa sa akin."

"Woah, I didn't know you were that serious to the girl. Where's the playboy Hymier back in manila?" pang-aasar ni Alaric.

"Taga San Vicente lang pala ang makakatapat mo? Sana matagal ka nang dinala pabalik rito." nakangising saad ni Ashton.

"Nagsalita kayo,baka nga dito ka rin makakakita ng katapat mo,Ash! Si Alaric malabo."naiiling na saad ni Hymier.

"Kung nakita niyo lang kung paano niya ako tingnan noong una. Grabe, kung nakakamatay lang ang tingin,umiiyak na kayo at naluluksa sa akin ngayon." natatawang sabat naman ni Casimir.

"Talaga!?" halata sa tono ng boses ni Hymier na napipikon siya.

"Asa ka namang malulungkot kami?" pabirong sagot din ni Ashton.

I don't get how they talk, kung nag-aasaran ba sila o ano but they all look playful at wala rin namang napipikon sa kanila. Kung aasarin ang isa gumaganti rin kaya ang ending nagtatawanan sila.

Buong maghapon akong nanatili pa roon sa hotel. Hanggang sa makauwi na sa apartment ay hindi ko parin lubos maisip na nakakasama ko na ngayon ang mga kapatid ko.

Hinatid ako nila Ashton at Alaric pero tumanggi akong hanggang sa looban dahil sigurado akong pag-uusapan naman ng mga kapitbahay ang mga kasama ko. Ayaw ko rin namang ipaliwanag ang sarili ko dahil hindi ko obligasyon 'yon. They will just continue to think bad about me kahit pa ano ang sabihin ko kaya hahayaan ko nalang sila.

"O,hindi ka hinatid ng jowa mo? O iniwan ka nalang basta-basta sa kwartong inupahan niyo pagkatapos ng nangyari sa inyo?" hirit agad ni Aleng Berna nang madaanan ko siyang may bitbit na namang walis sa gilid ng bakuran nila.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngunit heto parin siya at nagpapanggap na naglilinis ng kalsada.

As if naman hindi tsismis ang hanap niya kaya siya nakatambay diyan.

"Ano pang silbi ng pananatili ko roon kung tapos na ang kailangan niya,'di ba?" pakikisabay ko sa sinasabi niya.

Alam ko naman ang tumatakbo sa isipan ng matandang 'to kaya ko sinasakyan.

"Kung sabagay,ganyan naman talaga,'di ba? Gawain ng mga pota ang ganyan,e, matapos magpaligaya,iiwan na." mukha pa siyang proud sa sarili niya ng sinabi niya 'yon.

Napailing nalang ako at nilagpasan siya. Ayaw kong sirain ang maganda kong mood dahil sa mga walang kwentang bagay at tao na katulad niya.

Narinig ko pa siyang may binubulong-bulong habang papalayo na ako pero hinayaan ko na lamang.

Napasalampak ako sa upuang kawayan nang makapasok na sa kwartong inuupahan ko.

Tumingala ako sa kisema at napapikit. Nag-iisip sa mga susunod na mangyayari. Alam ko naman na hindi na rin maiiwasan ang magtagpong muli ang landas namin ng tatay ko ngayong nakita na ako ng mga kapatid.

Sadyang hindi pa lang ako handa sa mga mangyayari. At higit sa lahat,hindi pa ako handang makita si Papa at ang asawa niya.

My next days went on productively, I continue working day and night. Kailangan kong mag-ipon habang wala pang pasok dahil kahit sigurado naman ako na makakapasa sa scholarship ko, kailangan ko parin ng pera para sa allowance kapag pasukan na dahil hindi na ako magtatrabaho sa umaga noon at limitado na rin ang oras ng trabaho sa gabi.

Medyo malaki rin kasi ang sahod ko since dalawang trabaho ang ginagawa ko. Cashier sa tindihan sa umaga at cashier din sa beerhouse sa tuwing gabi.

Dahil sa perang nakukuha ko, kahit papaano ay nakaka-ipon ako lalo na kapag kagaya nito na wala pang pasok.

"Ikaw na muna ang bahala rito Shan,ah? Bukas ng umaga pa kami uuwi. Hanggang alas dose lang kayo ngayon dahil wala kami." bilin ni ate Erma,aalis kasi silang mag-asawa papuntang siyudad para mamakyaw ng paninda.

Tumango lamang ako at pinagpatuloy na ang pag-audit dahil katapusan na ng buwan ngayon. I always love doing this pero wala akong plano kumuha ng kurso na related sa negosyo.

At isa pa,wala naman akong hahawakan na negosyo kaya wala ring sense. Nagda-dalawang isip pa nga ako kung alin sa mga kursong gusto ko ang kukunin,e. Gusto ko ang Tourism pero nagdadalawang isip parin ako dahil gusto ko rin ang kursong Hospital management.

Tsaka ko na iisipin 'yon kapag malapit ang enrollment.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtulong sa mga server ng mag gabi na. Hinayaan ko muna si Erin na manood ng paborito niyang palabas sa T.V dahil wala naman ng pasok kinabukasan. Nagbilin lang ako na pagsapit ng alas onse ay patayin na at matulog. Alam kong susunod naman siya sa bilin ko dahil kung hindi ay makakatikim siya sa akin kapag naabutan kong gising pa siya mamaya.

Ilang oras pa ang nakalipas ng unti-unti na ring dumarami ang customers. May iilang grupo ang umukupa ng malaking lamesa sa labas,puno na rin ang maliliit na lamesa rito sa loob. I smiled while roaming my eyes around, if nanay Ester was here, she would be glad seeing that her business is now slowly boom.

Nawala lang ang ngiti ko ng mamataan ang isang
grupo na papasok sa beerhouse.

It was Casimir with three men, they all look casual but their walk and aura screams alot. Sigurado akong kasamahan niya ang mga iyang sundalo.

Nagtatawanan sila habang papasok, inilibot kaagad ng mga kasamahan niya ang mga mata sa paligid. Siguro ay naghahanap ng bakanteng mauupuan,nagkataon pa na ang bakante ay sa 'di kalayuan lamang ng cashier kung saan ako naka-pwesto.

Kaagad nagtama ang paningin namin ni Casimir. Natigil ang tawa niya at napalitan ito ng isang ngiti. Isang matamis na ngiti na siyang nagpatigil saglit sa tibok ng puso ko.

I don't understand why my heart skip its beat and I feel nervous at the same time.

Agad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may inaayos sa listahan. Mabuti nalang at may naalala ako. I need to inform ate Erma that our liquors were nearly ran out of stock.

Ayon nga ang ginawa ko pero ilang minuto lang ang nakalipas ng may kumatok sa yari sa kahoy na na lamesa sa counter. Pagka-angat ng tingin ko ay nagulat pa ako sa taong nasa harapan.

Nakangiti siya na abot taenga,kaagad naman naghurumentado ang puso ko. Napalunok ako.

I cleared my throat before I speak.

"Ano ang order niyo?" I asked him without looking in his eyes.

"Hanggang anong oras kayo?" pag-iiba niya ng sagot.

Napatingin naman ako sa mumurahin kong relo. It was already nine in the evening and ate Erma told me that we will close the beer house at twelve.

"Alas dose lang." kunot-noo kong sagot. Bakit ba kasi niya tinatanong.

Tumango siya at sinandal pa ang kanang siko sa counter.

"May server naman na pwede tawagin kung oorder kayo. No need to come here." tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"I knew that." walang gana niyang sagot.

"Then why are you here?" kahit na naiinis ay hindi ko pinahalata 'yon.

"Ang sungit naman ng cashier..." nakangisi pa siya at nang-aasar.

Hindi nalang ako umimik at bumalik sa ginagawa. Maya-maya pa ay sinabi na niya ang order niya.

"Isang bucket ng San Mig at dalawang serve ng sizzling sisig. Padagdag na rin ng isang boteng bacardi." pagkasabi ay inilabas na niya ang kanyang wallet.

Hindi ko maiwasang tignan 'yon bago nagtipa ng order niya. I saw a picture of a girl inside it,hindi ko man naklaro masyado ay may ideya na akong maganda ito.

Itinuon ko nalang ang aking mata sa computer at inayos ang order niya. Agad kong dinala sa kusina ang papel na may nakasulat na pulutan at inayos na rin ang inumin na gusto niya.

Pagkabalik sa counter ay ipinatong ko ang bucket ng beer doon at kumuha naman ng alak sa cellar. Nakapangalumbaba na siya ng bumalik ako sa counter habang titig na titig sa bawat galaw ko.

I gave him his change after that but he refuse to accept it kaya kumunot ang noo ko.

"Ano?" tanong niya.

"Sukli mo."

"Sa'yo na." walang gana niyang sagot.

"Hindi ko kailangan."

"I mean, alam ko naman."

"Oh tapos?"

"Para sa mga kasamahan mo kaya ibigay mo nalang sa kanila." mahinahon niyang sagot.

Nalaglag ang panga ko sa pagkapahiya. I clenched my jaw,bakit niya pa kasi sinabi na para sa akin?

Inis kung inilagay ito sa box ng mga tips. We have this box na lahat ng binibigay na tips ng costumer namin ay iniipon doon at pagkatapos ng trabaho ay bibilangin bago hatiin sa bawat isa. Sa bawat araw na nagdaan ay malaki ang nakukuha naming tip mula sa mga costumers,lalo na kapag tag-ani o 'di kaya ay katapusan ng buwan dahil sahuran ng mga empleyado.

Kahit kasi hindi naman ganoon kalaki ang beerhouse na ito ay marami parin ang dumadayo dahil tahimik daw at maayos.

Natahimik ako pagkatapos noon, hanggang sa nakuha ko na sa kusina ang pulutan na order niya. Tatawag pa sana ako ng mga kasamahan ngunit nauna na siyang tawagin ang kasama niya.

"Hihintayin kita hanggang sa matapos ang trabaho mo." nakangiti niyang saad sa akin.

Kumunot ang aking noo.

"Ano?"

"Ihahatid kita pauwi mamaya."

"Hindi ako uuwi."

Siya naman ang nakakunot-noo kaya dinugtungan ko.

"Dito ako matutulog dahil wala ang mag-asawa."

Tumango siya.

"See you tomorrow then?"

"What?"

"See you tomorrow." kampante niyang sabi.

"Bakit?"

"Walang bakit-bakit. Masanay ka nang nakikita ako palagi,dahil simula ngayon ganoon na ang mangyayari habangbuhay."

Mas lalong nagatla ang itsura ko sa sinabi niya. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?

Hindi ko na siya sinagot, kumindat siya bago ako tinlikuran sa counter at nagtungo na sa lamesa nila.

Naiwan akong tulala habang sinusundan ng tingin ang kanyang likuran.

Anong ibig niyang sabihin na ganoon ang mangyayari habang-buhay?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top